Chapter 24: Confront

JILL'S P.O.V

"Dito mo nalang ako ihinto kuya." utos ko sa driver na agad naman niyang sinunod. Agad akong bumaba at tinahak ang daan papunta sa paaralan.

Nagpababa ako sa eskinita malapit sa academy para walang makakita sa aking lulan ng isang mamahaling sasakyan. Mabilis akong naglakad at huminto sa tapat ng gate. Kinuha ko ang aking ID na nakasilid sa aking bag at ipinakita iyon sa guwardiya.

Tumakbo agad ako nang pinapasok na ako nito habang tinitingnan ang oras sa aking relo. Hindi ako huminto sa pagtakbo at nang dumating ako sa hallway, hindi ko napansin ang paang nakaharang sa aking dinadaanan dahilan para ako ay madapa.

I groaned lightly because of my sudden fall. Medyo masakit ang aking tuhod ngunit ininda ko lamang ito. Nakaramdam ako ng presensiya na nakatayo sa aking likuran. May huminto rin sa aking harapan kaya agad akong tumingala. Nakasalubong ang kanyang mga mata na may nakakamatay na titig. Pinilit kong tumayo at siya ay matapang na hinarap.

"Apologise for what you did." I sternly demanded an apology from her.

"Why should I? It just serves you right." she answered with an evil grin.

Nakaramdam ako bigla ng inis dahil sa mga salitang lumabas mula sa kanyang bibig. Hindi ko nagustuhan ang kanyang ginawa at lalo na ang kanyang mga nasabi. Para bang iniinsulto niya ako kahit na wala akong ginagawang masama sa kanya.

At talagang tinama pa niya sa oras na walang tao sa hallway ang ginagawa niya ngayon.

"How can you say that I deserve that stupid action of yours?" I gave her a wintry look.

"Becuse you are a slut. Alam kong ikaw yung babaeng nasa condo ni Tyrone kahapon. Kahit nagmumukhang tao ka kapag tinanggal ang salimin mo ay hindi ka parin niya magugustuhan." may mapanuyang ngiti ang kanyang mga labi habang may nakakalokong tingin sa akin.

"Stop flirting my boyfriend and you need to know your position. Isa ka lamang hamak na ordinaryong babae na kanyang nabuntis at wala kang karapatang hawakan ang aking teritoryo. Tyrone is mine, so you better back off because you won't like it when I'm mad." nag-igtingan ang kanyang panga nang sinabi niya ang mga katagang iyon. This is the second time that she is trying to threaten me and as if she can.

Gusto kong matawa dahil sa kanyang mapang-angking salita. She is so possessive at hindi niya nagawang pigilan ang kanyang emosyon dahilan para lumabas ang ugaling kanyang tinatago. She is showing it to me but hiding it from other people. She is very easy to beat.

"I am not flirting your boyfriend, if that's what keep on bothering you. Ang gusto ko lang ay ang makasama ang aking anak at wala akong intensiyon na landiin ang iyong nobyo." kalmado kong sabi.

"Anak mo lang ba talaga o pati si Tyrone. You can't fool me. Binabalaan kita. Stay. Away. From. Him. Understand?" ngunit hindi ko siya sinagot.

"Bakit ayaw mong sumagot? Mana ka nga sa nanay mong malandi. She's a whore and you're a wanton woman." nakuyom ko ng mas mariin.

"That's too much." walang emosyon ang aking mga mata ngunit malamig ang boses na sabi ko sa kanya.

"Natamaan ka?"

"You are dragging my mom on this at hindi ko iyon nagustuhan. Kung wala kang maipanlaban sa akin huwag mong idamay ang aking ina dahil pinapakita mo lang ang iyong pagiging mahina." pang-iinsulto ko sa kanya.

She rolled her eyes and look at the person behind me.

"Let's go girls. I'm done with this useless woman." sumunod sa kanya ang dalawa niyang kasamahan.

Nang mawala na sila sa aking paningin ay nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. I look at my wrist watch. Huling-huli na ako sa aking klase kaya naisipan ko nalang natumambay sa likod ng Academy. Umupo ako sa ilalim ng puno at hinintay ang susunod kong subject. Hindi ko namalayan na sa aking paghihintay ay unti-unti akong dinadalaw ng antok.

Nagising ako nang tumunog ang aking cellphone senyales na kailangan ko nang pumasok sa susunod na subject. Nakarating ako sa aking classroom ng maayos dahil wala nang asungot ang humarang sa aking dinadaanan. As much as possible, gusto kong iwasan ang grupo ni Sofia. Ayaw ko ng away kaya ako na mismo ang iiwas.




...

"She did what?!" para akong nabingi dahil sa pagsigaw ni Belle. This girl is over acting sometimes.

"Please stop shrieking." sabay takip ng aking tenga.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina sa hallway at ngayon ay nagh-hyterical tuloy siya and now I am regretting it. She became furious about what happened.

"Yung babaeng 'yun! Nako! Kapag hindi ako makapagpigil, sasabunutan ko talaga yun." napakislot ako nang naramdaman ko ang kamay niyang gigil na gigil na humawak saakin.

"Akala ko ba siya ang sasabunutan mo? Eh ako ata ang minumurder mo!" at doon lang siya bumitaw saakin.

"Ay! Sorry. Hehehe. Nakakagigil kasi siya eh." sabay peace sign saakin. Napasapo nalang ako sa aking noo.

"Ewan ko sa'yo." komento ko nalang.

"Nga pala, pupunta ka ngayon sa café? Guguluhin ko kasi si my labs." may nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa kanyang mukha.

"Buti alam mong nanggugulo ka lamang doon sa cafè."

"Sama nito sa akin. Sumbong kita kay my labs eh." nakangusong sabi niya saakin.

Napailing ako dahil sa kabaliwan niya. Saksi ako sa lahat ng kabaliwan ng babaeng 'to. Lalo na pagdating sa kanyang my labs kuno kaya bakit hindi pa ako nasanay.

"Nga pala, bakit hindi ko na nakikita si baby CJ? Yung anak mong ubod ng gwapo?" nakakunot noong tanong niya. My heart stopped a beat when she asked me that question.

"He's with his father." i answered shortly.

Napatigil siya at hindi makapaniwalang nakatingin saakin. Nang tila ay nagsink-in na sa kanya ang aking sinabi ay bigla siyang napanganga.

"Nabingi ata ako. Pacheck-up na kaya ako sa doctor. Kung ano-anu nalang kasi ang naririnig ko eh."

"CJ is with his father at hindi ka nagkamali ng narinig." tumawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko.

"Galing mong magjoke Jill. Dami kong tawa." natatawang sabi niya.

"I am not joking, Belle." siya ay muling natahimik dahil sa seryoso kong pagkasabi niyon. Alam niya, this time ay talagang hindi ako nagbibiro.

"I don't believe you. You said his father is already dead. Ano yun?! Bumangon sa hukay?!"

"It is just my excuse dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sayo noong tinanong mo ako tungkol sa ama ni CJ." mahina kong sabi. Alam kong sumama ang kanyang loob sa akin dahil sa pagsisinungaling ko.

"Y-you lied." i nod and averted my eyes. I can't meet her accusing and slightly hurt gaze.

"Are we even friends? You don't trust me with your secrets." there's an awkward atmosphere between the two of us. She mistook my intentions. I am really a bad friend.

"I-it's not like that, Belle. Kaibigan kita ngunit nung mga panahong iyon ay hindi pa ako handang sabihin saiyo ang tungkol doon." she let out a heavy sigh and smile.

She is trying to hide the hurt in her eyes through smiling. She is very tough and that is one of her personalities that I like.

Pero ang ugaling 'to rin ang pinaka-ayaw ko sa kanya dahil kahit na nasasaktan na siya ay nagagawa parin niyang itago. Kahit kailan ay hindi ko siya nakitang umiyak.

"Anyway, sino ang ama ni CJ? Gwapo siguro noh? Sabi kasi, 'kung ano ang puno, siya rin ang bunga'. Ibig sabihin, dahil gwapings ang anak mo. Gwapo rin ang ama."

"You don't have any idea. Pero ayaw ko munang sabi-." she cut me off.

"Ayaw mo munang sabihin ngayon but you'll share it to me sooner. Am I right." napangiti ako at tinanguan siya.

"Alright then. Naiintindihan ko naman. Kaya no need to worry." medyo nahimigan ko ang lungkot sa kanyang boses .

I stared at her intently.

"Pe-" akmang magsasalita ulit ako.

"Basta ha! Siguraduhin mong makikita ko pa ang gwapo mong anak. Kung hindi. Naku! Makakatikim ka talaga sa akin." I give her a sincere smile and nodded.

Tumayo na ako at kinuha ang libro na nakapatong sa mesa. Aalis na ako, tutal wala na naman akong subject na susunod.

"Alis na'ko. Una na lang ako saiyo dahil may isang subject ka pa. Kung nakakalimutan mo." napasinghap siya nang narinig niya ang sinabi ko.

"Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan. Alis narin ako." mabilis siyang nawala sa aking harapan.

Bago ako pumasok sa trabaho ay tinawagan ko muna si Tyrone para maka-usap si CJ dahil kakatapos lang ng kanilang klase. Sigurado akong sinundo na siya ni Tyrone.

At tama ang hinala ko nang narinig ko ang tunog ng sasakyan sa kabilang linya nang sagutin ni Tyrone ang telepono.

"Hello." he answered in a husky voice. Napalunok ako at parang may biglang nagrambulan sa loob ng aking dibdib.

Not again.

"U-uhm hi."

"You want to talk to CJ? He is with me."

Naglakad na ako palabas ng Academy habang kausap siya.

"Huwag nalang. You're driving kaya mamaya tatawag nalang ulit ako. Pasensya na sa disturbo." narinig kong huminto ang sasakyan sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko.

"I parked the car so you can chat with us." i can imagine him grinning.

I cleared my throat.

"Si CJ lang kakausapin ko noh."

"You are already talking to me." natatawang sabi niya. Bigla akong namula dahil sa pagkapahiya.

"Sabi ko nga." he chuckled and it made me feel something warm inside my heart.

"Hi Mom!" i heared CJ greeted me from the background.

"Your son can't wait to talk to you kaya ibibigay ko na'to sa kanya."

"Okay." pinasa ni Tyrone ang cellphone kay CJ.

"I am glad you called mom!" he cheerfully said.

Lumampas na ako sa gate at may napansin akong kotse na nakaparada sa labas ng Academy. Hindi ko masyadong naaninag dahil medyo may kalayuan ang pagkaparada ng kotse. Though my parking lot ang Academy ay mas pinili ng may-ari ng kotse amg magpark sa harap ng Academy.

"Actually I am heading to my work. How's your school today, baby? Did you behaved in school?" i asked him. Huminto ako sa paglalakad para mas makausap siya ng mabuti.

"Just like what I promised mom. I behaved in school but stop calling me baby." natawa naman ako sa paglekramo niya.

"Why?"

"I am a big boy already mom! I sleeped early last night so i did grow up. Kaya hindi na po ako baby kasi malaki na ako." narinig ko ang pagtawa ni Tyrone sa kabilang linya.

"Okay, okay. Kunwari naniwala ako."

"Mom!"


















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top