CHAPTER 7: Unexplainable feelings
JILL'S P.O.V
"Mommy, water." nakalabing sabi ni CJ habang pinupunasan ko siya ng bimpo.
Inabot ko ang tubig na nasa mesa.
Katatapos ko lang siyang turuan ng taekwondo at hindi naman ako nahihirapang turuan siya kasi madali lang siyang matuto.
"Mom when am I going to see dad again? Kailan po ba siya uuwi? I miss him already." nakasimangot na saad niya.
It's been a week simula noong umalis si Tyrone at hindi parin siya bumalik o nagpakita man lang kay CJ.
Palagi nalang siyang hinahanap ng bata saakin at palagi nalang akong nagsisinungaling. Nakakainis na siya ah!
Sarap iuntog ng ulo ko... Asan ba kasi ang lalaking 'yon?! Haist! At bakit ko naman siya hinahanap?!
Haaaay... Baliw na nga ako.
Bakit ko nga ba siya pinapakialaman.
May sarili rin naman siyang buhay kaya wala akong karapatang maglekramo. We're not even part of his life. Maybe si CJ mayroon. But i did not told him yet. Im such a coward because I can't introduce my son to his father.
Pero ayaw ko rin namang manggulo...
What if he already have a girlfriend or a fiance and worse a wife? Ayokong makasira ng buhay ng mga tao dahil lang sa isang pagkakamali na hanggang ngayon ay hindi ko pa lubos pinanindigan. Maaaring nakaya kong palakihin ng maayos si CJ ng mag-isa ngunit hindi ko kayang ipaalam ang buong katotohanan. Anong sasabihin ko kay Tyrone kapag aamin na ako sa kanya tungkol kay CJ?
Sasabin ko ba na...
'Huy! Lalaki! Alam mo ba na ikaw ang nakabuntis saakin at itong kinahuhumalingan mong bata ay iyong anak kaya kailangan mo akuin ang responsibilidad mo bilang ama!'
It will appear that I am the one who's bad. Yes, some part of me is doing this because of pride. Minsan naisip ko na kapag sasabihin ko na siya ang ama ng anak ko ay baka sabihin niyabna pinikot ko lang siya at isa akong bayarang babae at gold digger.
"Mom you're spacing again!" he said while pouting his lips. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at marahang pinisil ang pisngi niya.
"Sorry baby... But you are so cuuuttteee!" nanggigigil kong sabi at paulit-ulit na hinalikan siya sa pisngi.
"Mom stop! Eeew... You're so disgusting." pinapahiran niya ang laway na nagkalat sa pisngi niya dahil sa paghalik ko gamit ang likod ng kanyang kamay. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at patuloy parin sa ako sa paglalambing sa kanya.
"I love you baby boy." nakangisi kong sabi na siyang mas lalong ikinabusangot ng mukha niya.
"Stop calling me baby boy mom. It's gross." sabay kunwaring sumuka.
"Are you being rude?" I narrowed my eyes at him. Tile ba ay nagulat siya at may pag-aalinlangang ngumiti saakin.
Absent mindedly I shook my head because of his action. Seriously? Where did he learned that? I mean he, being rude....
Sa totoo lang, madyo nag-alala na ako sa taong yun. Ilang araw ko narin kasi siyang hindi nakikitang pumasok kahit na isang subject lang.
Napahinga ako ng malalim at napatingin sa anak ko na naglalaro pero makikita mo ang pagkadismaya sa kanyang mukha. CJ is very linked to Tyron at hindi ko alam kung makakabuti ba iyon o makakasama.
.........
Nandito ako sa mall ngayon at tumitingin-tingin sa mga mga paninda. Hindi ko kasama si CJ kasi may pasok sila ngayon at ako naman ay dalawang subjects lang ang meron ako kaya pagkagaling sa paaralan ay agad akong dumiretso dito para magwindow shopping. Mamaya pa naman ang duty ko sa café.
May nakita akong batman stuff toy na hindi kalakihan ay naisipan kong bilhin iyon. Lumabas ako ng mall bitbit ang binili kong stuff toy at nagpara ng jeep.
Habang nasa gitna ng byahe ay biglang huminto ang jeep dahilan para masubsub ang mukha ko sa katabing pasahero. Tiningnan niya ako ng masama.
"Baba!" napagitla ako nang biglang sumigaw ang tsuper ng jeep.
Pinababa niya lahat kami at ibinalik ang mga pera namin.
Naflat daw kasi ang gulong at buti nalang at natapakan agad ng driver ang brake kung hindi ay baka nawalan na ng balanse ang sasakyan.
I frowned at that thought.
Napakamot nalang ako sa batok at isa-isang nagsialisan ang ibang pasareho.
Ang layo pa naman ng sakayan dito sa binabaan namin. Kainis naman.
Napabuntong hininga ako at nagsimulang maglakad sa tahimik na kalye. Mabuti nalang at hindi gabi ngayon kung hindi ay baka naglumpasay na ako sa sahig. Nakakatakot pa naman kapag gabi na dito. Maraming addict.
After fifteen minutes of walking ay napagod ako at umupo sa isang bench. I was busy drinking water when something caught my attention from my peripheral vision. A masked guy and was wearing a black hoodie.
Napatayo ako at sinundan ng tingin ang lalaking nakamaskara na nagmamadaling pumasok sa isang abandonadong building. Napagtanto ko na mayroon siyang spiral butterfly tattoo sa kanyang left wrist.
Alam na alam ko kung ano ang tattoong 'yun. Every mafia has a symbol of their groups and it's either an accessories, logo or a tattoo.
I studied each of them. Kung saan nabibilang ang isang miyembro na ang basihan lamang ay ang tatlong mapagpipilian.
That's why alam ko kung kaninong tattoo yun galing.
Out of curiosity I followed the masked man and when I step in the building I feel the fear running through my every nerves.
Hindi ko alam kung anong klaseng bagay ang nangyayari sa loob at baka may nagaganap nang ilegal na transaksyon subalit may lakas parin ako ng loob na mangialam. Nagtago ako sa gilid ng mga drum dahil may nakita akong mga armadong lalaki. Mayroon silang suot na skull percing kaya masasabi kong galing sila sa ibang grupo ngunit hindi ko matukoy kung anong mafia dahil hindi ako pamilyar sa simbolo. Baka bago palang ang grupong 'yun.
Hindi ko alam kung ano pero may narinig akong dumaing. Inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid para mahanap kung saan galing ang boses. May nakita akong madilim na pathway sa left side ko na natatabunan ng mga drum. Walang pag-aalinlangan na pumasok ako sa madilim na korridor sa oras na nawala ang mga armadong lalaki sa aking paningin.
Napasinghap ako at napatakip ng bibig pagdating sa hangganan ng korridor. Nanlaki ang mga mata ko at isa-isang tiningnan ang mga babaeng nakahimlay sa loob ng kulungan.
I was trembling and I tried not to make any noise. Mahahalata mong wala pa silang kain ng ilang araw at hindi ko halos makita ang mukha dahil sa mga alikabok na nakatakip.
Ano ginawa at gagawin nila sa mga babaeng ito? Naawa ako sa sitwasyon nila ngayon na nababakas samga mukha nila na nawawalang na sila ng pag-asa.
I panic when I hear footsteps heading this way. Nagtago ako sa ilalim ng nakita kong plywood na nakatayo sa pader.
"Gumising kayo!" medyo mahina ang boses ng isa sa mga lalaking dumating. My forehead creased and slightly peek making sure they won't notice me.
Maingat ang mga kilos nila at isa-isang binuksan ang kulungan. Naalimpungutan ng mga babae dahil sa ingay ng pagbukas ng pinagkakulungan nila. Bumakas sa mukha nila ang takot pagkakita nila sa mga lalaki.
"A-anong gagawin niyo s-saamin? I-ibebenta niyo na ba kami?" nanginginig ang boses na tanong ng babae at unti-unting lumalayo sa lalaking pumasok.
"Huwag kayong mat-" hindi natapos ng lalaki ang kanyang sabihin dahil iniwaksi ng babae ang kanyang kamay nang akmang hahawakan niya ito. Mas lalo pa itong lumayo sa kanila.
"You excepted me to calm down after what happened to us?!" pabagsak na sabi ng babae kaya tuluyan nang nagising ang iba. Natataranta silang lahat pagkakita nila sa mga lalaki.
"Huminahon lang ka-" muli ay naputol ang dapat niyang sasabihin.
"H-huwag po.... *hik* *hik*. Wag niyo po kaming ibenta." umiiyak na sabi nung isa.
"Please calm down... Nandito kami para itakas kayong lahat mula dito kaya huminahon lang kayo bago nila tayo mapansin dito." natataranta narin ang lalaki. Kumalma ang mga babae at isa-isa silang pinalabas ng mga lalaki.
Nanatili ako sa pwesto ko hanggang sa nawala na sila sa aking paningin.
Lumabas ako sa aking pinagtataguan at tinahak ang daan palabas pero agad akong napahinto.
Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong paligid. I immediately hid behind the walls when I hear a raging voice. Familiar sa akin ang tinig na iyon kaya naisipan kong sumilip.
"Give her to me now!" napasinghap ako habang nakatanaw kay Tyrone na tinututukan ng baril ang kaharap niyang lalaki na sa tingin ko ay ang lider ng grupong may skull percing sa tenga kasi nakasuot siya ng skull necklace. Sa tabi ng lalaking mukhang asong ulol (sorry for being so bad totoo naman talaga eh.) ay isang babae na nakagapos at umiiyak.
Iba siya sa ibang babae na nakita ko kanina kasi walang kahit na anong bahid ng dumi ang mukha niya. Maganda ang babae.
May mahabang buhok , balingkinitan ang katawan , makinis ang kanyang kutis na mapagkakamalan mo siya na isang modelo at may mala anghel na mukha. Napadako ang tingin ko kay Tyrone na nag-aalab ang mga mata habang nakatingin sa lalaking mukhang asong ulol na hinawakan ang buhok ng babaeng nakagapos.
Napaigting ang panga ni Tyrone at muntikan akong napalundag sa bigla niyang pagsigaw.
"Let go of her! And don't you dare touch my girl or else I will fucking kill you!!!" dumadagundung ang boses ni Tyrone sa buong building. May naramdaman akong kaakiba pero ipinagsasawalang bahala ko nalang ito. Lumakas ang paghagulhol ng babae kaya mas lalong nagtagis ang baga ni Tyrone.
Akmang hahawakan ng asong ulol ang babae pero biglang may balang lumipad patungo asong ulol at bumulagta sa sahig habang naliligo sa sariling dugo. Umaalingawngaw ang putukan ng mga baril sa buong paligid. Maingat na inalalayan ng mga tauhan ni Tyrone ang babaeng nakagapos na tila isa siyang mamahalin na babasaging bagay.
Napakapa ako sa pisngi at may naramdaman akong basa. Napagtanto ko na galing sa mata ko ang tubig dahilan para mangunot ang noo ko.
Biglang sumikip ang dibdib ko pero binalewala ko lang iyon dahil napansin kong nakikipaglaban na ang dalawang lalaki na tumulong sa babaeng nakagapos habang ito ay nakatingin lamang at umiiyak.
Lumapit ako dito pero nanatili lamang ako sa madilim na bahagi.
Kinalagan ko siya at tinulungang makatayo.
"S-salamat." akmang aalis na ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"T-teka....s-sino ka ba?" hindi ko mapigilang humanga sa boses niya na tila isang anghel na umaawit. Napangiti ako ng mapakla at hindi pinansin ang tanong niya. Iniwan ko siya doon na nakatanga habang ako ay napakapa sa bandang dibdib.
"Ano ba ang nangyayari saakin? Bakit ganito ang naramdaman ko?"
Umalis akong may malaking katanungan na nakatatak sa isip hanggang sa pag-uwi. I was really cofused dahil naninibago ako sa nararamdaman ko.
........
(A/N: sorry talaga guys kasi hindi ko nagawa ang promise ko. Pinagawa kasi kami ng projects sa math namin. (take note, with s so means marami) tsaka pinasayaw kami ng sinulog kaya eto ako ngayon namomroblema sa kung ano ang isusuot kong costume. Haaaayyy.... Kung pwede lang sanang mag-uniform nalang.... Tsssss.... Ang chooosy pa naman ng mga teachers namin.
By the way thanks to MikaVillarino dahil tinulungan niya ako sa paggawa ng characters. Malaking tulong talaga iyon para saakin. This chappy is dedicated for you. Thanks ulit!:-) )
Do not forget to vote and comment guys.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top