Chapter 29: Celebration
JILL'S P.O.V
Everyone was busy on their own tasks inside the mansion and almost all are very occupied. A big event is happening today that we are going to celebrate. Lahat ng mga tauhan ni Luke ay may ginagawa. May mga bago ring kawani ang dumating upang tumulong sa magiging malaking okasyon na magaganap mamayang gabi.
Mamayang gabi ipagdidiriwang ang ika-dalawampu't tatlong kaarawan ng kambal. Kaya lahat ng tao sa mansion ay may sari-sariling ginagawa. Mayroon kasing mga bisitang dadating na kakilala ni Luke at Leah sa larangan ng negosyo. May-ari rin kasi ang kambal ng isang kilalang kompanya at si Leah ay isa sa mga board members na may malaking share sa kompanya. Namana nila iyon sa kanilang mga magulang at iyon ay minamanage ngayon ni Luke.
I am not surprised that the event would turn really pretentious. It is inevitable when you're in the business world.
Gusto ko rin sanang dalhin dito si CJ pero sinama raw siya ng kanyang lolo sa Cebu at bukas pa ang uwi nila. Hindi na kami palaging nagkakasama ng anak ko simula noong napunta siya sa poder ni Tyrone. The thought saddened me, but what can I do. Ipinagkait ko siya sa kanyang ama pati narin sa lolo at lola niya ng limang taon.
Ngumiti ako ng mapait at pinagmasdan ang mga abalang tao sa baba mula sa teresa ng aking silid. Hinahanda na nila ngayon ang lawn kung saan gaganapin ang party nina Luke at Leah. Halatang magarbo ang magiging pagdiriwang dahil sa mga palamuti na nabagay sa tema ng party. Tumulong ako sa kusina kanina ngunit sinita lamang ako ng mga katulong at ng mga nakatuka sa kusina. Pero hindi ako nagpapigil dahil lubos akong naiinip dahil wala akong ginagawa. Lalo't wala akong pasok ngayon kaya sa huli ay hinayaan na lamang nila ako. Nang natapos na naming lutuin ang mga main dishes ay umalis na ako roon at pinabayaan na sila na lamang ang magluto sa iba pang putahe dahil madali na lamang ang mga iyon. Tumaas ako sa aking silid at napagdesisyunang maligo dahil pakiramdam ko ay nanlalagkit ako. Kaya heto ako ngayon at nakamasid sa mga abalang tao sa ibaba dahil kakatapos ko lang maligo at nakapagbihis narin ako ng komportableng damit.
Bumaba ako nang makita ang sasakyan ni uncle na kakarating lang. Hindi ko alam kung saan na naman ang isang iyon naglakwatsa. Nitong mga nakaraang araw ay napansin ko ang palagi niyang pag-alis sa mansyon at hindi man lang ito nagsabi kung saan ito pupunta.
Nang tuluyan na akong makababa ay nadatnan ko siya sa kusina ng mansyon at tumitikim ng mga pagkain. O tumitikim nga lang ba. Ang dami na kasing sinusubo. Sumandal ako sa bungad ng kusina at pinagcross ang aking mga braso. Pinaningkitan ko siya ng mata at pinanood siya. Makukonsimisyon ako sa isang to. Panlabas na anyo lang ang tumanda pero ang isip nanatili paring isip bata. Kulang nalang maisipan ko nang ipasok to sa mental.
Nagsalubong ang kilay ko nang nagpasubo siya kay aling Marta na tagaluto dito sa mansyon. Biyuda na siya at walang anak. Ngumiti-ngiti pa siya dito sabay kindat. Si alling Marta naman ay talagang namula ang buong mukha. Hindi ko alam kong matatawa ba ako o mandiri. Nang hindi ko makaya ang kalandian nila sa harapan ko ay agad akong tumikhim.
Sabay silang napalingon sa gawi ko. Nanlaki ang mata nilang dalawa.
"Pamangkin! Kanina ka pa riyan?" bulalas nito nang makita ako. Hindi ko siya sinagot at tumingin sa kanyang tabi.
Nakayuko si aling Marta at para bang nahihiyang salubungin ang aking mga mata. Pilit nitong tinatago ang mukha na patuloy parin ang pamumula dahil sa hiya.
Bumaling ako sa pwesto ni uncle at ngumiti sa kanya ng may bahid ng panunukso. Tumalikod ako at mabagal na naglakad paalis.
"Buti pa yung iba, may love life. Samantalang ako, kawawa. Single habang buhay." paparinig ko.
"Pamangkin!" naiinis na sigaw ni uncle. Anumang oras ay handa na niya akong batukan, pero buti na lamang ay nakalayo na ako. Tamatawang muli akong tumaas sa aking silid. Nagtatakang tiningnan ako ng mga katulong na aking nadaraanan dahil sa pagsigaw ni uncle mula sa kusina. Ngumiti lamang ako sa kanila at nagpatuloy sa pag-akyat. Nakasalubong ko si Luke at agad akong huminto.
"Happy birthday nga pala."
Ngumiti siya ng malapad at inilahad ang kanyang palad sa harap ko. Nagtataka ko itong tiningnan.
"Regalo ko?" nag-guilty ko lamang siyang tiningnan at alangang ngumiti.
"Hmp! Di kita bati." sabay alis sa harap ko.
Natawa ako dahil sa inakto niya. May kinuha ako saglit sa aking silid at nagtungo sa kwartong katabi ng kay Luke. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
'Sana nandito siya.' mahinang usal ko.
"Sino 'yan?" tanong ng tao mula sa loob.
"Ako 'to. Maaari ba akong pumasok?" walang sumagot ngunit agad na bumukas ang pinto at bumungad saakin kanyang mukha.
Ngumiti siya saakin ng malaki at binuksan ng maigi ang pnito upang ako ay papasukin. Umupo siya sa kama na nasa gitna ng malaking kwarto.
Nakasuot siya ng blue tube gown na pinarisan niya ng itim na stilettoes. Her hair was tied into a messy bun and she looked great. She also put a smoky make-up which it complemented with her out fit and white skin.
Senenyasan niya akong tumabi sa kanya na agad ko namang sinunod. I handed her the box na kanina ko pa hawak. Kinuha niya ito saakin at ngumiti.
"Thank you!" she hugged me and I gladly hugged her back.
"Happy Birthday Leah." I murmured.
Hindi ko akalain na namiss ko pala ang ganitong pagkakataon. Noong nga panahon na wala pang alitan na nangyari sa pagitan namin. Yung mga panahon na magkasama kami sa aming mga kalokohan at magkasama ring napapagalitan.
"Thank you again, Jill." my eyes turned misty as the tears are making their down from my eyes.
Ngumiti ako ng maluwag at binigyan siya ng tango. Pinahid ko ang aking mga luha.
"Alis muna ako at ibibigay ko pa itong regalo ko sa kanya. Nagtatampo pa naman iyon dahil akala niya wala siyang regalo mula saakin." pagpapaalam ko.
Natawa siya dahil sa sinabi ko. Bago ako umalis ay pinaalala niya saakin ang magbihis para sumali sa magaganap na pagdiriwang.
Sumapit ang gabi at ilang minuto nalang ay magsisimula na ang pagdiriwang. Hindi ko pa naibigay ka Luke ang kanyang regalo dahil hindi ko na ito nahagilap kaya naisip ko na mamayang pagkatapos nalang ng party ko ito ibigay sa kanya. Handa na ang lahat at nagsidatingan na rin ang ibang mga bisita.
May kumatok sa pinto kaya natigil ako sa pagmuni-muni.
"Maam, ipinadala po ni maam Leah ang susuotin mo."
Binuksan ko ang pinto at kinuha mula sa kanya ang box na naglalaman ng aking susuotin. Nagpasalamat ako at hinintay siyang makaalis bago ko isinara ang pinto. Binuksan ko ang kahon, inilabas ko ang dress na nasa loob nito pati narin ang cone heels na kasama ng dress.
Pinagmasdan ko ang damit na nakabalandara sa aking harapan. I scowled at it. I'm not planning on wearing this kind of clothe. The outfit is provocative and it shows too much skin. Nakalitaw ang cleavage nito kaya there's no way that I'm going to wear it. Akmang tatalikod ako nang mahagip ng aking mata ang tila papel na nakaipit sa dress. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.
'Wear this dress for me please. You'll look good on this. If you would not wear this I'm going to tell uncle to bring you in a mall and he'll be removing every clothes you have inside your closet and replace it with daring ones.' napapikit ako dahil sa nabasa. Nakilala ko ang sulat kamay nito. Damn Leah.
Naalala ko noong teenager pa kami at sinunog lahat ni uncle ang damit ko at pinalitan lahat ng skirt dahil mukha na daw akong lalaki. Napahilot ako sa sintido. Napabaling ang tingin ko sa pinto nang may kumatok.
"Maam kami po ang nakaassign sa pagm-make-up sa'yo." pinapasok ko sila at umupo ako sa harap ng vanity mirror.
I sighed in defeat and let them do their job but I told them that I'm not going to wear contact lenses and remove my eyeglasses. Agad naman nila akong pinagbigyan sa aking hiling.
Pagkatapos ng tatlumpung minuto ay natapos na nila akong ayusan kasama narin ang aking buhok. Sinabihan nila ako na isuot ang aking damit. Nang nakalabas na ako ng banyo ay hinila nila ako sa harap ng salamin. Sumalubong sa aking tingin ang babaeng masasabi mong maganda kahit nakasuot ng salamin. Hindi ako makapaniwala sa aking naging itsura. Ganito pala talaga ang epekto ng kapangyarihan kolorete.
"There maam, mas nadagdagan po ang iyong kagandahan. I hoped you are pleased." sabay ngiti nito ng malaki na sinagot ko rin ng matamis na ngiti.
"Thanks for your help. I am very much pleased."
Nang narinig nila ang komento ko ay lumiwanag ang kanilang mukha. Niligpit nila ang kanilang mga gamit bago nagpaalam at nagsialisan. Napangiti ako dahil sa aking repleksyon. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging resulta ng kanilang pag-aayos saakin.
Muli ay nagtungo ako sa terrace upang pagmasdan ang mga bisitang nagsidatingan. Lahat sila ay nakasuot ng magagarang damit lalo na ang mga kakabaehan na ang mga damit ay nagsikislapan, kasabay ang kanilang mga alahas na nakasabit sa kanilang katawan. Hindi ako sanay na makihalubilo sa mga taong nasa matataas na antas.
Biglang kumabog ng malakas ang aking puso nang matanaw ang pamilyar na mukha. Ngunit agad ring naging blanko ang aking mukha nang makita ang taong nakalingkis sa kanyang braso. Simple lang rin ang suot nito, ngunit kahit simple lang ang kanyang suot ay talagang lumitaw parin ang kanyang anking kagandahan. Napaismid ako dahil pinuri ko pa siya.
Huminga muna ako ng malalim at lumabas sa aking silid. Naawa ako sa mga katulong dahil sa kanilang pagiging abala sa pag-asikaso ng mga bisita at sa palagay ko ay hindi pa sila nakapagpahinga simula kanina. Dumiretso ako sa lawn at nginitian ang mga bisitang aking nakakasalubong. Pumwesto ako malayo kay Tyrone at sa babaeng kasama niya. Hangga't maaari ay iiwas muna ako sa kanila dahil baka mamukhaan ako ni Sofia at magkaroon pa ng gulo. Knowing her, kahit na pademure pa siya ay kakaiba rin siya kung aatake. Baka sa pagkakataon na ito ay hindi na ako makapagpigil. Kahit gusto pa siya ng karamihan ay wala akong pakealam.
Kinuha ng emcee ang atensyon ng mga bisita dahilan upang matahimik ang lahat.
"Good evening everyone! I hope you're enjoying the party and of course the food." natawa kami dahil sa sinabi niya. Yung matatakaw, talagang mag-eenjoy sa pagkain.
"Today is one of the most awaited event of the year. The birthday of the CEO slash president and the vice president of L&L company. Let us welcome Mr. Luke Valdez and Ms. Leah Valdez!" nagsipalakpakan ang mga bisita nang tinawag na ang pangalan ng birthday celebrants.
Umakyat sila sa flatform na nagpangiti sa akin. Naalis ang tingin ko sa kambal na ngayon ay nagsasalita sa harapan upang magpasalamat at batiin ang mga bisita nang may humawak sa aking balikat.
"Ang laki na ninyo pamangkin at ito namang dalawa ay malaki na rin. Nagagawa niyo nang tumayo sa sarili ninyong mga paa. Naalala ko pa noong bata pa kayo at naghahabulan sa putik kaya pingot palagi ang nakukuha niyo." sabay tawa nito ng mahina. Napansin ko ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa kanyang mga mata.
"Wag kang iyakin uncle. Para kang bakla, baka hindi ka sagutin ni aling Marta niyan."
Natawa siya dahil sa sinabi ko at pinikit ang mata upang pigilin ang kanyang luha.
May naramdaman akong mata na matalim na nakatitig sa aking likod. Inilibot ko ang aking tingin at di sinasadyang nagsalubong ang aming mga mata ng taong kanina pa ako tinitigan. May bigla akong naramdamang kakaiba sa aking tiyan. Pakiramdam ko ay parang may nagsisiliparang paru-paro sa loob ng aking tiyan dahil sa mga titig niyang nakakapanghina ng tuhod. Naputol ang aming pagtitigan nang bigla akong inakbayan ni uncle.
Ngunit bago ko naialis ang aking tingin sa kanya ay napansin ko ang biglang pagdilim ng kanyang mukha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top