Chapter 23
NAGISING si Reghie na wala na sa tabi niya si Matthew. Napangiti na lang siya nang mapagtantong wala siyang saplot. Nagising siya hating-gabi na nasa pagitan ng mga hita niya ang ulo ni Matthew at ginagantimpalaan ng mga dila nito ang pagkababae niya. Pinagsaluhan ang isang mainit na sandali. Hindi niya napigilan ang sariling sagutin si Matthew ng 'I love you too' habang paulit-paulit nitong sinasambit na mahal na mahal siya nito sa gitna nang pag-iisa ng mga katawan nila. Parang gusto na niyang tanggapin ito uli sa buhay niya pero binabalot pa rin siya ng takot at pagdududa. Takot na baka hindi siya panindigan nito dahil hindi siya gusto ng ina ni Matthew. Ang daming what ifs.
Tumayo siya mula sa kama at tinungo ang banyo. Nag-ayos lang siya ng sarili at muling lumabas ng bathroom at dumiretso sa closet. Isang over-sized t-shirt ang kinuha niya at boxer na lang ni Matthew ang kanyang sinuot. Dati may mga damit siya rito pero baka tinapon na lahat ng iyon ni Matthew. Tinungo naman niya ang tokador para magsuklay. Nang wala siyang mahagilap na suklay sa ibabaw ng tokador ay binuksan niya ang drawer nito. Hindi naman siya nabigo, agad niyang kinuha iyon at sinuklay ang buhok. As soon as she was done combing her hair, she put the comb back in drawer. Natigil siya sa tangka niyang pagsara ng drawer nang makita ang isang larawan. Kinuha niya ito at pinakatitigang mabuti. Siya ang nasa larawan. Tatlong magkakapatong na larawan iyon. Tiningnan niya lahat. Ang isa ay nakangiti siya, ang isa ay mukhang tumatawa siya at ang isa ay may kayakap siya. Sa suot niya sa naturang mga larawan ay alam niyang kuha ito sa San Francisco. At bagama't hindi kita ang mukha ng lalaki ay alam niyang si Russo ang kayakap niyang ito.
"Pinuntahan ba niya ako sa San Francisco?" Pero kung nagpunta ito sa San Francisco bakit hindi ito nagpakita sa kanya? Ilang ulit siyang napahugot at napabuga ng hininga sa biglang pagtahip ng dibdib niya.
Mabilis siyang lumabas ng silid. She rushed down stairs and went straight to the kitchen to check if Matthew is there. Pero wala si Matthew sa kusina. Nagtungo naman siya sa may pool area habang tinatawag ang pangalan ni Matthew pero mukhang wala ito sa buong kabahayan. Noon naman tumunog ang door bell. Agad niyang tinungo ang pinto at mabilis na lumabas para buksan ang gate. Isang magandang babae ang tumambad sa paningin niya nang buksan niya ang gate.
"Hi, good morning!" The girl greeted her cheerfully.
"Good morning. Anong kailangan nila?" tanong niya rito.
"Nandiyan ba si Matthew?"
"Lumabas yata eh, paggising ko kasi wala na siya."
Tumango-tango ang babae. "By the way. I'm Shiela," sabay lahad ng kamay nito. Tinanggap naman niya iyon at nakipagkamay.
"Reghie," tipid niyang pakilala.
"Anak ako ng katiwala ng resthouse nila Matthew. Kaibigan din ako niya ako. Nabalitaan ko kasi kay tatay na nandito siya ngayon kaya naisipan kong dalawin. And gusto rin kitang makilala." Ayon sa kuwento nito ay mukhang close ito kay Matthew.
"Puwede bang antayin ko na lang siya. Baka kasi hindi na ako makabalik pa. Flight ko na rin kasi bukas eh." Tumango siya saka nilakihan ang awang ng gate.
Pumasok sila sa kabahayan at nagtungo sa living room. Pinaupo niya si Shiela at tinabihan naman niya ito. Ipinatong niya sa mesa ang mga larawan.
"Ang tagal na rin naming hindi nagkikita ni Matthew. Ang huling pagkikita namin 4 years ago if I remember correctly. Sa California pa 'yon. Noong mga panahon na pakiusapan niya ako para gawin ang mala-enchanted na wedding proposal niya para sa 'yo." Napamaang siya sa sinabi nito.
"Sayang nga lang ang effort niya kasi hindi ka naman dumating. Nagalit pa nga 'yon sa 'kin nang sabihin kong baka iniwan mo na siya," patuloy ng babae.
"Proposal?" halos walang boses na sambit niya.
"The best wedding proposal na gagawin ko sana na idea mismo ni Matthew. Isipin mo ha. I will wait for you at the airport, and right there magpapalit ka ng damit ng isang prinsesa. Isasakay sa karwahe at dadalhin sa location kung saan may mala-enchanted na setting at doon maghihintay si Matthew na suot ang damit prinsipe. That was his idea. He told me that one of your dreams was to have an enchanted birthday party when you were a kid that had never happened. But sadly hindi nangyari ang perfect proposal dahil hindi ka dumating." Reghie doesn't realize how fast her heart was beating. Nakatulala siya habang nakikinig sa sinasabi ni Shiela.
"Pero masaya ako na kayo pa rin ang nagkatuluyan. Nakakatawa ang lalaking 'yon. Tarantang-taranta n'ong hindi ka maka-contact. Ura-uradang lumipad pabalik ng Pilipinas."
"Oh my God!" Napabulalas siya nang iyak bigla na ikinagulat ng babae.
"Hey why?" Parang sasabog ang dibdib niya. Hindi niya mapigilan ang paghulagpos ng emosyon niya. Matthew had planned to propose her. He had planned to marry her.
ISA-ISANG hinango ni Matthew at Mang Pedring ang mga pinamili niya na nakalagay sa compartment ng kanyang sasakyan. Tulog pa si Reghie nang umalis siya. Walang supplies sa resthouse niya kaya nagpasama siya kay Mang Pedring para mag grocery at binilhan na rin niya ng underwear si Reghie. Hindi rin niya nasabihan si Mang Pedring na siyang care taker ng kanyang resthouse dahil biglaan ang pagdating niya. Mabuti na nga lang at lagi niya talagang dala ang susi ng resthouse niya. He used to come here to flee from people who were always asking him about Reghie.
Pagsara niya ng compartment, tumuloy sila sa kabahayan, pero agad na nabahala si Matthew nang makita si Reghie na umiiyak. Hindi lang basta umiiyak, kundi sobra ang pag-iyak nito habang pilit itong pinapakalma ni Shiela, ang anak ni Mang Pedring na kaibigan niya. Mabilis siyang lumapit sa kinaroronan ng dalawa. Inilapag niya ang mga pinamili saka nilapitan si Reghie. Umuklo siya at sinapo ang magkabilang pisngi ni Reghie na hilam ng luha. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Natatakot siya sa posibleng dahilan ng pag-iyak nito. Hindi siya sanay sa ganitong iyak nito. Pangalawang beses niyang nakita si Reghie na umiyak nang ganito. Ang una ay nang malaman nitong hindi ito gusto ng kanyang ina at ngayon na hindi niya alam ang dahilan. Reghie is a toughest woman he had known. Kahit na nasasaktan na ito hindi nagpapakita ng kahinaan.
"Shiela, ano bang nangyari?" tanong niya sa babae. Saglit niya itong tinignan at muli ring ibinalik ang tingin kay Reghie.
"I don't know," mabilis na sagot ni Shiela at tumayo mula sa pagkakaupo. Umupo si Matthew na sapo pa rin ang mukha ni Reghie.
"Babe, what's wrong? Tahan na. Kung gusto mong umuwi na, okay sige. Uuwi na tayo huwag ka lang umiyak, tinatakot mo ako eh." Bigla na lang siyang niyakap ni Reghie.
"I'm... I'm.. sorry... I'm sorry!" Halos putol-putol nitong wika dahil sa walang patid na pag-iyak. Hinaplos niya ang likod ni Reghie. He didn't understand what's going on.
"Shiela ano bang nangyari?" Muli ay tanong niya sa kaibigan. Hindi niya ito sinulyapan. Nakayakap lang siya kay Reghie at sa higpit nang yakap sa kanya ni Reghie ay imposible rin mailayo niya ang sarili mula rito.
"Hindi ko alam. Nagkuwento lang naman ako tungkol sa gagawin mong proposal sana noon sa kanya. Then, she bursted out crying." Napapikit si Matthew saka mahigpit na niyakap si Reghie. Parang alam na niya ngayon kung bakit? Naging emosyonal siguro ito sa nalaman.
"It's okay, babe, it's okay. Tahan na," he kept on rubbing her back.
"Mauna na muna kami ni tatay, Matt," said Shiela.
"Sige. Pasensiya na Shiela ah. May pag-uusapan muna kami."
"It's okay." Hindi na niya nagawa pang lingunin ang mag-ama. Parang ayaw siyang pakawalan ni Reghie sa higpit ng yakap nito.
Nang medyo humupa na ang pag-iyak nito saka niya ito marahang inilayo sa kanya para makita niya ang mukha nito. Basang-basa ang pisngi ni Reghie ng sariling luha. Pinahid niya iyon gamit ang puting panyo na hinugot niya mula sa bulsa ng suot niyang cargo short.
"Tahan na." Aniya saka pinaulanan ng mumunting halik ang mukha nito. Kinuha ni Reghie ang mga larawan na nasa mesa.
"You came after me?" tanong nito habang nakatingin sa larawan. Kinuha ni Matthew ang larawan sa kamay ni Reghie.
Umiling siya. "No," then he said.
"Noong araw na hindi na kita makontak. Kung sino-sino ang tinawagan ko. I've been calling Preyh and Andra but they just ignored my calls. Wala rin masabi si Iñigo. Agad akong lumipad pauwi at pinuntahan ka, pero wala ka na. Sabi ni Aling Gina umalis ka na raw, pumunta ka na raw ng ibang bansa. Gulong-gulo ako n'on. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nagmakaawa ako kay Aling Gina na sabihin sa 'kin kung saan ka nagpunta at sinabi naman niya, sa San Franciso raw. 'Yon lang daw ang alam niya. Sinubukan kong tanungin uli si Preyh, si Andra, your secretary and even your dad, pero wala silang masabi sa 'kin ng eksatong kinaroroonan mo. Pero sinabi ni Preyh at Andra na ayaw mo na sa relasyon natin dahil niloko kita. Nang maalala ko ang tungkol sa Silvano Ad Agency, naisip kong possibleng nand'on ka."
"I have contacted a private investigation firm in San Francisco, even sought for their service to find you. They sent me some of the information about you in just a day, also given the place where you lived and worked, including these photographies... Noong nakita ko 'to, nasaktan ako nang sobra-sobra. You looked so happy. You're smiling ear to ear, smiling sweetly at this man and hugging him. Lalo na nang sabihin nilang possibleng kasama mo ang lalaki sa bahay. Agad kong pinatigil ang pagpapa-imbestiga. Hindi ko na gusto pang malaman ang mga susunod na malalaman ko tungkol sa kung ano man ang ugnayan mo sa lalaki."
Napabuga si Matthew nang mabigat na hininga. Bigla ang pamumuo ng luha niya na agad naman niyang sinupil sa pamamagitan ng pagkurap ng kanyang mata.
"At inaamin kong nakaramdam ako ng matinding galit sa 'yo. Ang dami naman diyang lalaking tarantado pero bakit napapatawad ng paulit-ulit ng mga partner nila. Bakit ako iniwan mo agad? Ang dali para sa 'yong bitawan ako?" Doon ay hindi na ni Matthew napigil pa ang pagpatak ng luha niya, habang si Reghie ay patuloy sa paghikbi.
Muling nagpatuloy si Matthew.
"Noong magpunta ako sa California.. Sobra-sobrang pangugulila ang naramdaman ko noon sa 'yo. Then I have even more realized that I can't stand losing you. Nag-desisyon akong alukin ka na ng kasal. Tinawagan kita para sabihing sumunod ka sa 'kin sa California. I asked Maya to book you a flight, pero umalis ka na eh..." Humugot nang malalim na hininga si Matthew saka nagpatuloy.
"You've chosen to leave me than to believe me."
Kahit sa mga kaibigan niya ay hindi niya sinabi ang binalak niyang pag-propose sana kay Reghie. Nakakababa masyado ng pagkalalaki at hindi niya gustong maging katawa-tawa o kaawan ng mga ito. Hinawakan ni Matthew ang magkabilang pisngi ni Reghie at pinahid ang luha sa pisngi nito. Dinikit niya ang noo sa noo ni Reghie.
"Pero kahit gan'on... hindi nawala ang pagmamahal ko sa 'yo. Mahal na mahal pa rin kita." Hinawakan ni Reghie ang magkabiling pulupulsuhan niya at inilayo ang mukha sa kanya.
"Nagkakamali ka sa iniisip mong naging masaya ako, lalo na ng mga unang araw ko sa San Francisco. Kung alam mo lang kung gaano ako kalungkot. Russo just helped me to move on. I tried to be strong para kay Mateo. I've chosen to leave kasi ang sakit na masyado. Kahit masakit na nakita ko kayo ni Vivianne sa gan'ong tagpo, mas pinili kong maging martyr because I love you so much, and for our child's sake. Pinili kong hintayin ang pagbalik mo at sabihin ang totoo sa 'yo, kahit takot ako sa magiging reaksyon mo. N'ong matanggap ko ang voice message galing sa 'yo agad kitang tinawagan. Pero si Vivianne ang sumagot.. Alam mo ba kung gaano kasakit na malamang magkasama kayo? 'Yong inaakala mong boyfriend mo ay fiancé pala ng iba.."
Nagulat siya sa sinabi ni Reghie.
"Tumawag ka?"
tumango si Reghie. "Pero si Vivienne ang sumagot. Magkasama kayo sa iisang suite. Nagpakilala siyang fiancée mo."
"Vivienne!" Paulit-ulit na nasuntok ni Matthew ang sariling noo dala ng matinding inis na nadama para kay Vivienne. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Reghie.
"Listen. Oo, nandoon si Vivieanne. Ang sabi niya may shooting sila doon. Bigla na lang siyang pumunta sa suite na okupado ko. Nalaman daw niya kay mommy kung nasaan ako, pati ang suite number nalaman niya mula kay mommy. Hindi na ako nakipagtalo pa nang pumasok siya sa kwarto since nagmamadali ako n'on. Iniwan ko siya saglit para maligo. Then after that pinaalis ko na siya. Hindi niya sinabing tumawag ka. Redge, believe me. Lahat ng sinabi ko tungkol sa amin totoo 'yon. Nang malaman niyang iniwan mo ako. Pinilit niya ang sarili niya sa 'kin pero tinanggihan ko siya..."
"And that got me pissed off even more!" Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Vivianne at Kade.
"Hindi ko nga alam kung anong nakita niya sa 'yo na wala sa 'kin. Maganda naman ako." Ani Vivianne sabay bagsak ng sarili sa pang-isahang sofa. Humalukipkip ito.
"Maniwala ka sa kanya. Pero hindi ako mag-so-sorry sa ginawa ko. Kasi kung talagang malaki ang tiwala niyo sa isa't isa, dapat hindi kayo nagpapadala sa lahat ng hadlang. Gosh! Ang tanga niyo pareho 'no?" Sasawayin sana ni Matthew si Vivienne nang biglang tumayo si Reghie. Matalim ang titig nito kay Vivienne habang baba taas ang dibdib sa marahas na paghinga.
"Noon ko pa 'to gustong gawin sa 'yo!" Mabilis na lumapit si Reghie kay Vivienne. At ang sunod na ginawa nito ay lubos na nakapagpagulat kay Matthew at Kade. Nagtitili si Vivianne nang hablutin ni Reghie ang buhok ng dalaga.
"Nakapamaldita mong babae ka! Ang daming nasayang na taon para sa amin. Nagalit kami sa isa't isa dahil sa kagagawan mo!"
Tumayo si Matthew para awatin si Reghie dahil mukhang wala itong balak tumigil sa pagsabunot kay Vivienne hanggat hindi ito napapanot. Pero bago pa man siya makalapit ay nahapit na ni Kade ang baywang ni Reghie at pilit na inilayo kay Vivienne. Mabilis naman niyang hinawakan si Vivienne at inilayo kay Reghie nang tangka nitong abutin ang buhok ni Reghie. No one can hurt Reghie. Baka makalimutan na talaga niyang kaibigan at babae si Vivienne ay maibalibag na niya ito.
"Tumigil ka na Vivienne! Don't you dare hurt Reghie or else.."
"Or else what? Sasaktan mo ako?! Walang hiya ka talaga!" Siya naman ngayon ang pinaghahampas ni Vivienne. Pero natigil si Vivienne sa paghampas kay Matthew nang muling hablutin ni Reghie ang buhok ng babae.
"'Wag mo siyang sasaktan!" Bulyaw rito ni Reghie. Muling inilayo ni Kade si Reghie at pumagitna naman si Matthew.
"Tama na!" Sigaw ni Matthew. Marahas siyang napahilamos sa mukha.
"I just came here to fix everything tapos ako pa ang sinasaktan niyo!" Padabog na sinuklay ni Vivienne ang nagulong buhok at padabog itong umupo. Binalingan niya si Reghie at ang init ng ulo niya kay Vivienne ay nabaling kay Kade.
"Tang-ina, Kade! Let go of Reghie, kundi babalian kita ng braso!" Malakas niyang itinulak si Kade. Mukhang wala na kasi itong balak na alisin ang pagkakayakap ng braso nito sa katawa ni Reghie. Tumawa nang malakas si Kade.
"Possessive!" Tuya ni Kade kay Matthew. Kinabig ni Matthew si Reghie at inakbayan.
"What's mine is mine. At hindi ko gustong lumalapit ka sa kanya! Alam ko ang karakas mo gago!" Muli lang siyang tinawanan ni Kade.
"Tara na nga kuya! Mukhang maayos na naman sila eh! Nagsayang pa tayo ng oras!" Nayayamot na sabi ni Vivienne sabay hila kay Kade. Pero bago pa man tuluyang makalabas ng pinto ang dalawa ay muli silang nilingon ni Vivienne.
"Salamat sa sabunot. I know I deserved that sabunot from you. Okay. I'm sorry kung hindi ko nasabi ang totoo noon. Masyado akong galit kay Matthew at sa 'yo Reghie kaya hinayaan ko na lang din kayong masira. I was just childish that time at sarili ko lang ang iniisip ko. Pero kung siguro nalaman kung buntis ka noon baka naayos ko ang lahat. Hindi ko naman gugustuhin na lumaking walang tatay ang magiging anak mo. I'm so sorry for your son for causing him to grow up without a father."
Pagkasabi n'on ay tuluyan nang umalis ang dalawa. Hindi alam ni Matthew kung paano ng mga ito nalaman na nandito sila sa resthouse, pero ayos na rin 'yon dahil kahit paano ay mas malilinawan na si Reghie na hindi niya talaga ito niloko. Pinihit niya si Reghie paharap sa kanya. Ang kamay na nasa balikat nito ay dinala niya sa magkabilang pisngi.
"Babe, magsimula tayo uli. Ikaw, ako at si Mateo. Hiwalayan mo si Russo. Ako naman talaga ang mahal mo 'di ba? Divorce him. Madali lang naman 'yon. Sa San Francisco naman kayo kinasal."
Umiling si Reghie. "Walang kasal na idi-divorce," anang Reghie. Pakiramdam niya ay isang napakalaking bato ang ibinagsak sa kanya dahil sa narinig na sagot ni Reghie. Si Russo pa rin ba ang pipiliin nito?
"Hindi naman kami mag-asawa ni Russo eh."
"W-what?"
"Nagpapanggap lang kami. Gusto ko lang ipakita sa 'yo na masaya ang buhay ko kahit wala ka. Pero ang totoo mahal na mahal pa rin kita." Matthew was unable to make a voice, it was as if there's a big lump in his throat. Totoo ba ang narinig niya.
"Hindi naman ako papatulan n'on. Russo is gay, at mukhang ikaw ang type niya," nakangiting sabi ni Reghie. Natampal ni Matthew ang sariling noo habang ang isang kamay ay nasa balakang nito. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Napangiti siya bigla at muling sinapo ang mukha ni Reghie.
"Totoo ba 'yan, ha? Walang biro?!" nakangiting umiling si Reghie. Mahigpit niya itong niyakap. Nag-uumapaw ang puso niya sa kaligayahan.
"Kung gan'on tama ang hinala ko. Tama ang sinabi ni Stephanie na bakla nga si Russo." Biglang inilayo ni Reghie ang sarili sa kanya.
"Stephanie?"
"Yeah. Stephanie Garcia." Isinalaysay nga ni Matthew kung paano niya nakilala si Stephanie.
"And last night, she called me, and she told me she would tell me everything about Russo in just one condition."
"Which is...?"
"If I would tell her where Russo was."
"And...?"
"I gave your address without hesitation," buong pagmamalaki niyang sabi.
"Patay kang Russo ka," usal ni Reghie. Natawa siya at muling niyakap si Reghie.
"Kaya pala parang walang pakialam ang siraulong 'yon na magkasama tayo dito. Tinawagan ko siya kanina lang at sinabi kong magkasama tayo."
"Anong sabi?" tanong ni Reghie at nanatili lang silang magkayakap.
"Okay. Take care of her," Reghie laughed. Ang buong akala ni Matthew ay sadyang tanga lang si Russo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top