Chapter 2

@Mashielalibre
@atskylecnicole
@AliahNosair

A/N: Doon po sa mga nag-pa-padedicate kung sino po ang unang magsabi sakanya ko I-dedicate para walang tampuhan. Ayos?! Kay shiela sana muna ang dedication kaso sis dme talaga alam kung bakit hindi lumilitaw name mo.. kaya kay atskylecnicole na muna.. 

BTW: Nais kong magpasalamat sa inyong lahat na nagbabasa, nagco-comment at bumuboto ng stories ko. Sa mga nag-tweet ng entry ko sa Wattys2015 maraming salamat.

Nanalo tayo ABS FAMILY ng tatlong awards.
The best TNT panalo story -The Real Heiress.
People choice award- The Real Heiress
Talk of the town -Slept with a Stranger.

Salamat sa supports niyo! I love you ABS Family! Parang abs-cbn kapamilya lang. XD! Join to our group guys! Whroxie..... kung baliw po kayo o gustong mabaliw join lang po kayo diyan. Any way! Hi girls daw sabi ni Matthew! Play the video.

Isa pa palang paalala.. 'wag niyo pong I-connect ang background ni Reghie na nailagay ko sa slept with a stranger. Kung ano man ang bachelor's degree niya o kung nasabi ko man na isa siyang solong anak na hindi ko matandaan kung nabanggit ko doon. forget it guys!

___

"NICE to meet you. Will you excuse us, please? Kakausapin ko lang ang asawa ko." Buong maginoong giniya ni Russo si Reghie palayo.

"Preyh, please watch over my son," bilin ni Reghie habang papalayo sila. Pumasok sila sa bahay at ang pagiging maginoo ni Russo ay biglang naglaho nang pabalya siya nitong binitawan at hinampas siya sa braso.

"Aw, hubby naman bakit ba?"

"Kadiri kang babae ka! Anong palabas 'yon!?" tumawa lang si Reghie.

"Masarap akong humalik di- aw!" muli siyang hinampas ni Russo sa braso.

"Gosh! Bakla ka, nilapastanganan mo ang labi ko! Diyos ko Regina, just do it again at talagang lalapirutin ko ang nguso mo." Pinunas pa nito ang sariling labi.

"Rossa-"

"Rose!" Russo snapped. Muli siyang natawa at ikinawit ang kamay sa braso nito pero maarte itong nagpumiglas, pero hindi siya bumitaw dito.

"I need your help, babe. Nasabi ko ng asawa kita, I can't take it back, mapapahiya ako. At isa pa, Matthew might think that Mateo is his son kung malalaman niyang wala akong asawa."

"Why me?"

"Why not you? Jeez! Russo. You're damn hot-"

"Seductive!" Sansala nito na ikinatawa na naman niya dahil ang malandi niyang kaibigan na ubod ng gwapo ay mas gustong gamitin ang salitang seductive dahil mas akma raw iyon na deskripsiyon sa kanya.

"Russo please! Magpapakalalaki ka lang naman kapag kaharap mo si Matthew," pagsusumamo niya.

"Seriously Regina! Magpapakalalaki sa harap ng gan'ong kagwapong nilalang! Patayin mo na lang ako kasi sinasabi ko sa 'yo hindi ko kaya."

"Kaya mo! Lalaki ka naman talaga eh, sa harap ko lang naman ikaw ubod ng landi eh."

Naniniwala siyang kaya nitong magpanggap na totoong lalaki sa harap ni Matthew dahil gawain na nito ang magpakalalaki sa harap ng iba. At sa tindig pa lang ni Russo ay talagang kaiinggitan na ng maraming kalalakihan. Russo is not a kind of gay who loves wearing girl's clothes. Lalaking lalaki ang itsura nito 'wag lang talaga makakakita ng gwapong lalaki dahil kikiwag talaga ang katawan nito sa kilig pero patago naman nitong ginagawa iyon. Hindi alam ng pamilya nitong bisexual ito.

Nakilala niya si Russo Silvano sa San Francisco sa Silvano Ad Agency kung saan siya nagtatrabaho- na pag-aari naman ng pamilya nito. Ang pamilya niya at pamilya nito ay matalik na magkaibigan - correction- Pamilya De Silva. Ang pamilya ng kanyang inang si Almira McAllister De Silva.

She's just a bastard heiress. Anak siya sa pagkadalaga ng kanyang ina. Kaya galit na galit ang kanyang lolo- Senior Claudio- sa kanya pati na rin ang kanyang ina nang malaman ng mga itong buntis siya. Isa raw siyang disgrasyada at manang mana siya sa kanyang mommy. Ipinaalam niya ang pagdadalang tao niya noong nasa San Francisco na siya at hindi niya sinabi sa mga itong si Matthew ang nakabuntis sa kanya. Matagal na rin siyang pinapatapon ng kanyang lolo sa San Francisco para doon magtrabaho pero matigas siya dahil ayaw niya naman malayo kay Matthew, kaya lalong nagagalit ang lolo at mommy niya sa kanya. May ad agency din ang pamilya niya dito - DS Ad Agency stands for De Silva Ad Agency. Hindi pa nakontento sa mga kinikita kaya ayon, nakipag-merge pa sa mga Silvano.

May dugong banyaga si Russo- Italian, Russian na nakuha sa kanyang ama na may lahi ng mga nasabing decent. Pero lamang pa rin ang dugong Pilipino nito dahil ang nanay nito ay purong Pilipino at ang tatay naman nito ay kalahati ang dugong Pilipino kaya matatas itong managalog. Tagalog ang ginagamit nilang lengwahe kapag nag-uusap sila noong nasa San Francisco sila, lalo kapag lalaki ang pinag-uusapan nila at malapit lang sa kanila. Kaya minsan ay pinagtitinginan sila ng mga banyagang nakakarinig sa kanila.

"So, payag ka na?" tanong niya. Kumibot-kibot ang bibig nito na tila nag-iisip pa.

"C'mon!"

"Okay fine!" Napatili siya at sinampahan niya ito sa likod. Hinalikhalikan niya ang pisngi nito.

"Babe, you have to eat more, ang gaan mo na." Natigil siya at nangunot ang noo sa tinuran ni Russo.

"Your ex," bulong nito.

Agad niyang hinanap si Matthew at nakita nga niyang nakatayo ito sa may pintong papalabas ng hardin. He looks mad. Baka may problema lang? Bihira niyang makita ang ganyang ekpresyon ni Matthew noon. Madalas nakikita niya ang pagdilim ng mukha nito sa tuwing may kausap siyang lalaki.

Lumabas si Matthew ng bahay saka naman siya bumaba sa pagkakasampa sa likod ni Russo.

"Your ex is damn hot!" Russo giggled.

"Shut up, Russo!"

Totoo ang sinabi ni Russo. She can't deny it. Matthew still hot at kaninang makita niya ito parang nagwala ang puso niya. However, she tried her very best to calm herself, to be not look affected by his presence and she guess, she succeeded for pretending. A sudden unnamed emotion swirled through her at isa lang ang alam niya hindi niya iyon gusto.

"Oh what's with that face?" asked Russo.

Napuna nito marahil ang paglamlam ng mata ni Reghie. Umiling na lang siya. Hindi niya gustong pangalanan ang nararamdaman niya pero sa totoo lang alam naman niya talaga kung ano ang nararamdaman niya ngayon pero ayaw niya lang pagtuon ng pansin. Muling nabaling ang tingin ng dalawa sa dalawang taong kakapasok lang ng bahay. Si Matthew at hindi siya makapaniwala sa nakikitang babaeng kasama nito.

"Anong ginagawa niya dito?" bulong ni Russo.

"Regina, you're here," the girl said.

"You know her? Aah! Of course sila ang may-ari ng Ad Agency. Are you relatives?" tanong ni Matthew.

"Yeah. She's ..um.. my half-sister.." parang hirap na hirap itong ipakilala siya. Doon parang nagulat si Matthew.

Mula pa naman noon gan'on na talaga. Hindi siya nito magawang ipakilala as her very own sister. Laging nakakabit ang salitang 'half'. Even her mother seemed ashamed to introduce her to everyone. Dalawang taon ang tanda niya sa kapatid.

Ano ba nito si Matthew? Hindi siya magtataka kung may relasyon ang dalawa, pero parang hindi niya matanggap. Bakit nasasaktan siya sa isipang iyon? Bakit ang kapatid pa niya? How about Vivienne? God! Ang sarap talagang tapyasan ng itlog ang hayop!

At impossible namang hindi nito alam na magkapatid sila. Oo nga't hindi naman talaga siya nagku-kwento dito ng tungkol sa kapatid niya pero kung may relasyon ang dalawa impossibleng hindi nito malaman. Ang tanging nasabi lang niya kay Matthew ay may kapatid siyang nasa States.

"Can we talk, Amira?" untag niya sa kapatid.

"Matthew, I'm gonna talk to her first," ani kapatid niya. Matthew left them and she gestured for her sister to sit on a golden yellow sofa. Naupo silang magkatabi sa sofa na nasa malapit lang sa pintong papuntang hardin. Katabi naman siya si Russo sa kabila.

"Kilala mo pala si Matthew?" tanong ng kapatid niya.

Hindi pa nito nakikilala si Matthew. Sa San Francisco kasi ito nag-aral at noong siya na ang nagpunta ng San Francisco, isang buwan lang silang nagkasama nito doon at umuwi na ng Pilipinas ang kapatid niya. Parang ayaw talaga siyang nakakasama.

"May relasyon kayo?" hindi niya mapigilang tanungin. Isang buntong hininga lang ang sagot ng kapatid.

"Gago 'yon. Baka masaktan ka lang."

"Thanks for your concern but I don't need it Reghie. So, is that all your concern?" anito sa nayayamot na tinig.

"Can I ask you a favor?" Amira automatically raised her brows. Well, ngayon lang naman kasi siya hihingi na pabor dito and knowing her sister, hindi ang tipo nito ang magbibigay ng isang pabor.

"Don't tell Matthew that I'm a single mother. Even to others. Ang alam nila si Russo ang tatay ng anak ko." Amira smirked at her.

"I don't blame you. Having a bastard is a completely disgraceful." Nagpanting ang tainga niya sa tinuran ng kapatid niya. Hindi niya gustong sinsabihan ang anak niya ng bastardo. Totoo man ito o hindi.

"I'm sorry, Regina, I didn't mean it. Sorry for the term. I should say an illegitimate child, it's a little bit better than bastard, though it has the same meaning."

She just looked up and puffed breath to compose herself. Baka Hindi siya makapagpigil at masapak niya ang kapatid niya nang wala sa oras.

"By the way, Russo is your boyfriend now?" Patanong nitong wika.

"Yeah. Pero ang alam ng mga kaibigan ni Reghie mag-asawa na kami kaya kung ayaw mong masira ang pagmumukha mo just shut your fucking mouth!"

Si Russo ang sumagot at agad niya itong pinalo sa hita dahil lumalabas na naman ang pagkabratinela nito. Wala pa namang alam ang kapatid niyang sa pagkakaroon nito ng berdeng dugo.

"Kaya hindi kita magustuhan kahit kailan eh! Ang talim ng tabas ng dila mo kalalaki mong tao..." inismiran ito ni Amira saka tumayo.

"By the way, I'm happy for you. Mabuti naman at may tumanggap sa 'yo," sabi ni Amira sa kanya. She rolled her eyes. Gaano naman kaya katotoo ang 'I'm happy for you' nito. Magugunaw na ang mundo kung totoo man 'yon. Umalis ito at naiwan silang magkaibigan.

"Mas maganda kasi ako sa 'yo kaya hindi mo ako gusto! Empakta!" Nanggigil na sabi ni Russo nang makaalis si Amira. Tumawa lang si Reghie sa sinabi nito.

"Hindi ko talaga gusto ang kapatid mong 'yan kahit noon pa man. 'Buti na lang talaga at ang layo ng ugali mo sa babaeng 'yan."

Nakasama na rin kasi ni Russo ang kapatid niya sa San Francisco. Nagtatrabaho si Amira sa Silvano Ad Agency at isa rin itong model. Ito ang madalas na nagiging model ng produktong nahahawakan ng kompanya nila. Madalas kasing ito ang gusto ng mga clients- mapa-televisoin man o print ad. Pero ngayon nandito na 'to sa Pilipinas, nag-ta-trabaho na 'to bilang Account manager sa DS Ad Agency. Kahit kailan ay hindi niya talaga sinasama ang sarili bilang anak ng may-ari ng kompanya dahil sampid lang naman talaga siya. Siya naman ay creative director sa Salvino Ad Agency at ngayon ay hindi niya alam kong saan siya ilalagay ng kanyang stepfather na si Enrique De Silva sa sarili nitong kompanya.

Four years ago ay siya ang account manager pero syempre wala na siyang babalikan dahil ang kapatid na niya ang nasa posisyon ngayon. She has two bachelor's degree. She graduated at the college of Bussines Management and Fine Arts in Ateneo Diliman. Pagkatapos niyang matapos ang BS Managament ay kumuha naman siya ng fine arts habang nag-ta-trabaho siya noon sa kompanya nila. Kailangan niya iyon para mas may maiambag siyang mga idea sa creative team para sa ikauunlad ng kompanya nila. Kaya noong nasa Silvano Ad Agency na siya ay ginawa siyang creative director doon.

Pero kahit na maganda ang nagagawa niya para sa kompanya nila ay baliwala naman 'yon sa lolo at mommy niya. Mas proud ito sa achievement ng kapatid niya. Bias ang kanyang lolo at mommy sa kapatid niya.

Pero kahit naman paano ay may isang taong alam niyang totoong pinagmamalaki siya at iyon ang kanyang daddy-- Ramon De Silva. Hindi man siya nito totoong anak, hindi niya maramdaman na hindi sila magkadugo nito. Tinuring siya nitong tunay na anak.

Hindi lang niya lubos na maunawaan kung bakit hindi sinununod ang pangalan niya dito. Nanatili siyang isang McAllister, kahit isang taon pa lang siya ay ikinasal na ang mommy niya at ang stepfather niya. Ito na ang kinamulatan niyang ama pero nasaktan siya noon at laging umiiyak ng malaman niyang hindi siya tunay na anak ng kanyang daddy.

Hindi tinago ng kanyang ina ang katutuhanan sa kanya. Nagkakaisip pa lang siya pinaalam na iyon sa kanya. Tinanong niya minsan ang kanyang mommy kung bakit hindi na lang siya papalitan ng apilyedo pero nagagalit lang ito sa kanya kaya hindi na lang niya ipinilit pa hanggang sa inabot na niya ang edad niya ngayon. Ang tunay naman niyang ama ay hindi niya kilala dahil ayaw ding pinag-uusapan ng kanyang mommy.

"Totohanin na lang kaya natin ang pagiging mag-asawa natin. Maganda naman ako diba?" Russo rolled his eyes.

"No way! Hindi ko masisikmura ang lumapa ng tahong no!" Reghie bursts into a raucous laugh, hitting his arm.

Tahimik lang si Russo noong makilala niya pero mula nang maging close sila ay naging baklang bakla na talaga at marami itong natutunang kalokohan sa kanya. Naging close lang sila nito noong minsang pinuntahan siya nito sa kanyang unit ayon sa pakiusap ng kanyang ama na silipin siya paminsan minsan. Inabutan siya nitong lasing na lasing.

Ayon, naikwento niya dito ang lahat ng problema niya. Nabatukan pa siya nito dahil sa pag-inom niya gayung buntis siya. Ipinagtapat rin nito ang lahat sa kanya; Ang tungkol sa pagiging bisexual nito. Ayon dito ay malaki rin ang problema nito dahil mahirap itago ang pagnanasa nito sa kapwa lalaki. Hindi ito maaaring lumadlad dahil solong anak ito at itatakwil ito panigurado. Pasalamat itong dumating siya dahil kapag siya ang kaharap nito ay hindi nito kailangang itago ang totoong ito.

"Tara na nga," tumayo siya at gan'on din ito.

"Umayos ka Russo ah. Galingan mo ang pagpapanggap kundi hindi talaga kita tutulungan itago ang malaking ugat mo kapag sumali ka sa International Queen." Tinuro pa niya ang bagay sa pagitan ng hita nito.

"Letse! Wala akong balak sumali sa gan'on." Muli lang siyang tumawa. Nagtungo sila sa hardin. Hindi pa man siya nakakaupo ay narinig na niya si Alaissa na natataranta.

"Ate Preyh, Ate Redge, ang mga anak niyo nagsuntukan!"

"What!?" Sabay na bulalas ni Preyh at Reghie. Mabilis na tumalilis ang dalawa at kasunod ang lahat na nagtungo sa kung saan naglalaro ang mga bata. Agad na nilapitan ni Preyh ang anak at siya naman ay nilapitan si Mateo. Putok ang labi nito.

"Oh my god! What happened?" Alalang tanong niya sa anak.

"Sinuntok po ni Sebastian si Mateo," paliwanag ng yaya marahil ng anak ni Preyh.

"Why did you do that, Sebastian?" may paninita sa boses ni Preyh.

"He kissed, Gela!" Sigaw ni Sebastian.

"Did you do that, Mateo?" may paninita rin sa boses ni Reghie. Tumango si Mateo.

"Why did you do that?"

"She's pretty and I like her, that's why I kissed her!" Napaawang nang husto ang bibig niya sa tinuran ng anak. This is the first time na ginawa nito ang gan'on.

"Pero Mateo, mali ang ginawa mo."

"Tito Prince Matthew told me if I like the girl I should kiss her."

"Who?" she asked, confused.

"Tito Prince Matthew." Tinuro ni Mateo si Matthew na nakatayo sa tabi lang nito. Tiningala niya ito at kapagkuwa'y tumayo siya.

"Iniwan ko lang sandali ang anak ko kung ano-ano nang tinuro mong kalokohan!" Nagkibikit lang ito.

"Don't go near Gela or else I will punch you again!" Hiyaw ni Sebastian.

"Gela told me she likes me too! You just envy me beacause I'm more gwapo than you!" Hiyaw naman ni Mateo na nakakuyom pa ang mga palad. Tumawa naman bigla si Matthew na agad naman niyang pinukol ng masamang tingin.

"Stop fighting! You two are only three and I'm four! I'm your ate!" Hiyaw naman ni Gela. Napatulala na lang sila sa mga nangyayari. Kinarga ni Iñigo si Gela.

"'Wag kayong lalapit sa anak ko ah! Kahit mga bata 'yan loko papatulan ko 'yan," ani Iñigo na agad namang sinaway ni Andra. Muling umuklo si Reghie para pumantay sa bata.

"Mateo baby, don't do that again huh? You have respect girls. Hay! Manang mana ka sa tatay mo."

Hinalikan niya ito sa noo at bigla ay parang nakaramdam siya ng lungkot hindi para sa sarili niya kundi para sa sariling anak. Kung sana lang ay buo sila masaya siguro sila. Tiningala niya si Matthew, nakatingin din ito sa kanila. Seryoso ang mukha.

NASA Galvez building si Reghie ngayon. Pupuntahan niya si Andra dahil malaki ang tampo nito sa kanya. Alam na nito ang lahat- ang tungkol sa tunay na ama ni Mateo; na alam ni Preyh ang lahat kaya ayon, nagtampo at sa tingin niya ay matindi talaga ang tampo ng kaibigan dahil hindi raw nila ito pinahalagaan para hindi dito ipaalam ang totoo.

Natigil si Reghie sa paglalakad nang makita si Matthew sa tapat ng private elevator. Tumuloy siya sa isang elevator para makaiwas dito pero lumingon ito sa gawi niya.

"Regde, going up?" inirapan niya ito.

"I don't know if you're just an idiot or talagang may pababa pa mula dito sa first floor. Going to hell, maybe, narating mo na?" her tone is full of sarcasm. Ngumisi lang ito.

"Sabay ka na sa 'kin." Hindi niya ito pinansin at tumingin na lang sa numerong kulay pula na papataas ang bilang.

"Halika ka na matagal pa 'yan," nagulat siya nang bigla siya nitong hilain at tuloy-tuloy na pumasok ng private elevator.

"Peste ka!" Asik niya dito nang bitawan siya nito.

"Thank you!" Sagot nito at pinindot ang 24 na numero- kung saan ang opisina ni Preyh at Andra at ang 25 kung saan naman ang opisina ni Matthew.

Tahimik lang siya habang nakatutok ang mata sa pintong nakasara. Pakiramdam niya over loaded ang elevator, parang ang sikip at kinakapos siya ng hininga nang malanghap niya ang pabango nito. Parang miss na miss niya ito? Parang gusto niya itong yakapin at humilig sa dibdib nito habang hinahalikan siya sa ibabaw ng kanyang ulo katulad ng madalas nitong gawin noon at paulit-ulit na bubulong ng 'I love you, babe'. Napapikit siya at humugot ng isang malalim na hininga. Pilit niyang iwinaksi ang naglalaro sa kanyang isipan.

"Bakit ka umalis?" basag nito sa nakakabinging katahimikan. Tinaas niya ang kanyang mukha. Apat na taon na ang lumipas pero hindi man lang ba nito na-realize kung bakit siya umalis? Ibang klase!

"Wala lang gusto ko lang," sagot niya. From the corner of her eye, she saw him snapping his head towards her.

"Wala lang? Is that your reason?!" ramdam niya ang panunumbat sa tinig nito.

"Yeah. Nakakasawa na!" Matabang niyang sagot.

"At nag-asawa ka kaagad! Don't you know the three months rules in a relationship?!" Pagak siyang tumawa.    Juma-John Lloyd pa ang hudas!!

"At alam mo rin ba na dapat hindi kumakanti ng iba kapag may karelasyon ka! Get over it! May sarili na akong buhay!"

Alam din kasi nitong nabuntis agad siya dahil sa mga tanong nila Iñigo sa kanya kung ilang taon na si Mateo. Pero sana lang talaga hindi na magawang magbilang pa nito ng buwan. Pero hindi siya nag-aalala dahil ang alam naman nitong gumagamit siya ng pills noon. Wala siyang balak sabihin dito ang tungkol kay Mateo. Mamamatay siyang dadalhin ang sekreto niya.

Bumukas ang elevator sa 24th floor, akma siyang lalabas pero hinila siya ni Matthew at muling isinara ang pinto.

"Ano bang problema mo!?" sigaw niya dito.

"Hindi pa tayo tapos!" Tiim bagang nitong turan at mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya.

"Tapos na tayo!" Sinalubong niya ang titig nito.

"Pinagmukha mo akong tanga alam mo ba 'yon!?" Bagamat galit ang nararamdaman niya para dito, nakakaramdam din siya ng takot dahil sa nanlilisik nitong mga mata na kahit kailan ay hindi pa niya nakikita mula dito. Pero hinding-hindi siya magpapatinag dito.

"At ako hindi!? You cheated on me!"

"Hindi mo-"

"Stop it!" Hiyaw niya. Muling bumukas ang elevator sa 25th floor pero agad din nitong isinara iyon at pinindot naman ang ground floor button at muli siyang hinarap.

"Ayaw ko nang binabalikan pa kung ano mang mayroon tayo noon. I don't treasure the moments we had spent together. You're nothing to me now-" she swallowed her words when his lips crushed on hers.

Sinandig siya nito sa dingding ng elevator at ipininid ng pakrus ang dalawang pulupulsuhan niya sa ibabaw ng kanyang ulo habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa batok niya ng sobrang diin. Pinilit niyang makawala pero masyado itong malakas.

Biglang dumausdos ang kamay nito na nakahawak sa batok niya at sinapo ang kabila niyang dibdib dahilan para masinghap siya na agad namang sinamantala ng mapangahas nitong dila ang pagbuka ng bibig niya at agad na dumulas sa kanyang bibig na ikinaungol niya.

__

Tapusin ko muna ang No More Lies then subukan ko ang update twice a week para mabilis...



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top