Chapter 21
THIS night is not for Reghie. Ang daming nangyayari. Si Camellia pala ay si Lady Camellia Malcolm Gonzales na siyang may-ari ng Malcolm Advertizing Company. Ang ina ni Kade at Vivienne, na mas kilala bilang Vivienne Jones na siyang screen name nito. Vivienne Gonzales pala talaga ang kabuuang ngalan nito. Ngayon galit na galit sa kanya ang lolo niya dahil sa pagkapahiya nito. Nakausap ng kanyang lolo ang ama ni Preyh at Andra at in-open-up ng kanyang abuelo ang tungkol sa pagkuha ng kompanya ng mga ito sa kanilang Kompanya para sa campaign. Pero napahiya raw ito dahil ayon kay Mr. Herrera at Mr. Lopez ay nakapirma na ang mga ito ng kontrata sa MAC.
Siya ang napagbuntunan ng galit ng kanyang lolo dahil ipinangako niya rito na makukuha nila Ang Lopez Food Inc., at Herrera Brewery Inc., pero hindi nangyari iyon. Hingi naman nang hingi ng tawad si Andra at Preyh sa kanya dahil hindi raw nila alam ang tungkol doon. Ang alam daw ng kanyang mga kaibigan ay ang De Silva ang kukunin ng kompanya nila. 'Yong tawa niya kanina dahil sa mga suot ni Andra at Preyh na balot na balot at parehas na parehas pa ang disenyo dahil sa kagagawan ng mga asawa nito ay binawi naman ngayon ng matinding frustration.
At ngayon naman ay hinahagilap niya ang kanyang ama dahil sa utos ng kanyang ina. Medyo OA ang reaction ng kanyang mommy ngayon. Halos bulyawan siya para hanapin lang ang kanyang ama. Naging aligaga na ito pagkatapos ng introduction kay Lady Camellia. There are rumors flying around na mukhang sinasadya ni Camellia ang pabagsakin ang kompanya nila. Narinig nila ng kanyang daddy iyon kanina sa isa sa mga amiga mismo ng kanyang ina. Dahil ang kompanya raw mismo nito ay nakuha na ng Malcolm Ad Company. May offer daw ang Malcolm na napakahirap tanggihan ng kahit na sino. Para nga raw itong nagtatapon ng salapi dahil sa offer nito sa lahat ng kompanya. Halos fifty percent daw ang ibinigay na diskuwento ng Malcolm sa lahat ng kliyente.
"Reghie," nilingon niya ang tumawag sa kanya at si Vivienne ang tumbad sa kanyang paningin.
"Reghie can we talk?" Anong drama na naman kaya ang palabas ng babaeng 'to?
"If this is all about Matthew, I'm not interested," hindi niya itinago ang pagtataray niya dito.
"Reghie, please. This is an important matter."
"Not now, Vivianne!" She glances around and uttered. "Where are you, dad?"
"Are you looking for your father? Parang nakita ko siyang nagpunta sa may patio," ani Vivianne.
"Salamat." Tinalikuran na niya ito at nagtungo sa direksiyong tinuro ni Vivienne. Nakita nga niya ang kanyang ama na nandoon at kausap si Lady Camellia. Lumapit siya sa patio pero nahinto siya sa paglalakad nang maulinigan niyang parang nagtatalo ang kanyang ama at si Camellia.
"Why did you do this? Sinasadya mong kunin ang lahat ng kliyente namin! What are these all about, Camellia?!" Galit ang tinig ng kanyang ama.
"This is all about business, Enrique. Ganito naman sa negosyo. Kailangan tuso ka. Matira matibay!" Kalmado ang boses ni Camellia pero mababanaag ang tapang sa mukha nito na hindi man lang niya nakita kaninang kausap niya ito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari.
"Anong nangyari sa 'yo, Camellia? Ibang-iba ka na. The sweet and innocent Camellia I've known had gone. Isang masama at walang pusong Camellia ang nakikita ko ngayon!" Dumilim ang mukha ng ginang at tumalim ang mga mata nito.
"Mas masama ka! Pinatay mo ang anak ko! Kaya nararapat din sa 'yo ang maghirap! Kulang pa 'yan sa lahat ng ginawa mo sa 'kin!" Napahawak si Reghie sa kanyang dibdib sa narinig. Punong-puno ng galit si Camellia. Ibig sabihin ay magkakilala ang kanyang ama at ang ginang dati pa.
"Anong sinasabi mo? Anong anak? Anong pinatay?" naguguluhang tanong ni Enrique.
"Enrique!" Isang boses mula sa kanyang likuran ang gumambala sa pagtatalo ni Camellia at Enrique. Agad niya itong nilingon at ang kanyang ina iyon. Nagmamadali itong lumapit sa dalawa saka hinawakan si Enrique sa braso.
"Halika na umuwi na tayo!" Aya ni Almira.
"Sandali lang Almira—"
"No! I said let's go home!" Her mother looks really mad. Hindi na siya nakatiis pa kaya lumapit na siya sa mga ito.
"Mom, dad."
"Regina just go! Find your lolo and your sister and tell them we're gonna go home!" Her mother almost shouted. Hindi kumilos si Reghie. Kaya muli siyang sinigawan ng ina.
"Go!" Doon siya mabilis na tumalima. Magkanda tapi-tapilok siya sa pagmamadali. She has no idea what is really happening but she was sure that this is worst. Kanina ay nag-iba rin ang pakikitungo sa kanya ni Camellia. Naging malamig ang pakikitungo sa kanya nito na hindi niya alam kung bakit.
Napapitlag siya nang biglang may humaklit sa braso niya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. Nilingon niya ito at si Matthew ang tumambad sa paningin niya.
"Matthew, ano ba? Bitawan mo nga ako!" pinilit niyang hilain ang kanyang braso pero hindi nito iyon pinakawalan.
"Redge, mag-usap naman tayo, please!"
"Please rin Matthew, not now! Kung gusto mo ng sex mamaya sa bahay! For now, layuan mo muna ako!" Wala siyang panahon para makipagdiskousyon dito. Nalukot ang mukha ni Matthew sa sinabi ni Reghie.
"May problema ba?" bigla ang pagsulpot ni Kade.
"Kade, can you please help me to get rid this bastard!"
Natigil ang tangkang paglapit ni Kade nang balaan ito ni Matthew.
"'Wag kang mangialam dito, Kade. Binabalaan kita!" Napatili si Reghie nang bigla na lang siyang pasanin ni Matthew. Pinagsusuntok niya ang likod nito habang tili nang tili. Para siyang isang sakong bigas na pinasan nitong walang kahirap-hirap. Inilabas siya ni Matthew sa bakuran ng Malcolm.
"Hinayupak ka talagang lalaki ka! 'Yong dibdib ko luluwa na!" Asik niya dito.
"Just hold on, malapit na tayo sa sasakyan," kalmadong sabi nito. Ibinaba siya ni Matthew sa may sasakyan sa passenger side at agad nitong in-unlock ang kotse.
"Sakay," utos nito hustong mabuksan ang pinto.
"Matthew, ano ba 'to? Kung gusto mong umuwi—"
"Sakay!" Wala na siyang nagawa pa kundi ang sumakay na lang. Agad na sumakay si Matthew at pinasibat ang sasakyan. Reghie hugged herself as the chill was biting into her bones. Inihinto ni Matthew ang sasakyan sa tabi ng daan. Hinubad nito ang coat saka ibinilabal sa kanya.
"Bakit ba kasi ganyan ang suot mo? Hindi mo ba nakita kung paano ka titigan ng mga lalaki kanina?" Matthew's possessive side attacked. She loved it whenever Matthew's possessive side for her comes out. Talagang kinikilig siya noon. Pero ngayon ay nagkandapatong-patong na ang galit niya para dito para kiligin pa siya.
Hindi niya 'to inimik hanggang sa mapansin niyang iba ang daang tinatahak nito. Hindi ito ang daan papuntang village nila.
"Saan mo ako dadalhin?"
"Somewhere where you can't escape from me." Hindi na siya nakipagtalo dahil siguradong mapapagod lang siya.
After more than two hours ay narating nila ang destinasyon. Sa Antipolo sila nagtungo sa resthouse ni Matthew. Nang maiparada ni Matthew ang sasakyan sa loob ng bakuran ay agad itong umibis. Hindi na niya inantay pang pagbuksan siya nito. Agad siyang bumaba habang hawak ang magkabilang hem ng coat gamit ang isang kamay at sa kabila ay tangan pa rin niya ang itim na clutch bag. Nang maisara muli ni Matthew ang gate saka naman siya nito inaya para pumasok sa loob. Tangka siya nitong aalalayan pero pumiglas siya. Napapailing na lang na pumasok si Matthew saka naman siya sumunod.
"Anong gagawin natin dito?" tanong niya habang binubuksan ng binata ang ilaw. Nagtungo ito sa sala na agad naman niyang sinundan.
"Mag-uusap tayo," ani Matthew at pabagsak na umupo sa sofa. Humarap siya dito at pinakatitigan ang binata.
Alam niya kung ano ang gusto nito. Ibinagsak niya ang coat sa sahig. Initsa niya ang clutch bag sa sofa sa tabi ni Matthew. She reached her back and unzipped the gown, tugging it down. Bumagsak ang gown niya sa sahig at tanging itim na underwear na lang ang suot niya. Kitang-kita ang gulat sa mukha ni Matthew dahil sa ginawa niya. She pulled down her panties. Wala siyang itinirang saplot sa katawan, maging ang heels niya tinanggal niya rin.
"I know, you just want my body. C'mon! Take me. Do whatever you want to do. Fuck me hanggang sa magsawa ka. May anak akong naghihintay sa 'kin baka lang kasi nakakalimutan mo!" Bumuga nang hininga si Matthew bago tumayo. Isa-isa nitong kinalas ang pagkakabutones ng polong puti at tuluyang hinubad.
Hinapit nito ang kanyang baywang at mahigpit na hinawakan ang likod ng ulo niya saka siya siniil ng halik sa labi. Agad din nitong pinakawalan ang labi ni Reghie.
"I want to spend my whole night making love to you. Let you feel and experience my passion as I crave for your tightness.. Pero alam mong hindi lang 'yan ang gusto ko." Tinuro nito ang tapat ng puso niya.
"I want your heart. I want you to be mine again. At hindi tayo aalis sa bahay na 'to hanggat hindi nangyayari 'yon." Binitawan siya ni Matthew at isinuot sa kanya ang polo nito.
"Don't worry about Mateo. Sigurado namang hindi siya pababayaan ni Russo. Titingnan din siya ni mommy," anito habang binubutones ang polo.
"Pero kung gusto mo naman makita agad ang anak natin. Makikinig ka sa lahat ng sasabihin ko. Makikinig ka sa lahat ng ipapaliwanag ko. Masyado nang mahaba ang ibinigay kong panahon sa 'yo Reghie. It's about time para pakinggan mo naman ngayon ang side ko. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa 'yo dahil pinaasa kitang hindi ko sinasadya. Pero malaki rin naman ang naging kasalanan mo sa akin. Iniwan mo ako noon. Nakapag-move-on ka nang ganoon kadali samantalang ako miserable. Nagawa mong ngumiti at tumawa ilang araw pa lang nang pag-iwan mo sa 'kin samantalang ako apat na taong pinagdamutan ang sariling maging masaya."
Humakbang siya palayo dito. Ngali-ngaling niyang sampalin ito. Anong pinagsasabi nitong naging masaya siya? Eh halos mamatay siya sa lungkot dahil sa pangungulila rito at dahil sa sakit nang idinulot nang panluluko nito sa kanya. Ibang klase rin mag-conlude ang lalaking ito.
"And now, galit ka na naman sa 'kin na hindi ko alam kung anong ginawa kong mali. For God's sake Reghie, magsalita ka naman kasi. Magsabi ka kung anong ikinagagalit mo! Magsabi ka kung nasaktan kita kasi hindi ako manghuhula!"
Marahas itong napakamot sa ulo. Mukha na rin 'tong iritable, pero mas lalo lang siyang na-bu-buwesit dito. Literal na talaga siguro dito ang pagiging manhid. O sadyang wala lang dito ang pakikipaglandian nito sa mga babae.
"Hindi ka manghuhula pero siguro naman ay alam mo kung ano ang mali sa tama! Ano 'yong mga sinasabi mo sa 'king mahal mo ako. Na gusto ma akong makuha uli kay Russo pero nakikipaglandian ka sa kahit na kaninong babae!"
"Of course not!"
"Deny pa! Hinayupak ka talaga!"
"Baby—" malakas niyang hinampas ang dibdib nito.
"'Wag mo akong tawaging baby!" Malakas niyang sigaw.
"Kaninong endearment mo 'yan ginagamit? Kay Vivienne? Kay Jona o kay Amira?!"
"Wala. Sa 'yo!"
"Hindi! Babe ang tawag mo sa 'kin 'di ba? Sukol ka na nagsisinungling ka pa! Alam ko na. Kay Jona siguro dahil kung i-comfort mo siya habang umiiyak, wagas! O baka kay Amira na naka-date mo? Tama sa kanya nga siguro kasi pabebe 'yon eh!" Ang gulat sa mukha ni Matthew ay nawala bigla. Bigla na lang itong tumawa nang tumawa na ikinait lalo ng ulo niya.
"Nagseselos ka! Oo tama nagseselos ka!" Natatawang sabi ni Matthew. Matthew didn't make fun of her but Reghie was too angry to notice how much Matthew was happy right now dahil sa pagseselos ni Reghie. Para kay Reghie ay pinagtatawanan lang siya nito.
Malakas niyang itinulak si Mattew sa dibdib saka tumakbo sa hagdan. Gan'on ba siya ka-obvious? Walang hiya talaga ang lalaking 'yon at pinagtawanan pa siya. Nang nasa ikalawang palapag na siya bigla ang pagliwanag ng buong ikalawang palapag at natigil siya sa paglalakad nang biglang may yumakap mula sa likod niya.
"Bitawan mo nga ako!" Asik niya rito.
"Baby.. este babe. 'Wag ka nang magselos," Matthew teased her.
"Bitawan mo ako kundi sisikuhin talaga kita!" Muli lang itong tumawa.
"May dahilan kung bakit ko niyakap si Jona. Ang tungkol naman kay Amira. Walang date na nangyari. Kung ang tinutukoy mo ang pagkikita namin sa bar. Siya ang lumapit—"
"Kaya sinunggaban mo!" Muli itong natawa.
"Hindi. Kahit tanungin mo pa si Iñigo at Aiken." Pinihit siya nito paharap saka hinawakan ang pagkabila niyang pisngi.
"Selosa naman masyado oh!" Dinampian siya nito ng halik sa labi.
"Absuwelto ka sa dalawang kaso pero ang tungkol kay Vivienne hindi!" Malakas niyang sinikmuran si Matthew pero parang sumuntok lang siya ng isang bagay na gawa sa adobe sa tigas ng tiyan nito. Pero kahit paano ay napaigik ito dahil hindi ito handa sa gagawin niya. Tangka niya itong tatalikuran pero agad siyang hinila ni Matthew palapit sa katawan nito.. Ikinulong nito ang malambot niyang pigura sa matigas nitong mga bisig.
"'Yon ang pag-uusapan natin, babe. We need to talk about the past. I know you don't want to go to the past, but we have to." Naramdaman ni Reghie ang paghalik ni Matthew sa tuktok ng kanyang ulo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top