Chapter 27

NAGPAKAWALA si Reghie nang marahas na hininga habang nakatingala sa isang establisyemento. Pinakatitigan ang nakaukit na pangalan sa entrada nito — Genovese Restaurant. Sobra siyang kinakabahan. Pakiramdam niya may mga nagtatakbuhang daga sa kanyang dibdib sa sobrang kabog ng dibdib niya. She really had a weird feeling that something might happen today, she didn't even knew whether if it is bad or good.

She took a deep breath once again and released it before went inside the restaurant to meet Mr. Salcedo. Agad niyang inilibot ang paningin sa loob ng restaurant para hanapin ang ginoo. Pero kahit anino nito ay hindi niya masilayan.

"Good after noon, ma'am," a waiter politely greeted her. Hindi niya namalayan ang paglapit nito. Isang tipid na ngiti at tango ang tugon niya rito.

"Ikaw po ba si Ms. Regina McAllister?" tanong ng waiter.

"Yes, ako nga."

"Hinihintay po kayo ni Mr. Salcedo sa kanyang opisina." So, this restaurant owned by Mr. Salcedo. Inilahad ng lalaki ang kamay para ituro kung saan siya dapat pumunta.

"Reghie." Natigil ang tangka niyang pagsunod sa lalaki nang may tumawag sa kanya. Agad niya itong nilingon.

"Amira. Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa kapatid.

"Magkikita kami ni mommy."

"Mawalang galang na po," the waiter butts in.

"Pumunta na lang po kayo sa opisina ni Mr. Salcedo. Kanina pa niya po kayo hinihintay." Naguluhan siya bigla sa sinabi ng waiter. Kung gan'on ay pati si Amira ay kasama sa pag-uusap nila ni Mr. Salcedo. At mukhang kilala talaga sila ng waiter. May isang lalaki namang lumapit sa kanila. Kaswal ang kasuotan nito. Isang denim pants at kaswal na coat na ipinatong sa puting t-shirt nito. Matangkad at may itsura. Gwapo sa madaling salita.

"Hi, I'm Patrick, Christopher Salcedo's son. Kindly go to my dad office at doon niyo malalaman ang dapat niyong malaman," magalang naman nitong sabi.

"I came here to see my mom, not your father," pagtataray ni Amira sa lalaki.

"Just go!" walang kangiti-ngiting utos nito. Punong-puno ng awtoridad ang boses na taliwas sa tono nito kanina. Ang kapatid niyang ubod ng taray ay nagsitikwasan ang perpektong kilay.

"Inuutusan mo ba ako?!"

"What do you think?" balak na tanong ng lalaki. Amira's chest heaved up and down. Hinawakan ni Reghie si Amira sa braso at hinila. Siguradong aawayin nito ang lalaki.

"Ano ba Regina!?" singhal sa kanya ng kapatid pero hindi niya ito binitawan. Mabilis naman na sumunod sa kanila ang waiter at tinuro ang pinto ng opisina ni Mr. Salcedo. Pinagbuksan sila nito ng pinto.

Agad na tumayo si Mr. Salcedo nang makita sila at sinalubong sila nito.

"Hi, have a seat." Alok nito at tinuro ang isang set nang sofa.

"Bakit mo kami pinapunta rito?" tanong niya sa ginoo. Bago pa man makasagot ang lalaki ay bumukas na ang pinto. Ang kanilang ina ang naroroon na para bang gulat na gulat ang itsura nito. Mabilis na lumapit si Almira kay Reghie at Amira at sabay silang hinawakan nito sa braso.

"Tara na!" Hinila sila ng ina pero bago pa man nila marating ang pinto ay muli itong bumukas. It was Camellia, and seconds later, Reghie's father, Enrique, came into view. Kahit ito ay parang nagulat nang makita silang naroroong lahat.

"Enrique," naibaling niya ang tingin niya sa kanyang ina nang marinig niyang inusal nito ang pangalan ng ama. Mahigpit ang hawak nito sa kanyang braso. Hindi niya maintindihan ang reaksiyong nakikita sa mukha ng kanyang ina. Para itong takot na takot.

"Anong ginagawa niyo rito?" Enrique finally spoke after a long silence. Pumasok ito. Tiningnan nito si Camellia na hanggang ngayon ay tila nagugulat pa rin, saka muling tumingin sa kanilang mag-iina.

"Mabuti naman at nandito na kayo, Camellia at Enrique," si Mr. Salcedo.

"Ano ba 'to? Bakit mo ako pinapunta rito?" tanong ni Enrique kay Christopher.

"Mabuti pa umupo muna kayo—"

"No! We have to leave here!" Mabilis na putol ni Almira kay Christopher.

"Walang aalis!" Matigas na sabi ni Christopher.

"May dapat kayong malaman!"

Binitawan siya ng kanyang ina saka lumapit kay Enrique. Humawak ito sa braso ng esposo. "Enrique umalis na tayo dito! Sisiraan niya lang ako sa 'yo!" Natatarantang sabi ng kanyang ina.

Sa tingin niya ay may balak si Christphor na sabihin ang tungkol sa namamagitan dito at sa kanyang ina. Ngayon hindi niya alam ang gagawin. Dapat ba niyang tulungan ang kanyang ina para 'wag malaman ng daddy niya ang totoo. Paniguradong masisira ang pamilya niya at hindi niya gusto 'yon.

"Dad, I think, mom was right. Dapat na tayong umalis dito." Lumapit siya sa kanyang ama at humawak sa braso. Si Camellia naman ay napapailing na tumalikod para umalis, pero natigil ito nang magsalita si Christopher.

"Hindi mo ba gustong malaman Camellia kung ano talaga ang nangyari sa anak mo?" mabilis na lumingon si Camellia.

"Ikaw, hija," si Reghie ang tinutukoy nito dahil sa kanya ito nakatingin.

"Hindi mo ba gustong malaman ang tungkol sa ama mo—"

"Christopher!" Lumakas na nang husto ang boses ni Almira. Kung kanina ay gusto na niyang makalayo sa lugar na ito, ngayon naman ay nais na niyang manatili.

"Alam ko na ang nangyari sa anak ko. And there is no point in inviting me here. What is this all about Christopher? Pinapunta mo ako dito para maging miron nang pamilyang ito?! O para muling ipaalala kung paano itinakwil ng lalaking ito ang sarili niyang anak!" Matalim na titig ang ipinukol ni Camellia kay Enrique.

"Hindi na kailangan dahil hanggang ngayon sariwang-sariwa pa sa 'kin ang ginawa ng taong ito sa anak ko!" Ang galit sa boses at mukha ng ginang ay hindig-hindi maikukubli habang nakatitig kay Enrique.

"Camellia, ano bang sinasabi mo?!" Mukha namang walang alam si Enrique sa sinasabi ni Canellia.

"Umalis na tayo dito!" Hinawakan si Reghie ng kanyang ina at pilit na hinila silang mag-ama palabas.

"Tumigil ka na Almira! Tigilan mo na ang kasinungalingan at pagpapaikot sa aming lahat! Hindi ko sana ito gustong gawin pero pati ako niloko mo!" Sumbat ni Christopher kay Almira.

"Bakit hindi mo sabihin ang totoo sa kanila? Ang mga ginawa mo noon?"

"Anong totoo?" si Enrique.

Matamang tinitigan ni Christopher si Camellia. "Hindi alam ni Enrique na nagkaanak kayo. Hindi totoong hindi niya tinanggap ang anak niyo." Ang galit na mukha ni Camellia ay unti-unting lumambot.

"N-nagkaanak tayo?" tanong ni Enrique na lubhang nagulat.

"Enrique—" Enrique held up his right hand to stop Almira. Wala nang nagawa si Almira kundi ang manahimik.

"Oo. Buntis siya nang umalis ka. Ilang buwan pagkatapos mong umalis biglang nawala si Camellia. Tumigil siya sa pag-aaral. Then one day, after a few months, Almira came to my house, carrying a baby. Sinabi niya sa akin na anak niyo ni Camellia ang bata. Bigla raw nagpakita si Camellia kay Almira na may dalang bata. Gusto ni Camellia na iwan ang bata sa 'yo, Enrique, dahil kailangan niyang sumunod sa mga magulang nito na nasa ibang bansa dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama. Kinuha ni Almira ang bata at nangakong ibibigay sa 'yo. Pero hindi niya ginawa. Sa halip ay ibingay niya sa akin ang bata. Pinaalagaan niya sa akin."

"Enrique, he was lying! Don't believe him!" Hindi pinansin ni Enrique ang pakiusap ng esposa, saka naman nagpatuloy sa pagsasalita si Christopher.

"Umuwi ka ng Pilipinas noon. Hinanap si Camellia. Lahat ng sinabi sa 'yo nang taong napagtanungan mo nang puntahan mo ang bahay ni Camellia sa probinsya ay pawang kasinungalingan lang. Hindi siya umalis para magpakasal sa iba. Binayaran ko ang babae para magsinungaling at para tumigil ka na sa paghahanap kay Camellia. Utos iyon lahat ni Almira. Hinaharang din niya ang lahat ng sulat niyo para sa isa't isa. Binayaran niya ang kartero para sa kanya bumagsak ang lahat ng sulat mo at para hindi maipadala ang sulat ni Camellia sa 'yo."

"Nagpagamit ako dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Nabulagan ako sa mga pangako niya. Ang sabi niya sa akin kailangan niyong maikasal para maisalba ang kabuhayan nila. Hihiwalayan ka rin daw niya at magsasama kami, pero hindi niya ginawa. Tuluyan niya akong iniwan, nangibang bansa ako at doon nagtrabaho. Nitong taon lang ako bumalik." Napapailing na ngumisi si Christopher saka binalingan si Almira na tuluyan nang nanahimik.

"Akalain mo 'yon. Akala ko nakalimutan na kita," ani Christopher. May luhang lumandas sa mata ni Almira.

"Pero hindi pala talaga nawawala basta-basta ang pagmamahal 'no? Katulad ng pagmamahal mo kay Camellia, Enrique. Sa loob ng maraming taong pagsasama niyo ni Almira hindi mo pa rin siya magawang mahalin. Nang makita ko si Almira sa isang magazine doon ko napatunayan na mahal ko pa rin siya, gusto ko siyang bawiin sa 'yo kaya ginamit ko ang mga nalalaman ko para manipulahin siya. Para makipagkita siya sa akin."

"Asan ang anak namin ni Camellia?" tanong ni Enrique. Halo-halong emosyon ang humahalili sa mukha nito.

"Pinatay mo ang anak ko? Ipinamigay mo siya sa iba? Anong klase kang tao?!" Naiyak si Camellia sa matinding galit para kay Almira. Si Reghie naman ay napaatras na lang at tahimik na nakinig.

"Wala akong balak sabihin ito. Mas nanaisin kong gamitin ang nalalaman ko para ipanakot kay Almira, pero pati ako niloko niya. Tinanggalangan niya ako ng karapat sa sariling kong anak!" Patuloy ni Christopher at punong-puno ng panunumbat na pinukol ng titig si Almira.

"A-anong.. anong sinasabi mo?" Almira's words was shaking. Mukhang nagulat ito sa sinabi ni Christopher.

"Alam ko na ang lahat. Nagkita kami ng Myrna, ng kaibigan mo noong kolehiyo at sinabi niyang bago ka umalis ng bansa buntis ka na. Anak ko si Amira. Pinaako mo ang anak ko sa iba!"

Ang rebelasyon na iyon ni Christopher ay nakapagpagulat sa lahat. Lalong tumindi ang tensiyon sa loob ng silid. Ang itsura ni Almira ay hindi na mailarawan pa. Halo-halo ang ekspresyon na humahali sa mukha nito. Si Enrique naman ay napamaang. Walang masabi. Si Amira na tahimik na nakikinig kanina ay natutop ang sariling bibig.

"Hindi. Hindi. Hindi! Enrique, 'wag kang maniwala sa mga sinasabi niya. Anak mo si Amira."

"Niloko mo ako!" mahina subalit bakas ang galit sa boses ni Enrique.

"Enrique please!"

"Anong nangyari sa anak namin? Paano siyang namatay?"

"Buhay ang anak niyo," Christopher butts in. That made Camellia shocked.

"Buhay ang anak ko?" si Camellia. "Buhay ang Angela ko? Nasaan siya!? Nasaan siya?! Napakawalang hiya niyo!" Camellia bursted out. Sinugod nito si Christopher at pinagsasampal. Hindi naman umilag ang lalaki. Nilapitan ito ni Enrique saka inilayo kay Christopher. Umiiyak itong napasubsob sa dibdib ni Enrique. Marahang hinaplos ni Enrique ang likod ng dating katipan.

"Buhay ang anak natin! Nasaan siya? Si Angela.. Nasaan si Angela?" umiiyak nitong sabi.

"Patawarin niyo ako." Nilingon ni Camellia si Christopher.

"Don't say sorry! Walang kapatawaran ang ginawa niyo! Nasaan ang anak ko?! Sino ang dinadadalaw ko sa sementeryo? Sino ang mag-asawang nakausap ko noon na sinabi niyong pinag-iwanan niyo sa anak ko!?"

"Binayaran din siya ni Almira para sabihing namatay ang anak niyo sa sakit. Ang totoo, sa akin ni Almira iniwan ang bata. Ilang buwan ko rin siyang inalagaan sa tulong ng kapatid ko. Nang bumalik ka Camellia, pinalabas ni Almira'ng hindi tinanggap ni Enrique ang bata, na inisip ni Enrique na anak mo sa iba ang bata."

"Then where is our child?!" matigas na tanong ni Enrique.

"Ang anak niyo... Ay walang iba kundi ang panganay na anak ni Almira." Tumingin ang lalaki kay Reghie.

"Si Regina," dagdag nito.

Bigla ang malakas na pagtahip ng dibdib ni Reghie sa narinig. Mahigpit niyang nadakot ang neckline ng damit niya. Halos hindi siya makahinga. Lahat ng mata ay natuon sa kanya. Gulat ang makikita sa mukha ng kanyang ama, ni Lady Camellia at Amira. Samantalang si Almira ay balisang-balisa ang itsura nito. Hindi niya masigurado kung totoo ba ang mga naririnig niya.

Hinawakan ni Enrique si Almira sa magkabilang balikat.

"Gusto kong marinig mula sa 'yo ang totoo, ang lahat ng sinasabi ni Christopher. Anak ko si Regina. Hindi ko anak si Amira!" Hindi sumagot si Amira at panay lang ang iyak nito.

"Sumagot ka!" Sa unang pagkakataon ay narinig ni Reghie na magalit at sumigaw ang kanyang ama. At halos pigain ni Enrique ang magkabilang balikat ng esposa.

"Oo! Oo.. oo.." lalong lumakas ang pag-iyak ni Almira.

"Anong ginawa mo Almira!? Paano mo nagawa ang ganitong kasamaan!" Hindi humupa ang galit ni Enrique at sa halip ay parang lalo itong nadagdagan.

"Si papa... si papa ang nag-utos.. mahal na mahal kita kaya nagawa ko 'yon! Kaya sinunod ko ang kagustuhan ni papa na paghiwalayin kayo ni Camellia. Pero maniwala ka, binalak kong sabihin ang lahat sa 'yo noong malaman kung nagkaanak kayo ni Camellia, pero pinigilan ako ni papa.. I have no choice, ang pagpapakasal na lang sa 'yo ang kasagutan para maisalba ang kabuhayan namin.."

"Kaya nagawa mong sirain kami ni Camellia! Nagawa mong sirain ang dapat sanang magiging pamilya namin," binitawan ito ni Enrique.

"Anong klaseng tao ka! Alam mo kung gaano ka-miserable ang buhay ko nang mawala sa 'kin si Camellia!" Sumbat nito sa asawa.

"No! No! It can't be! It can't be!" Napabulalas nang iyak si Amira at tumakbo palabas. Hindi nito pinansin ang pagtawag ng kanilang ina. Agad na sinundan ni Almira ang anak.

Ang magkasalikop na mga kamay ni Camellia ay nakalapat sa mga labi nito habang nakatingin kay Reghie. Her tears were streaming down her cheeks. Camellia looked at Christopher.

"Siya ang anak ko?" tanong nito habang tuloy-tuloy sa pagdaloy ang luha. Marahang tumango si Christopher.

Marahan na lumapit si Camellia kay Reghie. Camellia reached out to touch her face. Marahan nitong hinawakan ang mukha ni Reghie na katulad ng ginang ay basang-basa na rin ng luha ang pisngi.

"Angela," niyakap siya nito. Hindi makakilos si Reghie, lutang pa rin siya dahil sa mga nakakagulantang na rebelasyon.     

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top