Chapter 28: Her Other Side

JILL'S P.O.V

Nakatitig lamang ako sa mga numero na umiilaw ng pula sa tuwing lumalagpas ang elevator sa bawat floor ng building. Huminga ako nga malalim bago lumabas pagkabukas ng elevator door.
Pagkalabas ko sa private elevator ay bigla akong nilapitan ng dalawang malalaking tao. Pareho silang nakasuot ng suit at may ear transmitter na nakakabit sa kanilang tenga.

"Ikaw ba si Jill Villareal?" tanong nung isa pagkalapit saakin. My forehead creased when they suddenly approached me.

"Oo. Bakit? Ano ang kailangan niyo saakin?" nagtatakang tanong ko.

Ano naman ang kailangan nila saakin at bigla nila akong nilapitan? Wala naman akong natatandaan na may atraso ako sa mga lalaking ito.

"Kailangan mong sumama saamin. Kakausapin ka ni madaam." kumunot muli ang noo ko dahil hindi ko naman kilala ang tinutukoy nila.

Malalaki silang tao at halata ang kanilang nakakatakot na aura ngunit hindi ako nagpatinag.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo kaya aalis na ako." napapailing na tinalikuran ko sila pero bago pa man ako makahakbang ay dinakma agad nung isang lalaki ang braso ko.

I winch in pain. His grip is very tight. What's they're problem? I doubt they're Pxmir's men or another enemies' underling.

"Kailangan mong sumama saamin." aangal pa sana ako ngunit kinaladkad agad nila ako.

Nagpupumiglas ako at binabalewala ang sakit nang pagkahigpit ng pagkakahawak nila sa mga braso ko.

Nakalabas na kami ng building at patuloy parin nila akong kinakaladkad patungo sa maitim na sasakyan na nakaparada sa harap ng building. Huminto kami sa harap ng kotse at akmang sisikmurahin ko ang dalawang lalaki nang bumaba ang bintana ng itim na sasakyan.

Madilim sa loob ng sasakyan kaya nahirapan akong makita ang tao sa loob.
Nang tuluyan nang bumaba ang bintana ay nagulat ako nang masilayan ko ang mukha ng ina ni Tyrone. Seryoso itong nakatingin saakin at walang bahid na anong emosyon ang kanyang mukha.

"Ipasok niyo siya dito sa loob." umusbong ang kaba sa aking dibdib dahil sa paraan ng pagbigkas niya sa bawat salita.

Hinila nila ako papalapit sa kabilang pinto ng sasakyan. Binuksan ng isa sa kanila ang pinto at tiningnan ako na para bang sinasabing 'pumasok ako, kung hindi ay makakatikim ako mula sa kanila' kaya hindi na ako pumalag at pumasok nalang. Hindi ako takot sa kanila ngunit ayaw ko na ng marami pang satsat.

Pagkaupo ko sa loob ng sasakyan ay agad nilang sinara ang pinto mula sa labas. Nagdadalawang isip pa ako kung lilingunin ko ba ang ina ni Tyrone. Pero hindi ko nalang tinuloy ang balak. Lumipas ang ilang sandali nang sa wakas ay binasag na niya ang katahimikan sa pagitan namin.

"I don't want to beat around the bush. Hindi kita gusto para sa anak ko. Hindi kita kilala kaya hindi ko alam kung malinis ba ang intensyon mo kay Tyrone." napayuko ako dahil sa sinabi niya.

"Naiintindihan ko po kayo. Alam ko pong isa lamang akong estranghero para sainyo na biglang sumulpot sa buhay ng inyong anak. Pero matitiyak ko po sainyo na wala po akong masamang hangarin sa inyong anak. Gusto ko lamang ipakilala ang aking anak sa kanyang ama." nakatuon lamang ang aking mga mata sa aking mga daliri na nasa ibabaw ng aking binti.

Huminga siya ng malalim at marahang hinawakan ang aking kamay na kanina ko pa tinitigan. Ako ay napagitla sa biglang paghawak niya sa aking kamay.

"Iha,look at me." nabawasan ang kabang kanina ko pa nararamdaman dahil sa biglang pagbago ng tono ng kanyang boses.

Naguluhan ako dahil sa pagbago ng kanyang kilos. Nawala bigla ang kanyang pagiging malamig at mataray. Nag-aalangan pa akong mag-angat ng tingin at tingnan siya sa mata. Ngunit sa huli ay nagawa ko parin.

"Alam ko ang iyong nararamdaman dahil isa rin akong ina. I know you only want to do anything for your child. Isa kang mabuting ina at nakikita ko iyon dahil sa labis na pagmamahal sa iyo ng iyong anak. Gusto mo lamang siyang bigyan ng ama. Napakabuti mong ina dahil maayos mo siyang napalaki na mag isa lang. Isa kang mabuting tao iha at nararamdaman ko iyon." parang bigla nalang akong mabunutan ng tinik dahil sa kanyang sinabi.

"Pero," napalunok ako nang muli siyang nagsalita. "kahit na alam ko na isa kang mabuting tao o ina sa iying anak ay hindi parin kita pinagkakatiwalaan." she told me in a very solemn way.

Tumango-tango ako upang ipakita na naiintindihan ko siya. Kahit hindi tanong ang kanyang mga sinabi ay pakiramdam ko kailangan ko itong sagutin. Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil parang bigla kong nalunok ang aking dila.

"P-papatunayan ko po sa inyo na wala po talaga akong masamang balak sa inyong anak. Paghihirapan ko rin na makuha ang iyong tiwala kung bibigyan mo ako ng pagkakataon. Sana po ay pagbigyan mo ako." mahina kong minura ang aking sarili sa aking isip ,dahil sa mga salitang bigla na lamang lumabas sa aking bibig.

'Now what? You're going to gain her trust. Eh madami ka pa ngang issue sa buhay tapos ngayon dadagdagan mo pa? Sa tingin mo rin magagawa mong makuha ang kanyang loob? Nahihibang ka na!' sabi ng kabilang bahagi ng utak ko.

Parang gusto kong batukan ang sarili dahil nababaliw na ako.

Nabalik ako sa realidad nang may naramdaman akong kamay na humawak sa aking balikat. Lumingon ako sa nagmamay-ari ng kamay na ngayon ay nakatitig saakin.

"Segi. I'll give you a chance to prove yourself to me and gain my trust. Ngunit, sana hindi mo sasayangin ang pagkakataong ibibigay ko saiyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" pinigilan kong sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa kanyang mga sinabi. Hindi naman pala siya gaya ng aking iniisip. 'Don't judge the book by it's cover'  ika nga.

"Maraming salamat po. Makakaasa po kayo na hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito." tuluyan na akong napangiti.

She genuinely smiled back and gently placed her right hand on my left cheek. Napahinto ako at napatitig sa kanyang mukha.

"Ihahatid na kita sa pupuntahan mo. Saan ka nga pala pupunta ngayon?" ibinaba na niya ang kanyang kamay mula sa aking mukha at tumingin sa harap.

Napaisip ako sandali nang bigla niya akong tinanong. Hindi ako pwede magpahatid sa bahay nu Tyrone, at mamaya pa ang klase ko kaya hindi rin ako pwedeng magpahatid sa academy. Hindi agad ako nakasagot kaya lumingon siya saakin at tinapunan ako ng nagtatakang tingin. An idea suddenly popped inside my head.

Kimi ko siyang nginitian.
"Ihatid niyo nalang po ako sa café ni Mr. Ezpeza." ngumiti siya at binuksan ang car window.

May tinawag siya sa labas na sa tingin ko ay ang kanyang driver. Pumasok ito sa drivers seat at pinaadar ang sasakyan.

"Ihatid mo kami sa café ni Ash. Am I right Ms. Villareal?" i nod in responce.

I feel uncomfortable when she called me formally. Nakakailang at ayaw ko ng masyadong pormal.

"Uhmm, tawagin niyo po akong Jill. Kung ayos lang sainyo." she let out a light chuckle when I requested it.

"Okay lang naman saakin. Naiilang ka ba?" she questioned and as if she was teasing me.

"Masyado po kasing pormal." heat crept on my face.

...

Nang sa wakas ay nakarating na kami sa destinasyon, agad akong nagpasalamat sa kanya. Lumabas ako sa sasakyan at pinanuod ito na unti-unting mawala sa aking paningin.

Nang tuluyan na itong umalis ay agad akong pumasok sa loob ng café. Nalanghap ko agad ang mabangong aroma sa loob. Ngumiti ako sa aking dating mga katrabaho na kanila namang sinuklian. Nag-order ako ng cake at naghanap ng bakanteng lamesa. Nang nakaupo na ako ay napansin ko na hindi masyadong marami ang mga tao sa loob na hindi naman madalas na nangyayari.

Minsan rin kasi ay hindi marami ang mga customer kaya makakapagpahinga pa ang mga trabahante sa ganitong mga oras. Pero sa pagpatak ng gabi aasahan ko nang marami ang mga customer na hihinto rito at oorder ng mainit na kape. Mas dodoble pa nga kapag tag-ulan.

I took a sip from my coffee while watching the busy street outside. May naramdaman akong presensya sa aking harapan kaya lumingon ako rito. I smiled at her ngunit inirapan lang ako nito. Umupo siya sa harap ko at binigyan ako ng matalim na tingin.

"Hindi mo sinabi saakin na titigil ka na pala sa pagt-trabaho dito. Hindi ka man lang nagpaalam saakin. Nakakatampo ka, parang wala tayong pinagsamahan." guilt suddenly plastered on my face.

Nakalimutan kong magpaalam sa kanya nang araw na iyon at talagang umusbong ang pagsisi saakin ngayon. Si Mich ang pinakamalapit na katrabaho ko dito sa café at hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya at nagbaba ng tingin.

"Ewan ko sa'yo." muli ay inirapan niya ako at pinagcross ang kanyang dalawang braso.

"Im sorry. Hindi ako nakapagpaalam saiyo nung araw na iyon dahil nawala sa isip ko at marami rin akong inaalala nung araw na yun." pag-aamin ko.

Hindi ko alam kung matatawag pa ba ako na isang kaibigan gayong hindi ko man lang nagawang magpaalam sa kanya.

"Haay, ano pa nga ba ang magagawa ko. Nangyari na eh. Nakalimutan mo ang iyong pinakamagandang kaibigan." napalitan ng nakakalokong ngiti ang kaninang nagtatampong mukha niya.

"Humangin." pang-aasar ko.

Mabuti ba lamang at hindi siya marunong magtampo ng matagal. Iyon ang isa sa kanyang katangian na nagustuhan ko at dahil narin madali lang siyang suyuin.

"Bakit ka nga pala tumigil sa pagt-trabaho rito? Nakahanap ka ba ng mas magandang trabaho? Mas mataas ba ang sahod?" sunod-sunod na tanong niya.

Binigyan ko lamang siya ng ngiti at hindi sinagot ang kanyang naging tanong. Agad siyang napasimangot dahil sa hindi ko pagsagot.

"Napakamalihim mo talaga Jill." napapailing na komento niya na sinagot ko lang ng mahinang tawa.

"Ang totoo niyan, tumigil muna ako dahil may mga bagay na dapat kong pagtuonan ng pansin." maikli at hindi malimaw na paliwanag ko.

"Paano ang anak mo? Saan ka kumukuha na pera para sa anak mo at sa mga gastos mo rin sa bahay?" may pag-aalalang tanong niya na siyang ikinangiti ko.

Napakaalalahanin niya talaga na kahit hindi naman kami masyadong malapit sa isa't-isa ay nagawa niya parin kaming isipin.

"Ang totoo niyan," i breathe deeply before telling her the truth. "just recently, CJ met his father. Remember the guy i waited here in the café last time?"

Tumango siya at biglang nagkislapan ang kanyang mga mata pagka-alala niya sa lalaking tinutukoy ko.

"That hot guy? Of course! Paano ko ba naman makalimutan ang isang lalaking parang diyos na bumaba sa kalangitan dahil sa kanyang angking kakisigan." then she sighed dreamily after the compliments she uttered.

"He is CJ father." nanlaki bigka ang mga mata nito at hindi makapaniwalang tiningnan ako sa mga mata.

"Weeeh? Nabingi ata ako." di makapaniwalang bulalas niya.

Her jaw dropped after I nodded, her eyes almost want to get out of their socket and she's really hilarious but I  hold my laughter because of her reaction.

"Nakadawit ka ng ma-la-king isda, iha." sa wakas ay nakapagsalita na siya. Napailing na lamang ako at binalik ang aking atensyon sa kape na medyo malamig-lamig na.










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top