Chapter 13
Ang saya ko dahil sa mga comment at votes niyo. hehe! Kaya update ako ngayon. love you all!!! Plus binalik na ni watty sa ranking ang MBE. Pinaglaban ko talaga yun. hehe! Kaya ingatan ko na talaga ang pagawa ng BS..
"PAPUNTA na," aniya sa kabilang linya. She was driving with one hand and she has her phone in her other hand, talking with Matthew. She's on her way to Del Prado's mansion. Nandoon ngayon si Mateo at siya naman ay susunod para makausap ang ina ni Matthew. Gusto raw siya nitong makausap.
"Miss na kasi kita eh." Umirap siya sa hangin dahil sa sinabi ni Matthew.
"Puwede ba, Matthew! Sige na, malapit na ako." She ended the call and put the cellphone on the dashboard at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Inihinto niya ang sasakyan ng may umatras na sasakyan na nakaparada mula sa gilid ng kalsada dahilan para bumalandra ito sa daan. Sumilip siya sa binta ng kanyang sasakyan. Nakuha ang antensiyon niya ng isang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa labas ng isang restaurant nang dumako ang kanyang mata sa plate number nito.
"Sasakyan 'yon ni mommy ah. Sino kaya ang kasama niya?" akma na niyang patatakbuhin ang sasakyan nang makita ang isang lalaki na sumasakay sa kotse ng kanyang mommy.
"Sino 'yon?" Ilang sandali lang ay umusad na ang sasakyan ng kanyang ina. Pinausad na rin niya ang kanyang sasakyan dahil sa sunod-sunod na busina mula sa mga sasakyan na nasa likuran na naantala dahil sakanya.
Natagpuan na lang ni Reghie na nasa tapat siya ng isang hotel kung saan nagtungo ang sasakyan ng kanyang ina. Hindi maganda ang kutob niya sa nasasaksihan. Pero sana mali ang hinuha niya. Nang umibis si Almira at ang lalaki sa sasakyan at pumasok sa hotel. Agad naman niyang tinungo ang hotel entrance at mabilis na bumababa ng sasakyan. Iniabot niya ang susi sa Valet saka pumasok ng hotel at pinagmasdan si Almira at ang lalaki na tinungo ang elevator. Iniisip niya kung paano niya ito masusundan na hindi siya mapapansin. Tumingin siya sa front desk at biglang nagkaroon ng pag-asa nang makita ang isang front desk clerk na kakilala niya. Dating kaklse sa kolehiyo. Agad siyang lumapit dito.
"Reysell. Reysell Ann Sabila," Umangat ng tingin ang babae sa kanya at pinagmasdan siya nito na parang kinikilala siya.
"It's me, Reghie. Regina McAllister," pakilala niya dito. Bigla naman itong ngumiti nang marahil ay naalala na siya.
"Reghie. The campus crush. How are you? We haven't seen each other since graduation." Inikutan niya ito ng mata sa "campus crush" na sinabi nito. Reysell was also a campus crush way back.
"Oo nga eh. You weren't even attending the previous reunions. Ang balita ko sa abroad ka na."
"Yeah. This year lang ako bumalik ng Pinas para sa pag-ibig."
"Ow! Congrats then."
"'Wag muna. Hindi pa bumibigay eh. Hinahabol ko pa. Woman hater," Reysell said, giggled.
"Hay naku, Reysell. Hindi ka talaga nawawalan ng pag-asa kay Sir Dathan. Iniwan mo ang karangyaan para sa kanya." Ani ng isang clerk. Ngumiti lang si Reysell at bumaling uli sa kanya.
"So. What are you doing here? Are you with who? May asawa ka na ba?" sunod-sunod nitong tanong.
"Um.. Can you help me? My mom is here. Meeting with her friends. May naiwan kasi siyang importante at kailangan kung ihabol. I tried to call her but she didn't pick up her phone. Ihahatid ko na lang sana sa room. But I don't know which room she was."
"Okay. Anong ngang name ng mom mo?"
"Um. I think hindi sa kanya nakapangalan ang reservation. Kasama niya kasing pumasok ang asawa ng friend niya but I don't know the name. 'Yong lalaking huling kausap mo kanina." Reysell looked at her, confused mixed with suspicion. Ginagap niya ang kamay nitong nakatapong sa counter top.
"Please! Importante lang talaga!" She pleaded. Reysell breathed out.
"Okay." Umusal siya ng pasasalamat dito.
"Reysell. Bawal 'yan," babala ng isang clerk.
"Mommy naman niya ang pupuntahan niya. Sagot ko na 'to."
Pagkatapos niyang makuha ang numero ng silid na ukopado ng ina ay agad niya itong tinungo. Nasa harap siya ngayon ng silid at abot-abot ang kabang nararamdaman. Hindi niya alam kung ano ang madadatnan sa loob. Ang daming tanong sa isip niya. Does her mother cheat his father? If that so. Ngayon pa lang kinamumuhian niyang lalo ang kanyang ina. Pero umaasa siyang baka isang party lang ito dahil mahilig naman ang kanyang mommy sa kasiyahan.
Sino si Christopher Salcedo? Tanong ng kanyang utak. Sa lalaking 'yon nakapangalan ang room reservation.
Huminga siya nang malalim bago itinaas nag nakakuyom na kamao para katukin ang pinto. Marahan siyang kumatok. Few minutes later the door opened. Her breath hitched when he saw the same man she saw with her mother earlier. Tanging tuwalyang nakapulupot sa ibabang parte lang ang suot nito.
"Bakit miss?" halos hindi siya humihinga.
"Christopher!" She heard her mom voice and seconds later her mother came into view, tanging roba lang ang suot. Napatda si Almira nang makita si Reghie. Halos manigas naman ang katawan ni Reghie sa nasaksihan. Mariin niyang naikuyom ang mga palad at mabilis na tumalilis.
"Regina! Regina!" Her mother called her but she didn't bother herself to look back. Alam niyang sumusunod ito. Bigla na lang ang pag-unahan ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
"Regina!" Napatigil siya nang hablutin nito ang braso niya. Nanlalabo ang mata niyang sinalubong ang titig nito.
"What are you doing here?!" Tiim bagang na tanong ni Almira.
"How could you do this, mom? You're cheating dad! Why?" kastigo niya dito. Bagamat matapang ang anyo ng ginang bakas pa rin ang takot dito.
"Wala kang sasabihin sa kanya!" Hindi 'yon pakiusap kundi isang utos.
"He needs to know the truth! Bakit mo 'to nagawa, mommy?! Paano mo 'to nagawa sa kanya?!" Anger filled her.
"Wala kang alam! Kaya 'wag na 'wag kang mangingialam sa buhay namin ni Enrique! Don't you dare tell him about this!" May pagbabanta sa boses nito.
"Dad is such a good person para lang lokohin mo! He gave you everything!"
"Siya ang unang nagloko!"
"That's impossible, mom. I know dad!"
"Wala kang alam! Apat na taon kang wala sa bansa, paano mo malalaman?" marahas niyang pinahid ang luha ng kanyang mga palad.
"You can't fix a mistake with another mistake! But knowing dad, alam kung hindi niya magagawa 'yon!" Kung mayroon man siyang paniniwalaan 'yon ay ang kanyang ama.
"Sige! Go! Tell him! Nang pati ikaw ay mawalan. Sa tingin mo ba sa oras na malaman niya 'to ay tatanggapin ka pa niya bilang anak niya!? Gaga!" dinuro nito ang sentido niya.
"Tinatanggap ka niya dahil anak kita! Itong tandaan mo. Siya lang ang tumatanggap sa 'yo. Siya lang ang kakampi mo. Siya lang ang nagmamahal sa 'yo. Siya lang ang mayroon ka! At sa oras na malaman niya 'to. Sinisigurado ko sa 'yong itatakwil kita!"
Lahat ng tapang na mayroon sa katawan niya ay unti-unting natunaw sa sinabi nito. Ano nga bang mangyayari sa oras na sinabi niya 'to sa kanyang ama? Hindi na siya natatakot pa kung itakwil man siya ng kanyang ina dahil matagal ng panahon na parang hindi siya anak kung ituring nito. Si Mateo at ang daddy niya ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya. Ang mga ito lang ang matatawag niyang pamilya niya. Paano kung pati nga siya ay itakwil ng kanyang daddy? Kakayanin ba niya 'yon?
"Ang sama-sama niyo! Napakasama niyo!"
She took a step back before turned away. She walks along the corridor and turns the corner in rush. She can't wait to get out this place. Para siyang na-su-suffocate. Tinungo niya ang elevator na saktong kakabukas lang nang may dalawang mag-asawang dayuhang lumabas mula sa elevator. Pagpasok niya ng elevator ay sumandig siya sa dingding at hinayaang kumawala ang lahat ng luha. Bakit ba ganito siya kamalas sa pamilya? Bakit hindi siya binigyan ng isang mabuti at mapagmahal na ina? Hindi man lang niya naranasan na yakapin siya nito mula pagkabata niya. Sa tuwing yayakap siya dito ay agad siya nitong papalayuin. Ibang-iba talaga ang turing kay Amira na laging niyayakap at hinahalikan. Tanggap na naman niyang hindi na magbabago ang pagtrato sa kanya ng sariling ina. Pero sobra-sobra pa rin siyang nasasaktan.
"I'M so sorry, hija sa nagawa ko."
Hindi alam ni Reghie ang gagawin sa mga oras na 'to. Sa mga narinig mula kay Ginang Del Prado ay namayani ang samo't saring emosyon sa puso niya. Matthew should've marry her eight years ago kung ibinigay lang sana ni Carmella ang basbas nito. Pero bakit hindi na lang sa kanya ni Matthew ipinagtapat ang totoo? Alam niyang mama's boy ito at talagang mahal na mahal nito ang sariling ina. Baka ayaw nitong magalit siya sa mama nito. Kaya rin siguro pinilit na lang nitong gustuhin si Vivienne para sa ikasasaya ng sariling ina.
Sa bandang huli ay naisip niyang tama rin ang naging desisyon niyang paglisan noon. Hindi naman niya gugustuhing papiliin si Matthew sa kanilang dalawa ng sariling ina nito. At sigurado rin siyang hindi siya nito pipiliin at masakit iyon. Pero sana lang mas maaga niyang nalaman para hindi lumalim ng gan'on ang pagmamahal niya kay Matthew. It was hurt. Knowing that there's another person doesn't like her is really hurt. Gan'on ba talaga siya kahirap magustuhan at mahalin? Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ayaw siya ng ginang. Maybe because she's just a bastard. Katulad ng hindi lubos ng pagtanggap sa kanya ng kanyang sariling pamilya ay marahil iyon din ang dahilan nito. Hindi na niya gusto pang marinig iyon mula sa bibig nito at harapang sabihin iyon sa kanya kaya pinili na lang niyang 'wag nang itanong pa. Nakalipas na 'yon at parte na lang 'yon ng masalimoot niyang nakaraan.
"Hija." Napukaw ang paglalakbay ng kanyang diwa ng hawakan siya ng ginang sa kanyang kamay.
"I'm so sorry."
She nodded, signaling that it was okay. Pero sa kaloob-looban niya ay sobra siyang nasasaktan.
"May pakiusap lang po sana ako. Sana po 'wag niyong pakitaan ang anak ko na hindi niyo siya gusto dahil anak lang siya sa labas. Ayaw ko pong maranasan niya ang lahat ng pinagdaanan ko sa lahat ng taong may ayaw sa 'kin." Punong-puno ng pait at sakit ang salitang binitawanan niya. Hindi man niya gustong mukhang sinusumbatan niya ito pero palagay niya ay gan'on ang dating.
"I'm sorry po," hinging paumanhin niya at napuyuko na lang kasabay ang pagtulo ng kanyang luha na ayaw niya sanang ipakita pa dito.
"Hija, Reghie, hindi sa gan'on. I like—" Before Nathalia could finish her sentence, Mateo rush towards them and hug his lola. Kasama nito si Matthew. Mabilis na pinahid ni Reghie ang mga luha sa mata niya. Tumayo siya at mabilis ang mga hakbang palabas ng kabahayan. Shit! She doesn't want to be emotional.
"Reghie." Hinawakan ni Matthew ang braso niya pero kinabig niya iyon at tuloy-tuloy na tinungo ang garahe ng mansiyon ng mga Del Prado kung saan nakahimpil ang kanyang sasakyan. Pero bago pa man niya 'yon marating ay naharangan na siya ni Matthew.
"Anong nangyari? Anong ginawa ni mommy?" Hinawakan nito ang mukha niya, pero mabilis niya iyong iniiwas at nilagpasan ito. Muli siyang pinigilan ni Matthew.
"Redge, what happened? Tell me!" Reghie shoved his hands, which trying to reach her face.
"Stop it! Could you please stop acting as if you care about me! Just stay away!" Singhal niya dito.
"Redge, of course I care. I do really care for you. Ano bang ginawa ni mommy?"
"No! You don't! Because if you really care. Hindi mo ako hahayaang masaktan nang ganito!" She almost shouted at him. She suddenly bursts into tears. She can't hold the strong feelings anymore. Ngayon lang siya nagpakita ng sobrang kahinaan sa harap ni Matthew.
"Redge, babe, hindi!" Alalang-alala naman si Matthew dahil sa biglang pag-break-down ni Reghie.
"Sana sinabi mo na lang ang lahat! Sana sinabi mong hindi ako gusto ng mommy mo!"
"Redge, ayaw lang kitang masaktan! If you found out that my mother is against you, masasaktan ka at 'yon ang aray kong mangyari!"
"Bullshit! Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan sa ginawa mo!? Sa kakatago mo ng katotohanan para hindi ako masaktan, mas lalo akong nasaktan! Wala nang mas sasakit pa na iparamdam sa 'yo ng taong bukod tangi mong minahal na baliwala ka sa kanya. That you were just his sex slave and will never be his wife!" She said through clenched teeth.
"Reghie hindi! Kahit kailan hindi gan'on ang turing ko sa 'yo alam mo 'yan? Mahal na mahal kita. Gusto kitang pakasalan pero hindi ko lang magawa dahil kay mommy! Gusto ko na maayos ang dalawang babaeng mahal ko!"
"Tangina naman Matthew! Sana sinabi mo na lang sa 'kin! Sinabi mo na lang sana na sumuko ka na! Na hindi mo na ako kayang ipaglaban! Ang dali naman diba? Sanay na akong masaktan! Dammit! Bakit ba ako bumalik sa pesteng bansang 'to?!"
"Reghie hindi ako sumuko! Kahit kailan hindi kita sinukuan!"
"Liar! Sumuko ka na eh! Ginusto mo na si Vivienne!"
"Hindi! I told you walang nangyari sa 'min."
"The first time I caught you kissing her, I asked you but you didn't explain!"
"She blackmailed me. She wants me to kiss her. Sinabi niyang sasabihin niya sa 'yo na hindi ka gusto ni mommy that's why I did. Redge, natatakot akong iwan mo ako! Natatakot akong papiliin mo ako dahil hindi ko kaya ng mga sandaling 'yon."
"Blackmailed you!" Sarkatisko niyang ulit. What a lame excuse. Muli ay naalala niya noong mga panahon na umalis ito at nagtungo ng California. The time when she heard Vivianne over the phone. Hanggang ngayon nasasaktan at nakakaramdam siya ng matinding galit kapag naalala niya 'yon.
"Did she even blackmail you to have sex with her!" Mabilis na umiling-iling si Matthew at hinawakan siya magkabilang pisngi.
"No! Never!"
Reghie is fuming. "Liar! You're such a liar! Do you know what it feels like to be betrayed by the person you trusted and you love the most? Ang sakit-sakit! Para akong mamamatay! My whole world only revolved around you! But you betrayed me!" Hindi maampat ang masaganang luhang tuloy-tuloy sa pag-agos. Hindi na niya makontrol ang matinding galit niya. Nasasaktan siya hindi lang dahil sa nakaraan nila Matthew kundi pati na rin ang galit sa sariling ina. Matthew and her mother are the same.
"Redge, hindi! Hindi kita niloko!" Malakas niya itong itinulak pero muli siya nitong nilapitan. Hindi na niya napigilan pa ang sarili at sinampal niya na ito.
"Redge, believe me! Walang namagitan sa 'min! Hayaan mo akong magpaliwanag!"
"No! I don't believe you and will never ever believe you again. You're a liar! Liar! Liar!" Malakas niyang sigaw at pinagsasampal niya ito sa mukha nang paulit-ulit.
Hindi umilag o sinangga man lang ni Matthew ang mga sampal niya. Tinanggap nito ang lahat ng sampal na ibinigay niya dito. Nang mapagod siya ay itinulak niya ito at tumakbo siya sa kanyang sasakyan. Nanlalabo ang mata niyang hinagilap ang susi ng kanyang sasakyan sa kanyang bag, pero bago pa niya mahanap ang susi ay naikulong na siya ni Matthew sa mga bisig nito mula sa kanyang likuran. Buong lakas siyang nagpumiglas at nagsisigaw para bitawan siya nito pero hindi siya nito hinayaang makawala.
"Babe, please tama! Tama na please! Tama na!" Paulit-ulit nitong pakiusap habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Nang mawalan na siya nang lakas at tumigil sa pagpupumiglas agad siya nitong pinihit paharap dito at niyakap ng buong higpit.
"I'm so sorry! Saktan mo na lang ako! Alam kung hindi sapat 'yon para mawala ang sakit na nararamdaman mo ngayon. I'm sorry. I'm so sorry!" Mahigpit na kumapit si Reghie sa t-shirt nito sa bandang dibdib at umiyak na lang nang umiyak.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top