Chapter 18: Eliminated

JILL'S P.O.V

It's been a long time since I held a gun but I know I am still capable of shooting the enemies. Touching my own sniper riffle carefully. How I miss this one. Ito ang palagi kong nagagamit noon and I valued this so much dahil si dad mismo ang nagbigay saakin nito.

Looks like I'm going to use this again...

"Are you ready?" Tanong saakin ni Four pagpasok niya sa kwarto.

"Yes. As always."

"You must miss Snippy."

"Great hunch." I said sarcastically. Well if you're wondering who Snippy is? Pangalan yan ng riffle ko.

"Let's go? Malapit na ang oras and nandoon na ang iba, nakaabang. They're just waiting for my signal."

"Great."

A few minutes of ride. Nakarating agad kami sa destinasyon namin at agad akong pumwesto sa dapat kong pwestohan. Everything is planned at kapag hindi gagana. There is always a plan B. I check my watch and the time is already 2 am pero dahil medyo nasa malayo kami at nasa madilim na lugar, just to make sure. Probably they'll get her after 15 minutes. At ang plano namin ay kikilos na kami kapag nakuha na ng mga laelaps ang bata sa sasakyan. Dahil may pagkabobo rin pala sila. Iaambush nila ang sasakyan kung saan may nakatagong mga cctv.

"Four ready na ang lahat?" I ask him through the earpiece.

"Yes. Five already assigned the others."

"Ok." After a 15 minutes of wait.

"Jill, be ready." Paalala saakin ni Four.

"Got that."

Inayos ko ang sniper riffle ko at finucos sa gulong ng paparating na sasakyan. I concentrated and then I release the trigger and....bang.

Walang kahit na anong ingay ay sunod sunod ko ring binaril ang mga gulong ng nakasunod na sasakyan. Maliit ang ginamit ko na bala para unti-unting ma flat ang mga sasakyan at pagdating dito sa may pwesto namin ay tsaka lang titigil. Mahirap na, dahil may bata ang nakasakay.

As soon as the cars stopped. Four's men immediately make a move. Pinanuod ko lang sila because I don't want to show my identity yet. Kahit na nakadisguise. Baka may isa sa kanila ang makatakas. Pero napansin kong mahirap rin palang talunin sa bakbakan ang Laelaps. Mas mahirap na kesa sa dati. They have improved. But, alam ko rin na magaling ang mga tauhan ni Four. I know he will only choose those who are deserving to be his men. Tumagal ang laban ng thirty minutes.

But...

May isa pang natitira. Mahusay siyang makipaglaban. Habang nakikipaglaban siya ay pinagmasdan ko siya ng mabuti. Then, I notice something in his eyes.
Umalis ako sa aking pinwestuhan at lumapit sa kanila.

"Stop." I ordered coldly.

Napatigil silang lahat sa pakikipaglaban sa lalaki.

"Jill, what are you doing?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Four at walang pag-alinlangang lumapit sa lalaki.

"I want to talk to you." nagulat siya sa sinabi ko pero agad niyang inalis ang reaction na ito sa kanyang mukha.

"Ano namang itatanong mo saakin? And do you want to die? What if I'll shot you right now?" He said with a smirk.

"Tsss... as if you'll do that." ibinaba niya ang kanyang baril.

"Feisty aren't we?" I roll my eyes.

"Come with us. Doon nalang tayo mag-usap sa mansion."

"Kapag papayag ako, hindi ka ba mag-alala na kalaban ang dinadala mo sa kuta niyo?" I just shrug.

"Whatever you'll say."

I look around me. Marami ang mga sugatan sa tauhan ni Four pero wala namang binawian ng buhay maliban nalang sa Laelaps.

"Okay. I'll come with you."

"Good. James, escort him to the car." tawag ko sa tauhan ni Four.

I close my eyes tightly and turned away. Ayaw ko na pumapatay at lalong-lalo na ayaw ko sa patayan. Pero sa mundong ginagalawan ko, hindi talaga maiiwasan.

Pumasok na ako sa sasakyan kung saan nakasakay ang lalaki at si Four. Nakatanaw lang ako sa bintana sa buong biyahe. Five and the others are already cleaning the mess. Mabuti nalang natunugan agad namin ang pangyayaring ito at naligtas namin ang bata. Napatingin ako kay Four nang maalala ang bata.

"Four, how about the kid. Where is she?"

"Pinauna ko agad sa mansion. Mahirap na kapag makakita ang bata ng ganoong karumaldumal na pangyayari. Rerehistro iyon sa batang isip niya at hindi na makakalimutan. Ayaw ko rin naman dumihan ang isip niya."

I sighed in relief. Akala ko talaga na nakita niya yung kanina. Isa akong ina kaya hindi ko makakayang may isang bata na makakakita ng ganoon.

"Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?" tanong niya saakin pagkapasok palang sa mansion. I face Four and Five na nasa likuran namin.

"I want to talk to him privately so don't follow us."

"B-but-" i cut her off.

"No buts and don't worry. I know what I am doing."

Tumalikod na ako at pinasunod ang lalake saakin patungo sa study room ni Four. I close the door as we get in.

"What is your name?" tanong ko habang nakatanaw lang sa labas ng malaking bintana.

"Why should I tell you?"

"Because you have to." maikli kong sagot.

"Is your voice always that emotionless?"

"I only asked you kung ano ang pangalan mo so why are you answering me with another question."

Naramdaman kong umupo siya sa sofa na nasa aking gilid.

"Call me Ryker." he simply said.

"Is that your real name?"

"Yes, but I also use it as my code name." I nod as a responce. "at alam ko kung ano ang  sunod mong itatanong. You want to know why I joined the Laelaps right?"

"Hmm...bakit nga ba?"

"Ganun ka kainteresado tungkol sa buhay ko?"

I mentally smirked at his question. Curious ako tungkol sa buhay niya actually. Marami ring mga katanungan na nasa isip ko at gusto kong itanong sakanya pero ayaw kong pumasok sa pribadong buhay ng isang tao.

"Maybe yes, maybe no." Napatahimik siya sa sinabi ko.

"I'll tell you but I need some time. Pero masisigurado ko saiyong hindi ako kalaban. I was forced kaya napasali ako sa Laelaps."

"I understand."

Nakatanaw lamang ako sa labas at sa mga nakikinangan na bituin. Maraming nagnininingningang bituin sa labas sa kabila ng hindi magandang nangyari ngayong gabi. Mayroon talagang mga bagay na kahit ayaw mong mangyari ay hindi mo mapipigilan.

"Follow me." Lumabas ako sa study at nakasunod siya saakin.

"James lead Ryker to his room. Kakausapin ko muna sina Four at Five." tawag ko sa tauhan ni Five na nakaabang saamin sa labas ng silid at agad namang sumunod ito saaking utos.

Matagal bago ako nakababa mula sa third floor na kinalalagyan ng study room ni Four. Ganito ba naman kalaki at kalawak ang bahay mo. Ay hindi pala bahay. Mansion pala. Bakit niya ba kasi naisipang magpatayo ng mansion. Buti sana kung saulo ko ang mga pasikot-sikot dito. Muntik na tuloy akong naligaw. Sana naman matapos na'tong gulo na'to para wala na akong iisipin sa susunod. Bakit rin ba kasi may mga taong makikitid ang utak.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Napansin kong nakababa na pala ako ng hagdan pero napatulala ako sa aking nakita. A tear fell from my eyes as I make sure na hindi ako nananaginip. Parang gusto kong samapalin ang sarili ko para magising dahil ayaw ko madisappoint once na hindi naman pala ito totoo.

"Jill." he mouthed and smiled as he lead his way to me. Niyakap niya ako ng mahigpit at ang pag-aakala kong panaginip lang ang pakakita ko sa kanya ay nawala. Napaluha ako at ibinalik ang yakap niya.

"Uncle." bulong ko kasabay ng aking paghikbi.

Hindi ko alam kung paanong buhay pa siya pero masaya ako. Masaya ako at mayroon pa pala akong isang kapamilya na natitira. Akala ko kasama siya nila mama at papa na nasawi. Pagkatapos ng pagsabog na nangyari nun. Akala namin kasali siya sa ibang nasawi kaya hindi namin siya mahanap pero wala din kaming nahanap na bangkay. Umalis ako mula sa pagkayakap sa kanya.

"Uncle is that really you?" paninigurado ko kasi baka pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko.

"Hindi, hindi. Multo lang ako kaya nga nayakap mo ako eh. Segi iha matakot kana.. Takbo na dahil kakainin ko ang kaluluwa mooo..." natawa ako sa mga pinagsasabi niya. Still the same old uncle. Walang pinagbago kahit konti.

"Kamusta ka na iha? Ang anak mo? Ayos lang ba kayo nung ilang taong natsugi ako? Nahirapan ka ba masyado nun sa pagpalaki sa anak mo? Alam ko marami kang katanungan kaya sasagutin ko lahat ng iyo. Pero bakit hi-" i cut him off.

"Uncle wait lang ok? Hinay-hinay lang mahina ang kalaban. Isa lang ako and it looks like hindi ako ang may napakaraming katanungan. Ikaw ata eh. Nirakrak mo na ako sa mga katanungan mo at ni hindi mo man lang ako pinasagot. Tae ka rin Uncle noh?" muntik na akong napahalakhak nang nasira bigla ang kanyang mukha.

"Tae na naman? Hindi mo parin ako titigilan jan sa katatawag mo saakin na tae no?" ngumiti lang ako.

"Tsss. Saan ka ba kasi nagsusuot tanda? Tagal mong nawala at ngayob mo lang naisipang magpakita ulit." pang-iinis ko sa kanya.

"I will answer your questions later. Pero tanggalin mo muna yang kakatawag mo saken ng tanda at tae! Okay?!" sabay pinandilatan ako ng mata. I grin at the back of my mind.

"Segi na nga. Basta sabihin mo saken mamaya gurang ha?" tapos tumalikod na para sana hanapin sina Four at Five. Bumungad saakin ang mga mukha nila na parang kanina pa nila kami pinagmamasdan.

"Aba't! 'tong ba batang to oh! Wala-" napahinto siya sa sasabihin niya sana nang napansin niya ang dalawa. "Luke, Leah? Andyan pala kayo? May pagkain ba kayo dito? 'tong magkambal na'to di man lang tinanong kung gutom ba ako at iniwan lang ako dito. Bad." nakangusong pagmamaktol niya.

Napasapo nalang ako saaking noo. Isip bata talaga. Iwan ko ba. Buti nalang di ako nagmana sa Uncle kong isip bata. Napangiwi naman ang dalawa dahil sa sinabi ni Uncle.

"Hehehe Tito di ka pa kumain? Madaling araw na kaya." tanong sa kanya ni Five habang si Four naman ay napakamot nalang sa ulo.

"Nu ka ba naman Leah. Kanina pa yung kain ko. Ngayon hindi kaya gutom ako. Syah! Pakainin niyo ko!" walang nagawa si Five at giniya si Uncle sa kusina. Sinundan ko sila ng tingin.

"Mauubusan ata tayo ng pagkain dito." natingin ako kay Four ng siya ay nagsalita.

"Good Luck nalang. By the way, I want to talk to you."

....
(A/N: sorry for the very late update. Very busy kasi sa school. I'll try to update sooner. Maybe withen this week I'll publish the next chapter. Thanks for understanding.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top