CHAPTER 4: Accidentally...
JILL'S P.O.V
Naghihintay ako sa waiting area ng school ni CJ. Mayroon din akong kasamang mga parents at yayas sa waiting area. I checked my watch and it's already 3:55 pm. Five minutes before sila papalabasin.
While waiting, I entertained myself in playing games on my phone. I flinched when little hands suddenly sneak from behind. I turn around and saw CJ with his school bag. Ang ibang mga bata ay nagsilabasan na rin sa gate ng paaralan at masayang tumakbo sa kani-kanilang mga magulang.
Nakatingala siya sa akin at halatang masaya na makita ako. “Hello mommy.” Napangiti ako at dali-dali kong isinilid ang celphone sa bulsa.
Agad ko siyang binuhat at hinalikan sa pisngi. I missed him kahit walong oras lang naman kaming nagkahiwalay.
“How's my little boy? Did you behave? Hmm?..” I noticed ang pag-alinlangan siyang ngumiti, “Why do I smell trouble? Can my baby tell me what actually happened?”
“Mommy, it was not actually a fight and I didn't hurt anyone,” sabi niya habang nakayuko at umiling-iling.
“CJ, you're not answering my question. Tell mommy kung bakit ka napaaway? And I'm not asking if you hurt someone because mommy knows you too well,” I said in a warning tone.
“I-it's b-because my classmate was teasing me about me not having a father. So I told him that daddy is just far away, working, for my future but he won't believe me and keeps on teasing me until dumating po si teacher,” pangatwiran niya habang pinipilit na pigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala.
I hugged him closer to me at tuluyan na siyang umiyak. Napakagat ako sa ibaba kong labi. Naramdaman ko ang pagkirot ng aking puso nang marinig ang mumunti niyang nga hikbi. Nasasaktan rin ako dahil nasasaktan siya. Masakit isipin na umiiyak ang anak mo at wala ka namang magagawa para rito.
“Baby,don't listen to them. It's okay, as long as you know the truth there' no need to be affected.” tumango-tango naman siya.
Totoo nga ba? I suddenly felt guilty because alam ko sa sarili ko na walang katotohanan ang lahat. Pinahiran ko ang luha niya gamit ang panyo ko.
“Mabuti pa, hmm... Punta tayo ng EK, gusto mo? Wala namang work si mommy ngayon kasi day-off ko.” Napatigil naman siya sa pag-iyak at tiignan ako habang kumikinang-kinang ang mga mata.
"Really?" Tumango ako at sinukbit ang kanyang maliit na bag.
Tumungo na ako sa sakayan at pumara ng jeep habang karga siya.
....
“Pagod na ang baby ko? Gusto mo uwi na tayo?” Tumango siya habang humihikab at pumikit.
Ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Halatang pagod na talaga ito dahil sa mga pinaggagawa namin kanina. I chuckled silently. Kani-kanina lang ay ang hyper niya. Halos natry na nga namin lahat ng rides sa araw na'ato kaya ito ngayon drain na drain. Madilim na rin ang paligid at kumain na kami sa isang fast food restaurant.
Tumayo ako mula sa pagkaupo at binuhat siya. Medyo malayo pa ang sakayan mula rito kasi nasa isang plaza kami nakatambay. Gusto raw kasi niyang makipaglaro sa ibang mga bata. Habang naglalakad ako ay bahagyang kumilos si CJ.
"Bakit baby?" tanong ko sa kanya.
"Mom, put me down. I want to walk." Napailing na lang ako at ibinaba siya.
Hinawakan ko siya sa kamay upang makasigurado na hindi siya mawawala. Kailangan pa naming tahakin ang daan kung saan walang masyadong tao para makapunta sa sakayan.
Habang naglalakad ay nabigla ako nang may biglang yumakap sa amin sa likuran at dinala kami sa madilim na bahagi. Pilit akong kumawala pero masyado siyang malakas at nung akma akong sisigaw ay tinakpan naman niya agad ang bibig ko.
“Shhh.. It's me,” I was relieve when I heard his familiar voice and by just that I already know who was it, “Carry the kid and don't make any noise.”
Hindi ko alam kung anong meron at kung bakit niya kami hinila rito pero sinunod ko pa rin ang kanyang inutos at binuhat si CJ.
Lalo pa siyang sumiksik sa may gilid at pati kami ay nadala. Ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya dahil yakap-yakap niya ako mula sa likuran habang buhat ko naman si CJ.
“M-Mommy w-what's going on??” Bakas sa mukha ni CJ ang pagkatakot habang tinatanong niya iyon.
“It's okay baby. Don't talk. There are aliens around us. We need to hide. So be quiet para hindi nila tayo makita at baka kakainin nila tayo.” Tyrone said in almost a whisper. The way he explained and talk to CJ melted my heart.
Pinigilan ko ang aking hininga nung may nakita akong mga armadong lalaki. Nagpapalitan sila ng mga putok ng baril. Pinipilit kong takpan ang tenga ni CJ dahil alam ko na maaring iiyak siya dahil sa mga tunog ng baril. Umalingawngaw sa buong paligid ang mga putukan ng baril at marami nang mga nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nilang mga dugo. Dumaan ang ilang minuto at unti-unti naring natigil ang mga putukan.
“Boss mukhang tayo na naman ang nagwagi. Hahaha!” lintaya nung isang lalaki.
“Tama ka bata. Hahaha! Pwe! Mga talunan! Hindi man lang ako pinagpawisan sa pakikipaglaban sa kanila. Hahaha! Tayo na! Magpapadala na lang tayong ng ibang lilinis sa mga kalat na'to. Bilis baka maabotan tayo ng mga pulis.” Isa-isa na silang umalis kasama ang pinuno nila habang ang mga lalaking nakahandusay ay wala lang sa kanila.
Lumabas na kami mula sa aming pinagtataguan habang tinatakpan ko naman ang mga mata ni CJ para wala siyang makita na mga hindi kaaya-ayang bagay. Nang makalayo na kami mula d
roon sa aming pinagtataguan ay saka ako muling binalingan si Tyrone.
“Ihahatid ko na kayo. Sa ayaw at sa gusto mo.”
Wala na akong nagawa dahil kahit sa sarili ko ay alam ko na natatakot akong umuwing kami lang dalawa ni CJ at baka may masama pang mangyari saamin. Pinuntahan namin kung saan nakaparking ang sasakyan niya at pinagbuksan kami ng pintuan. Agad niyang pinaandar ang sasakyan pagkapasok.
May mga tanong akong nais kong itanong sa kanya. I want to ask him what was he doing there but I can't seem to find my voice.
Napapigil ako ng hininga nang bigla siyang lumapit sa akin. Hindi ako nagbabadyang kumilos dahil ilang centimetro nalang ang layo ng mukha niya sa akin. Ramdam ko ang hininga niya sa aking mukha at kaunti na lang mahahalikan ko na talaga siya. Napahinga ako ng malalim nang lumayo na siya sa akin.
"Fasten your seatbelt," utos niya.
Akala ko talaga... I sighed inwardly at that thought. Tinuon ko na lang ang atensyon ko kay CJ na tuluyan ng nakatulog na sa kandungan ko.
"Dito na lang kami," kinarga ko palabas ng sasakyan si CJ. Bago ko sinara ang pinto ng sasakyan niya ay nagpasalamat ako sa kanya. “Salamat sa ginawa mo kanina. I don't know how to repay you.”
Umiling siya. “I am not asking for anything in exchange. Ihahatid ko na kayo sa bahay niyo at baka mapapahamak pa kayo,” seryoso niyang sabi sa akin. Hindi pa ako nakasagot ay lumabas na siya ng kotse.
Wala akong nakagawa dahil nakalabas na siya sa kanyang sasakyan. Nauna na akong maglakad at naramdaman ko naman siyang sumunod sa akin. Medyo naiilang ako kasi ramdam ko ang titig niya mula sa aking likod. Nang nasa tapat na kami ng bahay ay hinarap ko siya.
“Pasok ka muna at nang makapagpahinga mukha ka kasing binugbog ng sampung katao,” I told him, it was the truth.
Kung titingnan mo siya, aakalain mong wala siyang tulog ng isang taon pero hindi man lang nabawasan ang kanyang kagwapohan. I bit the inside of lip. Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Tumango siya at nagpakawala ng maliit na ngiti.
“Uhm, pwede bang pakihawak kay CJ hahanapin ko kasi ang susi sa bag.”
“Okay,” sagot niya.
Maingat na pinasa ko sa kanya si CJ na tulog na tulog pa rin hanggang ngayon.
Hinalungkat ko ang bag ko at hinanap ang susi. Pagkabukas ko sa pintuan ay nagawi ang tingin ko kay Tyrone na titig na titig kay CJ. Lumakas ang pagtibok ng puso ko but I immediately calmed myself.
“Pasok na tayo,” sabi ko at binukasan ang ilaw. Pagkapasok ni Tyrone ay sinara ko agad ang pintuan.
Kinuha ko sa kanya si CJ para mailagay na sa kwarto. Sinabihan ko siyang umupo muna sa sofa at iniwan siya sa sala. Binihisan ko si CJ ng pangkatulog at kinumutan para maging komportable siya.
“You took care of him like he's your everything.” Napasinghap ako dahil sa gulat at mabilis na napabaling kay Tyrone na nakahilig sa hamba ng pintuan.
“He's my everything,” maikli kong tugon sa kanya.
“I know this sounds funny. But,” napakamot pa siya sa batok niya at halatang nag-aalangan sa sunod na sasabihin, “He kind of look like me. Or I'm just exaggerating things.”
Mas dumoble ang paglakas ng kabog sa dibdib ko at pati ang aking dalawang kamay ay nanlalamig. Hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil kahit pa ilang beses ko nang pinaghandaan ang sagot para sa tanong na 'to ay iba pa rin kapag totoo nang nangyayari. I just forced a smile and didn't answer his question. Lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa kusina. Sumunod naman siya sa akin.
“Gusto mo ng maiinom?” Tumango naman siya sa akin bilang pagtugon.
“Coffee, tea or...?” kumunot ang noo niya at hinintay ang sunod kong sasabihin. Umiling ako at nagpakawala na naman ng pilit na ngiti, “Never mind. So coffee or tea?” Sasabihin ko sanang ‘or me’ kaso parang nakakailang mag-green joke sa kanya.
“Coffee would do,” aniya habang mariing tinitigan ako. Naiilang na napahawak ako sa aking mukha dahil baka mayroon pala 'tong dumi at 'di niya sinasabi.
Tumingin ako sa salamin at wala naman akong nakita. Nakibit-balikat na lang ako at nagtimpla ng kape. Nalaman kong gusto niyang mayroong cream ang kape niya dahil pinaglagyan niya ito.
Pagkatapos magtimpla ay pinaupo ko siya sa upuan at ipinatong sa mesa ang tinimpla kong kape. Umupo ako sa upuang nasa harapan niya. There was an awkward silence as he was just sipping his coffee and I don't know what to say.
“Kayo lang dalawa rito?” biglang tanong niya na nagpabasag sa katahimikan. I nod at him as an answer, “How about your parents? Or your husband? Delikadong kayo lang dalawa ang magkasama dito.”
“Wala akong asawa. A-and wala na ang mga magulang ko,” humina ang boses ko. I'm still not comfortable talking about ny parent's death.
Halatang nagulat siya sa mga sinabi ko.
“I'm sorry. I didn't know.”
For the third time, ngumiti ako ng pilit.
“Don't be sorry. Matagal na rin naman 'yon,” I told him with a calm voice.
At ayan na naman ang mga titig niyang nakakailang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top