CHAPTER 8: Lost

JILL'S P.O.V

Napahilot ako sa sintido habang nagrereview dahil may exam ako sa isang subject bukas pero kahit ni isa ay walang pumapasok sa isip ko. Patuloy parin akong binabagabag ng nararamdaman ko kahit na apat na araw na ang lumipas.

Oo, tama kayo apat na araw na ang lumipas at nahihirapan na akong mag-explain sa anak ko dahil oras-oras nalang ay hinahanap niya saakin si Tyrone.

Naalala ko ang nag-aalalang mukha ni Tyrone habang nakatingin sa babaeng hindi ko kilala.
Muli kong naramdaman ang pagkirot sa may bahagi ng dibdib ko.

May sarili nga pala siyang buhay at alam ko na unti-unti na akong nawawalang ng lakas ng loob na aminin sa kanya ang totoo tungkol kay CJ.

Ayokong guluhin ang buhay niya dahil lang sa isang pagkakamali. Pero alam ko rin na may karapatan si Tyrone kay CJ dahil anak niya rin ito kaya kailangan kong umamin.

Marahan kong nasabunutan ang sariling buhok dahil sa inis at lito.
What will be his reaction when I will tell him about CJ....

Magiging masaya ba siya? O magagalit. I know CJ is really wondering about his father.

Itiniklop ko ng malakas ang libro at nagtungo sa kama kung saan mahimbing na natutulog si CJ.
I smiled bitterly.

Hindi ko alam kung matatanggap ba ni Tyrone si CJ.

......

Kinuha ko kay Belle ang libro na hiniram ko sa kanya. Nagpatuloy siya sa pagkain habang ako naman ay binuksan ang baon ko. Kumakain kami sa canteen ngayon kasi vacant pa namin ngayon.

"Jill musta nga pala ang test niyo kanina." tanong niya saakin pagkatapos lunukin ang kanyang nginunguya.

"okay lang naman. I survived." walang kaemoemosyon kong sagot sa tanong niya at iniscan ko ang libro habang kumakain.

"Jill kamusta na nga rin pala si CJ? Matagal ko nang hindi nabibisita ang batang yun." i shrugged as an answer. Wala ako sa mood magsalita ngayon eh.

"*sigh* magsalita ka nga.Parang bilyun -bilyun ang mga salita mo ah. Kailangan ko pa bang magbayad para lang makausap kita ng ma-" Jill was cut off by the excited squeal of the girls in the cafeteria.

My eyes deverted to the entrance. May pumasok na dalawang lalaki at isang babae na kung makalingkis ay parang linta. Our eyes locked and because I feel awkward I turned my gaze to Belle whose intently looking at me.

I heaved a deep sigh a continue on scanning the book.

"What waaaas thaaattt?" i rolled my eyes at her. I tried my best para hindi tumingin sa pwesto nila Tyrone.

I raised my eyebrow at her.

"What?" naiinis kong tanong.

"Huy...Wag kana magkaila! I saw that!" geez.... she is pissing me off.

"Oh? Ano naman ngayon?" she gave me a weird look and start playing with her food.

"Nararamdaman ko eh....May something..." she said while pouting.

Muntik na akong mabilaukan nang muling nagtama ang mga mata namin ni Tyrone. Napatingin ako sa babaeng hindi ko alam kung nakayakap ba o nakalingkis sa kanya.

Naramdaman ko na naman ang muling pagkirot sa may bahagi ng dibdib ko. How I hate this feeling.

I avoid his stares and focus my attention to Belle who's seriosly eating.

I almost laugh at her when I notice the smudge on her face. She gave me a confuse look so I point the smudge.

Kinapa-kapa niya ang kanyang mukha habang nakakunot ang noo. Muntik na akong mapasuka dahil dinilaan niya ang gilid ng kanyang labi.

"Ewwww...." sabay aktong nasusuka. Inirapan lang niya ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay naghiwalay na kami para pumunta sa aming mga klase.

Pagliko ko sa hallway ay nabangga ako sa pader dahilan para masapo ko ang aking noo. Teka....pader nga ba ang nabangga ko? 

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang taong pinakaayaw kong makita sa araw na'to.

"Hey miss,watch were you're going!" singhal saakin ng lalaking kasama ni Tyrone. Napagawi ang tingin ko sa babaeng kasama nila. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina pa ako naka bulagta dito.

"Are you okay?" may pag-aalalang tanong niya saakin.

Mas lalo naman sumama ang tingin saakin ng dalawa niyang kasama.

"Babe, stop worrying about her. Siya naman ang nakabangga sa'yo eh. Wag na nga lang natin siyang pansinin." hinila niya si Tyrone at napangisi naman ang lalaking kasama nila.

Pagkaalis nila ay dumiretso ako sa next subject ko.

Umupo ako sa napili kong upuan sa tabi ng bintana at hinintay ang prof namin. Magulo... Yan lang ang masasabi ko sa oras na'to. Sumandal ako sa upuan at hinintay ang propessor namin na kay bagal kumilos. Dumating ang prof namin at binigyan lang kami ng gawain.

Pagkaalis ng terror prof namin ay isa-isang nagsialisan ang mga kaklase ko.
I stretch my body before I got up from my seat. Ugh! this is what I hate about! Pagkatapos kong umupo dito ng matagal ay sasakit ang pwet ko pati na ang aking likod. Nakakamanhid ng katawan eh!

Nagmamadaling lumabas ako sa classroom dahil susunduin ko pa si CJ.

Nag-aabang ako ng bus sa labasan ng
University.

I was silently waiting for a bus when I notice the bunch of girls that are chatting near to my bench where I am sitting at.

"Girl nakita ko si Papa Tyrone kanina sa cafeteria. He is with a girl. hmp! I'm so inggit sa kanya." the girl with a brunnette hair said.

"Oo nga girl! Nakita ko rin siya kanina eh! She is with this certain girl na parang linta. But infairness ah, bagay sila." I felt a sudden wince of pain.

"Yeah you're right! May Chemistry sila! eeeeeehhhh! I will make a fans club for them." I let out a deep sigh and patiently wait for a bus while hardly ignoring them.

Tattlers are what I hate the most. They always do their gossiping and betrayal business. I rolled my eyes secretly.

Napahinga ako ng maluwag nang may humintong bus sa harapan ko. I get in the bus and watch the girls while they are chatting.

"Sasakay ba kayo o hindi? Iiwan namin kayo dito!" nagulat sila at isa-isang lumingon kay manong driver na nakabusangot at naghihintay sa mga sagot nila.

"Ay! You are here na pala manong! Sorry na out of space kasi ang mga beauty namin. hehehe." nagsisakayan sila sa bus at nagbigay naman ng peace sign ang babaeng nagsalita.

"Sabi sainyo eh! Dapat hindi nalang tayo nagbus! May pa-experience experience pa kayong nalalaman! Sana pala nagpasundo nalang ako sa driver namin." mahinang sigaw ng babaeng nakasalamin pagkatapos nilang maupo sa upuang nasa likod ko.

Napailing ako dahil sa sinabi niya.
Tsss.... Mga rich kid nga naman.

I yawned and next time I know, I was falling into a deep slumber.

....

Nagising ako dahil sa marahang pagtapik sa aking pisngi. Mabigat ang loob na iminulat ko ang aking mata at bumungad saakin ang bus driver na nakatayo sa aking harapan.

"Miss hanggang dito nalang ang bus namin. Hindi na kami maaaring bumyahe pa ng malayo kaya bumaba ka na." bigla akong napatayo kaya tumama ang ulo ko sa lalagyan ng mga bag sa ibabaw.

"P-po?! a-aray..." I groan in pain while clutching my head.

"M-miss?! okay ka lang?! Anong masakit sayo?! M-masakit ba ang ulo mo? A-ano, nakalimutan mo ba ako? Naalala mo ba na nasa bus ka at nakatulog kaya hindi napuntahan ang dapat na puntahan?! Ano?! sabihin mo saakin? Nagka-amnisya ka ba?! Haaaa?! sabihin mo?! Missssss!" my pained reaction put him in a palpable fluster. Ngunit imbis na ngumiwi ay muntik na akong matawa dahil sa pinagsasabi niya. Amnesia? agad-agad? pftttt...

Kakaibang driver to ah? Exotic!

"P-pffftt...Manong I'm fine. Don't worry tsaka hindi po ako magkaka-amnesia. Nabagok lang po ang ulo ko. Wala pong dapat ipag-alala." I was trying to supress my laughter while saying it to him.

"Yun na nga miss eh! Nakikita ko kasi sa mga drama drama na sa tuwing nababagok ang ulo ng artista ay nagkaka-amnisya sila. Kaya, ar yuw okiy miss?" tumango nalang ako.

"Haaay... Thingk godnes. Yuw ar nat hart. I hab may pamili to lib. So ay nid to bi a gud draybir." tumango lang ako ng tumango sa kanya at bumaba na sa bus.

"Okay lang po talaga ako manong Kaya walang dapat ipag-alala. Segi po manong! mauna na po ako."

"Bay Missss! tek ker becus it is nayt taym ulredey! Baka yul tek denjer in dir!" he said while waving his hand at me.

Garbeh si manong magsalita! Alien language ata tawag dun! muntik ko nang hindi maintindihan. Ang jejemon.

Saka ko lang napansin na madilim na pala. Nabuhay ang kaba sa dibdib ko at napatingin sa relo. My eyes widen in shock.

"Sheeettt!" tinakbo ko ang madilim na kalye patungo sa paaralan ni CJ na ilang kanto pa mula sa binabaan ko.

Hinihingal na huminto ako sa harap ng gate at nadatnan ang gaurd na nagroronda.

"Excuse me. Kuya,  m-may bata pa po ba dito? Hindi ko po kasi nasundo ng maaga." kinakabahan ako sa maaring isasagot niya. Malakas ang kabog ng aking dibdib na hinintay ko ang sagot niya.

"Wala po. Sinundo na po kasi silang lahat ng mga magulang nila. Ininform po kasi namin na nasira ang school bus at ipinarepair pa. Bakit po maam?" I shook my head. Nanghihina akong umalos  at pinigilan ang umiyak.

I am such a bad mother! Mismong sarili kong anak, nakalimutan ko.
Wala akong kwenta!

Humihikbing napasabunot ako sa sarili kong buhok.  Pabaling-baling ang ulo ko habang naglalakad at nagbabasakaling makita ko siya.

Inabot ako ng isang oras sa paghahanap sa kanya pero nabigo ako.

Nabigo akong hanapin siya.

Hindi pa ako pwedeng lumapit sa mga pulis kasi wala pang twenty-four hours.

Maswerte pa ako kasi may dumaan pang bus sa kinatatayuan ko.
Nagtaka pa nga ang driver saakin kasi namumula ang mga mata ko pero buti nalang at naka eye glass ako kaya hindi masyadong halata.

Habang nakasakay ng bus ay hindi mawala-wala ang pangamba ko.
Kahit habang nasa bus ay nagpabaling-baling parin ang aking ulo.

Tahimik akong nagdasal para sa kaligtasan niya.

Lord,... please keep my baby safe. Kung nasaan man po siya ngayon, sana ay nasa mabuti siyang kalagayan. Hindi ko po mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari mang masama sa kanya.

I did make sure na this time...

Hindi na ako nakatulog sa buong biyahe.





........

Please vote and comment

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top