Chapter 2: My Bestfriend
Juri's Pov
Nandito na ko ngayon sa university at tumatakbo na late na kasi ako ng 20 minutes loko kasi yung bus na sinakyan ko hinto ng hinto eh
Sa International University [a/n: Lol pinag isipan eh no char!] nga pala ako nag aaral scholar pa din and I'm a psychology student At mga korean ang mga friends ko dito sila kasi yung mga unang kumausap sakin nung first day eh...well maya na muna kelangan ko na talaga magmadali as in!
"Sir! Sorry I'm late!!! "
Oops! Nadisturbed ko sya sa gitna ng pagtuturo at lahat sila nakatingin saken.
"Ms.Garcia would you please tell me why do you always comes late in my class?"
"Er...uhmm...*kamot ulo*" Shocks kakahiya lahat ng klasmeyt ko nakatingin saken
"Ugh...anyway...I hope this will be the last because you're always late and did you know that 3 consecutive lates are equivalent to 1 absent?"
"I know sir...I'm sorry...I will try to come early..."
"Don't try it just do it..."
"Ah yes sir!"
"Ok you may now sit...ok I will proceed to our next topic! The Defense mechanism which is blah blah blah blah blah...."
Psh! Buti nalang natapos na yung sermon ugh! So umupo na ko at tumingin ako sa right side ko kasi katabi ko si Kai yung friend ko at tinignan nya lang ako at nag smirked sya.
"Ewan ko sayo hmp!" Sabi ko,ganyan naman yan eh natutuwa sya pag nakkita nya kong sinesermunan ng prof di ko malaman kung bakit sya pa bestfriend ko eh chos! Lab ko yan kahit masungit at mayabang yan!
Later...
*KRIINNNGGG!!!!
*\(^o^)/* Yay! Break time na salamat naman konti nalang kasi makakatulog na ko sa prof na yun eh.
Mamaya pa next class namin mga 12 pa.
"Juri!!! Late ka na naman bruha ka talaga di ka na nagbago ah!" Sabi ni Minah classmate ko din sila ni kyungsoo eh.
"Oo nga eh pasaway ka ah scholar ka pa naman" Kyungsoo.
"Tsk...yaan nyo na eh dinaanan ko lang naman si papa birthday nya kasi ngayon eh"
"Ahh" Minah & Kyungsoo.
"San tayo kakain nagugutom na ko eh" Sabi ko di kasi ako nakapag luto sa apartment eh nagmamadali talaga.
"Ay!may bagong bukas na authentic japanese food resto sa labas ah try natin yun puhleaaseee *Aegyo*" Minah.
"Psh! Papatayin ko nagimbento ng aegyo na yan" Cold na pagkasabi ni Kai.
(¬_¬)
"May sinasabi ka ba Kai?!" Tanong ni Minah habang binibigyan ng pamatay na tingin si Kai.
"Walaaaa...tara na nga gutom na ko!Oy Juri libre mo ko ah late ka eh!" Sabi ni kai sabay tayo at ni-pat ako sa ulo pero nagulo ang hairdoo ko.
"Psh!Ano ba kai!? *Ayos ng buhok* Tsaka anong libre ka dyan? Lagi mo nalang ako pinagtatawanan pag napapagalitan ako ng prof ahetyu!" Sabi ko sabay yakap kay Minah pero syempre arte ko lang yun.
"Drama nito...parehas kayo ni minah eh!"
"Che ka negro!" Inis ni Minah at nagsalubong kilay ni kai bwahahahha katawa XD well... Di naman sya maitim as in parang negro,yung skin color nya kasi di pang korean parang filipino lang...light na kayumanggi ganern! Kaya maitim na yung ganun sa korea hala! Eh panu naman yung mga negro sa middle east anu pa tawag nila dun???
"Ano sabi mo?!Gwapo at Hot naman ako bish please " Agree ako dun gwapo nga si Kai tsaka may abs nakita ko one time nung naglaro sya ng basketball tapos sabay hubad ng tshirt,marami din nagkakagusto sa kanya sa campus mapachinese,korean,japanese,malaysian,siamese etc.
[a/n: Yung International University halo halong mga asian mga nandito di lahat marunong magtagalog nagkataon lang na yun mga nakilala ko eh nakapag aral ng tagalog kaya fluent sila.]
"Hahahah!!!kakatawa magalit si kai amp galing tologo ni minah ow! Hahah"
"Hahaha ewan ko sa inyong tatlo kumain na nga tayo...para kayong mga bata dyan..." Father liked si kyungsoo kapag nagtatalo kaming tatlo eh kahit bestfriend kami ni Kai madalas kaming magkapikunan pero sanay na ko ilang buwan ko na silang close eh.
So ayun nagpunta kami sa bagong bukas na resto at kumain.
(_ _ !) Haaay...wala na agad akong pera.Naiiyak ako pag binubuksan ko yung wallet ko mauubos na bugdet ko for this week T.T ...Itong mga kasama ko kasi porket mayayaman eh lagi nalang sa mga ganito kumakain kung pwede sa karinderya nalang eh kaya lang baka maginarte sila.
Ayan na bayaran na ng kinain,ilalabas ko na yung pera ko ng biglang hinawakan ni Kai yung kamay ko na may hawak ng pera.
(•.•)?
"Itago mo na yan ako ng bahala" Cold nya pa din na pagkakasabi tsaka sya nagbayad so pati yung akin binayaran nya. Di nakita nung dalawa busy kasi sa paguusap ng sarili nilang topic eh.
T.T Sabi ko sa inyo kahit nagaaway kami ni Kai eh lab ko yan eh nakakatouch luh! Drama ko naman...pero kasi alam na nila yung story ng buhay ko kaya alam na nilang mahirap lang ako naintindihan naman nila yun sweet nila no? Pero syempre dahil mag isa nalang ako sa buhay eh namamasukan akong waitress sa isang sosyal na coffee shop oha! Thrice a week nga lang ako namamasukan dun kasi hectic ang schedule pero pwede na sapat na yung kinikita ko sa mga needs ko.
"Ah salamat -3-" Nag act ako na hahalikan ko sya at parang nandiri pa sya.
"Panget mo!"
"Sama mo kai! Hmph!"
"Oi ano yan ah naglalambingan na kayo ngayon???" Pang aasar ni minah.
"Hindi ah...si Kai kasi sinabihan akong panget T.T ang hard!"
"Hahahah..!!!" Tawa naman sila minah and kyungsoo.
"Ano ba tawa kayo ng tawa?" Sigaw ko.
"Eh panu kasi...ang cute nyong mag asaran bagay din pala kayo no? Di naman totoo yun Juri ganun talaga maging sweet si kai ayiieeeee hahah" sabi ni kyungsoo.
Tinginan kami ni Kai tsaka nag irapan.
"Wag nalang hmph!" Sabi ko pero deep inside nakakatuwa lang XD
Maya maya eh bumalik na kami sa school pero mahaba pa break namin eh then humiwalay muna samin sila kyungsoo and minah pupunta lang daw sila sa library ayaw kasi ni kai dun baka daw makatulog lang sya kaya nandito kami ngayon sa field and nakahiga sya sa may bermuda grass sa ilalim ng puno at ako naman eh nagbabasa ng notes.
"Nga pala! Ok na ba kayo ng kuya mo ha?" Tanong ko ang tahimik kasi baka makatulog na naman yan antukin pa naman.
"Hindi...di ka sanay lagi naman kaming ganun nun kulet nito"
"Hmph! Nagtatanong lang eh" Tinigil ko muna yung pagbabasa at ng biglang...
*BOOGGG!*
"Aray!!!!"
Natamaan ako ng bola ng soccer sa ulo at sobrang saket!!!!
"Oi juri ok ka lang ba? Sh*t sino yun?" Napaupo si kai at tsaka hinawakan yung ulo ko.
May lumapit saming isang gwapong lalaki as in gwapo! Koreano din ba to? Pero parang hindi na oo eh.
"Di ka kasi tumitingin eh alam mong may naglalaro" sabi nya. Aba sya na nga may kasalanan sya pa galit!?
"Hoy! Di ka man lang ba hihingi ng sorry dito?Natamaan sa ulo oh!" Sabi ni kai.
"Not just my fault anyway *rolls his eyes*" Sabi ng mayabang na lalaki sabay kuha ng bola at bumalik na sa gitna ng field at naglaro na sila ng mga kasama nya ng soccer.
"Angas nun ah! Masapak nga!" Susugod sana si kai pero hinawakan ko yung kamay nya.
"Wag na! Yaan mo na ok lang naman ako eh baka mamaya ma detention ka pa"
"Sigurado ka?Kahit namumula na yang noo mo?"
O_O! Talaga?! Syet!
"Ah heheh oo ok lang ako" Pero hindi talaga ako ok ang sakit sakit kaya!
Sana makarma yung lalaking yun.
Umalis nalang kami dun baka sa mukha naman ako matamaan eh.
Maya maya lang bumalik na kami sa klase nung 12 na hanggang sa matapos ng 4pm kakadyahe noh?
"Ui guys una na ko sa inyo ah? May lakad pa kasi kami ni eomma eh lamnyo na shopping " At parang tinubuan ng mga flowers sa mukha si minah sa tuwa dahil sa shopping thing na yan ah kainggit T3T
"Geh ingat!!!" Sabi ko at ni kyungsoo at si minah naman ay nag wave samin at sabay binelatan si kai.
"Ah ako din kelangan ko pang pagluto kapatid ko bago dumating eh baka mag usok na naman ilong nun" kyungsoo.
"Geh dude!Bukas nalang" Kai.
"Geh...bye juri"
"Bye kitakits!" At sumakay na ng kotse si Kyungsoo.
"Ui kai...tutal tayo nalang dalawa eh..... *aegyo* " tinuruan ako ni minah nyan eh baka pag ako gumawa umepek kay kai sana ihatid nya ko samin para makatipid di naman ganun kalayuan bahay nya sa apartment ko eh kaya keri lang yun
"Psh! Di bagay sayo wag ka nga gumanyan!" Inis na sabi ni kai,hmph! Sama talaga nito kahit kelan eh.
"Eh sorry na kai...sige na kasi hatid mo na ko puhleaseee"
"Argh!Oo na sige na wag mo lang ulit gagawin yang aegyo na yan kakasuka"
(¬_¬) buti nalang kaibigan ko to kung di kanina ko pa to na-flying kick.
"Salamat!" Sarcastic kong sabi panu ang mean saken eh..
Sumakay na kami sa motor ni kai then hinatid nya na ko sa apartment.
----------------------------------------
Kai's POV
Kauwi ko lang galing sa apartment ni juri nag aaegyo pa para magpahatid eh hahatid ko naman talaga sya tsaka ayoko na ginagawa nya yun baka isang push pa na ganun eh mahulog pa ko sa kanya ang cute nya kasi eh teka,yuck! Ano ba mga naiisip ko?
Kakalabas ko lang ng kwarto ko ngayon kaya naisipan ko ng bumaba nagutom ako eh.Kasama ko nga pala sa bahay ang appa at tsaka yung hyung ko lang na ngayon eh nagtatrabaho sa company ng friend ng appa ko wala na kong mama kasi iniwan na kami nun matagal na.
"Oh buti at naisipan mong lumabas ng kwarto mo? Kakagising mo na naman ba?" Laging mainit dugo sakin ni appa lalo na pag galing trabaho sabay pa sila ng hyung ko.
Di ko nalang pinansin tutal naman wala naman patutunguhan pag nagsalita pa ko mag aaway lang kami nyan.
Mamaya lang eh dumating na si hyung.
"Oh anak andyan ka na pala kumain ka na" Sabi ni appa sa kanya.
"Geh appa...maya nalang busog pa ko eh"
Wow ang sweet ng mag ama -_-
Umakyat si appa tsaka pumasok sa kwarto kaya ako naman eh nakaupo lang sa sofa at nanunuod ng tv at si hyung eh kalalabas lang ng kusina.
"Oi kai! Malapit na magbakasyon ah bakit ngayon di ka pa nag aapply ng kahit part time lang? Ng may magawa ka naman sa bakasyon puro ka pasarap sa bahay eh.. Di porket marami tayong pera tunganga ka na" Konting timpi pa Kai
Di ko nalang pinansin ulit dahil hangga't maaari ayoko talaga makipag talo.
"Yahhh!!!I am talking to you!" Sigaw nya sabay patay ng tv tsk bastos naman nito nanunuod ako eh tsk.
Tinitigan ko lang sya at tsaka ako tumayo.
"Maghahanap ako kung kelan ko gusto! " sabi ko.
"Aba! Kahit kelan talaga ang hilig mo sumagot sa mas nakakatanda sayo ah baka nakakalimutan mo tatlong taon ang tanda ko sayo?" Sabi nya sabay pilipit sa kwelyo ko at tinignan ko lang sya ng walang expression.
*PAAAKK!!! (A/n: watta sound effect xD)
Napaupo ako sa sahig dahil bigla nya nalang akong sinuntok sa mukha kaya syempre tumayo agad ako at nakabawi ako ng isang malakas na suntok sa kanya kaya napaupo din sya kaya lang biglang.....
"KAI!" Napatingin kami parehas ni hyung....si appa...yung mali ko na naman nakita nya psh!
"Ano ba ginagawa nyo ah?! At kai bakit mo kelangang suntukin yung kuya mo?! Kapatid mo yan!" Sigaw sakin at ng tumingin ako kay hyung nag smirked sya pasikreto sabay punas ng dugo sa labi nya.
"Puro nalang kahihiyan binibigay mo sakin kahit kelan!" At dahil sa napuno na ko nasigawan ko sya.
"Wala naman kasi kayong nakikitang iba saken kundi ang mga mali ko lang diba?! Pero sa kanya puro mga tama! Sabagay panu nyo nga ba makikita yung mga ginagawa kong tama kung sya lang pinagtutuunan nyo ng pansin kasi sya kumikita na ng pera samantalang ako estudyante pa lang naman heh! Eh yung pag aaral ko ng mabuti di nyo ba nakikita yun? Di ko naman ginagawa yun para lang sa sarili ko eh langya namang buhay to oh!" Dahil sa inis ko ay lumabas na ko ng bahay tsaka ako sumakay ng motor at narinig ko pa si appa na sinigaw yung pangalan ko pero di ko na pinansin.Makalayas nga muna sa pamamahay na yun nabbwiset lang ako.
Nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo na di naman 100% kaming magkapatid ni jihoon kapatid ko lang sya sa ama dahil anak sya ni appa sa unang asawa,naghiwalay sila nun dahil nagkagusto sya sa eomma ko kaya di kami magkasundo nung lalaking yun eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top