Chapter 16
REGHIE walks along the corridor of their building together with her father and Amira. Nakahawak ang magkapatid sa magkabilang braso ng ama. Pero biglang napahinto si Reghie kaya napatigil din ang dalawa sa paglalakad. Parang tinatambol bigla ang kanyang dibdib sa sobrang kaba at galit sa nakikita. Christopher Salcedo was there, talking with her mother's secretary. Ano bang ginagawa nito dito?
"Christopher." Boses 'yon ng kanyang ama. Lumingon naman ang lalaki sa direksiyon nila at kapagkuwan ay ngumiti. Kung gan'on ay kilala ng kanyang ama ang lalaki. Noon naman lumabas si Almira na kapansin-pansin ang pagkaaligaga. Natigalgal ang ginang nang makita magkaharap ang kalaguyo at ang esposo.
Lumapit si Enrique sa lalaki na kasama pa rin si Reghie at Amira. Mahigpit ang hawak niya braso ng ama na para bang ayaw niya itong palapitin.
"C-Christopher. A-anong ginagawa mo dito?" natatarantang tanong ni Almira.
"Christhoper, kumusta? It's been a while," Magiliw na bati ni Enrique dito. Akmang makikipagkamay ito kay Christopher pero mahigpit na hinawakan ni Reghie ang braso ng ama. Hindi niya gustong mahawakan ang kanyang ama ng taksil na lalaking 'yan.
"Regina bakit?" tanong ni Enrique. Tinignan niya ang lalaki at ang kanyang ina. Isang napakatalim, nanonoot at punong-puno ng pagbabanta na titig ang binigay sa kanya ng sariling ina. Para bang pinapatay na siya nito sa titig palang.
"Dad, puwede mo po ba akong ihatid sa office ko? Bigla po kasing sumama ang pakiramdam ko eh," pagdadahilan niya. Gusto lang talaga niyang ilayo ang ama sa dalawang taksil. Nagpaalam ang ama sandali at hinatid siya kanyang opisina. Umupo silang magkaharap sa visitor's chair.
"Are you okay? Gusto mo umuwi ka na muna."
"Sino siya dad?" tanong niya sa halip na tumugon sa sinabi ng ama.
"That man. Christopher," aniya.
"Kaibigan namin ng mommy mo noong college. Dating kasintahan ng mommy mo." Posible kayang ito ang unang minahal ng kanyang ina at hanggang ngayon ay mahal pa rin. Narinig niya minsan sa amiga ng kanyang ina na isang arrange marriage lang ang naganap sa pagitan ng mga magulang niya.
"Bakit po hindi sila ang nagkatuluyan? First love po ba ni mommy?"
"Ang alam ko hindi eh. Ang alam ko may mahal na iba ang mommy noon pero may kasintahan na raw kaya sinubukan niyang maging nobyo si Christopher. Alam ni Christopher ang tungkol doon. Akala ko nga noon si Christopher ang tatay mo, pero sabi ni Almira na hindi raw."
Napaisip si Reghie sa sinabi ng ama. Matagal na panahon na hindi na niya talaga inasam na makita pa ang tunay na ama. Bakit pa niya hahanapin ang umabandona sa kanila kung nagkaroon naman siya ng isang napakabuting ama na tinanggap at minahal siya ng sobra-sobra. Pero ngayon ay napapaisip siya bigla kung sino nga ba ang tunay niyang ama.
"Gusto mo bang umuwi muna?" natapos ang paglalakbay ng diwa niya sa tanong ng ama.
Umiling siya. "Marami pa akong pong gagawin dito."
"Are yous sure? Puwede mo namang ipagpaliban mo na 'yan."
"It's okay dad."
"Oh siya ikaw ang bahala. By the way, we have to attend the party next week."
"Party saan?"
"Malcolm Ad Agency. Welcome party for themselves and for the opening of their company as well."
"Are we invited?" medyo naguguluhan niyang tanong dahil magiging kalaban nila ito sa negosyo pero talagang dadalo pa sila.
"We're invited. And your lolo wants us to go. Alam mo naman ang lolo mo. Dapat daw kinikilala ang kakompitensiya." Yeah right. Parehas na parehas ang ugali ng kanyang mommy at lolo; very achiever, competitive, hindi pwedeng pwede lang, kailangan lahat perpekto o higit pa sa perpekto. Minsan nga may pakiramdam si Reghie na parang kakompitensiya ang turing sa kanya ng sariling ina. At parang gusto nitong nauungusan siya ni Amira sa lahat ng bagay. Vice president ang kanyang lolo sa kompanya nila pero nagretiro na ito at pinalitan ng kanyang ina.
"Ang weird naman. Inimbitahan pa talaga ang pamilya natin na kakompentesiya nila." Sa bandang huli ay naisip niyang baka katulad ng lolo niya ay gan'on din ang pananaw ng may ari ng Malcolm Agency; Kilalanin ang kalaban.
"Kumusta pala ang set-up niyo ni Matthew sa anak mo?"
"Pinayagan ko na po siyang dalawdalawin si Mateo." Si Amira ang nagsabi sa kanyang pamilya nang tungkol kay Matthew at pati na rin ang tungkol sa kanila ni Russo. Ang alam tuloy ng pamilya niya ay may relasyon sila ni Russo.
"How about you and Russo? Kailan niyo balak magpakasal?" Napangiti siya sa tanong ng ama.
"Dad, may sasabihin ako pero secret lang natin ah." Mabilis na nag-cross my heart ang kanyang daddy at itinaas ang kanang kamay tanda ng panunumpa na ikinatawa niya. Noong bata pa siya ay ganito rin sila parati kapag may sinasabi siyang sekreto dito. Katulad na lang nang palihim siyang kumakain ng tsokolate sa gabi. Hindi siya napapakali dahil pakiramdam niya ay parurusahan siya ng diyos dahil ginawa niya ang ipinagbabawal ng ina. Kaya nangungumpisal siya sa kanyang ama at hindi naman siya isinusumbong nito sa kanyang mommy.
"Hindi ko po boyfriend si Russo, magkaibigan lang kami. We're just pretending as a couple. Mahabang kuwento, dad." Isang mahabang buntong hininga lang ang naging sagot ng ama. Noon naman bumukas ang pinto at niluwa n'on ang kanyang sekretarya.
"Sir Enrique, Mr. Tan is in your office." Muli siyang binalingan ng ama.
"Kapag masama pa rin ang pakiramdam mo better to go home ah." Tumango siya saka naman ito tumayo para lumabas.
"Dad," tawag niya sa ama na nakapagpahinto dito. Tumayo siya at nilapitan ito. Mahigpit niya itong niyakap.
"I'm sorry, dad." Marahang hinaplos ng ginoo ang likod ng ulo ni Reghie.
"Sorry for what?" Kumalas siya mula sa pagkakayakap dito at bahagyang inilayo ang sarili.
"For not.. for not a perfect daughter." Marahang ikinulong ng ama ang mukha niya.
"No body's perfect, honey. But I'm very proud of you for being a good daughter." Kinintalan siya ng halik nito sa noo bago nagpaalam at tuluyang lumabas.
Nagpasya si Reghie na kausapin ang ina. Hindi na talaga tama ang ginagawa nito. Dinala pa nito ang kalaguyo sa mismong teretoryo ng kanyang ama. Wala sa desk ang sekretarya ni Almira kaya nagpasya siyang pumasok na lang at 'wag ng kumatok. Pero nabitin ang akma niyang pagpasok nang sa pagbukas niya ng pinto ay agad niyang naulinigan ang mga boses na nagtatalo sa loob.
"Tigilan mo na ako, Christopher! Napagbigyan na kita at hindi na mauulit ang pakikipagkita ko sa 'yo! Tigilan mo na ang pang-ba-blackmail sa 'kin." Natutop niya ang sariling bibig at halos kapusin siya ng hininga sa mga narinig. Ano ang ibig sa sabihin ng mga narinig niya? Kung gan'on hindi talaga niloloko ni Almira si Enrique. Pero bakit tila natatakot ang kanyang ina sa lalaki? Anong pinanghahawakan nito para maging sunod-sunuran ang ina? Maingat niyang nilakihan ang pagkakabukas ng pinto nang sa gayon ay masilip niya ang mga tao sa loob.
"Ayan! Kunin mo 'yan at tigilan mo na ako. 'Wag ka nang magpakita pa!" May inabot si Almira sa lalaki at tingin niya ay isang tseke iyon.
Mabilis pero buong ingat niyang isinara ang pinto nang makita niyang tumayo na ang lalaki mula sa pagkakaupo sa visitor's chair. Lumayo siya sa pinto at inantay ang paglabas ng ginoo. Kinakabahan siya sa narinig. Ang weird lang kasi pakiramdam niya may kinalaman sa kanya ang usapan ng dalawa. Ilang sandali lang ay lumabas nga ito at tuloy-tuloy na tinungo ang kinaroroonan ng elevator. Hinabol niya ang lalaki.
"Wait! Mr. Salcedo!" Huminto ang lalaki at nilingon siya. Seryoso siya nitong pinagmasdan at kapagkuwa'y tipid na ngumiti.
"Sino po ba kayo?" hindi niya alam kung saan nanggaling ang tanong niyang 'yon na bigla na lang lumabas sa bibig niya. Hindi sumagot ang lalaki pero nagtatanong ang paraan ng pagtitig nito sa kanya.
"Um...Ikaw.." Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili dahil sa parang naninikip ang dibdib niya.
"Kayo po ba ang tatay ko?" parang may kung anong mga bagay sa loob ng dibdib niya na nagkakarambola sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso niya. Posible naman na ito nga ang tatay niya. Dahil kahit ang daddy niya ay inakala na ito ang tatay niya. Tha man reached out and tapped her shoulders gently. Ilang Segundo pa siya nitong tinitigan bago siya iniwan na walang anumang salitang binitawan.
HINDI nakapagtrabaho nang maayos si Reghie dahil sa sobrang pagkabagabag dahil sa mga narinig kanina. Lakas loob niyang tinanong ang kanyang ina tungkol sa bagay na 'yon. Nagulat ito nang malamang narinig niya ang usapan. Her mother even asked her if she heard the entire conversation. Sinabi niya dito kung ano lang ang narinig niya at muli ay binalaan lang siya nito. Tinanong niya rin ang kanyang ina kung si Mr. Salcedo ang tatay niya pero hindi raw. Nang magpumilit siyang alaman kung sino ba talaga ang tatay niya ay singhal lang uli ang natanggap niya mula sa ina.
Ang bigat ng katawan niyang bumababa ng kotse pagkatapos maiparada ang sasakyan sa garahe ng kanyang bahay saka tinungo ang maindoor at pumasok ng kabahayan. Natigilan siya nang makita si Matthew sa sala kasama si Mateo at Russo. Lumapit siya sa tatlo at agad namang tumayo si Matthew na may malapad na ngiti nang makita siya. Agad siya nitong sinalubong at hinalikan sa pisngi saka mahigpit na niyakap.
"Isang araw lang kitang hindi nakita para na akong mamamatay." Napangiti siya sa sinabi nito pero pilit niyang sinupil ang ngiting paniguradong kung hahayaan niya ay pupunit sa bibig niya. Pati na rin ang pakiramdam na tila kinikiliti siya sa lahat ng parte ng katawan niya.
"Apat na taon mo nga akong hindi nakita hindi ka namatay," sabi na lang niya para pangontra sa kilig na lumaganap bigla sa buo niyang sistema.
"Bitaw na. Nauna ka pa talagang yumakap sa asawa ko huh."
"Wala akong pakialam!" Napabuntong hininga na lang siya. Ibang klase din talaga ang lalaking 'to. Walang pakialam kung nandiyan si Russo na asawa niya sa paningin nito. Binitawan siya ni Matthew saka umupo sa sofa. Umupo siya sa tabi ni Russo sa mahabang sofa at si Matthew ay sa pang-isahan sofa sa katapat nila at muli nitong kinalong si Mateo. Noon naman dumating si Jona na may magandang ngiti sa labi.
"Sir Matt, ayos na po ang mga gamit mo," ani Jona.
"Ano 'yon, Jona? Anong gamit?" tanong ni Reghie kay Jona.
"Dito na ako titira. Isn't exciting?" si Matthew ang sumagot.
"What?! And who gave you a permission?"
"Ang asawa mo. Noong sunduin niya si Mateo sa bahay pinakiusapan ko siya at pumayag na siya." Binalingan niya si Russo na kasalukuyang napapakuskos sa sariling patilya. Russo leaned sideway and whispered.
"Sorry. Kasi naman eh. N'ong hinawakan niya ako sa tuhod nanlambot na lang ako at bigla na lang akong napapa "oo". Saka kawawa naman. If you could only see his face, then maybe you would be able to understand kung bakit ako pumayag. Nakakatunaw ng puso, ang guwapo tapos nagmamakaawa lang ng gan'on."
"Pero Russo delikado kung nandito siya. Baka mamaya niyan kung saan na naman kami mauwi." Bulong niya rin dito. Alam na rin naman ni Russo ang nangyari sa pagitan nila ni matthew.
"Aba! Edi pigilan mo ang malandi mong katawan na huwag bumigay, gaga! Idadamay mo pa ang kaligayahan ng anak mo dahil lang hindi ka makapagpigil!"
"Bakla umayos ka! Naiinis na ako sa 'yo!" She whispered again through gritted teeth.
"Mas naiinis ako sa 'yo! Kung hindi mo kayang pigilan ang nararamdaman mo then release it! 'Wag mong pigilan!"
"Ewan ko sa 'yo! Basta ayoko! Ayoko kong nandito si Matthew. Tapos!"
Sa pagkakataong ito lumakas na ang boses niya. Hindi na niya alintana na nandoon si Matthew. Bigla siyang napayuko nang biglang may yumakap sa kanya. Si Mateo 'yon at nakasubsob ang mukha sa hita niya. Tiningala siya nito at halos matunaw ang puso niya nang makita ang mukha nitong malungkot. May luha ang mata at kumikibot ang mga labi na parang pinipigil na huwag bumagsak ang mga luha pero bigo ang bata dahil parang bukal itong biglang bumuhos. Marahan niyang ikinulong ang munting mukha ng anak sa mga palad niya at tinuyo ang mga luha gamit ang kanyang hinlalaki.
"Why, baby? Hmm!"
"Do you hate daddy? Bakit ayaw mo siya dito?" Bahagyang nanginginig ang boses nito at lalong kumibot ang labi nito, pagkatapos ay muling sinubsob ang mukha sa hita niya. Marahan niya tiningala ang mukha ni Mateo.
"Hindi galit si mommy. 'Wag kang umiyak. Okay na. Payag na si mommy." Mabilis na pinunas ni Mateo ang luha gamit ang mga palad nito.
"Talaga?!" Mabilis na tumango si Reghie at niyakap ang anak. Napatingin siya kay Matthew na kasalukayang nakatingin din sa kanilang mag-ina. Matthrew mouthed "Thank you" Bahagyang inilayo ni Reghie ang anak para makita ang mukha nito.
"Happy ka na? Makakasama mo na si daddy." Nakangiting tumango si Mateo.
"Dito ka muna, magbibihis lang si mommy." Hinalikan niya si Mateo sa noo saka tumayo at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Papasok na sana siya sa kanyang silid ng biglang may humaklit sa braso at isandig siya sa dahon ng pinto. Napasinghap siya ng todo ng salakayan nito ang labi niya. It was Matthew. Agad naman niyang tinugon ang agresibong halik nito. She even snaked her arms around his neck. A few seconds later, Matthew stopped kissing her, pulling away his lips.
"This is the reason why you don't want me to stay here. Hindi mo kayang tanggihan ang halik ko because you still love me, and still want me. Am I right, babe?" Hindi siya makasagot dahil totoo naman. Pero hinding-hindi siya aamin.
"Of course not!"
"Your mouth may deny it, but your body can't deny that it lusts for me. The way how much I wanted to taste every inch of your body," he said huskily. Ang kamay nitong nasa baywang niya ay dumulas pababa sa pang-upo niya at mariin nitong pinisil at idiniin pa ang katigasan nito sa kanya na muli niyang ikinasinghap.
"I could feel your pussy throbbing in anticipation, babe. Hindi masamang umamin paminsan-minsa."
Oo na tang-ina ka! Ang lakas mong magpalibog! Pero hindi niya 'yon sasabihin dito hanggat nasa tamang katinuan siya. Never ever!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top