Chapter 30: His Story

JILL'S P.O.V

Dali-daling nagpaalam ako kay uncle na pupunta muna ako sa restroom dahil hindi ko na kinaya ang kanyang mga titig. Mayroong malaking restroom sa loob ng mansyon nina Luke at Leah na hindi ko alam kung para saan. Kagaya lang siya ng sa mga mamalaking hotels.

Nanghihinang itinukod ko ang aking mga kamay sa sink at tinitigan ang aking repleksyon. Nakakapanghina ang kanyang mga titig, pati narin ang aking katawan ay may mga kakaibang reaksyon dahil lamang sa titig niya.

"Ano na naman ba 'tong nangyayari saakin?"

Mahina kong ipinilig ang aking ulo at naghugas ng kamay. Napalingon ako nang may pumasok sa loob. My face expression changed and my eyes turned cold. She is throwing daggers at me through her eyes. Tumabi siya saakin at may inilabas na pouch pula sa kanyang bag. Naglabas siya ng make-up at nagsimula nang magretouch. Akmang tatalikuran ko siya at aalis nang bigla siyang nagsalita.

"So you're a gold digger now? You made it here with an old man and that old man is your victim. Am I right?" she suddenly said while putting a lipstick on her lips.

I grimaced at her when she said those words.
She didn't even know that I live here, in this house. This place is not even her territory but she has the guts to insult me.

"Don't push me to my limits, Sofia. Hindi mo magugustuhan pag galit ako." i warned her coldly.

Itinigil niya ang ginagawa at humarap sa akin. There's an evil smile plastered on her face and it only made me more annoyed.

"Kaya ba malakas ang loob mo na labanan ako dahil sa matandang 'yon? I didn't know you're this cheap Ms. Villareal. I didn't expected you'll go this low." may panunuya ang mga matang sabi niya.

I gritted my teeth and clench my fist to prevent my temper. Masasayang lamang ng babaeng ito ang oras ko kung lalabanan ko pa siya.

Pareho kaming napalingon sa dalawang babaeng kakapasok lang at nag-uusap.
Nag-iwas ako ng tingin at tuluyan nang lumabas sa restroom. Naramdaman ko siyang sumunod sa akin palabas. Nagulat ako dahil nadatnan ko sina uncle at Tyrone sa labas ng restroom at parang may hinihintay. Bago ko pa man matawag si uncle ay agad nilagpasan ako ni Sofia at kumapit sa braso ni Tyrone na mariing nakatitig saakin.

"Nagagalak ako't nagkita tayo rito Jill at nagkausap narin." sabay ngiti ng matamis ni Sofia saakin.

Namangha ako dahil napagaling niyang itago ang kanyang ugaling hindi pa nakikita ng iba. Tanging tango lang ang isinagot ko.

"Alis na tayo babe at baka maistorbo pa natin sila ng kanyang kasintahan." malumanay na sabi niya kay Tyrone. Nanatili paring nakapako ang kanyang mata saakin

"May kasintahan ka pamangkin? Bakit hindi mo man lang ipinaalam saakin? Nakakatampo ka." lumabi pa ito sa harap ko na parang teenager na nagpapacute.

"Tigilan mo nga ko uncle. Ano ba kaialngan mo saakin at napunta ka rito?" tanong ko sa kanya at binaybay ang daan papunta sa lawn. Sumunod saakin si uncle at nilagpasan namin sina Sofia na halatang nagulat dahil sa narinig.

"Kailangan daw nila babe ang tulong mo."

"Babe?" nakakunot noong tanong ko.

"Babe Marta." muntik na akong matapilok nang sabihin niya ang mga kataga.

"Uncle, wag mo ka ngang malandi! Tanda-tanda mo na, pati si aling Marta dinadamay mo pa sa mga kalokohan mo." pabirong singhal ko sa kanya.

"Seryoso ako sa kanya. Pwede pa naman kaming mga matatanda mag lovelife ah. Hindi naman nagababase sa edad ang salitang pagmamahal." pangatwiran niya na nagpangiti saakin.

Nadatnan ko sila sa kusina na abala sa paghahanda ng mga pagkain samantalang ang iba ay abala sa paghatid ng mga pagkain at inumin sa maraming bisita. Nakita ko si aling Marta na may tinitikman ang putaheng kakaluto palang. Hinila ako ni uncle papalapit sa pwesto ni aling Marta.

Nag-angat siya ng tingin at ngumiti pagkakita saakin. Nginitian ko rin siya pabalik.

"Ano po ang maitutulong ko rito?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang po sanang magpatulong sa pagtikim sa mga bagong hain na pagkain. Baka po kasi mali ang pagtimpla."

Ibinigay niya saakin ang kutsara at kiming ngumiti saakin. Magiliw akong lumapit sa mga putaheng kakahain pa lamang na nakahanay sa malaking mesa. Tinikman ko isa-isa ang mga pagkain at ninamnam ang lasa ng mga ito.

"Ayos lang po ba ang pagkatimpla? May kulang po ba?" nahimigan ko ang pag-alala sa boses ni aling Marta. Ngumiti ako sa kanya.

"Don't worry po, wala naman kasing kulang sa timpla. Masarap po. Kahit si uncle pa patikimin mo."

Sumimangot siya kay uncle at inirapan ito dahilan para matawa ako ng mahina.

"Kapag papatikimin ko ang isang 'yan. Baka maubos lang niya at wala na tayong maipakain sa mga bisita." sabay irap niya ulit rito. Lumapit si uncle kay aling Martha at yinakap ito mula sa likod. Hinalikan pa niya ito sa pisngi dahilan para ako ay mapangiwi.

"Babe naman. Walang ganyanan." lumapit si uncle kay aling Marta at kinulit ito.

"Tigilan mo 'ko at baka magbago ang isip ko at hindi na kita sasagutin." masungit na sabi nito sabay balik sa ginagawa.

"Teka, sasagutin mo na dapat ako?" namamanghang tanong ni uncle. Napansin ko ang pamumula ng mukha ni aling Marta. Dali-daling yumuko ito at hindi pinansin ang naging tanong ni uncle.

Tumalikod at umalis na ako sa kusina upang hindi ko sila maistorbo.  Nagtungo ako sa garden ng mansyon upang makalanghap ng hangin dahil pakiramdam ko ay nas-suffocate ako sa party at sa dalawang magkasintahan na parang wala ako kung maglumpungan.

Nang nakarating na ako sa garden ay napangiti ako dahil sa sumalubong saakin na malamig at sariwang hangin. Talagang napakaganda ng garden dito sa mansyon nina Luke at Leah. Mayroon ring gazebo sa gitna ng garden kaya mas lalong nakakatuwa ang tumambay rito.

Lumapit ako sa swing na katabi ng gazebo at umupo rito. I closed and eyes and feel the air that is gently touching my face. I can hear the sound of the leaves and the soft chirps of the birds.

Sa totoo lang, nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib dahil sa nakita kong magkasama sina Sofia at Tyrone. Bigla ko kasing naalala ang katotohanan na may ibang nagpapatibok sa puso ni Tyrone at 'yon ay hindi ako. Minsan nakakalimutan ko na ang katotohanang iyon at hindi ko namamalayang masyado na pala akong nagpapadala sa sinisigaw ng aking puso.

Mahal ko siya. Subalit, walang kasiguraduhan kung masasagot ba niya pabalik ang aking nararamdaman para sa kanya at sa aking palagay ay malabong mangyaring gusto rin niya ako.

Naramdaman kong may umupo sa katabi kong swing kaya napalingon ako rito.

"Nagpapahangin ka rin?" tanong niya saakin. Tumango ako at pinagmasdan ang kanyang mukha.

Nakasuot siya ngayon ng itim na tuxedo at may ear transmitter na nakasabit sa kanyang tenga. His hair is neatly combed and he looked really repectful with his get-up. Kumunot ang kanyang noo at bumaling saakin.

"Why are you looking at me like that? Alam ko kong gwapo ako pero wag mong masyadong ipahalata. Baka kasi pagtutulungan ka sa mga babaeng nagkakagusto rin saakin." sabay kindat pa niya saakin. I scowled at him which made him let out a chuckle.

"I'm just curious about your real identity. Sino ka nga ba talaga." i said with a very solemn expression.

Natawa ito bigla dahilan kaya kumunot ang aking noo. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko, pero bakit siya tumatawa?

"I thought you'll never ask me about that. Akala mo nakalimutan mo na ang tungkol diyan." mahina ang boses na usal niya habang nakayuko at nasa lupa ang mga mata.

"Hihintay ko lang kong kailan ka magkukusang sabihin saakin ang tungkol sa iyong pagkatao."

Hindi ko siya gustong pilitin kung hindi niya kusang sasabihin saakin kung sino ba talaga siya. Ayaw ko siyang pilitin sa bagay na hindi niya gusto kaya hinihintay ko kung kailan siya magkukusang sabihin saakin kung sino ba talaga siya. Napakamisteryoso ng kanyang pagkatao at pakiramdam ko ay napakalalim niya. Sa palagay ko ay napakarami niyang hindi pa sinasabi saakin at mas nadagdagan ang kagustuhan ko na makilala siya.

"Noong unang panahon," kumunot ang aking noo. May balak ata ang lalaking 'to na magstory telling. "sa isang malayong kaharian. Nakatira ang isang magandang dilag na bumibihag sa puso ng maraming kalalakihan. Kasama ang hari ng kaharian ang nabihag ng dilag dahil sa kanyang angking kagandahan. Dahil ang hari ay makapangyarihan, nagagawa niya ang lahat na kanyang naisin. Gusto niyang mapasakanya ang dilag at hindi siya nabigo dahil ang dilag ang may pagtingin rin sakanya. Inalok siya ng hari na maging kanyang kerida at ang dilag naman ay walang pag-aalinlangang pumayag. Ngunit may kondisyon ang hari sa magandang dilag. Dapat walang makakaalam na kahit sino tungkol sa kanilang relasyon maliban sakanila. Ayaw ng hari na makarating sa kanyang reyna ang relasyon nilang dalawa. Nalungkot ang dilag ngunit agad niya itong ipinagsawalang bahala at pumayag sa kundisyon ng hari." huminto siya sa pagsasalita at tumingala sa langit. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha na may bakas ng kalungkutan.

"Nagpatuloy ang kanilang patagong relasyon. Hanggang isang araw, nalaman ng hari na ang dilag ay nagdadalang tao. Sa takot na sila ay mabuko at malaman ng kanyang reyna na siya ay mayroong ibang babae, itinaboy niya ang dilag. Itinaboy niya ito kasama ang kanilang anak. Nagmakaawa ang dilaag ngunit hindi ito pinakinggan ng hari. Walang nagawa ang dilag kundi ang tanggapin ang desisyon ng hari. Pinalaki niya ng mag-isa ang kanyang anak. Tahimik na namuhay ang dilag kasama ang kanyang sampung taong gulang na anak. Ngunit, isang araw binawian ng buhay ang ina ng bata. Nawasak ang puso ng bata dahil sa pagkawala ng buhay ng kanyang nag-iisang minamahal." habang nagsasalita siya ay inobserbahan ko ang kanyang kilos.

Nakakuyom ang kanyang kamao habang siya ay nagkukwento. This must be hard for him.

"Umabot sa hari ang balita tungkol sa pagkamatay ng kanyang dating babae. Inutusan niya ang kanyang mga kawal na dalhin ang anak ng babae sa kanyang palasyo at agad naman nila itong sinunod. Habang nasa burol ng kanyang ina pa lamang ang bata ay nagulat siya nang may biglang dumating na mga kawal. Sapilitan siya nitong dinala sa palasyo ng hari. Hindi lingid sa kaalaman ng bata kung bakit siya ng mga ito dinala sa palasyo. Alam ng bata na ang kanyang ama ay ang hari dahil hindi siya pinagkaitan ng kanyang ina na malaman kung sino ang kanyang ama. Nagkita sila ng hari na alam niyang kanyang ama at mayroong kaunting pag-aasa ang umusbong sa kanyang dibdib. Nais niya na magkaroon ng ama simula pa lang nung una. Akala niya ay magiging maganda ang takbo ng kanyang buhay sa poder ng kanyang ama. Subalit nagkamali siya. Ginawa siyang alipin sa loob ng palasyo ng sarili niyang ama. Doon, tuluyang nawasak ang kanyang puso. Limang taon niyang ininda ang hirap na kanyang dinanas. Sa isang araw, isang beses lamang siyang makakain at sa kuwadra ng mga kabayo siya natutulog sa gabi. Tiniis niya ang ginaw at gutom dahil kahit ganu'n mayroon pa rin siyang kagustuhan na mabuhay," huminga siya ng malalim at ipinikit ang mata. "Isang gabi, may kawal na ipinadala ang hari upang imungkahi sa kanya ang isang balita. Nais ng hari na siya ay ibigay bilang alipin ng pamilyang naging matapat sa hari. Inaakala ng bata na doon magtatapos lahat ng kanyang paghihirap. Habang naglalakbay papunta sa pamilyang kanyang pagsisilbihan, isang grupo ng magnanakaw ang dumating. Kinuha lahat ng mga gamit na maaaring ibenta mula sa kanya. Sapilitan din siyang isinali ng mga ito sa grupo. At doon nagsimula ang buhay ng bata kasama ang mga magnanakaw." huminga siya ng malalim bago lumingon saakin.




"Sino yung bata?" i asked him even though it's vivid that the child is him.

"Me," ngumisi siya saakin. "Ngunit sa palagay ko ay ang dapat mong itanong, ay kung sino ang hari sa kuwento." may kakaiba akong naramdaman dahil sa tono ng kanyang boses.


"Sino?" malamig at maikli kong tanong.

Lumapit siya saakin at itinapat ang kanyang bibig saaking tenga.




"The man whom you loathed the most, Leonardo Suarez." bulong niya.

Automatikong kumilos ang aking kamay, hinugot ko ang dagger na nakatago sa ilalim ng aking damit. I grip the collar of his suit and put the point of the blade against his throat.




"I think I should kill you." I said menacingly.













...
(A/N: pagpasensyahan niyo na sana ang wrong grammars and typos. Hope you enjoyed reading this chapter.😊 Kindly correct me if may mali. Thank you very much.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top