Chapter 20: Black Mail/ I Miss You

Juri's POV

One week and three days ago na after nung mga sakit na nangyari pero ngayon?


Heto! Mas masakit pa din... Kasi naman kahit anong iwas ang gawin ko sa school kahit outside huh! Nakikita at nakikita ko pa din si luhan together with airi and habang tumatagal, I noticed that Luhan is already ok without me... nagtatawanan pa nga sila ni airi tapos ang sweet sweet ni airi sa kanya ohhhh edi sila na gagapangin ng mga langgam!!!! *Sighs* well slave lang naman nya kasi ako noon haaayyy ashumera ka talaga Juri!!!! O(>_<)O

Pagpasok ko ng room...

"ARAAAAYYYYY!!!!!!"

"YAAAHH!!!Late ka naman!!!!"

"Ang sakit! Kelangan ba ganun ang pag-welcome saken!!? Kagagaling ko nga lang sa sakit! Bruha nito hmph!"

Pagpasok ko ba naman ng room namin,sabunutan ba naman ako?! Adik talaga nitong minah na to kahit kelan, mana sa boyfriend! At ito namang si kyungsoo nag eenjoy sa eksena (-_____-)

"Eh sorry naman actually,tagal na natin di nagkita na excite lang ako to naman! But we really missed you talaga four days kang di pumasok ah tignan mo nangayayat ka na!!"

"Oh talaga? Yaan nyo babawiin ko yan next time kakain ako ng bongga eheheh" Sabi ko at umupo na ko sa upuan ko pero yung dalawa nasa harap ko pa din wala pa kasing prof.

"Juri...ok ka na ba?" Kyungsoo's concern.

Para di halata,,,, I made a fake smile.

"Oo naman heheheh ako pa tsaka ang tagal tagal na nun di pa ba ako ok nun psh! Ginusto ko naman yun" Sabi ko.

"Haaayyy juri...minsan nga kung aarte ka galingan mo ok? Di bagay sayo eh....Di ka pa din ok don't make us looks so stupid here.We know you for years kaya wag mo kami lokohin" Prankang sabi ni minah.

Ok I give up...

"Haaaayyyy...sorry if I'd made you guys worried...pero swear I'm okay"

Then biglang tinap ni kyungsoo balikat ko and shocked naman ako ang lakas eh.

"Wag ka mag alala juri...for sure magiging okay ka na din after ng ilang araw kasi-!"

Bigla syang siniko ni minah sa tagiliran at binigyan ng shut-up-look.

"Ano yun ha?" I asked.

"Eh? Ha-Ha-Ha wala yun dedmahin mo nalang sinabi ni kyungsoo...basta always be prepared ok?"

"Ah ok"

At nagtinginan ang dalawa...may tinatago na naman sakin tong dalawang to...
-----------------------------------------

Habang nagkaklase nagpaalam ako sa prof ko na mag ccr lang ako eh sa di ko na mapigilan -_-
.
.
.
.
.
.
.
.
"Haaaayyy...what a relief..." Laking ginhawa kasi nag-pee ako no!

At napadaan ako sa hallway ng 3rd floor and walang katao tao kasi almost all the students were all in their classes.


"How's your plan?"

Huh? pamilyar yung boses ng lalaking yun ahh....

Then may isa pang nagsalita...

"Almost perfect...napaniwala ko sila even my cousin,friends and my brother except for my mom and dad who's in canada na may sakit ako but I really pity for Luhan kasi di ko naman gusto magsinungaling sa kanya but there's no other choice kundi gawin to para lang bumalik ulit sya saken and I want to thank you aaron for giving me this kind of idea it really worked!"

Oh sh*t! Kilala ko ang boses na yun! Sana nagkakamali lang ako *sign of the cross*

Dahan dahan akong sumilip sa room kung san nanggagaling yung mga boses na narinig ko and when I sneaked...

Its really airi and she's talking with aaron! Sila din pala yung nakita kong magkausap noon and totoo bang nagsinungaling lang si airi sa akin? At kay Luhan? Ang tanga ko talaga kaasar!!!

Nakinig ako ulit sa pinag usapan nila.....

"I just want to help you and isa pa...I'm doing this for some rational reason" He said with an evil smile on his face.

"Anyway, masaya ako kasi mas napaniwala ko yung juri na yon because she gets into my nerves...Kaya I'll make sure na itong planong kong to eh maging dahilan para sa pagbalik ni luhan sakin because I really want him so badly"

"Haaayyy I don't know kung ano nagustuhan mo sa lalaking yun"

"Don't talk as if you know him...he's the first guy who showed concern and love to me kaya nga di ko hahadlangan yang b*tch na juri na yan!I really hate her!!!"

Nakakarami na sya huh! Di ko na to kaya...


*BLAGG!!!!*

At halatang gulat na gulat ang dalawa sa pagdabog at pagpasok ko sa pinto.

"Wh...what are you doing here??!!!" Hysterical na si airi pero binigyan ko lang sya ng emotionless na tingin at pati si aaron na akala ko mas mabait pa kay Luhan,di naman pala.

"Kung ayaw mo saken...MAS AYAW KO SAYO...Bakit mo nagawa to airi? I thought you changed and we can be friends pero nagkamali pala ako.....And even Luhan...how could you do that to him? Kala ko ba mahal mo sya eh bakit nagsisinungaling ka sa kanya" I said.

Kitang kita ko kay airi na nagagalit sya kasi nasa itsura nya na parang gusto nya kong sabunutan pero kasalanan naman nya eh nagpahuli sya saken...at itong aaron naman na to ngumingisi pa...habang tinitignan ko sya ng matagal mukha nga talaga syang masamang tao.

"At ikaw! Akala ko pa naman mabait ka! Yun pala isa ka palang fake!"

"Don't say those things to me...baka pagsisihan mo" Nag evil smile na naman sya.

"Will you just shut up!!!Alam mo kasalanan mo naman to eh! If you didn't came in luhan's life and kung di ka lang naging muchacha nya! Edi sana di na ko humantong sa ganito! Kasi in the first place, akin lang si luhan! Mang aagaw ka! Kaya ito nalang ang naisip kong paraan and from aaron's idea, this is the best way...ang magpanggap akong may sakit"

"Heh! Kala mo ba pag nalaman pa to ni Luhan eh mapapatawad ka nya?" I asked.

Lumapit sakin si airi and she grabbed my arm.

"Don't you dare juri!"

"Sasabihin ko sa kanya lahat ng kasinungalingan mo!" I let go of myself from her tight grip and nagsimula na ko maglakad palayo when aaron speaked in a suddened...


"Sige subukan mo or it will be your loss"

Napatigil ako sa paglakad at tumingin sa kanila.

"Ano ibig mong sabihin?"

"Well...I guess its now my time to be part of this game...Kapag sinabi mo kay luhan ang tungkol kay airi...then, I will take everything from him! Kasama na ang mga business nila here and in china. Kung di mo na tatanungin, I'm the future ceo in our company in china na pinapatakbo ng dad ko and we are Luhan's parent rival. Kaya sa oras na ibuka mo yang bibig mo,isang pitik ko lang mawawala lahat ng meron sila and the worse thing there is...They'll put all the blames on you...."

I got froze sa kinatatayuan ko... He black mailed me. Ayoko naman mawala lahat ng tiwala saken nila mr.xi at lalo na si luhan dahil lang sa action ko...

What will I do???


"Heh! Good job aaron! So, ano juri? Make a decision?Sayo nakasalalay ang buhay ni luhan at ng parents nya" Airi smirked.

Wala talagang puso tong babaeng to! Kala ko ba mahal nya si luhan eh bakit di man lang sya tumututol sa sinabi ni aaron!?

"You only have two option...One, you will go out of this room and tell him the truth about on airi's secret and then its settled! or Second, the punishment for the one is he may hate you because dahil sayo mawawala lahat ng pinaghirapan nilang kumpanya...and that will be your fault...so ano?"


Sh*t! Ano pa nga ba choice ko! Aish!!! >.<


"I'll just keep my mouth shut..." I bluntly said.

At nag ngiting tagumpay ang dalawa.

"Very well said...marunong ka naman pala sumunod...Thanks kahit papano nabawasan ang galit ko sayo kasi marunong ka magparaya..." Airi said.

"Wala ako sasabihin na kahit ano kay luhan pero lalabas at lalabas ang katotohanan" Sabi ko.

"Our discussion is done so you may leave this room...And remember...I have eyes on you" Aaron said.

"Sandali! Pwede ko ba malaman? Bakit mo tinutulungan si airi?" Tanong ko.

"Let's just say..... Di para kay airi...for myself because gaya ng ibang mga nakaaway ni luhan, I also have grudge on that guy" Kitang kita ko kung panu mamilipit yung mga kamao nya sa galit. Habang tumatagal nakakatakot na sya.

"Juri...umalis ka na" Airi said.

Tinignan ko muna silang dalawa bago ako umalis ng room.

Wala na naman akong nagawa lalo na't nalaman kong niloloko lang ni airi si luhan pero pano nya malalaman kung ni-black mail ako ni aaron?

Ayoko madamay pa sila mr.xi dito dahil sila na yung tumayong second family ko kaya kahit masaktan man ako pero sige....Gagawin ko ang lahat matago lang ang sikreto na yun kay Luhan kahit...it hurts me :((

---------------------------------------

At after ng mga nangyari at nalaman ko kanina ay parang lumayas yung kaluluwa ko sa katawan ko (Ok ako na oa -_- ) Eh kasi naman nakaka-depressed masyado parang daig ko pa yung nalugi eh.

At habang naglalakad ako pabalik sana ng room ko dahil di pa nga tapos klase ko eh diba nagpaalam lang ako na magccr kuno ako? So ayun na nga...I was walking at the corridor when suddenly...


(O_______o)!!!!

Ohmeeyyyyyy!!! Bakit ba ko pinaparusahan ng ganito T.T

May bigla ba namang humatak sakin and nandito kami sa isang tagong kasuluk-sulukan. Yung kanang kamay nya nakatakip sa bibig ko and while the other one was surrounded on my neck well di naman sa sinasakal ako actually gentle nga pagkakahawak sakin eh pero sino ba to?!!!

Di ko sya makita kasi nakatalikod ako sa kanya... when he suddenly spoke...

"I missed you"

*Dug Dug Dug*

Sh*t! Ang boses na yun...to be honest, I missed that voice...

And naramdaman ko yung buhok nya na dumadampi sa leeg ko and late ko narealized na nakapatong pala ulo nya sa shoulder ko eh ang tangkad ba naman kasi...

"Luhan......" I muttered without turning my head on him kasi baka kapag humarap ako sa kanya eh yakapin ko sya ng mahigpit...

"I missed you...kelan ka ba babalik sa trabaho mo ha? Sabi ko naman kasi sayo na kaya ko naman alagaan si airi without leaving me right? Bakit kung kelan seryoso ako sa nararamdaman ko para sayo tsaka ka lumalayo?! And you know? I got worried when I found out that you got sick? Di ako mapakali co'z I really want to go to you and to take care of you but sadly, I don't know where do you stay..." Kahit sweet ang mga sinabi nya eh cold pa din sya.

Kung alam mo lang luhan...matagal ko ng gusto bumalik kahit pa na maging slave mo lang ako ok lang...as long as I'm with you. Gusto ko sana sabihin sayo yung feelings ko pero mukhang di na mangyayare yun dahil baka sa maling galaw ko lang kunin ni aaron lahat sayo... I'm sorry Luhan.

I started to cry...

"Luhan...kalimutan mo na ko isa pa wag ka magsalita ng mga ganyan as if na may pinagsamahan tayo bukod sa pagiging slave at master! Sinabi ko naman sayo diba? Ayoko na..."

Napapikit ako ng bigla nya ko hinarap sa kanya...

"Tell me...do you love me?"

Nahalata nya kaya noon pa na gusto ko sya?


I opened my eyes full of tears but I still pretended to be brave in front of him...


"No"

Tinitigan nya muna ako then he smirked.

"Heh! Oo nga naman bakit ko nga ba natanong sayo yun? Besides you hate me from the day we met right? Aish! How stupid I am..." He brushed his hair and nabigla ako ng sinuntok nya yung pader kaya lalo ako naiyak.

"Luhan...mahal ka ni airi! Bigyan mo sya ng chance na magsimula ulit kayo"

"How could I possibly do that ngayong ikaw na nga mahal ko!?Are you really that numb?"

"Siguro..." I said in a brave front.

"Okay...Its the first! Its the first time that I became like this on a girl...You really has something juri...And maniwala ka man o hindi I love you a lot pero...kung ayaw mo talaga bumalik...juri?" He became soften and I can see that his eyes were getting red na parang ilang minuto lang ay tutulo na luha nya.

"Ha?Ba----!!!"

Nagulat ako ng hawakan nya leeg ko at tsaka nya nilapit yung labi nya sa labi ko.

He's kissing me passionately...and ang katangahan ko lumabas dahil sa di ko na napigilan...

I respond on the kiss.

I can now say na he really loves me nga... Di ko naman talaga ineexpect na magkakagusto sya saken ang bagay na di nya alam ay mahal ko na sya matagal na.

Our kiss were getting deeper and I can now see that he's crying...I hurted him.

He stopped and stared at me...
Habang ako ay umiiyak na talaga...

"I'm sorry for stealing your kiss...I just want to show my feelings towards you pero dahil sa gusto mo ng lumayo ako sayo..ok, I will set you free and Thank you for everything that you did for me because I've learned from you at di ko pinagsisihan na nakilala kita..."
He smiled at me and patted my head then started to make few steps away.

Ang tanga mo din luhan! Di mo ba napapansin sa mga luha ko na nasasaktan ako sa mga sinabi ko sayo! Ikaw ang manhid di ako dahil ginagawa ko tong bagay na to para sayo dahil ayoko dumating ang araw na kamuhian mo ko.
-----------------------------
Third Person's POV

Ilang araw na lumipas after ng huling pag uusap nila juri and luhan. Syempre di pa din maka move on tong si juri kasi nga mahal nya si luhan pero di nya masabi sabi tsaka maipaglaban kasi nga natatakot sya na baka dahil sa kanya eh mawala lahat ng pinaghirapan ng mga magulang ni luhan. Lakas maka black mail nitong si aaron kasi eh kaasar >.<

So ayun back to the story, 6:30pm na at nasa work ngayon si juri at ginagawa nyang busy sarili nya para makalimutan nya si luhan. Goodluck sayo :p

"Haaaayyy juri magpahinga ka naman dyan kanina ka pa nagtatrabaho mukha ka ng losyang! Ikaw na ata pinaka masipag na empleyado dito!" Pabirong sabi ng isa pang katrabaho ni juri na si kc.

"Yaan nyo na ganun talaga pag maganda bwahahah!!" Bumanat naman si juri.

Isang kutos binigay ng kasama nya.

"(T.T) Adik ka ahhh!!! Pag naalog utak ko tignan mo!!!"
Tinawanan lang sya ng mga kasama nya.

*Kling*

May pumasok na customer, alangan (-_-!)

"Welcome to infinity coff--!"
Natigil si juri ng nakita nyang pumasok ang mga iniiwasan nyang tao.

"Oh its juri! I didn't know dito ka pala nagttrabaho"
And that's airi with Luhan.

"Ah eheheh oo ah kunin ko na order nyo" Pilit na pagkasabi ni juri eh kasi naman pasimple syang binibigyan ng nakakabwiset na ngiti ni airi.

Syempre nasa table na sila. Habang si airi ay nakafocus ang mata sa menu eh si juri naman pasimpleng tumitingin kay luhan at si luhan naman eh nakatingin sa kawalan.

'Galit nga talaga sya saken...ni di man lang nya ko tinitignan' she thought.

And nabalik sa ulirat ang kawawang si juri ng biglang nagsalita si airi at with matching hawak pa sa kamay ni luhan.

"Lulu~ My order is cappuccino frappe and I want to taste the strawberry shortcake here balita ko kasi masarap mga cakes dito~~~ how about you lulu??" Malambing na sabi ni airi.

"Just black coffee" Luhan plainly said.

"Ok.. So our orders are 1 black coffee,cappuccino frappe and 1 slice of strawberry shortcake" Airi said.

"Ah uhm...got it! Paki wait nalang"

"Oo naman no! Its alright gano pa katagal as long as luhan is with me" Maamong sabi ni airi at sabay smile kay luhan pero sya naman, dedma nakatingin kasi sa kawalan and samantalang si juri naman plastic na smile lang binigay kay airi pero in her mind...

'Malande! Sinungaling! Baliw! Plastic!'

Backstabber ang peg -_-

Sinulyapan nya ulit si luhan pero this time, tinignan nga sya but yung tingin nya eh halatang may sama talaga ng loob kaya umalis na agad si juri at pumunta na sa counter.

"Kuya ryan! Ikaw na nga gumawa ng order nung nasa table 3 eto ung list oh!" At nahalata sya na di sya mapakali.

"Ui juri ok ka lang ba?"

"Ah opo ok lang ako basta kayo na po magdala nyan ahhh dito nalang ako sa cashier muna" Palusot pa si juri.
.
.
.
.
.
After 20 minutes...

Di pa din kalmado si juri kasi kahit na nagpapaka busy ulit sya eh di nya maiwasan mapatingin sa dalawa and nahahalata na sya ni airi na tingin sya ng tingin sa kanila ni luhan kaya gumagawa sya ng mga actions na alam nyang ikakaselos ni juri.
'Sorry Juri but I really love watching you get jealous' she smirked.

She made an evil idea... Alam nyang nakatingin pa din si juri sa kanila habang nag aayos ng ewan ko kung ano sa counter.

"Lulu~"

"Huh--!"

Nabigla si luhan at kahit si juri na saksi ng hawakan ni airi sa leeg si luhan at tsaka hinalikan sa labi.

'Mga di marunong humanap ng tamang lugar!' Juri thought tsaka sya nagmadaling umalis sa counter at may dala dalang garbage bag, magtatapon daw sa labas kuno.

Kila airi naman...

Luhan slightly pushed her away.

"What were you thinking airi?!"

"I..Im sorry Luhan I'd just felt doing that" Maamong mukha activated! *clap clap* Galing umarte ni airi XD

"Aish! Airi don't do that again!"

"Sorry..."

Hinanap ng mga mata ni luhan si juri pero ni hibla ng buhok nito (Lol! Oa naman) di nya nakita.

'Shit! Did she saw that? Aish!!! This girl really makes me--urgghh!! Stupid me!' He protested on his self.
-----------------------------
Si juri?????

Ayun! Umiiyak sa likuran ng coffee shop.

"MAMAAAAAAA!!!! Umiiwas na nga kooo bakit ba pag todo iwas ko lapit naman sila ng lapit sakeeenn!!! Nananadya ba sila o sadyang pagkakataon lang talaga?? Pero pakingteyp!!! Ang sakit!! Mas masakit pa ata to kesa nung mga panahong may sakit ako nun eh...haaay luhan bakit ba kasi ikaw pa nagustuhan ko? Alam ko naman na masasaktan ako pero tinuloy ko pa din na mahalin ka????? Kyyaaahhh!!! Nakakaasar!!!" At ayun! Ginulo gulo nya na buhok nya kaya yung ibang mga tao na dumadaan dun eh tinitignan sya, nababaliw na daw siguro. Maya maya lang tumulo na mga luha nya.


Matagal ang pinalipas nyang oras bago bumalik ulit sa loob ng shop and after nun napag desisyunan nya ng umuwi tutal, sagad naman yung trabahong ginawa nya kanina.

"Buti nalang umalis na sila kundi nakooo! Pag di ko napigilan sarili ko.......wala lang...haaayyy"

After ng ilang minuto, biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"ANOBAYAN?!!! KUNG MINAMALAS KA NGA NAMAN OH!!!!! Di pa nga ko nakakarating sa sakayan ng bus ehh grrhh!!!" Feeling nya sasabog na utak niya dahil kanina pa sya minamalas.

Pero wala na syang nagawa dahil basang basa na sya kaya hinayaan na nya...patuloy lang sya sa paglalakad papuntang sakayan ng bus ng bigla sya nakakita ng lalaking nakatayo at nakapayong...

"May problema ba si kuya? Bakita nakatayo lang at tsaka parang sakin nakatingin..." Tumingin si juri sa likod nya pero wala namang tao kundi sya lang at dahil dun kinilabutan na sya.

"Nahahallucinate na ba ko? Diba ako magmumukhang baliw nito?"

Mahahalata kang baliw kasi kanina mo pa kinakausap sarili mo, uber na yan!

(-_____-) "Joke ka pa author! Hmph!"

Nevermind! So ayun na nga, lalo syang kinilabutan ng nagsimulang maglakad papalapit sa kanya yung lalaki. Di naman nya makita masyado yung mukha dahil sa ulan at dahil sa takot, tumalikod sya sa lalaki at akmang tatakbo ng biglang...


"JURIIIIIIII!!!!"

Napahinto sya ng marinig nya ang pamilyar na boses.

*Dug Dug Dug*

"Sobra na ata ako nadedepressed kaya pati si kai naririnig ko na"

Di sya makagalaw sa kinatatayuan nya dahil hinihintay nya ang susunod na mangyayare.

"Sana nananaginip lang ako~" She whispered and then suddenly...

*Bump!*

The guy reached her spot and hugged her from behind, nabitawan nya na din yung payong kaya both of them got soaked under the rain.


"I knew it was you" The guy whispered on her ears habang nakayakap sa kanya.

Nagsimula ng bumagsak mga luha ni juri because the truth was...kahit masama loob nya sa taong to eh miss na miss pa din nya.

"Kai..."

After juri said his name, he tightened the hug and says...

"I missed you a lot"

Wala ng nagawa si juri kaya humarap sya kay kai dahil tagal nya ng di nakita ang bestfriend nya.

"Di ko alam kung magagalit ba ko sayo *sniff* kasi umalis ka ng *sniff* walang paalam saken at di ka na nagpaparamdam kaya *sniff* kung anu ano mga negative na bagay mga naiisip ko alam mo ba yon?! *sniff* pero...pero kai... Namiss din kita"

At over hagulgol na si juri at super ngiti naman si kai kasi nga miss nya talaga tong babae na to.

And ayun, nagyakapan ulit ang dalawa under the rain.

"I'm here now... And I will not allow myself to see you cry again" sabi ni kai.

"Ha? Nakikita mo? Eh lakas na nga ng ulan!"

"That's not the only thing I'm talking about.."

Naks! Umieenglish na din si kai ah...mga bida dito kaka nosebleed -3-

"Ano ibig mong sabihin?" Juri got confused.

"Its about him" Kai replied.

Alam nga ni kai about kay juri and luhan diba? Kasi nagkukwento sila minah and kyungsoo sa kanya and sya din yung sinundo nila kyungsoo sa airport at ngayon lang sya nagkalakas ng loob na magpakita kay juri dahil akala nya pagtatabuyan lang sya nito.

-----------------------------

The end of chapter 20 lang naman heheh *bow* (_ _ )
Sana po pa share nung story na to kung bet nyo naman ang story :)

Ok ako na makapal ! Pero salamat ulit sa nagbabasa thank uuuuuuu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top