Chapter 26: Sick

JILL'S P.O.V

Kakatapos ko lang kumain kaya nandito ako saaking kwarto.
I am staring at the ceiling while lying down on my bed. The Black Blood and the Pxmir are both my enemies, and now that they are already allies. Mahihirapan ako.

Hindi ko pa nakita ang mga nagpapatakbo at lider nang dalawang kampo. Bakit ba kasi hindi parin tumitigil ang mga iyon sa kakahanap sa mga bagay na hindi ko kailanman ipapakita at ibibigay sa kanila.

Hinahanap ng Pxmir ang chip na ipinagkakatiwala ni papa sa akin bago pa man siya malagutan ng hininga. Ang chip ang susi para maactivate nila ang weapon na nilikha nila ni papa. Isa iyong weapon na sekretong ginawa ng M.Y.S organization.

Ang M.Y.S organization ay isang organisasyon kung saan sila ang humuhuli ng mga kriminal at mga problema na hindi kayang hawakan ng gobyerno at ang namumuno dito ay ang aking ama na si Edmund Schwender. Magkaiba ang apelyido namin dahil nagtatago ako gamit ang apelyido ni mama. Gumawa sila ng armas na mas makapag-padali ng kanilang trabaho at mas makatulong sa mga maraming tao. Ngunit ang kanyang kanang kamay ay tumiwalag sa grupo at pumanig sa kaaway. Isinaliwalat niya ang impormasyon sa kabilang panig. At doon nagsimula ang lahat.

Dahil sa nangyari ay naglaban ang M.Y.S at ang Pxmir dahil gusto nilang mapasakamay ang armas. Bumagsak ang M.Y.S ngunit nagawa parin ni papa na itago ang hinahanap ng kalaban at ibinigay sa akin ang chip. Ang mga rank S agents na nakaligtas ay muling itinayo ang organisasyon but now it is already Hemlock Oganization.

Nawala ako mula sa aking malalim na pag-iisip nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito mula sa night stand at sinagot ang tawag.

"Hello?" tanong ko sa kabilang linya.

I heared someone sneeze from the other line.

"I-i n-need you h-here." nanginginig na sabi niya. Biglang bumangon ang pag-aalala sa aking dibdib.

"Bakit? Anong nangyari?" puno ng pag-aalalang tanong ko.

"I-I am f-freezing to death. I am s-sick and I need you h-here." nanghihinang sabi niya. Napaupo ako mula sa pagkahiga.

"Kaya mo pa ba? Pupunta na ako riyan. Si CJ nga pala?" tumayo na ako at dali-daling tumakbo papalabas habang kausap parin siya sa telepono. Hindi na ako nag-abalang magbihis dahil sa pagmamadali ko.

"CJ is with m-mama and dad. Hiniram nila siya sa akin and t-they'll be back tomorrow morning. I-I'll wait for you but please make it f-faster."

"Okay." pinutol ko na ang tawag namin.

"Ate pakisabi nalang kila Uncle na may pinuntahan ako." I told one of the maids.

"Segi po ma'am." i give her a smile and head to the door.

Pagkalabas ko ng masyon ay nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na umuulan. Agad kong tinawag ang tauhan ni Luke para ihatid ako sa condo ni Tyrone. After a few minutes, I am already standing in front of the huge building. Pumasok na ako sa loob. Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako o hindi dahil bawal ang hindi pamilya at kaibigan ni Tyrone na pumunta sa condo niya. Baka kaladkarin pa ako ng security.

Papasok na sana ako sa elevatir nang may dalawang guard ang lumapit sa kinaroroonan ko. I swallowed the lump in my throat and face them. Binigyan ko sila ng pilit na ngiti.

"Bakit po?" tanong ko sakanila.

"Ihahatid ka po namin sa unit ni Sir Tyrone." nawala ang kaba na aking nararamdaman pagkarinig ko sa kanyang sinabi.

Iginiya nila ako sa private elevator na ginamit namin ni Tyrone noon. Pinindot nila ang numero ng floor kung saan ang suite ni Tyrone. Pagkalabas ko ng elevator ay iniwan na nila ako at bumalik sa kani-kanilang pwesto.

Nagdoorbell ako at hinintay na pagbuksan. Matagal bago may nagbukas ng pinto kaya bigla na naman akong nag-alala.

"C-come in." he opened the door. I get inside and noticed the blanket that is wrapped around him.

Lumapit ako sa kanya at cheneck ang kanyang temperature. His temperature is very high. I look at him with eyes full of worry.

"You're so hot!" I blurted.

"I already knew that. I am aware how girls drool over me."

Aba't? May gana pa pala 'tong magbiro?

"You know that's not what I meant." i huffed.

Tinulak ko siya papasok sa kanyang silid at pinahiga. Pumasok ako sa banyo niya para tingnan kung mayroon bang first aid kit. Nang makita kong meron ay kumuha ako ng gamot at thermometer. Lumabas na ako ng banyo at itinabi muna ang gamot. Muli kong cheneck ang kanyang temperature gamit ang thermometer.

"Paanong nilagnat ka? Kausap ko pa kayo kanina ah." i asked him while looking at the number. Napabuntong hininga ako dahil sa taas ng kanyang lagnat.

"N-naulanan ako." maikling sagot niya and it's not enough answer to me but I did not asked further. Kumuha ako ng kumot sa nakita kong malaking cabinet at kinumutan ko siya.

"Kumain ka na?" tumayo ako at ibinaba ko ang thermometer sa side table malapit sa pintuan. Pinatay ko muna ang aircon dahil sa panlalamig niya.

"Not yet." he answered in a low voice.

"Magluluto lang ako." lumabas ako sa kanyang kwarto at pumunta sa kusina.

Binuksan ko ang fridge, nagbabasakaling may pwedeng mailuluto. May nakita akong gulay at karne kaya naisipan ko nalang na gumawa ng sopas. Madali lang rin naman lutuin ang sopas kaya mapapainom ko rin agad siya ng gamot pagkatapos ko siyang mapakain. Hinanda ko na ang lahat ng ingredients at ang mga gagamitin ko sa pagluluto.

Habang hinihintay na maluto ang pagkain ay tinitingnan ko rin si Tyrone sa kanyang silid. Huminto ako sa bungad ng pinto ng kanyang silid at pinagmasdan ang maamo niyang mukha. I smiled at his sleeping figure. Pabaling-baling siya sa kanyang ulo at wari ko ay hindi siya komportable sa kanyang pagkahiga. Hindi na siya masyadong nanginginig dahil nakapatay na ang aircon. Lumapit ako at inayos siya sa kanyang pagkahiga. Nang maayos ko na siya ay hindi siya nagising. I set on his bed and unconsciously combed his hair with my hand.

My heart was beating very fast while staring at his face. Hindi ko alam kung ano nga bang minahal ko sa kanya, basta nagising nalang akong tumitibok ang puso ko dahil sa kanya. This is scary and I can't stop this.

Pagkatapos kong maluto ang sopas ay nagdala ako sa kanyang silid pati tubig. I place the food on the night stand. I gently pat his arm to wake him up. Nang hindi pa siya nagising ay tinawag ko na ang pangalan niya.

"Tyrone." medyo nilakasan ko ang boses ko para magising siya.

Naalimpungatan siya at unti-unting dumilat.

"Kumain ka muna." tumango siya at nanghihinang umupo.

Inabot ko sa kanya ang pagkain na nakalagay sa tray. Kinuha niya ang kutsara at sinubukang sumubo. Napansin kong nahihirapan siyang isubo ang pagkain kaya pinatigil ko siya. Nagtataka niya akong tiningnan.

Kinuha ko sa kanya ang kutsara at itinapat muli ito sa kanya na may laman nang pagkain. Nakakunot noo lang niya akong tiningnan. Akmang ilalayo ko ang kutsara nang agad niya itong sinubo.

Natawa ako sa mukha niya nang ngumiwi siya dahil sa init ng sopas. Tinapunan niya ako ng nakakamatay na tingin. Pinigilan kong mas matawa dahil sa nakasimangot niyang mukha. He's kinda cute when he does that.

Itinapat ko ulit ang kutsara sa kanya and this time hinipan ko muna ito bago ito sinubo sa kanya. Nakalimang subo palang pero umayaw agad siya.

"A-ayoko na." sabay tulak palapit saakin ang pinggan. Akmang hihiga siya pero agad kong pinigilan.

"W-what?" nanghihinang tanong niya.

"Kaunti palang ang nakain mo."

"Sabi ko, ayoko ko na." ang tigas ng ulo.

"Isa, kapag hindi mo 'to uubusin ihahampas ko sa mukha mo tong pagkain." may pagbabantang sabi ko.

"Are you serious?"

"I am deadly serious." napalunok siya at agad na sinubo ang pagkain. Sunod-sunod ang naging subo niya at natuwa naman ako kahit alam kong napipilitan lang siya.

Agad niyang naubos ang pagkain kaya pinainom ko na siya ng gamot. Tinulungan ko siyang humiga at kinumutan ng maayos. Nang maayo na siya sa kanyang pagkahiga ay lumabas ako sa kanyang silid at hinugasan ang kanyang pinagkainan.

Bumalik ako sa kanyang silid nang naayos ko na sa pagkalagay ang hinugasan kong pinggan. Naabutan ko siyang nakapikit pero alam kong hindi pa siya tulog.

"Tyrone, aalis na ako. Kaya mo naman na siguro na mag-isa?" agad siya napadilat dahil sa sinabi ko.

"You're already leaving?" i nod as an answer.

"Matulog ka nalang ulit." tumalikod na ako ngunit bago pa man ako makaalis sa tabi niya ay hinawakan niya ang aking kamay dahilan kaya napalingon ako sa kanya.

"Don't leave me." nagulat ako dahil sa winika niya at parang siya rin ay nagulat sa salitang lumabas mula sa kanyang bibig.

"I-I mean, don't leave me here alone. I am sick." he cleared his throat and avoided my gaze.

"O-okay." maikling sagot ko.










...

(A/N: what can you say about this chapter? But don't mind typos and wrong grammar😅. Sorry for the short chapter.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top