Chapter 3:Deep Feelings

Juri's POV

7pm na at kakatapos ko lang magluto ng adobo huwaw ang sarap ng ulam ko ngayon omeyged

Uupo na sana ako sa dining para kumain na ng may biglang...

*DINGDONG!*

*DINGDOOONG!!!*

O__O!

"Shocks! Baka si aling tetay na yon!Hala wala pa kong pambayad ng renta ngayon luh!"

*DINGDOOONGG!!!5x*

Hala! Galit na ata si aling tetay jusgigo ano gagawin ko ajujuju T.T

*Inhale Exhale*

"Kaya ko to! Aja!" Lumapit ako sa pinto at ng binuksan ko yumuko agad ako at nagmakaawa.

"Aling tetay wag nyo muna ko singilin ngayon promise as in promise talaga makakabayad na ko sa inyo next week ng renta just give me some time next week ko pa makukuha salary ko ih tsaka kakabalik nyo lang kahapon dito bakit........" Naputol sasabihin ko ng may biglang tumawa.

"Ha?BWAHAHAHAHAHA!!!"

Hindi si aling tetay eh sino ba to?

O_O

"Kai?!!!!"

Namimilipit na sa sakit ng tyan nya kakatawa bastos na bata di agad sinabi sya pala yun kaya pala ganun nalang maka-doorbell eh ba't di ko naisip na baka sya yun? Eh sya lang naman barumbado hmph!

"Ewan ko sayo kung tatawa ka lang geh sasara ko na to!" Sasara ko na sana yung pinto pero pinigilan nya.

"Oi sandali lang! Pinuntahan ka nga eh tapos sasaraduhan mo lang ako tsk!"

"Eh panu di mo sinabi agad na ikaw pala yan tsaka.....huh? Teka anong nangyari sa mukha mo ah?!" May pasa at sugat sya sa labi nya.

"Papasukin mo muna ko"

"Ay sige oh pasok!"

So pumasok sya at umupo sa sofa actually mga third time na syang nakapasok sa apartment ko pag hinahatid nya kasi ako eh hanggang labas lang sya.

"Ui ano ba nangyare sayo?" Bigla na lang ako nag alala baka napaaway kung san san tong lalaki na to eh.

"Nag away lang kami ng kapatid ko"

Nag iba yung aura nya naging malungkot na may inis sa mukha nya,di na talaga sila nagkakaayos ng kapatid nya lagi nalang sila nag aaway kaya lang mas lumalala na ata ngayon eh nagkakasapakan na sila oh!

"Tsk...ano na naman ba nangyare kasi?Napagsalitaan ka na naman ng di maganda?" Tanong ko at nilalagyan ko ng gamot yung sugat nya.

"Lagi naman ganun yun eh at ang nakakainis lang eh si appa...ay ewan! Yaan mo na nga yun di naman ako nagpunta dito para magsumbong sayo kakabadtrip dun sa bahay aish!"

"Psh! Arte mo kai...magshe share lang naman eh pero kung ano na naman yang pinagtalunan nyo eh tandaan mo lagi na marami kang ginagawang tama di lang nila nakikita...lalo na sa school napakatalino mo nga sa math tsaka sa science eh hanga kaya ako sayo...bakit di mo kasi sabihin sa appa mo na matataas mga grades mo sa class ang hilig mo kasi maglihim kaya kala nila kaya ka walang mapakitang grades kasi mabababa sus eh ikaw lang naman eh!!! Pero para sakin,hardworking ka" binigyan ko sya ng gentle smile sana sapat na yun para mapangiti naman sya pero totoo lahat ng mga sinabi ko huh. Naging awkward ang paligid ng magtinginan kami,yung di common namin na tingin parang kakaiba yung mga tingin nya saken eh naiilang ako kaya kelangan ko gumawa ng alibi.

"Ah eh...nga pala nagluto ako tara kain tayo!" Tatayo sana ako ng....

Omg!

He hugged me...Ngayon lang nya ko niyakap ng ganito...

"Ka...Kai..?" Ang higpit nga ng yakap nya eh.

"Pwede bang ganito muna tayo saglit? Please? Kelangan talaga kita ngayon..." Sincere na pagkasabi nya at nanlambot naman ako dahil parang ibang kai yung kasama ko ngayon.Hindi yung kai na reklamador,antukin,pilosopo,masungit at minsan mayabang.

"Si...sige..." Niyakap ko na din sya pabalik.Di ko alam pero napangiti ako sa nangyari or siguro masaya ako kasi ako naisipan nyang takbuhan ngayong down na down sya haaay ang sarap ng may kaibigan talaga.

----------------------------------------

Luhan's POV

"Luhan! Ano na naman tong binalita sakin ng school director ng university? Nakipag away ka na naman sa kabilang school?! Why are you always liked that? You always act as a rebel eh halos lahat na nga ng lumo nasa sayo na!" Galit na galit na sabi ni papa (Lei) (a/n: pinalitan ko na kasi andito na din si kris kaya di na yifan :3 ) habang kinakalma sya ni mama (Huayin).

"Tama na hon...baka naman yung kabilang school ang nagsimula ng away at hindi sila Luhan...luhan why don't you tell to your father what happened?"

"Psh...pwede ba wag muna ngayon I just want to rest...and isa pa those assh*le naman talaga ang nauna not me and my friends"

"Haaaay....luhan di ko na alam kung ano na gagawin namin ng mama mo sayo...Kung papabalikin ka namin sa beijing mas lalong walang pagbabago ang mangyayari sayo...kung kami na sarili mong parents eh di ka sumusunod eh kanino pa? Sino pa makakapag patino sayo? Sino makakatigil ng pagiging pala away mo...you're such a disgrace to our family..."

"Pwede ba?!Ayoko makipagtalo sa inyo ngayon...di ko din naman ginusto mga nangyayare ano ba magagawa ko kung maiinit dugo ng mga taong yun saken? At kung disgrace ako,sige! I'll now practice to live independently..." Umalis na ko sa bahay at sumakay sa kotse ko at dun muna ko sa condo titira tutal akin naman to eh...dito ako nagiistay kapag ayoko sa bahay.

Humiga ako sa couch...

*Silence*

"Ugh! Kakabingi naman katahimikan oh!" Kahit sa mansion o sa condo ako eh walang pinagkaiba pagdating sa katahimikan pwera nalang kung sinesermunan ako dun sa mansion dito naman sa condo eh mamamatay ata ako ng maaga dahil sobrang tahimik pero pagtyagaan nalang.

Kaya nag isip muna ako ng magandang gawin.

Teka...I will just go out to stroll in tagaytay I'd been there few years ago and napakaganda dun eh tsaka malamig pa ang sarap balikan tutal may kotse naman ako eh kaya ko pumunta dun mga 1hour will do.

----------------------------------------

Juri's POV

Sarap talagang magluto pag si kai kumakain,nauubos nya ulam pati kanin eh parang pure pinoy kung makakain ng adobo ko pero syempre kaka touched kasi kinain nya niluto ko T.T

Later on...

Nakaupo ako sa couch at nagbabasa ng novel at si Kai eh ewan ko kung ano ginagawa di ko kasi sya tinitignan eh busy ako sa binabasa ko.

OMEYGED! Naaksidente yung girl!!! And sooooo kawawa naman nung guy kasi nagka amnesia si girl kaya nakalimutan nyang nagmamahalan sila ni guy and todo effort si guy para maalala ni girl omo~! Nagpaka slave sya sa girl at ito naman tong babae na to eh nagka amnesia lang sumama ugali naknang! Pero I'm starting to cry now kasi kahit napapagod na yung lalaki eh he doesn't give up easily just to prove to the girl na nagmamahalan talaga sila.

*Wiping my eyes caused of tears*

"*Sniff!* Ang sama nung girl ajujuju T.T napaka eng eng! Kawawa naman si guy *sniff!*!"

O___O!!! <-- Ako

-____- <-- Yung bastos na kasama kong kinuha bigla yung librong binabasa ko.

"Kai naman eh!!! " Panira naman ng moment tong lalaking to porket pogi mang aasar na ganun ba yon?!

"Para ka kasing ewan eh iyak ka ng iyak kala mo naman totoong nangyayari psh!"

"Eh bakit ba?! Akin na nga yan ang epal mo!" Sabi ko sabay kuha ng libro.

"Bakit di ka pa umuwi anong oras na ah...malamang hinahanap ka na sa inyo" sabi ko,9pm na kasi eh nasa apartment ko pa sya.

"Eh ayoko pa tsaka di naman ako hahanapin ng mga yun minsan nga diba 1am na ko umuuwi samen" Oo nga pala...minsan pag ayaw nya sa bahay eh kila kyungsoo sya nakikitulog or nag iistay.Mas mahal pa nga sya dun kesa sa sarili nyang bahay eh.

"Eh ano pa ba gagawin mo dito?" Tanong ko. And he stared at me as in super direct eye to eye tologo... Problema nito?

"Bakit?"

"Gusto mo mag stroll out?" Ask nya.

"Ha? Kelan? Saan? Gabi na ah? Bakit? Anyare sayo?!" Sunod sunod kong tanong kasi pag ako nag aaya sa kanya mamasyal masyal, kesyo ganito kesyo ganyan na tinatamad daw sya maglalakad lakad wooh arte!

"Bwahahahahha!!!!!" Halakhak na naman sya minsan naisip ko baka nakatakas to ng mental eh hahah charot lang labyou friend -3-

"Ano ba yun tawa ka na naman dyan?" Tanong ko sabay irap.

"Eh kasi naman makatanong ka eh bakit ayaw mo ba?"

"Hindi naman... nabigla lang ako na ikaw nag aya ngayon and that's what you called HIMALA! Pero seriously bakit? Tsaka gabi na ah"

"Kasi I just wanna have some memorable and fun night......*whisper* with you"

"Ha?ano?!" Promise! Di ko narinig yung huli nyang sinabi hanggang night lang naintindihan ko.

"Sabi ko...gusto mo ba o gusto mo???!"

"Luh! Anong choices kaya yun?! Adik nito tsk!"

"Ano ba dali decide na ayoko ng makupad!"

"Tsk! Ayoko tinatamad ako" heheh actually gusto ko naman eh pero aasarin ko lang konti babawi lang sa kanya lagi nya kasi ako tinatanggihan pag nag aaya ako hmph!

Binigyan nya ko ng isang death glare.

"Ang gwapo mo kai...wait lang ah bihis lang ako" Takbo agad ako papasok ng kwarto takot ako eh alam nya kasi kung panu ako mapapasunod.

*Fastforward*

"Tara na!"

"Wait! San nga ba tayo pupunta?"

"Sa tagaytay..."

"Haa?! Layo nun ah..."

"Eh ano naman? May motor ako at di naman kita paglalakarin mula dito hanggang dun kaya wag kang magreklamo tss..." Ay sabagay...kung imomotor eh mga 80 minutes ang layo mga ganun...

"Sige tara na! Gusto ko pumunta dun pangalawang punta ko palang eh *aegyo*"

He suddenly pinched my nose,the signature act that he always do to me.

Ngumiti sya sakin at lumapit sa side ng cheek ko at bumulong...

"Di bagay sayo ang panget!"

"KAIIII!!!!!!!" Pigilan nyo ko!Naguusok talaga ilong ko sa makisig na nilalang na to ah!

"Hahahhaha katawa itsura mo amp! Halika na nga bilis!" Hinila nya ko palabas ng apartment at tsaka sumakay na sa motor nya sabay gora.

After 1 hour and a half na byahe...

"Grrrrr....ang lamig dito shocks!" Dito kami ngayon sa sky ranch at napakagandang hang out para sa mga magkakaibigan ito.May vikings,sky eye tsaka kung anu ano pang kaeklabuhan.

"Magsa-sight seeing lang tayo dito diba?diba???" Tanong ko kasi naman wala akong pera panggastos sa mga ganyan eh kelangan ko mag ipon para sa pambayad sa renta eh,tungnu ang poor ko talaga T.T

"Yayayain ba kita dito kung wala naman tayong gagawin? Psh... And don't bother sa mga gastos ako bahala sayo...ako nga nag aya sayo and treat ko to sayo kasi you comforted me a while ago when I'm down"

Parang may kakaibang hangin ang dumaan sa pagitan namin nung ngumiti sya ng may pagka-gentle. Sa kabila ng kayabangan eh mabait naman talaga sya eh.

"Ah eh halika na nga! Sabi mo yan ah so tara na! San ba tayo?"

Nag smirk sya sabay tingin sa vikings.

*Facepalm* O.O

"U...uwi na tayo ka...kasi ano eh uhm...inaantok na ko eheheh lika na?" Sabi ko bilang palusot please lang! Ayoko sumakay dyan sa vikings naiiwan kaluluwa ng mga sumasakay -___-

"Sus!Parang yan lang natatakot ka na sumakay?! Isipin mo lang na nakasakay ka pa din sa motor"

"Excuse me...malaki ang pagkakaiba ng pagsakay ng vikings sa motor! Napupunta ba sa ere yung motor haaa???!" Nagiging defensive na ko panu ayoko talaga sumakay ajujuju T.T

"Hay nako halika na! Dami mong sinasabi pila na tayo sa ticket bilis!" Hinila nya ko papunta sa ticket booth.

"Eh promise mamamatay talaga ako sa nerbyos alam mo naman takot ako makaramdam ng adrenaline rush eh motor mo pa nga lang kinikilabutan ako -3- "

And my eyes got widened when he suddenly held my hand.

Omo~ Kakaiba talaga si kai ngayon ah...pero hinde! Hindi talaga ako sasakay spell AYOKO!

"Please just forgive me...gaya nga ng sabi ko kanina diba? I just want to have a memorable and fun this night" Seryoso nyang pagkasabe...kakaiba nararamdaman ko kapag ganito sya magsalita eh.

"Pisti ka kai! Oo na nga nyemas! Buti nalang gwa...ay! Wala! Oh dali bili ka na ticket bilis wuy!"

"Hahaha...excited bigla? Nakapila tayo oh di kelangan magmadali psh...slow nito"

"Oo na sige..." Hilig hilig talaga mang uto nito tapos papauto naman ako wushu naman

Habang nakapila na kami eh nagdadasal na ko dahil sa tensyon sa pagsakay ng vikings.

----------------------------------------

Third Person's POV

"MAAMAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!" Bunganga ni juri yun,kasalukuyang nakasakay na sila sa vikings at kada punta sa ere eh hinahampas nya si kai tapos sabay kapit sa braso tapos hampas uli tapos kapit -___-

"Hahahahahah!!!!" Tawa ni kai dahil sa feeling nya sa ere at dahil din sa pinaggagawa ng kasama nya.

Meanwhile.....

Si Luhan din eh nasa sky ranch dahil nga nagagandahan sya sa lugar na ito sa tagaytay at nasa grass field sya sa sky ranch or bermuda grass.Nakahiga sya at sa tapat nun ay river at maiilaw na buildings,nakahiga lang sya sa bermuda grass at nagrerelax.

So balik kila kai and juri...lahat ng rides na meron dun ay sinakyan nila at kahit papano naman naka survive pa si juri XD at dahil sa pagod na sila eh naisip nila na umupo muna sa isang cottage sa tapat ng grass field.

"Nahihilo na ko sa mga pinagsasakay naten " <-juri

"Hahah ok lang yan at least alam mo na feeling sa mga ganyan" Nag smirked pa sya.

"Ewan ko sayo wala ka na ngang ibang ginawa kundi pagtawanan ako ehhhh hmph! -3-"

At ngumiti si kai sabay kurot sa ilong ni juri.

"Dito ka lang ah bibili lang ako ng softdrinks..."

"Sige bilisan mo ah"

"Wag ka magalala wala naman mang rarape sayo dito mataas standards ng mga rapist ngayon XD" loko tong si kai.

(¬_¬) <-- juri

"Gusto mo sapakin kita? "

"Hahaha joke lang basta dyan ka lang ah"

"Oo naman di ako aalis dito edi pag nawala ako eh di na ko makauwi?"

"Oo na geh wait lang..."

Ng umalis si kai tsaka ngumiti si juri dahil ng mga time na yun eh parang nag iiba yung feeling nya towards kay kai dahil sa lalong lumalalim na friendship nila.

*Face at the view* Sa may river side.

"Haaayyy...bakit ganito? Parang iba feeling ko? Teka nga juri!!!! Don't you really dare to fall inlove on your bestfriend!!!! Baka mahurt ka lang...haaayyy....kainis naman oh!!!!!" Kausap nya na sarili nya pero di sya baliw ahhhh parang lang chos!

At nakakita sya ng bato and so pinulot nya yun at tsaka nya binato sa river but sad to say...sa iba lumanding yung bato...ang shunga!

"Aray tsk!!!"

O___O!!! <--Juri.

Shocks! Sino yung natamaan ng bato?! Ang clumsy naman kasi magbato ni juri ehhhhhhhh...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top