Chapter 37: Kidnapped

JILL'S P.O.V

Magkasabay kaming lumabas ni Belle sa campus habang pinag-uusapan ang mga projects na kailangan naming ipasa bago matapos ang buwan na 'to. Namo-mroblema siya sa project na kailangan niyang ipresent na ibinigay ng prof niya sa isang subject.

"Nakakainis rin eh! Waahh!!! Jill my dear, please help me! Jebalyo." tapos na papacute pa siya sa harap ko.

"Naadik ka na sa koreans na 'yan. Bago ka mag-aral mag korean, mag-aral ka muna ng tagalog. Eh hindi ka nga marunong magsulat ng baybayin eh." sita ko sa kanya.

Narinig ko itong parang may binubulong habang nakasimangot. Tinawanan ko lang siya dahil sa inasal niya. She bid her goodbye and head to the opposite way. She informed awhile ago that she applied as a waitress in a small restaurant. Luckily  she got a job with a night shift.

Sumakay ako ng bus para puntahan ang anak ko. Ilang minuto lang ang naging byahe dahil walang traffic. Pagbaba ko sa bus ay lumapit ako sa mga gaurd na nakabantay sa gate ng village. Ito talaga ang pinakaayaw ko dahil kailangan ko pang lakarin ang entrance ng village hanggang sa masyon nila Tyrone.
Napakalayo pa naman ng agwat ng bawat bahay dito tapos ang mansyon nila Tyrone ay nasa pinakadulo.

Pinapasok ako ng mga gwardiya dahil nagkaroon na ako ng access dito simula noong nakaraang araw. Sisimulan ko na sana ang paglalakad nang may sasakyang biglang huminto sa harap ko. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni maam pagkabukas ng bintana ng kotse.

"Sumabay ka na sa akin. Susunduin natin si CJ." nakangiting sabi nito pagkatapos ay binuksan ang pinto ng sasakyan.

Pumasok ako at tumabi sa kanya sa backseat. Binati ko siya pati narin ang driver. Kinausap ako ni maam tungkol sa wedding ng kaibigan niya at nagpasalamat narin.

"Is there anything I can give you as an exchange sa pagtulong mo, ija?"

"Wala po. Ang gusto ko lang ay ang kaligtasan ni CJ."

Pagkarating namin sa paaralan ni CJ ay kasama na niya ang kanyang yaya sa labas ng school. Binuksan ko ang pinto pero bago pa man ako makalabas sa kotse ay mayroong van na biglang pumarada sa harap ng sasakyan. Tatlong armado at nakaitim na lalake ang nagsibabaan. Nahigit ko ang aking hininga pagkakitang lumapit sila sa pwesto na kinatayuan nila CJ.

Dali-dali akong lumabas at tumakbo papunta sa pwesto nila, pero mayroong dalawang panibagong lalake ang sumulpot at hinarangan ako. Sumulyap ako kay CJ at nakita kung paano siya hinila ng mga lalakeng nakaitim mula sa kanyang yaya. Sinuntok ng isa sa kanila ang tiyan ng yaya ni CJ. Madali kong pinatumba ang isang lalakeng nakaharang sa daraanan ko. Umatras ako ng kaunti bago sumipa gamit lahat ng pwersa sa tiyan ng isa pang lalakeng akma akong sasapakin.

"Mommy!!!" narinig ko ang malakas na pagsigaw ng anak ko.

Nang muli akong lumingon sa pwesto ni CJ ay nakita kong bitbit na siya ng mga ito at ipinasok sa sasakyan. Umandar ang sasakyan kaya natatarantang tumakbo ako papunta rito. Naramdaman kong may sumunod sa akin pero hindi ko ito pinansin. Binuhos ko ang lahat ng aking lakas para maabotan ang van na dumukot kay CJ pero unti-unti na itong lumalayo sa paningin ko. Sinulyapan ko ang plate number ng van at sinaulo bago pa ito tuluyang lumayo sa paningin ko.

Naghahabol-hiningang napasalampak ako sa kalsada.

"H-ha.. Haa.. Maam, ayos ka lang?" tanong sa akin ng driver nang makahabol na ito.

"A-ang anak ko." mahina kong usal bago ako nagsimulang umiyak.

Humahagulhol ako nang malakas at walang pakialam sa paligid, kahit pinagtinginan na ako ng mga taong dumadaan. This is what I feared the most. This is also my fault, because I let my gaurd down. I expected too much on the Frost's ability of protecting him. I am such an awefull mother.

"I-ija..." naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap ni ma'am sa akin.

Humagulhol rin siya kagaya ko. Nanatili kami sa ganoong pwesto ng ilang minuto nang tuluyan na akong nakapag-isip nang maayos. Nahihirapang tumayo ako dahil sa bahagyang pagnginginig ng aking mga paa. Sinuportahan ako ng driver nina maam para tulungang makatayo.

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa pagkakasuksok sa bulsa ng aking pantalon. I dialled uncle's number and it answered with one ring.

"Unc-cle... S-si CJ. Dinukot n-nila." I informed them with a trembling voice.

"My grandson has been kidnapped... He's bee- Wait... What?!" tumango ako at pinigilang maiyak kahit hindi niya ako nakikita.

"Ano daw?! Nakidnap si CJ?! Teka-teka! Ano plate number ng sinasakyan nilang van? Baka matrace pa natin?!" narinig ko ang malakas na boses ni Luke sa background at gulat na gulat.

I told them the plate number and also the some informations na maaaring makatulong. Malakas ang kabog ng aking dibdib at umaasa akong mahanap kaagad nila ang sinasakyang van ng dumukot sa anak ko.

Nagpaalam na ako sa kanila at pinatay ang tawag. Sinabihan ko rin silang tawagan ako pag nakita na nila ang van. Bumaling ako kay maam na pinapatahan ni kuya driver.

"Aalis po muna ako. Pupunta ako sa presinto at may ibang aasikasuhin na rin." sabi ko nalang kahit ang totoo'y hindi naman talaga iyon ang gagawin ko.

Hindi ito nagsalita kaya nang ikinumpas ni kuya ang kanyang kamay ay tumalikod ako. Mabilis akong naglakad at naghanap ng public cr. Nang makahanap ay pumasok ako at humarap sa salamin. I frustratedly splashed water on my face and look back on the mirror. I watched my reflection as tears came streaming down from my eyes.

Many thoughts came inside my head. Some are filled with hopelessness and regret. Hindi kaagad nakalapit sa pwesto nila kaya nadukot siya ng mga lalake. Ayaw ko man manisi ng kahit sino but I can't help blaming myself. It is I who made a mistake. If only I reached their spot on time. Hindi siguro nila makukuha si CJ.

Muli akong naghilamos at pinunasan ang aking mukha gamit ang sleeves ng aking damit. Wala akong pake kahit magmukha pa akong dugyot, basta makuha ko lang pabalik si CJ mula sa kanila. That's my top priority for now.

Umalis ako at pumara ng taxi. Tinanong pa ako ng driver kung maayos lang daw ba ako pero hindi ko ito sinagot. I am not in the mood to be kind right now. Paulit-ulit akong tumingin sa aking relo dahil baka nauubosan na ako ng oras. Hinihintay ko rin ang tawag nina uncle tungkol sa sasakyan. Pinagdadasal ko na sana'y makita na nila ito.

I closed my eyes and prayed silently for my son's welfare over a over again. I didn't notice the cab stop until the driver woke me up from my reverie. I paid my fare and without any word I exited the cab not even minding the change.

Tumayo ako sa harap ng mataas at bakal na gate. Matagal na simula noong bumalik ako sa lugar na ito. This place is my safe haven before, when I was still young. But ever since I changed my  identity hindi na ako muling bumalik pa rito. This place is what they called a haunted house dahil sa luma nitong itsura at sira-sira narin ang mga pintura. Nakadagdag pa na puti ang lahat ng kulay ng buong kabahayan. Hindi ito masyadong maliit at malaki. Sakto lang.

Hinanap ko ang nakatagong voice detector at pinindot ito.

"Name?" it asked asked me in a robotic tone.

"It's me."

Hindi ko nalang sinabi ang aking pangalan dahil ang boses lang naman ang denedetect nito. Kaya kahit anong salita ang imumutawi mo basta may access ka ay madedetect nito.

Bumukas ito at mabilis akong pumasok sa loob nang walang katakot-takot. When everyone call this a haunted house, I call this place a home. Because this is where I once live with my parents.

Sinubukan kong buksan ang bahay gamit ang aking finger print pero bigla itong nag-error. I found out that the finger print scanner was broken kaya nag-isip ako ng ibang paraan. Inikot ko ang aking mata sa paligid at nahagip ko ang bintana sa second floor. Lumapit ako rito at naghanap ng makakapitan. Ipinatong ko ang isa kong paa sa nakauslong pako na may kalakihan at kumapit sa makakapitan.

Medyo nahirapan ako sa paghila sa aking sarili at hindi sinasadyang nagkamali ako sa pag-apak kaya muntik na akong mahulog. Pero mabuti nalang ay napakapit kaagad ako ng mahigpit. Buong pwersang inaangat ko ang aking sarili at binuksan ang bintana. Pumasok ako sa loob na hinihingal.

Magaling ako sa barilan at physical fighting pero hindi ako marunong umakyat nang pader. Iginala ko ang aking paningin sa pamilyar paligid at naalalang nasa library nga pala ako ng bahay. Lumabas ako sa napasukang silid at tinahak ang daan papunta sa dati kong silid. Medyo kinalibutan ako dahil sa dilim ng buong paligid.

Naglakad ako papalapit sa sirang-sirang lamp na nakadikit sa pader. Maingat ko itong inikot at may blankong screen na lumabas mula sa pader. Pilit kong inalala ang komplekadong password na ako lang ang nakakaintindi at itinype sa screen. Hindi madaling ifigure out ang password dahil bukod sa walang keyboard na makikita ay jumble lahat ang letters. Some letter were accompanied with numbers. Kaya maging ako'y nahirapan din dahil hindi ko na masyadong nafamiliarize ang position ng bawat character ng password.

Nang sa wakas ay nabuksan ko na ito ay unti-unting bumukas ang pader. Pagkabukas naman nito ay may isa pang bakal na pinto ang bumungad at may body scanner rin na nag-scan sa akin. Nagsi-bukas lahat ng mga ilaw sa loob. Pumasok ako at linapitan ang dalawang bagay na nasa gitna ng silid.

Hinay-hinay kong kinuha ang mga ito para mascan naman ang kamay ko. Dahil kapag hindi kilala ng system ang owner ng kamay ay mayroong mga daggers at iba-iba pang mga bala ang tatama sayo.


...
(A/N: please bare with the errors. )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top