Chapter 38: Drunk
JILL'S P.O.V
Nakaharap ako sa monitor at mabilis ngunit walang ingay na nagt-type sa keyboard. Kasama ko sina Luke at Leah sa loob ng silid at hinack lahat ng mga surveillance camera sa buong bansa. Kahapon ay natingnan na nina uncle ang lahat ng surveillance sa buong manila pero wala paring naging lead kung saan tumungo ang van kaya napilitan kaming icheck lahat ng camera sa buong buong bansa. Maging ang mga airports ay natingnan narin namin kung sakaling lumabas sila ng bansa. Pero wala. Wala lang ring silbi.
Ang lugar rin kung saan ang pinagmulan ng letter ay minanmanan narin namin. Pero wala kaming nakuhang makakapagturo sa amin sa kinaroroonan ni CJ.
We are serching for almost seven hours. Tiningnan ko ang aking wrist watch at nalaman malapit na pang mag ala-una. Inutusan narin ni Luke ang kanyang mga tauhan na tulungan kami sa paghahanap. Ryker is also with Luke's men, tracking CJ. Kanina pa ako may naisip na paraan pero hindi ako sigurado kung magiging tagumpay ba ang gagawin ko. Delikado dahil maaaring malagay sa kapahamakan ang buhay ng ibang tao.
Huminto ako sa pagt-type sa keyboard at kagat labing napasandig sa swevel chair. "I have a way kung paano natin makuha si CJ." mahina kong usal.
Parehong nawala ang tunog ng dalawang keyboard. They eyed me curiously. Lumapit sa akin si Luke at tinanong ako.
"Ano 'yun? Bakit ngayon mo lang sinabi?" frustrated na tanong nito.
"The chip... Yun ang paraan ko."
Narinig ko ang pagsinghap ng dalawa kaya ako'y napayuko. I know, it's not right. Using the chip that I promised to hide for my son. Damn...
I sound like a worse person.
"I am not sure if it'll work."
Ayoko 'tong gawin. But, do I have a choice?… Kahit sino naman sigurong ina ay gagawin ang lahat para sa kapakanan ng anak niya. Many lives would be at risk with this move.
Pareho kaming napalingon nang bumukas ang pinto at pumasok si uncle. Tumayo si Luke mula sa pagkakaupo at lumapit kay uncle.
"Bakit ka pumunta dito, uncle? You should rest." nag-alalang wika nito.
"Don't treat like a very old fart. Matanda lang ako pero di naman ako sobrang tanda na." walang emosyong sabi nito.
Simula kanina ay malamig ang naging pakikitungo sa amin. Alam kong kahit hindi man niya sabihin galit ito at wala sa modo.
Sa naging sagot ni uncle ay napatahimik si Luke at hinayaan nalang ito. May pag-aalinlangang hinila niya ito ng upuan sa tabi niya.
Sandali itong tumitig sa monitor sa harap at parang may malalim na iniisip. Lumingon ito bigla sa akin.
"It will work. We just need a really perfect imitation of the chip."
"How? We don't have much time." nagtatakang tanong ni Leah.
"When we created the chip, it was not perfect at first. So we need to try and try until the chip was already completed and perfected. And I kept the failed expirements with me. Yun ang gagamitin natin."
Dahil sa sinabi ni uncle ay nabuhayan kami ng pag-asa. Sumang-ayon kami sa kanya at hinanda ang mga kailanganing bagay. Nang nakapagplano na kami ng maayos ay pinatulog muli ni Luke si uncle bago bumalik sa ginagawa.
Napatingin ako sa dalawang chip na nakalagay sa magkaibang kahon. Magkatulad na magkatulad ang hitsura ng dalawa kaya mahirap matukoy kung alin ang totoo at hindi. The appearance is identical but when you use it, there's a huge difference. The fake one would eventually explode after you'll use it for fifty minutes.
While the real one, is perfect and enough to destroy humanity when fallen to the wrong hands. The organization who're after this thing has already found the weapon. The only missing piece is the chip. We need to destroy it before anything else.
Ang plano namin ay pagkatapos naming maibigay sa kanila ang chip, paniguradong hindi nila papalayain si CJ at susubukan nilang isaksak ang chip sa weapon. We installed a virus inside the chip para after fifty minutes ay malakas ang magiging imapact ng pagsabog nito at tama lang para tuluyang masira ang weapon.
Sapat na ang limampung minuto para makuha namin si CJ at makatakas mula sa kanilang kampo. Yun ang plano... Pero hindi parin namin mahanap-hanap ang pinagdalhan kay CJ. We're also waiting for a call, a letter or anything that could lead us to CJ. But nothing arrived and I can't wait any longer.
"Jill, we got it!" nawala ako mula sa pag-iisip nang narinig ko ang aking pangalan.
Lumapit ako kay Luke at tiningnan ang monitor. Pero nadismaya ako nang makita ang napakaraming trap ang nag-appear. Their defense is strong and I can see Luke struggling. One wrong move and he'll be caught.
"Tutulungan kita." ani Leah.
Lumapit siya kay Luke at in-on ang computer na nasa tabi nito. May in-eject itong falsh drive sa usb port. Tinulungan niya kaagad si Luke nang mairun na niya ito. Uupo rin sana ako para matulungan sila nang pinigilan ako ni Leah.
"Kaya na namin tong dalawa. No need to worry but we still need time. Magpahinga ka muna aabotin pa 'to hanggang umaga. By then, we'll give you the full details of his whereabouts.Huwag kang masyadong mag-isip dahil kukunin pa natin ang anak mo." seryosong sabi ni Leah.
Aangak pa sana ako nang biglang nagvibrate ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng aking pantalon. Naalala kong hindi pa pala ako nakapagpalit ng damit dahil sa pag-alala kay CJ.
Kumabog ng malakas ang aking dibdib nang makita ko ang caller. Senenyasan ko si Leah na lalabas ako para sagutin ang tawag at tumango ito bilang sagot. Nang makalabas ay pinindot ko ang answer button at itinapat ang cellphone sa aking tenga.
"I heard about what happend." bungad niya sa akin sa kabilang linya.
"I-I'm sorry. I know, it's my fault." huminto ako sa pag-akyat ng hagdan. Napayuko ako dahil sa nararamdamang pagkakunsensya.
"Let's talk about that later in my unit. I'll arrive within thirty minutes. I'll see you there." hindi na niya hinintay ang sagot ko at pinatay ang tawag.
Nais kong mapaiyak dahil sa bigat ng aking pakiramdam pero hindi ko magawa. Huminga ako ng malalim at tinapik-tapik ang aking dibdib.
Nagpalit ako nang damit at nagpaalam kay Luke at Leah na aalis ako bago gumayak papunta sa Frost Condominium.
Hindi na ako nagpahatid sa driver papunta sa dapat kong pupuntahan katulad ng nakagawian. Nakaabang sa pagdating ko ang apat sa mga tauhan ni Tyron at iginiya ako sa condo unit.
Pagkapasok ko ay iniwan na ako ng mga tauhan niya. Umupo ako sa couch at nakatulala lang sa harap ng tv. Umabot ng tatlompung minuto at hindi parin dumating si Tyrone. Kumalam bigla ang aking sikmura at naalalang hindi pa pala ako kumakain simula kanina. Ibig kong sabihin... Kahapon pala. The time is already one in the midnight and I am famished.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at pumasok sa kusina. Binuksan ko ang malaking fridge at naghanap ng makakain. I scanned raw foods in the fridge when my eyes spotted a bottle of beverage. Kinuha ko ito mula sa kinalalagyan at muling isinara ang fridge. Umupo ako sa stool at linagay ang bote sa ibabaw ng mesa. I stared at it for a while and opened the cover. I didn't bother looking at the name of the alcohol.
Tinungga ko ang bote at lumagok sa marami. Biglang nawala ang aking pagkagutom at sunod sunod na nilagok ang laman ng bote. I want to forget everything even just for a minute. I want to get away from reality.
Medyo marami-rami narin ang nainom ko at paglipas ng tatlong minuto ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Ganun pa man ay ipinagpatuloy ko parin ang pag-inom, tila ba'y walang pakealam sa mangyayari. Wala akong pake kung sasakit ang ulo ko o magsusuka ako bukas.
May presensiya akong naramdaman sa aking likod kaya ko ito hinarap. Nakatayo ito sa bungad ng kusina. Nagtama ang aming mga mata at napansin ko na napakagulo ng kanyang buhok. Nakasuot rin siya ng suit at mukhang haggard na haggard pero hindi nito natabunan ang kanyang pagkagwapo.
Lumapit siya sa akin at seryosong nakatitig sa akin. Nang isang dangkal nalang ang layo namin sa isa't-isa ay saka siya huminto. He gently removed the bottle in my hand and put it back inside the fridge. I was slightly disappointed because I still want to drink.
"Why are you drinking? Your son is in grave danger but you're here. Trying to get wasted." nakatiim bagang sabi niya.
Hindi ko siya sinagot dahil naramdaman ko na naman muli ang pagkahilo. Pero kasabay ng aking pagkahilo ay siyang pagbangon ng init sa aking katawan. Para akong ipinasok sa oven nang hinawakan niya ang aking balikat at tinitigan ako ng maigi. Kaagad kong inalis ang kanyang mga kamay dahil biglang kumalat sa buong katawan ko ang init at mas lalong tumindi pa ito. Tumayo ako at pasuray-suray na lumabas sa kusina. Kailangan kong lumayo sa kanya dahil baka kung ano pa ang magawa ko.
Napahinto ako sa paglakad dahil naramdaman ko bigla ang malakas na pag-ikot ng buong paligid. Sinubukan ko muling humakbang pero biglang nawalan naman ako ng balanse. Namalayan ko nalang na may dalawang makisig na braso ang pumulupot sa aking bewang upang mapigilan na ako'y tuluyang mahulog.
Naramdaman ko pagbuhat niya sa akin at pinahiga niya ako sa couch. Pagkapahiga niya sa akin ay inalis na niya ang kanyang makikisig na bisig mula sa pagkapulupot sa aking bewang. Dahilan para ako'y makaramdam ng pagkahinayang. Hindi siya umalis at sa halip ay umupo sa lapag habang nakapatong ang siko sa natitirang espasyo ng couch sa ilalim ng aking baba.
Nailang ako sa klase ng kanyang pagtingin kaya pumikit nalang ako. Sa tuwing tinitigan ko ang kanyang mga mata ay lumalala ang init na aking nararamdaman.
Parang may sariling isip ang aking mga kamay at bigla nalang nitong hinala ang ulo ni Tyrone. Gulat na gulat ito dahil sa ginawa ko. Limang segundo bago ko mamamayan ang aking ginawa kaya nahihiyang binitawan ko ang kanyang ulo at akmang itutulak siya palayo. Pero pinigilan niya ako at sa halip ay ginalaw ang kanyang mga labi.
I was stunned but followed his lips movement later on. I am drunk and without thinking clearly, I let my body and heart over take my mind. I let my feelings rule even just for now.
Then, the next day I found myself lying on bed with him by my side and we don't have any clothes underneath the covers. I silently panicked.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top