Chapter 27: A Night With Him
JILL'S P.O.V
"Lay beside me." sabay hila saakin kaya agad akong napahiga sa tabi niya. Nagtataka ako kung saan siya kumuha ng lakas kahit nanghihina na siya.
"A-ano?"
"Don't worry, I won't do anything. Malaki ang kama kaya kakasya tayo dito. You can't stay up the whole night right?" may pag-aalinlangang tumango siya.
"Oo pero di ba pwedeng sa guest room mo nalang ako papatulugin?" tumigas bigla ang tabas ng kanyang mukha.
"No! Stay here. I want to make sure that you wont leave."
Hindi ko naman naisip yun dahil kakasabi lang niya na may sakit siya. Nakakonsensya naman kung iiwanan ko siya dito na mag-isa. Ganun pa man ay wala akong nagawa kundi tumango.
"Can I call Luke first? Gusto ko munang magpaalam na hindi ako makakauwi." kumunot ang noo niya.
"Luke? Who is he?" malamig ang boses na tanong niya.
"A friend." nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang titig na nakakapanghina ng tuhod.
"Okay." malamig parin ang boses niya.
Tumalikod ako sa kanya at lumabas ng kwarto. Tinawagan ko kaagad si Luke upang mag-paalam.
"Yow pamangkin. Anong atin?" nakakunot noong tiningnan ko ulit ang screen.
"Bakit nasa sayo na naman ang cellphone ni Luke, uncle?" mahina siyang tumawa sa kabilang linya.
"Hiniram ko 'to sa kanya dahil papasahan ko ng mobile leged ang cellphone ko. Bakit? May mali ba doon?" napakamot nalang ako sa ulo dahil sa sinabi niya.
"Mobile Legends, uncle. Hindi legeds. Bakit ka naman biglang naging interesado sa laro na 'yan?"
"Gusto ko lang. May angal ka?" masungit na tanong niya.
"Wala. Uncle magpapaalam na hindi ako uuwi ngayon." napa-aahh siya bigla.
"Segi sasabihin ko nalang kina Luke. Hindi na ako magtatanong kung saang lupalop ka ngayon. Bye na. Disturbo ka eh nagpapasa pa ako. Labidabs pamangkin ingats!" napailing napang ako.
"Love you too." sabi ko bago niya pinutol ang tawag.
Binulsa ko na ang aking cellphone at humarap sa pintuan ngunit nagulat ako nang pagharap ko ay nasa bungad ng pintoan si Tyrone. Tuluyan nang naging madilim ang kayang mukha.
"Bakit ka lumabas?" tanong ko sakanya at hindi pinansin ang madilim niyang mukha.
"Ang tagal mong natapos. Kaya lumabas na ako."
"Matagal ba 'yun? Let's just go inside. You still need to rest." lumapit ako sa kanya at inakay siya papasok.
Pinahiga ko siya at kinumutan ng maayos. Madilim paein ang kanyang mukha at nakakunot ang noo. Kaya hindi na ko napigilang tanungin siya.
"Is there any problem?" nag-iwas siya ng tingin. Napabuntong hininga nalang ako at umalis na sa kama.
Kumuha ako ng comforter sa cabinet na kinuhan ko ng kumot kanina. Nagtataka niya akong sinundan ng tingin. Nilapag ko ito sa sahig at kumuha ng isang unan.
"What are you doing?"
"Hinahanda ko ang aking higaan?" naiilang kasi akong tumabi sa kanya dahil wala si CJ.
"No! Sleep beside me and no buts." masungit at naiinis na wika niya.
Wala na naman akong naggawa kundi ang sumunod. I fold the comforter and put it back in the cabinet. Tinanggal ko muna ng aking eyeglass at ipinatong ito sa night stand. Bitbit ang unan, lumapit ako sa kama at maingat na humiga sa tabi niya. Nakatagilid na humarap ako sakanya. Medyo malaki ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Malaki naman ang kama kaya hindi ako naiilang.
"Satisfied?" gusto kong ikutan siya ng mata dahil kanina pa niya ako inuutusan.
Ngunit nabigla ako nang hapitin niya ako bigla at dahil hindi ko inasahan na gagawin niya iyon ay hindi ko agad naiharang ang aking kamay kaya tumama ang ilong ko sa parang bato niyang dibdib. Napaaray ako sa aking isipan.
"Much better. Now , let's sleep." naniningkit ang matang tumingala ako habang hawak ang nasasaktang ilong. Aangal sana ako ngunit agad akong napahinto nang nakita siyang nakapikit.
Napatitig ako sa kanyang maamong mukha.
Ganito ba siya lagi kapag may sakit? Pakiramdam ko may nagbago sa mga kinikilos niya. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko sa kanya.
Bigla siyang nagmulat ng mata at nahuli akong nakatitig ako sa kanya. "Am I that handsome and you can't stop staring?" he said with a smirk.
Namumula ang mukha nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi kita tinitigan." pagtatanggi ko at tiningnn siya.
"Yes you are." biglang nawala ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi na ipinagtaka ko.
"Who's that guy you called earlier again?" madilim na naman ang mukhang taong niya. Napalunok ako.
"A friend, but my uncle answered the call." kinakabahang sagot ko dahil sa kanyang madilim na aura.
"Good." sabay hapit saakin ng mas malapit sa kanya at ipinikit ang mata. Nanatiling nakapulupot ang kanyang mga braso sa aking bewang. Nagtaka ako dahil sa biglang pagbago ng kanyang mood.
Pinagsawalang bahala ko nalang ang kanyang naging kilos at hindi ko namalayang hinila na pala ako ng antok. Pero bago pa man ako tuluyang makatulog ay may naramdaman akong parang humalik sa aking noo.
...
Naamlimpungutan ako dahil sa mabigat na bagay na nakapatong saakin. I groaned forced to open my eyes. Bumungad saakin ang mukha ni Tyrone pagkamulat ko. Una ay nagulat pa ako ngunit naalala ko bigla na magkatabi nga pala kaming natulog kagabi. I rub my eyes and slowly got away from his embrace. Nahirapan ako dahil baka magising siya ngunit mabuti nalang ay hindi ko siya nagising.
Umupo ako sa kama at inayos ang aking buhok. Kinuha ko ang aking eyeglass at isinuot ito. I leaned closer to him and gently put the back of my hand on his forehead. Hindi na siya mainit at sa tingin ko ay maayos na ang kayang pakiramdam.
Mahina siyang umungol kaya bigla kong naalis ang kamay ko mula sa kanyang noo. Akala ko ay nagising ko siya pero tumagilid lang pala siya. I sighed.
Tumayo ako at tinungo ang cr. I washed my face at balak ko sanang magtooth brush butcI remebered wala nga pala akong toothbrush dito. Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay lumabas na ako sa silid ni Tyrone. Naisipan kong maghanda ng simpleng almusal para pagkagising niya ay makakain na agad kami. Gusto ko sanang hihintayin si CJ pero may pasok pa ako at ngayon ako magpapaalam sa aking amo.
Habang nagluluto ay maynaramdaman akong presensya sa aking likuran.
"What are you cooking?" he asked in a husky voice.
"Hotdog." a replied in a monosyllable.
Humila siya ng upuan at ipinwesto ito malapit saakin. Naiilang ako dahil pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" natanong ko nalang.
In the corner of my eyes I saw him nodded his head. Binalewala ko nalang ang patuloy niyang pagsunod sa aking mga galaw. Hanggang sa natapos ko na ang aking niluluto ay nakaupo parin siya at pinapanuod ako.
Hotdog, egg and bacon lang ang niluto ko kaya madali ko lamang itong natapos. Inayos ko na ang hapag upang makakain na kami. Sumunod siya sa akin habang hila-hila ang upuan na kanyang ginamit. Ibinalik niya sa kinuhanan niya rito kanina.
"Kumain na tayo?" tumango lang siya at umupo sa tabi ko.
Pagkatapos naming kumain ay tinulungan niya akong iligpit ang aming pinagkainan.
Akmang huhugasan na niya ang pinggan ngunit agad ko siyang pinigilan.
"Ako na diyan." pagpigil ko sa kanya.
"But-" napahinto siya dahil sinamaan ko siya ng titig.
"Okay, okay. Sabi ko nga eh. I'm just going to watch you." pagsusuko niya.
Mabuti naman at sumunod siya. Binaling ko nalang ang aking atensyon sa mga huhugasan. Kinuha niya ulit ang upuan na ginamit niya kanina at umupo rito. Ipinag kibit-balikat ko na lamang ito.
Matapos kong hugasan ang aming pinagkainan ay sakto namang may nagdoorbell kaya agad akong napalingon kay Tyrone.
"I'll get it. Maybe sila mom na 'yon." biglang bumangon ang kaba sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. I swallowed the lump in my throat amd tried to calm myself.
I am not expecting this. Hindi siya nagsabi na pupunta rito ang kanyang ina. I am uncomfortable with the idea of facing his mother again. Base on her reaction the first time we meet, she doesn't like me. And that's my problem. I just hope that Sofia is not with her.
"Hello son. Mom." narinig kong sabi niya sa kanyang ina. Hindi pa ako lumabas sa kusina dahil kinakabahan ako.
"Dad good morning!" hyper na pagbati ni CJ sa kanyang ama.
Napailing nalang ako dahil alam kong nag-enjoy siya sa bonding niya sa kanyang grandparents. I smiled at that thought.
Ngunit agad na napalis ang ngiti sa aking mukha nang bigla akong tinawag ni CJ, dahilan para bumaling sa akin ang tingin ng ina ni Tyrone.
Lumapit sa akin si CJ at yumakap sa binti ko. Napalunok ako dahil sa malamig na titig sa akin ng ina ni Tyrone. Nag-iwas nalang ako ng tingin at yumukod nginitian si CJ. I smiled and pick him up.
"What is this woman doing here again? Care to explain Tyrone?" tanging kibit-balikat lamang ang naging sagot niya sa kanyang ina.
"Kung gumagawa ka ng kagaguhan, hindi ako magdadalawang isip na sabihin saiyong ama na tanggalan ka ng mana." pagkatapos itong sabihin ng ginang ay mabilis itong umalis nang walang paalam.
Parang wala lang sakanyan ang pagbabanta ng kanyang ina at lumapit sa kanila. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Sorry about that." tila nahihiyang paghihingi nito ng paumanhin.
"Ayos lang." pilit na ngumiti siya rito at nag-iwas ng tingin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top