Chapter 19

A/N: HIndi ko alam  kung  nabanggit ko ang pangalan ng asawa ni Mark sa SWAS. Tinatamad na akong back read kaya kung dman same ang name inform niyo na lang po ako.  Mali-mali din ako sa mga pangalan ng chracters dito. LOL! Like mudra ni Matthew na Nathalia naging Carmela.. XD! 

BTW: Yong part two ng BS hindi ko na sinama dito. Baka malito kasi kayo sa convo doon na hindi magkakatugma  sa  mga past chapters. May ginawa kasi  akong revision sa isang chapter. Pero someday mababasa niyo rin ang hot, wild, witty and kilig scenes na na-cut.  Enjoy reading.


---- 


"RUSSO SILVANO! I swear, if you don't show up, I'm going to tell your parents that you're gay!"

Inis na inis ang isang babae na nasa likod ni Matthew nakaupo habang nakikipag-usap sa telepono. He was currently in a fine restaurant to meet his colleague. Nakuha ang atensiyon niya ng isang babae nang marinig niya ang pangalang Russo. Hindi niya alam pero bigla ay sumagi sa isip niya si Russo na possible namang ibang tao sa dami ng mga taong magkakapangalan sa mundo. But as he heard "Russo Silvano" he confirmed it was Russo, Reghie's husband. Pero ang mas nakapagpagulantang sa kanya ay ang mga huling sinabi nito.

Hindi na siya nakatiis pa. Tumayo siya at nilapit ang babae. Humila siya ng upuan at umupo sa harap nito. Agad siyang tinaasan ng kilay ng babae.

"Excuse me! I know you're cute, hot and handsome but you're kind is not my type," pagtataray nito na ikinangisi niya.

"Were you talking to Russo Silvano?" diretsong tanong niya. Napaayos ng upo ang dalaga.

"Do you know him?" he could see the excitement in he face.

"If we were alluding the same person," aniya.

"I was referring my ex's girlfriend's husband," sabi ni Matthew at ang excitement sa mukha ng dalaga ay naapula bigla. Tinatamad itong napasandal saka umiling-iling.

"Regina McAllister," dagdag niya. Mabilis na napatingin sa kanya ang babae.

"Regina McAllister," ulit nito. At ayon sa reaksiyon ng dalaga ay mukhang kilala nga nito.

"So kilala mo nga sila. Ano ka ni Russo? Parang galit ka sa kanya, at narinig kong sinabi mong bakla siya," sunod-sunod niyang tanong. The girl took a sip of juice at muling tumingin sa kanya na parang naguguluhan.

"Anong sabi mo? Si Russo asawa ng ex mo na si Regina McAllister. Si Reghie?" tanong nito at tumango siya. Biglang tumayo ang babae pero maagap niyang nahawakan ito sa braso.

"Please let's talk. It seems there's something about you and Russo. Baka magkasundo tayo." Hinawakan niya ang babae sa magkabilang braso.

"Gusto kong mabawi ang mag-ina ko sa kanya. I sense na ikaw ang makakatulong sa 'kin."

"No. Hindi kita matutulungan." Matthew released his clasp on her arms. He pulled out his wallet from his pocket, withdrawing a calling card.

"Here. Take this. Tawagan mo ako kapag nakapagdesisyon ka na." The girl reluctantly took the calling card.

"I'm Matthew Del Prado. Ako ang tatay ng anak ni Reghie," he offered his hand and the girl accepted it to shake.

"The bastard ex of Reghie," says the girl.

"Stephanie Shayne Garcia," pakilala nito sa sarili.

Hindi talaga mawala sa isip niya ang naging usapan nila ng babae. Lalo na ang narinig niya mula dito. "I'm going to tell your parents that you're gay!" Kagabi pa 'yan paulit-ulit na naririnig niya sa kanyang utak. Possible kayang bakla si Russo? Hindi na niya maantay pang tawagan siya ni Stephanie kaya siya ang gagawa ng paraan para malaman ang pinakatatagong sekreto ni Russo. Minatiyagan niya ang bawat kilos ni Russo kagabi pero wala talagang bakas ng pagiging binabae.

"Tang-ina naman kasi, dude! Masyado ka nang desperado para makuha si Reghie at ngayon dinadamay mo pa kami," reklamo ni Mark.

Kasalukuyan silang nasa gym na nasa loob mismo ng bahay ni Matthew. Pinakiusapan niya ang mga kaibigan niya para tulungan siyang mapaladlad si Russo. Sinabi niya ang naging usapan nila ni Stepahnie sa mga 'to. Wala naman daw sinasabi ang mga asawa nitong si Andra at Preyh ng tungkol kay Russo. Malakas ang kutob niyang tama ang hinala niya. At gagawin niya ang lahat para lang mabuko ito.

"Kailangan niyo akong tulungan. Baka nakakalimuta mo Mark na tinulungan kita n'ong mga panahong nikapag-break sa 'yo ang girlfriend mo dahil sa katangan mong pakainin ng tsokolate ang aso niyang galing pa sa namayapa niyang ina."

"Oh bakit nakatulong ka? Nabuhusan nga tayo ng ihi nagsisimula ka pa lang kumanta eh."

"Exactly. Nabuhusan ako ng ihi dahil sa pagtulong ko sa 'yo and you have to pay now!"

"That was a decade ago!" Napapalatak na sabi ni Mark saka ito pumuwesto sa fitness pump. Minsan kasi nang mamatay ang aso ng girlfriend nitong si Mylene na ngayon ay asawa na nito. Hinarana nila si Mylene noon pero nabuhusan lang sila ng ihi ng lola nito.

"Ikaw naman Iñigo. Kung hindi dahil sa 'kin hindi mo makilala si Andra at hindi mo malalaman na may anak ka pala. Malaking utang na loob 'yon dude at ngayon ay nainingil na ako," sabi naman niya kay Iñigo na kasaluyang nag-wa-warm up. Isang ngisi lang ang naging kasagutan ng kaibigan.

Nakilala ni Iñigo si Andra dahil kay Reghie na kaibigang matalik ni Reghie. Isang interior designer ito at ito ang nirekomenda ni Reghie para gumawa ng resthouse ni Iñigo. Ang liit ng mundo dahil si Andra pala ang naka-one night stand ni Iñigo ilang taon na ang nakakaraan. Maling silid ang napasok ni Andra noon at inakala naman ni Iñigo na si Andra ang regalo sa kanya para sa kaarawan nito. Nagising si Iñigo na wala na ang babae sa tabi niya kaya hindi ito nabigyan ng pagkakataon para makilala ang babae at pagkaalipas ng apat na taon ay nagkrus ang landas ng dalawa at doon nila nalaman na nagbunga pala ang isang gabing 'yon.

"Sila lang naman ang may utang sa 'yo. Ako, wala akong utang na loob sa 'yo at mas lalong hindi naman talaga kita kaibigan eh." Si Aiken naman at binuhat ang 50kilos dumbbell.

"Asawa ka ng kaibigan ni Reghie kaya damay ka na. At isa pa... mahal na rin kita eh!" Malambot na pagkakasabi niya sa huling salita kaya namura siya ni Aiken.

"Nakakadiri ka!" Palatak ni Aiken at tinawanan naman niya ito. Humiga na rin si Matthew sa exercise bench at nagsimula na rin magbuhat.

After fifteen minutes nagsitigil ang lahat nang dumating si Russo. Mabilis na tumayo si Matthew.

"H-hey, dude, dumating ka." Bahagya pang nagkabuhol-buhol ang dila ni Matthew sa hindi malamang dahilan. Inimbihatan niya itong sumamang magwork-out para gawin ang plano.

"Ano bang mayr'on? Work-out session," ani Russo.

"Um. Yeah. Para naman makapag-bonding tayo." Tumingin si Matthew sa mga kabarkada na ngayon ay katabi na niyang nakatayo. Palihim siyang tumango sa mga ito para iparating ang kanyang mensahe. At halos mapatanga si Russo ng sabay-sabay ang magbabarkadang hubarin ang mga pang-itaas nito.

"Hot," wala sa sariling usal nito. Halos mapangiwi si Matthew sa narinig dahil mukhang totoo nga.

Russo cleared his throat. "Ang init ng panahon ngayon no?" he then adjusted his words. Eksaherada pa nitong winagwag ang neckline ng t-shirt na animo'y init na init.

Umupo si Russo sa isang silyang naroroon at napapalunok na napatitig sa topless na magkakaibigan. Si Matthew at Iñigo ay tanging itim na mesh knit short ang suot at si Mark at Aiken naman ay isang fleece jogging pants ang suot. Gray ang kay Mark at navy blue ang suot ni Aiken. Lumapit si Matthew kay Russo. Itinukod niya ang isang kamay sa sandalan ng kinauupuan ni Russo saka dumukwang at dahan-dahang inabot ang bottled water na nasa mesa sa likod ni Russo. Bahagyang tumama ang dibdib ni Matthew sa mukha ni Russo. Tumuwid siya nang pagkakatayo saka binuksan ang bottle water saka dahan-dahang uminom na hindi inilalapat ang labi ng bote sa kanyang bibig. He did his best to look hot as he drinks.

Nakatitig sa kanya si Russo habang umiinom siya. The water flowed in his mouth, running to his neck down to his chest and to his sexy stomach. He inwardly smirked as he saw Russo's reaction. Sinusundan nito ang tubig na dumaloy sa katawan niya hanggang sa waistband ng short niya sa harap at kapansin-pansin ang hirap na hirap nitong paglunok. Hindi pa siya nakuntento sa pang-aakit kay Russo kaya binuhos niya ang laman ng tubig sa kanyang mukha at ulo. His wet and damn hot!

"Dude, paabot naman ng towel." Kinuha naman ni Russo ang towel na nakasabit sa sandalan ng silyang nasa tabi nito at inaabot sa kanya. Tinodo na talaga niya ang pang-aakit dito. Marahan niyang pinunasan ang katawan niya.

"Gusto mo ba Russo mag-shower na lang. Naiinitan ka diba? Mag-sha-shower na rin sila, sabayan mo na. Diba mga dude?" Nilingon niya ang tatlong kabarkadahang amuse na amuse sa ginagawa niya. Pero sa isang iglap ay nawala ang amusement na nakapaskil sa mga mukha nito at daig pa ang kidlat sa bilis na nagsitipwasan ang tatlo at kanya-kanyang pwesto.

Biglang dumapa si Mark at nag-push-up while counting loudly. Si Aiken ay muling nagbuhat ng dumbbell, si Iñigo ay pumwesto sa fitness pump na kanina ay si Mark ang gumagamit.

"Mabuti pa kayong dalawa na lang ang mag-shower, tapos magsukatan kayo kung sino ang mas may mahaba," suhestiyon ni Mark na patuloy sa pag-pu-push-up. Ikinatawa ni Aiken at Iñigo ang tinuran na 'yon ni Mark. Nagkatinginan si Matthew at Russo at parang kung anong kilabot ang gumapang sa buo niyang katawan na umabot sa kanyang batok. Pakiramdam niya ay mapuputukan siya ng ugat.

"Magsukatan kayo ng endurance," bawi ni Mark. Gusto niyang pagsasapukin ang tatlo. Usapan na nila kanina pa na mag-sa-shower sila kasama si Russo pero ngayon ay mukhang wala itong balak na gawin ang plano. Wala siyang choice kundi ang gawin mag-isa ang pang-aakit dito. Kailangan niyang malaman ang totoo.

"Russo, punasan mo naman ako sa likod oh. Baka kasi matuyuan ako ng pawis magkapulmon ako." Tang-ina! Susog ng utak niya. Bumunglahit naman ng tawa ang tatlo. Si Mark na nag-pu-push-up ay napahiga na sa sahig sa kakatawa. Si Aiken at Iñigo ay natigil sa pag-wo-work-out at tumawa nang tumawa. Naibagsak pa ni Aiken ang dumbbell sa marble floor.

"Magdahan-dahan ka nga Jimenez! 'Pag nabasag ang sahig ko pababayran ko sa 'yo ang buong mansiyon ko!" Hindi ba nito alam kung gaano kamahal ang sahig niya. Galing pang Europe ang marmol na ginamit sa sahig niya.

"Sahig lang ang nabasag buong bahay ang pababayaran mo? Reklamo ni Aiken pero natatawa pa rin 'to. Humanda talaga sa kanya ang tatlong 'to!

"Oo nga Russo. May sakit 'yan sa baga at hindi puwedeng matuyuan." Natatawang sabi ni Mark. Inabot niya ang towel kay Russo. Alanganin naman nitong kinuha 'yon saka tumayo.

Tumalikod siya at naramdaman na lang niyang lumapat ang tuwalya sa likod niya. Nanigas ang katawan niya bigla sa paraan nang pagpunas nito sa likod niya. Mukhang totoo talaga ang narinig niya mula kay Stephanie. Malamya ang pagpunas nito na parang sa isang babae. Wala siyang maramdamang karahasan sa galaw nito. Mabini ang bawat haplos. Kung bakla man ito. Bakit pumatol si Reghie dito? He isn't against gay dahil may mga kakilala naman siyang bisexual na talagang mababait at kagalang-galang. Hindi rin niya sinasabing walang karapatang mahalin ang isang binababe ng isang tunay na babae pero wala siyang kilala na babae't baklang nagkagustuhan. Sa mga nakikilala niyang binabae ay nandidiri ang mga itong pumatol sa isang tunay na babae. At wala rin siyang kilalang babae na nanaisin ang pumatol sa isang mas babae pa sa kanila. Then why Russo and Reghie end up together.

Humarap siya bigla kay Russo at sinalubong ang titig nito habang ang towel na hawak niya ay sa dibdib niya na ngayon nakalapat. Fucking shit! This is really awkward at kung sino man ang makakakita sa itsura nilang dalawa ngayon ay mandidiri talaga. Dalawang brusko na nagtitigan. Fucking bromance! Wala talaga sa karakas ni Russo ang pagiging bakla. Masyadong malaki ang katawan at lalaking-lalaki ang istura nito para maging bakla lang. Hindi kaya dahil guwapo naman ito kaya pinatulan ni Reghie at sa narinig niya mula kay Stephanie ay mukhang naghahabol din ito kay Russo. Hindi kaya nagkamali lang siya. Baka naman tinatakot lang ito ni Stephanie. Mabubuang siya sa daming katanungan gumugulo sa kanyang utak.  Eh  kung  bugbugin  na  lang  kaya  niya  'to  hanggang  sa  umamin.

"Russo!" Isang malakas na tinig ang pumutol sa matiim niyang pagtitig kay Russo. Sabay na naibaling ni Matthew at Russo ang kanilang ulo sa direksiyon na pinanggalingan ng boses. It was Reghie who looks furious as she strides towards them. Bigla na lang hinaklit ni Reghie ang braso ni Russo at hinila palayo kay Matthew.

"Hi, Red—"

"Ikaw na lalaki ka, tigil-tigilan mo ang asawa ko! 'Wag mo siyang dinadamay sa kagaguhan mo! Ang dami-dami mong sinasabing pambobola sa 'kin para balikan kita pero puro naman pala kasinunglingan! Anong gusto mong patunayan ha!? Na kaya mo uli akong paikutin sa mga palad mo?! Na kayang-kaya mo akong agawin sa asawa ko?! Babaero kang walang hiya ka! Wala na talagang remedyo ang pagiging babaero mong ha— ugh!" Naguguluhan siya bigla sa inaakto ni Reghie. Mukha talaga itong galit na galit. Galit ba 'to dahil niyaya niya si Russo? Natatakot kaya 'to na mabuko niya ang sekreto nito?

"Redge—" natigil siya sa pagsasalita nang duruin siya ni Reghie.

"'Wag... ka nang magsasalita pa!" Hindi na siya nakapagsalita pa nang hilain na nito si Russo at tuloy-tuloy na lumabas. Sinundan niya ng tingin si Russo at Reghie. Lumapit naman ang mga kabarkada niya at katulad niya at nakatingin din ang tatlo sa pintong nilabasan ng dalawa.

"Wew! Anyare d'on?" si Mark.

"Did you see the intense anger in her eyes? Parang maglalabas ng apoy at gusto kang tustahin ah," si Aiken.

"May ginawa ka naman sigurong kagaguhan kaya galit na galit 'yon," it was Iñigo.

"Wala 'no! Baka galit lang siyang inimbitahan ko si Russo kasi ayaw niyang mabuko ko ang sekreto nito."

"I don't think so. Iba ang galit eh! Ganyan si Preyh kapag galit sa 'kin kapag nalalamang may babaeng lumalandi sa 'kin," Aiken encountered. Doon niya nilingon si Aiken at napaisip bigla. Pero wala talaga siyang maisip na dahilan na maaaring ikagalit nito. Maayos naman sila nito kanina. Ni hindi nga nagreklamo ng landi-landi niya kanina eh.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top