Chapter 21: Family Bonding
JILL'S P.O.V
I watched CJ while he is playing his toys. Natatawa nalang ako dahil palaging may sound effects kapag binabangga niya ang kanyang laruan. Nag-eenjoy talaga siya sa pags-stay niya rito. Maybe nadidistract rin sa pakikipagbonding sa kanyang grandparents kaya minsan nakakalimutan niya ako. May parte saakin na nalulungkot but there is also a part of me na naaat ease because he won't cry and miss me.
Napagawi ang tingin ko sa kusina at napagitla nang napansin kong nakatitig pala siya saakin. I feel uncomfortable because of his stares. Parang tinititigan niya pati kaluluwa ko. I looked away and put my attention to CJ instead.
"Staring is rude." sabi ko nang hindi parin siya tumitigil sa pagtitig saakin.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya pero tila ba ay ngayon pa lang niya narealize na nakatitig siya saakin at agad na nag-iwas ng tingin. Totoo ba ang nakita ko or I am just imagining? Namula ata siya. Or maybe niloloko lang ako ng aking mga mata. Si Tyrone? Magb-blush? Imposible.
Lumingon ako kay CJ nang naramdaman kong may humihila sa aking damit na suot. I chuckled when I notice his cuteness.
"Hmmm?"
"Mom, can you cook me something? Please." hindi pa man ako nakatango ay hinila na niya ako sa kitchen at dahil isa lamang siyang bata ay nagpatianud nalang rin ako.
Nabangga ko bigla si Tyrone dahil nakaharang siya sa daanan. Nagtama ang aming mata ngunit ako rin ang unang umiwas dahil nakakaramdam na naman ako ng pagka-ilang. Pagkapwesto ko sa harap ay agad na kinuha niya ang mga gamit at ingredients at nilapag ang mga ito sa aking harapan. Hindi ko alam kung paano niya nakuha lahat ng mga iyon agad-agad. Gusto ko nalang mapakamot sa ulo dahil sa pagiging atat ni CJ.
"What do you want me to cook?" na tanong ko nalang dahil sa kakulitan niya kaya wala na akong nagawa.
Nag-isip pa siya ngunit ilang sandali ay tinawag lang rin niya si Tyrone.
"Dad what do you think?" gusto ko na talagang mapakamot sa ulo. Hindi naman talaga seryoso ang tanong ko. Base sa kinuha niyang ingredients halatang mapapaluto sila ng tinola.
May manok na, green papaya, sibuyas, may luya na at ewan ko sa iba dahil di ko na tiningnan. Teka, saan sila kumuha ng green papaya? Tiningnan ko lang silang dalawa.
"It's up to you son." natatawang sagot ni Tyrone sa kanyang anak.
"Then-" pinutol niya ang kayang sasabihin at humarap ulit saakin. "Mom I want tinolang manok!" hyper niyang pagkasabi. Natawa nalang rin ako sa kanyang kinikilos.
"Okay. Can you wait till your tinola will be cooked sir?" pagbibiro ko sa kanya.
"And who said I am going to wait? No way!" napataas ang kilay ko dahil sa paraan ng pagsalita niya.
"What do you want then? I can't immediately make your order." isang nakakalokong ngiti lamang ang kanyang sinagot.
"Daddy and I are going to help you!" malaki ang mga ngiting lumapit siya saakin at nagpakarga.
Nagpababa siya sa ibabaw ng counter which I hesitated dahil baka mahulog. Pero dahil sa kakulitan ng aking anak ay wala akong nagawa. Nang lumapit si Tyrone sa aking pwesto at busy si CJ sa pagtitingin sa mga ingredients ay bumulong ako sa kanya.
"Ano ba ang pinakain mo sa anak natin at ganyan siya ka hyper ngayon?" nakakunot noong tanong ko sa kanya.
Napansin kong bigla siya natigilan sa sinabi ko. Tila ba ay natuod siya sa kanyang kinatatayuan. May mali ba sa sinabi ko? Wala naman akong nasabing masama ah.
"May nasabi ba akong mali?" nagtataka kong tanong.
"Repeat what you said just now." mas lalo akong nagtaka.
"Ano ang pinakain mo kay CJ at ganyan siya ka hyper ngayon? Yun ba an-" he cut me off.
"No. Not that one. What I mean is, repeat what you exactly said a while ago."
Yun naman ang sinabi ko kanina ahh. Napaisip ako bigla. Repeat what I exactly said daw.
"Ano ba ang pinakain mo sa a-anak n-natin a-" bigla kong narealize ang aking sinabi. Naramdaman kong uminit ang buo kong mukha.
Napayuko ako bigla dahil sa kahihiyan. Hindi ko napansin ang mga salitang lumabas sa aking bibig kanina kaya hiyang hiya tuloy ako. I bite my lower lip and cover my face with my hands. I bet para na akong kamatis sa pagkapula ngayon.
"I-i mean... A-ano-" i don't know what to say.
Nanatili parin akong nakayuko pero naramdaman ko nalang ang daliri niya sa aking baba at inangat ang aking mukha. Nagkasalubong ang aming tingin ngunit agad rin akong nag-iwas. Hindi ko kayang titigan ang kanyang mga mata dahil nawawala ako sa aking isip at isa pa ay naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya saakin.
"What are you ashamed of? It is true that he is our son. So why are you bowing your head because of what you've said?" natatawang sabi niya saakin na mas lalong nakapagpapula saaking mukha.
"Look at me and dont avoid my glances. You kept on doing that and I hate it."
Nang dahil sa sinabi niya ay kahit na nahihiya ay napilitang sinalubong ko ang kanyang tingin. I swallowed the lump in my throat as I meet his glances. Napatitig ako sa kanyang mga mata habang nanatili parin ang kanyang daliri sa aking baba. Unti-unting kumilos ang kanyang daliri at naglakbay sa aking mukha. Tila ba ay tinitrace niya ang hugis ng aking mukha dahilan para ako ay napapikit. Hindi ko alam, pero gusto ko ang pagkahawak niya saakin. I feel him slowly leaning to me kaya mas lalo akong napapikit. Hindi ko siya tinitignan pero ramdam ko ang kanyang hininga. I am wondering how many times did he brushes his teeth in a day. Dinaig pa niya ang nakacandy na menthol ang flavor sa pagkabango ng kanyang hininga.
"Mom? Dad? What are you doing?" napamulat ako sa aking mata dahil sa biglang pagsalita ng aming anak at napansin ko ring biglang natigilan si Tyrone.
I looked at my son's confused face. I can see question marks around his head. Binalik ko ang tingin ko kay Tyrone na nakatitig parin saakin.
"Dad is there something on mommy's face?" tanong ulit niya.
"No. It's just that, your mom is really beautiful when she's not wearing her glasses. I can't help it when there's such a beauty in front of me and it isn't enough to just look at her. " namula na naman ulit ang buo kong mukha dahil sa sinabi at pagpupuri niya na hindi ko alam kung ito ba ay makatotohanan. Baka kasi nasabi lang niya ang mga katagang iyon para mayroong maisagot kay CJ.
"You're right dad! Mom is lovely when she's not wearing her eye glasses. But she's more beautiful if you'll look at her without those bangs." proud na proud ang aking anak sa kanya dahil sa paraan ng pagkasabi niya.
Biglang may nakakalokong ngiti sa mukha ni Tyrone habang nakatingin saakin. Napaatras ako bigla.
"Hmm... You just give me an idea son. Wait here mommy. Okay?" umalis siya saaking harapan at parang may hinahanap sa cabinet na nasa living room.
Nagulat ako sa tinawag niya saakin. Sinampal ko pa ang aking sarili para lang magising ako kung sakaling nag ha-hallucinate man ako. Bumalik siya na may dalang itim na pantali sa buhok. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.
"Come here mommy. Lets do your hair." nakangising sabi niya saakin. Nakakunot ang noong lumapit nalang ako sa kanya.
Nang nakalapit na ako ay inalis niya mula sa pagkabun ang buhok ko kaya lumugay ang napakahaba kong buhok. Hindi ko na ito nagugupitan dahil tinatamad ako at minsan ay nakakalimutan ko nalang rin.
Pero nagulat ako dahil tinalian niya ang parte kung saan nandoon ang bangs ko. Maingat siya sa pagtatali sa aking buhok at parang ayaw niyang may isang hibla man ng buhok ko ang kanyang mahila. Hindi ko alam na magaling pala siyang magtali ng buhok.
Pagkatapos niya sa pagtali ng buhok ko ay inilagay niya sa likod ng aking tenga ang buhok na nakatabing saaking mukha. All through out the time na ginagawa niya iyon ay nakatitig lamang ako sa kanyang mukha.
How can this guy make me fall inlove with him over and over again?
"Done." then he smiled and it warmed my heart.
"Bakit mo tinanggal sa pagkabun ang buhok ko? Magluluto pa 'ko." dahil sa sinabi ko ay biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Tsss." sabay simangot. Napahagikhik ako sa reaction niya.
"Joke lang." sabay peace sign.
Pero hindi parin siya bumalik sa kanyang pagkangiti. I place my two index finger on the both side of his lips forcing him to smile. Inangat ko pa ang daliri ko ngunit hindi talaga siya ngumiti kaya napabusangot ako. I don't even know why I am like this. Hindi ganito ang ugali ko na namimilit ng tao.
"Joke lang naman yun eh." humaba ang nguso ko at akmang tatalikuran siya.
Ngunit nahigit ko ang aking hininga nang hinarap niya ako sa kanya. Sandali niya akong tinitigan at naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko. My eyes went wide. I can't believe that he is kissing me. Sinisigaw ng utak ko na itulak siya ngunit hindi ko magawa. Nagsimulang gumalaw ang labi niya at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Para lang akong tuod. Because I don't know what to do, I just responded to his kiss.
"Mom, Dad, why are you eating each others lips? Are you both hungry? Come on, stop that and let's start cooking so that we can eat already and not eating each others lips." napahinto kami sa ginagawa at nahihiyang humiwalay sa isa't-isa.
Nakakahiya. Hindi ko man lang naalala ang anak namin. Napayuko ako dahil sa kahihiyan. But then I heared Tyrone chuckle.
"Blame your mom."
"Bakit ako?!" nagtataka at gulat kong tanong. Lumapit siya sa tenga ko.
"That's why you should stop pouting because I can't refrain myself from kissing you." umalis na siya sa harapan ko. Nang nagsink in saakin ang sinabi niya ay nakagat ko bigla ang aking labi.
"Mom! Help me cook my tinola now!" lumapit ako sa kanya.
Hinanda ko muna ang mga ingredients at tinulungan naman ako ng dalawa. Ngunit iwas ako ng iwas kay Tyrone dahil nahihiya parin ako sa kanya.
Hinuhugasan ng mag-ama ang mga sangkap habang hinahanda ko ang lutuanan. Pagkatapos nilang mahugasan ang mga iluluto ay kinuha ko ito mula sa kanila. Iniiwasan ko parin si Tyrone.
I am peeling the papaya nang may naramdaman akong braso na pumulupot saaking bewang.
"Stop avoiding me." kinilabutan ako dahil tumama ang kanyang hininga saaking leeg.
Napalunok ako. Bakit ang landi landi niya ngayon? Pag ako madala. Bahala ka talaga.
...
(A/N: ngayon lang ko nakapag-update kasi busy. Then hindi pa maganda ang pakiramdam ko nung mga nagdaang araw kaya pagpasensyahan niyo na guys. )
Don't forget to vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top