Chapter 6
@Amegoko -hi, Cathy, thanks for the support!!
@RicaMayTulalian -- JohnArnie loves you..
@Vanessamolo - Merry X-Mas!!
@Destinywarriors - Baby Rain, sabi mo kakantahan mo ako. hehe!! Labyha!
Teph and Jona.. Ito na kayo.. Sa ibang nag-ask isama sa story wait lang po.. nakapila kasi.. hehe! Ayaw ko naman kayong gawing kontrabida.. haha!
___
"SO, anong plano mo? Mukhang ayaw kang tigilan ni Matthew ah?" ani Preyh. Kasalukuyan silang nasa silid ni Reghie at nakaupo silang tatlo sa kama. Si Preyh ay katabi niyang nakaupo habang nakasandig sa headboard at si Andra naman ay nakaupo sa harapan nila sa gitna ng kama na animo'y isang serena.
"Ewan ko ba sa gagong 'yon. Nakakapikon na siya. Gusto pa kaming isamang mag-ina sa campaign na 'yan." Naikuwento na niya ang tungkol sa gusto ni Matthew na silang mag-ina ang maging image sa campaign.
"Paano kung malaman niya ang tungkol kay Mateo?" tanong naman ni Andra. Ano nga ba? Ilang saglit siyang nag-isip at natigilan. Hindi siya handa sa bagay na 'yon, pero isa lang ang nasa isip niya at 'yon ay ang hindi bigyan ng karapatan si Matthew.
"Wala siyang karapatan sa anak ko." Kahit na katiting wala itong karapatan sa anak niya. Ni hindi nga nito gustong mabuo noon si Mateo.
"Oh my God!" She snapped her head towards Preyh as she heard Preyh exclaimed. Napaawang ang labi niya nang makita ang bagay na hawak ng kaibigan.
"Ito ba ang nagpapaligaya sa 'yo?" namamanghang tanong ni Preyh habang hawak ang kulay berdeng dildo. Isa itong dildo na hulk ang disenyo.
"Grabe ang laki nito, Redge! Pero mas masarap pa rin ang sari manok kaysa dito," natatawang ani ni Preyh.
"Akin na nga 'yan! Pakialamera ka talaga! Hindi ko 'to ginagamit 'no!" Tumawa nang tumawa si Preyh. Maging si Andra ay natatawa rin pero as usual napakahinhin tumawa. Itong si Preyh ang bulgar bulgar talaga maging sa pagtawa.
Napangisi siya sa biglang naisip. At kapagkwa'y isinalaksak niya sa bunganga ni Preyh ang dildo kaya natigil ito sa pagtawa. Siya naman ngayon ang natawa nang sobra dahil sa itsura nito. Nakasalaksak lang naman sa bibig nito ang malaking dildo. Tinanggal ni Preyh ang dildo sa bibig at 'pwe' nang 'pwe'.
"Ano'ng lasa?" Natatawa niyang tanong.
"Kakagamit lang niyan ni Russo kanina at hindi pa 'yan nahuhugasan."
"Kadiri!!" Hinampas hampas ni Preyh sa braso niya ang dildo. Tawa naman sila nang tawa na halos pumuno sa buong silid.
Hindi naman talaga niya ginamit 'yon kahit kailan. Itong si Russo kasi ang nagbigay sa kanya niyan para naman daw may sexlife siya. Actually, isang set 'yon ng iba't ibang klaseng sex toys — Avenger sex toys. She uses hawkeye and black widow. Those are smallest among the rest. Hindi niya keri ang hulk. It's too huge and she may need double stitches if she'll use it.
"Hi girls." Sabay-sabay nilang naibaling ang kanilang ulo sa gawi ng banyo kung saan nakatayo si Russo na bagong paligo. Nakatapis ito ng tuwalya.
"Gosh, Russo! Ang hot mo talaga," puri ni Preyh dito. Ang hot naman talaga ng bakla niyang kaibigan. Pero ang malanding bakla ay nakabalot ng puting tuwalya ang ulo.
Nagtinginan si Andra at Preyh at nagkangitian. Sabay na lumukso pababa ng kama ang dalawa at tumakbo papunta kay Russo. Agad na hinawakan ni Russo ang tuwalyang nakabalot sa ibabang parte nito nang dambahin ito ng dalawa.
"Aaayy! Mga manyak na babae! Layuan niyo nga ako!" Nawala ang bruskong boses nito at impit na tili ang umalingawngaw sa buong silid.
"Patingin lang kami kung malaki." Pilit na hinahablot ni Andra at Preyh ang tuwalyang tumatakip sa kaselanan ni Russo.
"Ayoko! Kung mga asawa niyo ang hahalay sa 'kin papayag ako. Layuan niyo nga ako mga bruha kayo! Kadiri!" Russo shooed the two away from him. Tawa naman nang tawa si Reghie habang nakatingin sa tatlong naghaharutan.
Tumayo siya at tinungo ang pinto nang may marinig siyang mga katok. Binuksan niya ang pinto at ang yaya ni Mateo na si Jona ang nabungaran niya.
"Ma'am Reghie, may naghahanap po sainyo?"
"Sino?"
"Matthew daw po."
Her brows furrowed. "Matthew? Sinong Matthew?" her heart was thumping so fast when she heard Matthew's name. Alam niyang si Matthew 'yon. Wala naman siyang ibang kilalang Matthew bukod sa ex niya. Pero anong gagawin nito sa bahay niya?
"Matthew daw po. Ang gwapo po ma'am," Jona giggled.
Naitirik ni Reghie ang mga mata sa nakitang reaksiyon ni Jona. Nagniningning ang mga mata nito. Hindi niya 'to masisisi, sa gwapo ba naman ni Matthew kahit sino talaga matutuliro dito. Lalo na ang katulad ni Jona na bata pa at madaling maakit at kiligin. Bente anyos pa lang ito. Taga Visaya ito at kakarating lang nito noong nakaraang linggo. Nilingon niya ang tatlo na patuloy sa paghaharutan. Napapailing siya habang napapangiti dahil nakalas na ang tuwalyang nakapulupot sa baywang ni Russo at lumantad na ang kalahating pigi nito.
"Hoy kayong dalawa tigilan niyo na na 'yan! Nandito si Matthew," sigaw niya sa dalawa. Tumigil naman ang dalawa sa panghaharot kay Russo at tumingin sa gawi niya.
"Russo, fix yourself and be a real man." Muli niyang nilingon si Jona.
"Jona, lalaki si Russo ah. Lalaking lalaki at asawa ko siya, tatay ni Mateo," paalala niya sa dalaga.
Tumango naman ito. Na-brief na niya ito sa sitwasiyon niya. Hindi naman sila nagpapanggap na mag-asawa sa bahay niya at sa harap ng mga kasambahay. Pero binilin niya dito na kung may pupuntang bisita ay sasabihin nilang mag-asawa sila ni Russo.
Sabay-sabay na bumababa ang tatlo at naiwan naman si Russo. Pinapasunod na lang niya ito. Natigilan si Reghie nang makita ang mag-ama — Matthew and Mateo — na nakaupo sa mahabang sofa. Kalong ni Matthew si Mateo sa kanang hita nito habang nilalaro naman ni Mateo ang larauang eroplano at sa tingin niya ay dala ni Matthew ang naturang laruan. Alam niya ang mga laruan ng anak niya at hindi kasama ang laruang hawak nito sa mga 'yon.
"Tignan mo ang mag-ama mo. Nararamdaman kaya nila ang pagiging mag-ama nila?" tanong Preyh.
They look cute together. Paano kaya kung sinabi niya kay Matthew ang totoo noon? Ano kaya ang naging takbo ng buhay nilang mag-ina? She was really happy when Mateo came into her life. Pero hindi lubos ang kaligayahan niya dahil sa mga panahon na kakapanganak pa lang niya kay Mateo ay lubos lubos din ang pangungulila niya kay Matthew. Akala niya hindi niya kakayanin noon ang buhay mag-isa sa San Francisco, but thanks to Russo. He was helping her and never left her.
She expelled a breathe before striding towards the living room where Matthew and Mateo were.
"Matthew." She called him and Matthew immediately snapped his head towards her. Ibinababa nito si Mateo saka tumayo. Binati nito si Andra at Preyh at nakipag-beso. Siya naman ang binalingan nito. Lumapit ito sa kanya.
"Hi, Redge," Matthew leaned forward and gave her a peck on her cheek. She couldn't help but to inhale his masculine scent. She missed nuzzling her face into his neck and smell his scent. God! Hindi dapat pero 'yon ang nararamdaman niya sa tuwing malalanghap niya ang mabangong amoy ng binata.
"How's your slimy mousetrap?" Matthew asked in his low voice before pulling away from her. Pinukol niya ito ng matalim tingin.
"What are you doing here? I don't remember that we have an unfinished business," pagtataray niya dito. Hindi na nakasagot pa si Matthew nang lumapit dito si Mateo.
"Tito Prince Matthew, can we show mommy the fist bump that you've taught me." Ngumiti si Matthew sa bata at umupo nang pa-squat sa harap nito upang magpantay ang mukha ng dalawa. Iniumang ni Matthew ang nakakuyom na palad at agad namang nakipag-fistbump si Mateo.
Mateo looks up at her with a cheeky smile.
"Did you see that mommy? That was cool, right?" wow! Cool! Maybe even that phrase taught by Matthew. Nunkang nagsalita ng ganyan ang anak niya. Binigyan na lang niya ng tipid na tango ang bata.
"Your daddy didn't teach you how to do that?" tanong ni Matthew.
"I don't have daddy," mabilis na sagot ni Mateo.
Parang dinakma ang puso niya at hinugot sa dibdib niya sa narinig na sagot ni Mateo. Kitang-kita niya ang pangungunot ng noo ni Matthew. Bigla siyang pinanlamigan ng kamay at parang tinatambol ang dibdib niya sa sobrang kaba. Tiningala siya ni Matthew at kapagkuwa'y lumagpas ang mata nito sa kanya.
"But his your father," Matthew said as he looks past her. She turned to look at her back. Russo was there.
"He's not my daddy," she heard Mateo and she quickly cocked her head, looking back at them. Her nervousness fueled in an instant.
"He's my papsy," Mateo added. Matthew nodded repeatedly and smiled. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib sa nakitang contentment sa mukha ni Matthew sa naging sagot ni Mateo.
"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong niya sa binata at hinaluan niya talaga ng pagkadisgusto ang kanyang boses. Tumayo si Matthew at humarap sa kanya.
"Hey dude." bati ni Russo kay Matthew at agad na binigyan ng manly hug si Matthew. Pero pupusta siya at papaputol niya ang daliri niya kung walang pagnanasa ang yakap na 'yon. Nahilot niya sariling sentido nang ilang sigundo na ang lumipas ay hindi pa rin bumibitaw si Russo mula sa pagkakayakap kay Matthew. Andra and Preyh chuckled.
"Babe!" Hinila niya si Russo at sinapo ang mukha nito. Inilapit niya nang husto ang mukha niya dito.
"Umayos ka bakla, hahalikan kita," nakangiti niyang bulong pero may pagbabanta ang titig niya dito.
"Hayuf naman kasi sa kakisigan ang ex mo," pabulong din nitong wika na halos hindi bumubuka ang bibig.
She was tapping his cheek repeatedly. "Pigilan mo ang female hormones mo ah. Kundi sasabihin ko kay Teph kung nasaan ka nang tulayan ka nang magahasa n'on." Russo rolled his eyes.
"Ang mata mo!" She uttered as she gritted her teeth.
Isa sa dahilan kung bakit sumama sa kanya si Russo sa Pilipinas dahil tumatakas ito kay Stephanie Shayne Garcia — ang babaeng nakatakdang mapangasawa nito ayon sa kagustuhan ng mga magulang nito. Alam ni Stephanie na isa itong bisexual. Napilitan si Russo'ng ipagtapat dito ang totoong pagkatao para ito na mismo ang umayaw pero mukhang ayos lang kay Stephanie ang pagiging bakla nito. Tatanggapin pa rin daw niya si Russo dahil mahal niya ito at sisiguraduhin daw nitong gagawin niya itong tunay na lalaki. Magkababata rin ang dalawa at purong Filipina naman si Stephanie.
Tumikhim si Matthew kaya muli niya itong hinarap. Parang may nakikita siyang pagkayamot sa mukha nito.
"Anong bang ginagawa mo dito?" tanong niya uli kay Matthew.
"Wala naman. May pinuntahan akong malapit dito kaya naisipan kung bumababa muna nang madaanan ko ang bahay mo," Matthew explained but she didn't convinced.
"Talaga lang huh? May nadaanan ka ring toy shop kaya nagawa mo pang makapagdala ng laruan para sa anak ko?" nanghahamon ang titig niya dito.
Matthew just shrugged and sat down. Ibang klase talaga ang lalaking 'to. Obvious naman na dito talaga ang sadya eh. Pero mukhang walang pakialam kung buking ito sa sariling alibi.
"Come, Mateo!" Masiglang aya ni Matthew sa bata at agad namang lumapit si Mateo dito at muli itong kinalong ng binata.
Nakapagtataka lang kung bakit parang ang bilis nakuha ni Matthew ang loob ni Mateo. Samantalang noong nasa San Francisco sila ay hindi ito nakikipaglapit sa iba. Lalo na sa mga naging suitors niya doon. 'Yon kaya ang tinatawag na lukso ng dugo?
Umupo si Russo sa tabi ni Matthew. Ang peste talaga ng baklang 'to. Agad siyang lumapit sa dalawa at pilit pinausog si Russo at napilitan siyang umupo sa tabi ni Matthew para naman maiiwas niya si Russo dito. Pinandilatan niya ang kaibigang bakla at sinimangutan naman siya nito.
"Kailan ka pa nahilig sa bata? Ang huling pagkakatanda ko hindi mo gustong magkaanak ah?" may halong pait ang tanong niyang iyon na kahit siya ay dama niya.
"Hindi naman sa ayaw kong magkaanak. I wasn't ready that time." Matthew reasoned out without looking at her. He was staring at her son. At parang may nakikita siyang lungkot sa mga mata nito o baka akala lang niya.
"Baka dahil kapangalan ko siya kaya magaan ang loob ko sa kanya. O pwede ring dahil anak mo siya." Hinaplos ni Matthew ang ulo ni Mateo. His gesture touched her heart.
"Bakit nga ba kapangalan ko siya?" tanong ni Matthew at binalingan siya nito.
"My name was came from Prince Matthew, the warrior prince. Mommy loves him so much that's why my name is Mateo. It's a tagalog version daw po since I'm a Filipino," si Mateo ang nagpaliwanag.
Nagkatitigan sila ni Matthew. Abot-abot ang kabang nadarama niya sa mga oras na 'to. Parang gusto na niyang tumakbo palayo o kaya bumuka ang lupa at lamunin siya. Siya ang unang bumawi ng kanyang tingin. Hindi niya kinakaya ang paraan nang pagtitig ni Matthew sa kanya. It was deep . She heard Matthew released an audible sigh.
Damn! Sino ba naman kasi si Prince Matthew, the warrior prince? Wala naman talaga siyang kilalang gan'on eh. Sana naman kasi ginoogle muna niya kung mayroon talagang Prince Mattew, the warrior prince. Parang wala siyang natatandaan na Prince Matthew the warrior prince sa history. Hinabi lang naman talaga niya 'yon at kinuha talaga niya ang pangalan ni Mateo sa panglan ni Matthew. 'Buti na nga lang at napagilan niya pa ang sarili niyang gawing Matthew Junior eh. Muntik na talagang Matthew ang ipangalan niya sa anak niya. At ewan ba niya sa sarili niya at ginawan pa niya ng bed time story si Prince Matthew at wala namang kasawasawa si Mateo na pinapauulit-ulit sa kanya ang kwentong gawa-gawa lang niya rin.
"NAIILANG ka ba sa 'kin, babe?" pabulong na tanong ni Matthew kay Reghie habang malapit na malapit ang mukha nila sa isa't isa.
He was happy that he won. Napapayag din niya si Reghie na sila ang maging imahe sa campaign ng kanyang condominium. Malamang na nakumbinsi ito ng mga staffs nito. Kasalukuyan silang nasa living room ng isang unit ng condo at nakaupo sa isang mahabang itim na sofa. Ito ang huling scene na gagawin nila. Nakaakbay siya kay Reghie habang nakatitig sa isa't isa. Kailangan daw magmukhang in love sila sa isa't isa para mas convincing daw ang pagiging mag-asawa nila. Pangatlong take na nila ito dahil sa hindi raw mukhang in love si Reghie. Mukha raw itong irritable na ikinasasaya naman niya dahil mas matagal pa niya itong nakakasama.
Nanlaki ang mata ni Reghie nang bigla na lang lumapat ang labi ni Matthew dito. And they heard the director shouted 'cut'. Mabilis na inilayo ni Reghie ang mukha sa kanya at kita niya ang galit nito pero pilit na pinipigil ang sarili na huwag mag-burst out.
He just shrugged. "It wasn't my fault," he said, looking at his back where Mateo was who's the reason of the accident kiss. Bigla itong yumakap sa kanila mula sa kanilang likuran ayon sa utos ng deriktor. Kasama rin si Izzy sa shooting na 'to — Precious' daughter. Ito na rin ang kinuha nilang kunyaring anak nilang babae.
"That was perfect! Hindi na natin i-edit ang scene na 'yon," director declared. Hindi na nagsalita pa si Reghie at tumayo na lang. Binuhat nito si Mateo at tuloy-tuloy na lumabas ng unit.
Lumapit naman si Preyh kung saan siya nakaupo para kunin si Izzy.
"Try to face in the mirror. You look like a completely oblivious idiot," nakangiting turan ni Preyh.
He massaged his jaw with his fingers. Sinubukan niyang alisin o kahit kontrolin man lang ang ngiting parang pupunit na sa labi niya sa sobrang lapad. Umalis si Preyh kasama si Izzy at siya naman ay naiwan na nakangiti pa rin.
"Hi, Matthew," bati sa kanya ni Amira at umupo sa kanyang tabi. Nginitian lang niya ito.
"Close ba kayo ni Regina?" tanong nito sa kanya. Tumango lang siya.
"Pero mukhang hindi. Parang galit sa 'yo eh?"
"Mukha ba?" tumango si Amira.
"Eh ikaw? Bakit parang malaki rin ang galit mo sa kanya? Kayo ng mommy mo?" Amira's brows knitted together and seconds later a wick smirk crossed on her face.
Maganda si Amira at kamukha ito halos ng ina nito. Pero siyempre mas angat ang angking ganda ni Reghie. Baka nakuha ni Reghie ang panlabas na kaanyuan sa ama nito. Litaw ang pagiging mistisa ni Amira dahil sa kulay kalawang nitong buhok na nakuha sa ina. Kulay tsokolate ang kulay ng mata nito at medyo matamang ang hugis na parang sa tigre. May makinis at maputing balat. Samantalang si Regina naman ay itim na itim ang buhok. May mapupungay na mata na may kulay hazelnut. Maputi rin ang balat ni Reghie. Hindi mo pagsasawaang titigan ang mgandang mukha nito kahit gaano katagal. Ibang-iba ang magkapatid mapapisikal man o pag-uugali.
"Siniraan niya kami ni mommy sa 'yo? Sa mga kaibigan niya?" mabilis na umiling si Matthew.
"Hindi," sagot niya.
Hindi naman talaga paninira ang ginawa ni Reghie dahil hindi rin ito palakuwento tungkol sa pamilya nito. Siya mismo ay nakita niya ang minsang pag-iyak ni Reghie dahil sa ibang trato ng ina nito at nakita niya 'yon minsan. Nasaksihan niya ang pagpapahiya kay Reghie noon ng sariling ina nang minsan niyang dalawin ang dating kasintahan sa kompanya ng mga de Silva. Pinahiya nito si Reghie at sinabihang bobo sa harapan ng mga empliyado noon. He a terrible anger towards Reghie's mother. He really wants to comfront Almira and protect Reghie pero nagpigil lang siya noon, dahil baka mas lalong lumalala ang sitwasiyon.
"Kung napapagsabihan man siya ni mom para rin naman sa kanya 'yon. Matigas ang ulo ng kapatid kong 'yon, kaya hindi sila magkasunod ni mommy. Nagmana siguro siya tatay niya."
"Mabait si Reghie. Kilala ko siya," pagtatangol niya sa dating kasintahan.
"Talaga lang huh!? I better know her than you do. Magaling siyang magkunwari para mapagtakpan ang kahihiyang ginagawa niya. Do you even know that she's a disgraceful? Isa siyang disgrasyada." Naguguluhan niyang nilingon ang dalaga. Ngumisi at umirap sa hangin ang babae.
"Para makaiwas sa kahihiyan sinabi niya sa inyo na anak ni Russo si Mateo, but the truth is... Her son is just a bastard like her." Bigla ang pagkabog ng dibdib niya sa narinig. Bigla na lang rumagasa ang kaba sa buo niyang himaymay sa hindi malamang kadahilanan.
"A-anong sabi mo?" halos hangin lang ang lumabas sa bibig niya.
"You heard me right. Russo isn't a father of her son. I don't know who. Ang sabi niya nakilala niya sa San Francisco ang lalaki but I'm sure she was lying. After a month of staying there, sinabi niya kila mom na buntis siya pero wala namang sinabing pangalan ng tatay ng anak niya. After 8 months she gave birth. Now, sinong paniniwalain niyang ang tatay ng anak niya ay nakilala niya doon. I'm sure na dito siya sa Pilipinas nabuntis, umalis lang siya para makaiwas sa kahihiyan dahil hindi siya pinanagutan ng nakabuntis sa kanya. But still, she's lucky dahil may umako sa anak niya. Kahit paano ay naisalba siya sa kahihiyan."
Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig sa narinig. Bigla niyang naalala ang huling pag-uusap nila ni Reghie.
"What if, sabihin ko sa 'yong buntis ako. Anong gagawin mo?" Hindi niya makakalimutan ang tanong na 'yon ni Reghie.
"Buntis na ba siya n'on? Ako kaya ang tatay ni Mateo?" usal niya sa nanginginig na labi.
---
'Wag niyo ng asarin si Matthew na tabingi ang itlog. Na-hu-hurt ako para sa kanya. Baka bigla na lang i-deactivate ang fb account nun.. haha!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top