CHAPTER 3: Unexpected

THIRD PERSON'S P.O.V

“What?”

Gulat na tanong ni Tyrone sa ama. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito at hiniling nito sa kanya na dapat niyang gawin.

“You heard it son.”

“Ayoko dad! Bakit hindi na lang iba ang papagawin niyo sa mission na 'yan? For Pete's sake tapos na po akong mag-aral at ayoko ko nang tumapak ulit sa paaralan na 'yan.” inis na sabi niya dito.

Sinamaan siya nito ng tingin at itinaas ang folder na naglalaman ng mga papeles na gagamitin niya para sa mission.

“You'll going to do it, whether you'll like it or not. Wala kang mapagpipilian at gusto kong ikaw mismo ang gagawa nito.” his father give him a serious look.

“Bakit kailangan ako? Paano naman ang kompanya kapag wala ako? Sino ang magmamanage sa company?”

“I have my own reasons son. I want you to investigate on something. And don't worry about the company because you will still manage it. You're capable of doing that since you're college, right? And you're not going to be a student,son. Ipapadala kita doon para mag-observe sa mga students na nandoon. That's your role there. 'Yon lang ang alam nila.”

“This is crazy,” he murmured to himself. He combed his hair using his fingers because of frustration. “At ano naman ang mapapala ko dito?”

“I won't fix an arrange marriage for you.” tila nagliwanag ang buong paligid sa tinuran ng kanyang ama.

“Okay...” walang pag-alinlangan niyang sabi at tinalikuran ang kanyang ama. “But I will bring a friend with me. Para dalawa kaming magdudusa.”

“You won't regret it son.” bulong nito sa sarili at napangiting mag-isa.

Naiiling na lumabas siya sa opisina nito at bitbit ang folder. Sana naman hindi siya mahihirapan sa gagawin niyang 'to.

...

JILL'S P.O.V

Pagpasok ko palang sa classroom mga clowns na agad ang bumungad sa akin. Nagkakapagtaka na hindi ko sila nakita kahapon. Pero maayos na rin iyon dahil wala akong sakit sa ulo kahapon, pero ngayon meron. Dumiretso nalang ako sa pinakahuling upuan.

“Hi bitch! How's your boring life while we're not here? Hmmm?”

I let out a deep sigh. Here we go again. Umupo siya sa ibabaw ng desk ko. Sa likuran niya ay ang mga alipores niya na tumutulong sa panggugulo ng araw ko.

“Kahapon ang pinakamasayang araw sa tanang buhay ko rito sa academy.” walang gana kong sagot sa kanya at kinuha ang libro sa bag.

Mabuti pang magreview na lang ako. Kung katulad nila ako na childish mag-isip, baka ay kanina ko pa siya binalibag at ihinulog sa bintana.

“Oh really? Ibang beses ko na bang sinabi 'to, but you don't fit in here. I mean...your age and look at you,” tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Head over heels lang ang peg ni ate. “Napakapulubi mo.”

Mga college ba talaga toh? They act like highschoolers. Mga childish. I pity them, this may be an elite school pero hindi sila naturuan ng good manners and right conduct.

For pete's sake I am just two years older than them. Wala ba sa vocabulary nila ang word na respect? Tsaka hindi lang naman ako ang mas matanda na nag-aaral dito ah. Marami rin ang mga nagtake ng second degree. Sadyang ako lang talaga ang nakikita ng mga 'to.

Hindi ko siya pinansin at nagbasa na lang ng libro at baka maging prodigy pa ako. Hindi niya yata maatim na hindi ko siya pansinin dahil hinablot niya sa akin ang libro ko at itinapon sa gitna ng room.

“People now'a days, so insecure and attention seekers.” sa inis ko binigyan ko siya ng matalim na tingin.

“Anong sinabi mo? Ako? Insecure? Excuse me? Mas maganda pa nga ang buhok kesa sayo.” akmang hihilahin niya ang buhok ko nang biglang tumili ang mga kaklase kong babae.

Napalingon siya at ang kanyang mga alipores doon at nakiusyoso. Napailing nalang ako dahil sumali sila sa katitili. Dahil curious din ako kung ano ang pinagkakaguluhan nila ay nagpumilit akong sumiksik para makita kung sino ang taong 'yon. Baka artista at nang makapagpapicture. Minsan ka lang naman makakapagpapicture sa artista.

“Don't touch me.” malamig ang boses na pagkasabi nung lalaking pinagkakaguluhan nila.

Bakit paranh pamilyar ang boses niya? Sumiksik pa ako papunta sa harap para makita ang lalaking nagsalita at nang medyo nakalapit na ako…

“I said don't touch me!” medyo pasigaw niyang sabi kaya napaatras ang babaeng nagtangkang hawakan siya.

"Waaahh!!! Nagiging hot siya lalo!!!"
"Oh my god!!! I'm gonna freak out!!! Girl tell me he's real!!!"
"Waaaaahhh!!! He's real!!!"
"Prince Tyrone you're hereee!!!!"
"Sheeeeet!!! Tell me I'm not dreaming!!!"

Napangiwi ako dahil sa nasaksihan sabay takip sa aking tainga. Ano ang ginagawa niya dito? Sinubukan kong kurutin ang sarili ko baka sakaling panaginip lang ang nakikita ko. Nang maconfirm na totoo nga ang lahat ay napabuga na lang ako ng hangin at pinulot ang libro na natapon at bumalik sa upuan. Nagsibalikan din silang lahat dahil pumasok na ang prof namin.

“Okay class! Settle down now,” sita niya sa ibang mga hindi pa tumahimik. “As you can notice, Mr. Frost is here. He's going to observe all of you until your graduation. Tiis-tiis lang class, five months nalang naman graduate na kayo. But I'm sure having mr. Frost here with us. Mga tili pa lang ninyo kanina ay rinig na rinig ko sa hallway. By the way, kung sino man ang may hindi magandang ipapakita. Well, Mr. Frost here will judge. So act properly.”

Nagulat ako dahil sa ibinalita ng aming prof. Five months ko pala siyang makikita rito sa school. Gusto ko sanang lumayo sa kanya as far as possible. Bakit ba napakahirap gawin nun? He's the last person I want to see everyday. Nagsimula na namang mag-ingay ang mga kaklase ko habang ako ay napahilot sa sintido at iniisip kung paano ko siya maiiwasan sa buong panahon na nandito siya sa school.

“Class kakasabi ko lang na tumahimik kayo. Mr. Frost, you can seat wherever you want."

Naglakad siya papunta sa mga upuan and I tried my best to be unnoticeable. If it's even possible, I want to go invisible so that he can't see me. Umupo siya sa pinakahulihan tabi sa bintana. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo na siya. Napayuko ako nang napatingin siya sa akin.

Nagsimula na ang klase but I can still feel him staring at my back. It's giving me chills down to my spine. Binalewala ko nalang ang naramdaman ko at nagfucos na lang sa pakikinig kay Mr. Santos. I hope this day will end immediately.

“Oh EM GI! Really?! I can't believe this!” she reacted exaggeratedly. Nandito kami sa ground ngayon at kinwento ko kasi kay Belle ang nangyari kanina at akalain mo yun? Isa pala siya sa biggest fan ng lalaking yun.

She sighed dreamily. “Haaayyy... I wish I was you girl. Pero alam mo ba? A-” I cut her off.

“Hindi.”

“At kelan ka pa natutong maging pilosopo?Okay, bumalik tayo sa topic.”

I rolled my eyes.

“Kilala mo si Kenneth Lee?”

Hindi ako sumagot sa kanya and she give me an unbelievable look. Hindi ko naman kasi kilala ang taong binanggit niya. 

“Haist! Ikaw na talaga. Hindi ka ba nakahawak ng magazine at nakapanood ng TV? Believe na ako sayo girl. Kasi ganito yun, katulad mo may mag-oobserve saamin at yun ay si Kenneth. Ang cool diba?” tinanguan ko na lang siya kahit wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya.

Actually nanonood ako ng TV pero yung mga children shows  nga lang kaya sorry naman. Hindi naman kasi ako mahilig manuod ng tv maliban na lang kung balita.

“Belle anong oras na ba?”

Nakalimutan ko kasing isuot ang relo ko kanina Tiningnan niya ang kanyang wrist watch. “3:25 pa lang, bakit ba?” she looked at me with a confused look.

Dali-dali kong ipinasok ang mga libro ko sa bag at tumayo.

“Bye Belle! I really gotta go. See you tomorrow!”

Pagkalabas ko sa gate ay agad akong pumara ng jeep. Tutal hindi naman papasok ang mga prof ko sa next subject mabuti pang sunduin ko nalang si CJ sa school niya at nang maipasyal ko naman. Matagal narin kaming walang bonding kaya ngayon babawi ako.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top