Chapter 36: Another Letter

JILL'S P.O.V

"Ma'am, I think this will suit the bride. Based on your descriptions, this one will suit her better than the other designs. What do you think?" I said while eyeing the designs placed on the table.

"I like your suggestion. I am thinking the same but contemplating because I still need someones opinion. Ate, we'll go with this. The others are also extravagant. Infact whoever wear your designs will look ten times better."

Napagawi ang tingin ko sa kapatid ni ma'am at may pag-alinlangang ngumiti nang makita siyang sa akin nakatingin. Muntik nang tumabingi ang ngiti ko sa mga titig niya. Inalis niya ang tingin sa akin at bumaling kay ma'am.

"Allright, but no need for your complement because I am confident with my ability. When I'm done, I'll personally send this to your home." tumayo siya at kinulekta ang mga designs na nakalapag. Ibinalik niya ito sa folder na kinalalagyan ng mga ito pero hindi isinali ang design na napili namin. Sa ibang lalagyan niya ito inilagay.

Nagpaalam na si ma'am sa kanyang kapatid na aalis na kami. Tinanguan siya nito at tumayo upang ihatid kami palabas ng pinto. “Mag-iingat kayo sa daan. Hanggang dito ko nalang kayo ihahatid. Marami pa kasi akong trabaho.” humingi ito ng paumanhin at bago kami nito talikuran ay tumingin muna ito sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam din. "Bye ma'am Lucy. Until next time."

"Ba-bye po grandma Lucy!" nakingiting paalam ng anak ko. Kumakaway-kaway pa ito bilang pamamaalam.

"Bye-bye rin sayo apo! I'll visit you next time okay? I'll bring you a gift. Ano ba ang gusto mo?" umupo ito sa harap ni CJ.

"Hmmm... Cookies po."

"Allright, I'll remember that." she ruffled my sons hair. Lumingon ito sa mesang kinaupuan ng kanyang sekretarya. "Ihatid mo sila pababa." utos nito.

Nang marating namin ang sasakyan ni ma'am ay muli na naman kaming bumyahe. Sunod naming pinuntahan ay ang florist para sa mga bulaklak sa wedding. Hindi masyadong malayo ang shop na pinuntahan namin dahil inabot lamang ng sampong minuto ang byahe.

Tumingin tingin din ako sa mga bulaklak at paminsan minsan ay tinatanong ni maam ang opinyon ko. Maraming klase ng mga bulaklak akong nakita kaya mahirap pumili. Sa huli ay pink rose ang napili namin. As for the bouquet, pink rose siya na napapalibutan ng puting mga bulaklak.

Nang matapos ay inasikaso narin namin ang iba. Sa foods ay madali lang namin natapos dahil kabisado ni ma'am ang gusto ng bride. Pero sa invitations kami natagalan dahil kahit hindi ganoon kadami ang invited, sobrang layo naman ng kanilang mga tinitirhan. Ang iba ay nasa overseas at pinadala nalang daw niya ito, sabi ni ma'am.

Gabi na nang matapos namin ang pagbigay sa mga invitations kaya nang pauwi na kami sa mansyon ay bagsak na bagsak na si CJ. Nakakalong siya sa akin habang nakasandig sa dibdib ko. Sinusuklay ko ang kanyang buhok tulad ng nakagawian nang napagawi ang tingin ko sa labas ng bintana.

Nahigit ko ang aking hininga nang may nakita akong lalaking nakamotorsiklo at may hawak na baril. Nakasentro ang baril sa gawi ko. Awtomatikong hinarang ko ang aking sarili sa bintana para protektahan si CJ nang makitang pinihit niya ang trigger. Pero sa halip ay may narinig lamang akong isang malakas na pagsabog sa may bintana. Lumingon ako dito at napansin ang maliit na gasgas sa bintana. Hinanap ng mga mata ko ang lalaking nakamotorsiklo at napansing walana ito.

"Oh my... What was that for? Manong bilis bilisan mo ang pag maneho! Baka maabotan tayo nun!" naghehestirikal na utos ni ma'am sa driver.

"Huwag po kayong mag-alala ma'am. Umalis na po iyon pagkatira nung bala."

Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili. Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ni CJ marahil ay muntik nang magusing dahil sa malakas na pagsabog. Mabuti nalang at bullet proof ang sasakyang 'to.

"Oh my... I am going to call Trey." kinuha niya ang kanyang Iphone sa loob ng dala-dalang pouch at idinial ang number ni Sir Trey.

"H-honey... Someone aimed a shot at us." nanginginig ang boses na sabi niya sa taong nasa kabilang linya.

Nagsusumbong lang si maam kay sir Trey sa buong byahe. Habang si sir naman ay namomroblema kung paano ito pakalmahin.

Pagdating namin sa masyon nila ay kaagad kong dinala si CJ sa silid niya. Maingat ko itong ibinaba at umupo sa tabi niya. I stared at his face for a long time. I bent down my head and kiss his forhead.

"Baby, good night and have a sweet dream." I whispered through his ear.

Hinaplos ko ng isang beses ang kanyang buhok bago tuluyang tumayo. Lumabas ako sa silid at sumakay sa elevator. I pressed the down button but as the door almost closed, a hand stopped it. Ang taong pinakahuling gusto kong makita ay biglang tumambad. She went inside and to my relief, she stood at the other side of the elevator. Away from me.

"Bakit kaya nagpapasok ng gala sina tita." she murmured but enough for me to hear and I am sure na sinadya niya 'yun.

Hindi nalang ako nagsalita at nanatiling nakatitig sa pinto ng elevator nang sa gayong makalabas agad ako pagkabukas nito. Nakahinga ako ng maluwag nang tumunog ang elevator at inunahan siya sa paglabas.

Nang makarating ako sa sala ng mansyon ay naabitan ko sina maam at sir na masinsinang nag-uusap,  napahinto na makita akong papalapit sa pwesto nila. I was about to tell them that I need to go but Sofia suddenly interrupted me.

"Tita! You finally arrived. I'll cook our dinner po tonight. Do you have any request po ba?" bumeso ito kay maam at nakangiting nagtanong.

"Anything will do, dear. I still need to discuss about something with your tito. Doon muna kami sa office and just do your work sa kitchen. Ask manang to assist you if you need anything, allright?" nakangiting sabi nito kay Sofia.

She turned to my direction and asked, "Aalis ka na ija?"

"Opo."

"How 'bout CJ? Natulog na?" muli ay tumango ako sa tanong niya.

"Gisingin mo nalang po siya pagkakain na."

Nang makapag-paalam ay umalis na ako at nagpara ng cab pabalik sa masyon ni Luke. Pagkarating ko palang ay kaagad akong sinalubong ni Leah ng nag-alalang tanong.

"How's CJ? How 'bout you? Are you hurt?" nagtaka ako bigla dahil sa naging tanong niya.

"Why? What happend?" I asked while heading my way inside.

"We got another letter." I unconsciously halted and stared at her.

"Another...letter... What's inside the letter?"

"Tingnan mo nalang."

Sumunod ako sa kanya nang  lumiko siya pamunta sa safe room. Pagkatapos niyang mag-scan sa mata ay bumukas kaagad ang pinto. Naabotan kong nakaharap sina uncle at Luke sa mga monitor at may tinatype sa keyboard.

"She's already here." anunsiyo ni Leah sa dalawa.

"Come here." utos ni uncle habang hindi inaalis ang mga mata sa monitor. Lumapit ako sa kanila at tiningnan ang kanilang ginagawa.

"We're tracing the sender of the letter and it lead us to this place." umikot si Luke paharap sa akin at ipinakita sa akin ang litrato ng isang kuweba.

Nothings weird about the cave but when you look closely, you'll notice several shoe marks on the ground. Lahat papunta sa loob ng kweba pero wala namang kakakibang makikita sa loob ng kweba.

"If my speculation is right, they installed a hallucinating device para madecieve ang mga outsider. But inside the hallucinating border, there are actually tons of people doing their works." pagpapaliwanag ni uncle.

Base on the photo and the shoe marks that are heading in, the side of the cave must be the entrance. There must be another place that will be the exit.

"Nahanap niyo na po ang exit?"

"We're still working on it. It's possible that the exit is also a cave, a building or anywhere na kapag lalabas ay madaling mahahalo sa mga tao o sasakyan para hindi mahahalata."

Umupo ako sa tabi nila nang bigla kong naalala ang sulat. Lumingon ako kay Leah.

"Akala ko ba ipapakita mo sa akin ang sulat?" tanong ko.

I noticed how she hesitated and looked at uncle.

"Let her see it. Siya ang ina kaya kailangan niya iyong makita." seryosong sabi nito.

Tumango si Leah at may kinuha sa drawer na nasa gilid lang ni Luke na hanggang ngayon ay seryoso parin sa ginagawa at hindi kami pinapansin. Sinundan ko lang ang mga galaw niya habang kinukuha ang bagay sa loob ng drawer. She handed it to me at kinuha ko ito.

Nang nabuksan ko na ang letter ay saka ko lang naintindihan ang pag-aalangan niya kanina. Malakas akong napasinghap at nabitawan ang papel dahil sa panginginig ng aking kamay.

"Do you have a lighter?" wala sa sariling tanong ko. Kumuha si Leah ng lighter at nagmamadali ko itong inabot.

Sinindihan ko kaagad ang papel kahit nanginginig parin ang aking mga kamay.

Hindi ko halos malunok ang aking laway dahil sa nakapaloob sa papel. Edited picture ng anak ko na pinutol putol ang katawan. May sulat kamay pa sa ibaba na nagsasabing 'your son will die this way'.

Nangangamba ako dahil baka hindi maprotektahan nina Tyrone si CJ. Ayokong mangyari ang bagay na kinakatakutan ko. All I want is my son, safe and sound.

...
(A/N: Please bare with the errors. )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top