Chapter 14:Surprise/Kilig
Juri's POV
(-____-) zzzZzzzzZz.....*punas laway*
*PANGET GISING NA!!!3x*
O(>_____<)O
Alarm tone ko yun!Aish ang ingay ingay!!!
*Sabay bato ng cellphone*
Napabangon naman ako bigla...
"WAAAHHH!!!CELLPHONE KOOOOO!!!!" Kinuha ko kaagad sa lapag at tsaka hinalik halikan.
"Sorry na wag ka na masira please ikaw naman kasi ang ingay mo eh T.T"
At bigla naman ako napatingin sa orasan...
"OMG!!! 7:30 naaaaaa malalate na koooo!!!! Patay!!! Teka...shemay yung special homework ko!!! Omo!!! Yari ako kay panot!!! Laaaahhhh!!!!" Halos mapraning na ko sa naalala ko 30 questions palang nasagutan ko dun omg singko na ko sa statistics ahuhuhuhu!
And parang biglang may nagsasabi saken na tumingin ako sa table edi tinignan ko...
"Teka bakit napunta dito yung special assignment ko----!Woooaaahhh!!! O_O Totoo ba itoooo?!!! May sagot na lahat!!!???" And bigla ako nakakita ng isang note na nakadikit sa notebook ko.
My Slave,
Next time, be a good student.
Yan ang nakalagay and I suddenly remembered yung mga nangyari kagabi na tinulungan nya ko sa homework ko pero ako tong tamad na tamad kaya tinulugan ko sya tapos...tapos... KYAAAHHHHHH >v<
Kinikilig na naman akoooo!!!naalala ko na hinalikan nya ko sa aking PeS!!!!
"Pero...natapos nya talaga to? Dami nito huh" Di ko alam pero nakaramdam ako ng kilig parang ibang luhan yung kasama ko ngayon sa unit huh! Makapasok na nga mayayari na naman ako eh
-----------------------------------------
Statistics Class na...pero confident ako kasi may mapapakain akong assignment kay sir.calachuchi heh! Kala nya huh!!!
Lecture time kami ngayon...
Focus na focus ako sa ginagawa ko halos ingudngod ko na nga mukha ko sa notebook ko eh pero ahihihihi di naman lecture sinusulat ko,nagdadrawing ako sa likod ng notebook ko tinatamad kasi ako magsulat ng puro numbers eh yaan nyo na
"Ms.Garcia!!!"
"Ay CALACHUCHI!!!Ay! Ye..yes sir?!!!" Omo! Busangot na naman sya eh kasi naman maka garcia wagas eh oh edi pati pagsigaw ko ng calachuchi wagas din! Malamang sinasakal na ko nito sa isip nya!
Narinig ko naman mga nagtawanan mga klasmeyt kong foreigners,geh tawa pa kayo
"Did you do the special homework that I gave to you yesterday? *smirks*"
Pa-smirk smirk pa sya kala nya wala ako assignment ha! Duh! Meron kaya made by my oh so handsome master!!!
"Yes sir! I'm done on it!"
Halata sa kanya na nagulat sya sa sinabi ko hahahha di sya makapaniwala!!!
Kinuha ko sa bag ko yung assignment ko at dahil sa likod pa ko nakaupo eh feel na feel ko paglakad sa gitna papunta kay sir with matching flips hair pa,oh diba ksp lang eh XD
"Heto na sir!!!" Maarte kong pagkasabi at tsaka inabot sa kanya yung assignment ko pero tinaasan muna ako ng kilay bago kunin.
"Ikaw ba talaga nagsagot nito???"
Tinitigan ko sya...
"Hindi ser! Yung ballpen ko!!!" *insert sarcasm*
"Eh kung diretso 5 ka na sa grade?"
"Ikaw naman sir di ka mabiro oh! I'm the one who answered all the equations in there and I put all my efforts and even my sweat and blood!!!" In-english ko talaga para marinig ng lahat mwahahah! Eh proud nga ko diba kasi may assignment ko duh -___-
"EWWWW!!!!!!" Maka eww naman tong mga classmate ko parang nagjojoke lang so naniwala sila sa blood and sweat thingy? Hirap talaga i-deliver ang joke sa ingles my GHAD!
After ng klase ko.....papunta ako sa canteen kasi bibili ng...napkin? Lol! Pagkaen malamang! Eh sila minah may klase pa kaya alone ako ngayon.
*Lakad here
*Lakad there
Napadaan ako sa isang vacant room at nakita ko si...airi??? Na may kausap na lalake teka...si luhan ata...
Lapit lapit din ng konti at phew! Di pala si luhan kasama nya pero sino yan? He looks sooooo familiar pero di ko matandaan but anyway,di ko na problem to makalayas na nga dito!
After ko bumili ng pagkain eh naglakad lakad muna ako kahit san ako dalhin ng aking precious feet!
"WAAATTCCHHH OOUUTT!"
"Huh?" Paglingon ko....
*BOOOGGGSSHHH*
*faints*
----------------------------------------
Third Person's POV
At buti naman nagkamalay na ang bida! Di kasi nya dinidilat mata nya nag eexpect kasi sya ng hahalik sa kanya para magising sya lol! Sleeping beauty ang peg?Kire ni Juri oh!
"Tss...aray!!! Ang sakit ng ulo kooo! Langya naman lagi nalang ako natatamaan ng bola sa ulo oh!"
"Juri!!!"
Ikinagulantang naman nya yung dalawang lalaking sumigaw at lumapit sa kanya with oh so worried face.
"Tao?! Suho?!!! Ba..bakit kayo nanditooo?"
"Bakit? Si Luhan ba ineexpect mo? Ayiieeee!!" Pang aasar ni Tao.
"Ui di ah! Wag na lang!PWEH!" Sabi ni juri na kunwari nasusuka pa pero tumalikod pa sya ng konti sa dalawa para ilabas ang kilig ng banggitin si luhan adik lang?
"Eh teka nga! Nasan ako? Bakit kayo kasama ko?!!"
"Chillax lang...nasa clinic ka ngayon eh ikaw naman kasi sa gitna ka pa talaga ng basketball court naglalakad kaya ayun natamaan ka ng bola namen" Pag eexplain ni suho.
"Ah ganun ba? Heheh sorry...di ko nga alam kung bakit ako napunta dun eh"
At nagtinginan sila tao at suho,napagkakamalan na kasi syang baliw chos!
"Eh asan na pala yung iba nyong friends?" Tanong ni Juri pero wag ka! Gusto nya lang malaman kung nasan si Luhan,nahihiya lang sya magtanong.
"Ah sila Luhan may practice ng soccer eh...ui nga pala nabati mo na ba si sya?" Tanong ni Tao.
"Nabati? Saan?Bakit?Kailan?Paano?"
At nagtawanan naman ang dalawa.
"Seriously? Di mo alam??? Eh magkasama na kayo sa isang unit ni Luhan eh"
"Oo nga eh teka panu nyo nalaman na magkasama kami sa unit????" Nagsimula na namang mapraning si juri kasi nga diba kala nya ang alam nila suho eh girlfriend sya ni Luhan.
"Don't worry...sinabi na samin ni Luhan yung totoo...na di talaga kayo but nag pretend ka lang for some reason" at dahil sa sinabi na yun ni Tao eh nalungkot na naman ang ating bida.
"Oh eh tapos? Ano naman yung sinasabi nyong nabati ko na ba sya? Bakit? Ikakasal na ba sya? Edi pakasaya sya!" Obvious masyado Juri ah
"You're crazy but funny...di yun ang tinutukoy namin...ang ibig namin kasi sabihin eh kung nabati mo na ba sya ngayon kasi today is his birthday" Sabi ni suho.
"Ahhhh sus yun lang pala eh ano ngayon kung birth-----HAAAA?!!!Birthdayyyy nyaaa?!!!! Bakit di ko alam!!!???" Nagulat na naman sila sa reaksyon ni juri parang baliw kasi maglabas ng feelings XD
"Well...di din naman ako magtataka kung di mo alam...kasi actually di naman na sya nagcecelebrate ng bday nya eh...kaya lang kita tinanong kasi kala ko alam mo" Sabi ni suho.
"Eh di nga nagkukwento yun eh! Tsaka bakit di na sya nagcecelebrate?"
"Huling celebrate nya ng bday nya eh 10years old palang sya together with his parents pero after nun,every bday nya eh laging wala ang parents nya kung hindi nasa china eh nasa out of town project...ganun ka busy ang parents ni Luhan kaya di sila nakakapunta sa bday nya kaya simula noon up to now, for him,bday is just an ordinary day at ayaw nyang sine-celebrate kasi malamang malungkot yun" Pagkahaba habang sabi ni suho at si juri naman....
"AAAAHHHH......" At mukhang amazed na amazed sya sa istorya ni suho.
"Ganda ng reply mo juri hahaha pero yaan mo na yun! Ayaw nga din ni luhan na binabati sya eh kahit si airi" sabi ni tao.
"Sus! Arte nya ah ang saya saya nga mag bday ehhh...Kaya pala ganun nalang ugali nung lalaking yun kasi na home alone pala pag bday nya tsk tsk..." Sabi ni juri and bigla sya nakaisip ng oh so bright idea...
*Ting!*
"I have an idea!!! Ui salamat sa inyo haaa... Ah sige ok na ko eh mauna na ko sa inyo byeee!!!!" At nagtatakbo palabas si juri ng clinic. At naiwang nganga yung dalawa pero napangiti din si suho kasi parang alam nya na yung gagawin ni Juri.
"She's so cool!" Na-amazed sya kay juri
Cool ba yun? Baliw yun eh XD
----------------------------------------
Luhan's POV
My soccer practice was done and I'm here now in the locker room to get my things.
*Beep Beep*
"Message from parents huh..." Then I opened it and it says...
'Happy Birthday son,sorry if we're always not in your birthday but don't worry because mama and papa still love you'
From:Mom
[a/n: Nakks! Maka-mom! Sosyaaaalll!!! XD]
Shut up psh!
Its okay,sanay naman na ako na lagi silang wala so I don't celebrate my birthday because its stupid -___- Bakit ko pa icecelebrate kung mag isa lang ako haist!
Then may nagtxt na naman...
From:My Slave
Yup!May contact na ko sa kanya para pag may iuutos ako sa kanya eh I'll just txt her... And so ayun na nga binuksan ko yung message.
'Master!!! Uwi ka na!!!'
Napangiti nalang ako,kung makapag pauwi saken parang friends kami psh!
"Ui Luhan!Bakit ka ngumingiti dyan huh???" Ang chismoso talaga ni sehun.
"Ha? Wala wala yon" I responded.
"Bro! San ka na ngayon?" Tanong ni Lay.
"Uuwi na ko" sabi ko.
"Ayaw mo ba muna mag-pub tayo at least?" Sabi naman ni sehun.
"Nope...I'll just go home"
"Okay... Sige ingat"
And so ayun,sumakay na ko sa kotse ko para umuwi malamang.
After a while....
Nasa condo na ko and papunta sa unit ko and ng binuksan ko na ang pinto...
"Akala ko ba nandito sya? Psh" Its very dark inside,pinauwi uwi ako agad wala naman pala sya medyo naka-drugs lang...
And when I opened the light...
*click*
"HAPPPYYYY BIRTHDAY MASTEEERRR!!!!"
( ^v^ ) <---- sya.
( O.o) <---- ako.
I'm really shocked and naghagis sya ng mga confetti's tsaka nagblow ng horn yung pang new year something like that and may tarpaulin size pang naka insert na happy birthday Luhan but its a hand written. I can't really speak because of what's happening right now...How did she....know my birthday?
---------------------------------------
Juri's POV
Bwahahhahahahah!!! Kakatawa itsura ni Luhan eh uber makanganga dahil sa surprise siguro,galing ko talaga XD
Well....ito yung idea ko kaya umuwi ako ng maaga kanina para makapag prepare in short nag cutting na ko!
Ako lahat nagdecorate ng chubaekek na pang party then nag bake ako ng cake tsaka nagluto ako ng spagetti tapos nagplay ako ng mga songs para maingay naman sa unit panget naman i-celebrate ang birthday ng dalawa na nga kami tapos napaka tahimik pa eh baka naman mabingi kami pareho sa katahimikan hahaha oh diba parang bata lang ang may birthday but yaan nyo na kasi yan lang kinaya ng budget ko eh!
Si Luhan speechless pa din pero nanlaki mga singkit na mata...
"How...how did you know my---"
"Hep hep! Di na importante yun uhmm...let's just say na I got that from a reliable source!!! Kaya halika na just blow your candle na!!! Wag kang umangal kung hindi I'll sapak sapak you!!! Halika na dali!!!" Sabi ko at tsaka ko sya hinatak papunta sa dining area at I carried the cake with the lightning candle on it.
"Oh dali na master! Make a wish na then blow your candle!!!" Pag tong lalaking to kausap ko talaga napapa english akems eh!
Tinignan nya muna ko with I'm-really-confused look tsaka sya nagblow ng cake.
Medyo kaasar to huh! Emotionless na naman mukha pinapahiya ako ehhh hirap kaya magsurprise duhh!!!
"Yehetttt!!! Oh ayan na kumain ka na masteeerrr!!!" Sabi ko tsaka isinerve sa kanya yung cake hahah nauna pa cake sa spagetti eh no eh gusto ko kasi matikman nya lupet ng baking skills ko yaan nyo na
(:
At ayan na kinain nya na omg!!!
(Medyo SPG lol XD)
"Kamusta lasa????" Tanong ko with sooo wide smile on mah peys!
"Its delicious! San mo to binili?"
At nasa mukha nga nyang sarap na sarap sya pero...
(-___-#) Deym! Medyo nakaka BV tong bday celebrant na to ah! Alam nyo yung todo bigay ang energy at concentration ko para lang sumarap yung cake tapos sasabihin lang kung san ko binili???!!! Hampasin ko to ng bolo ni lapu lapu eh!
"Ah ewan ko sayo Luhan! Dami dami mong pangbungad na tanong eh yun pa! Ako kaya nagbake nyan!! Psh! Akin na nga yang cake na yan ako nalang kakain!" Sabi ko sabay agaw ng cake at napatayo naman sya at hinawakan din yung cake.
"Edi sorry ok?! Akin na nga para sakin to diba? Kaya wag mong agawin edi gumawa ka ulet para sayo!" At dahil sa kasungitang sinabi nyang yun eh I gave up. Hinayaan ko nalang sya then kumain ulet sya.
Imbis na mabwiset pa ko eh natuwa ako kasi mukhang gusto nya talaga yung chocolate cake na gawa ko o baka naman gutom lang to? But anyway...soooo kaka touch kasi parang naappreciate nya yung cake!!! Eh yung birthday surprise kaya na ginawa ko na appreciate nya?Malamang hinde kasi nga ayaw nya mag celebrate diba? Huhuhu it hurts lang...medj sayang ang effort!
Ok.I'm getting serious right now...nafifeel ko na sya ghad!
"Uhm...master..." Umupo ako sa bandang tapat nya at ito namang lalaking to kinakausap eh busy sa pagkaen haaayyy gutom nga!
Dedma!
"Ui master!"
Dedma pa din!
Nak ng tokwa naman!
Serious na nga ako eh -_________-!
"Oi Luhan yoohoo!!!"
"What?!"
"Oh ba't galit ka? Eh teka nga... Bakit ang init na naman ng ulo mo? Teka...dahil ba to dun sa tinulugan kita kagabi at ikaw nagtapos nung assignment ko?" Sabi ko at he just shrugged tapos kumain ulet. Omo~nagtatampo ang gwapo T.T
"Uiii sorry naman kasi ano eh...uhm...basta sorry pero isa din to sa dahilan kung bakit ko naisip na isurprise ka" Sabi ko at ayan na nagiging koreanovela na ang peg ko! Napatigil sya sa kinakain nya at tsaka ako tinignan.
"Gusto ko lang naman magthank you dahil sa ginawa mo di na ko binigyan ng singko nung panot na prof na yun at tsaka nalaman ko na bday mo pala ngayon kaya naisip ko isurprise ka kasama na din yung thanksgiving ko sayo...at baka sakali na maisip mo na masaya talaga na mag celebrate ng bday kahit wala ang parents mo...nan...nan...(Shit di ko masabi!!! *lunok laway*)"
"Nan?" Tanong ni Luhan na mukhang naghihintay talaga sa sagot ko.
"Nandito naman ako eh..."
I'm so doom na sa hiya!!! Buhusan nyo nga ako ng mainit na tubig pleaseeee!!! T.T
AWKWARD SILENCE.....ay di pala! May music pala so di pala silence..awkward lang XD
Aish!!!Pretend na wala akong sinabing ganun! Di pwedeng matapos tong gabi na to ng ganito!!!
"Ah Master! Pagkatapos mo kumain dyan lets play a game! Bawal ang KJ bday mo naman kaya dapat game ka!!!" Sabi ko.
At after nga nyang kumain eh hinatak ko na sya sa sala, sa ayaw at sa gusto nya maglalaro kami.
And so ayun,di nga sya kj pero reklamo ng reklamo kesyo pambata kesyo ang corny kesyo ganyan chemenengchuvalu pero ginagawa nya.
"ARAAYYYYY!!!!" Sigaw ko.
Naglalaro lang kami jack n poy at ang loser ay pipingutin sa ilong at dahil sa ako ang natalo piningot nya ilong ko! Sya pa nagrereklamo huh eh ilong ko na nga tong bugbog sa pingot! Tapos ang corny daw pero natutuwa pag talo ako psh! Ang daya kasi!
And after nun,naglaro din kami ng taguan ng gamit at dahil sya taya eh kelangan nyang hanapin yung medyas ko na nakatago lang sa likod ng tv pero uber makahanap tapos si reklamo ne nemen sye...
"Bakit pa kasi kelangang hanapin yung medyas na yun? Tapon ko pa yun eh!" Hahahha pikon na sya sa kakahanap eh puro bibig kasi pinanghahanap eh
And after nyang makita tsaka nya binato sa mukha ko -_-
And after nun naglaro naman kami ng ps3 at tekken nilalaro namin...gamit ko si lili syempre pa girl ako at gamit naman nya si devil jin and kulang nalang eh mag wrestling na kaming dalawa sa pagtatalo pano kasi lagi kami nagta tie asar yung ganun eh...
"Ang daya mo kasi!!!Bakit ba ang lakas lakas ng gamit mo! Palitan mo na nga yang karakter mo!!" Sabi ko habang naka focus pa din sa game.
"Shut up! Ikaw kaya magpalit?Nakakabwisit yung character na pinili mo tapos isang move lang ginagamit mo!" Ah basta bwisit din yung character na gamit nya tsaka sya!
K.O!! I lost T.T
At nakita ko syang nag ngiting tagumpay tapos pinitik pa noo ko then nag smirk.
"You lost! Better luck next time heh!"
Imbis na magalit ako eh parang may kakaiba na naman akong naramdaman...
*dug dug dug* Oh yung puso!!!Uber magpalpitate!!! Pinana ata ni kupido yung heart heart ko!!! So akin lang ganun? Ang unfair!
Di ko alam but I think he's enjoying tonight...sa tingin ko di naman talaga sa ayaw nyang mag celebrate ng bday pero siguro nalulungkot lang syang mag isa pag sumasapit na yung kaarawan nya well sana kahit papano napasaya ko sya kahit konti lang *sign of the cross*
And after naman nung ps3 moment,last naming nilaro yung pinoy henyo at kung sino ang di makahula eh may parusa syempre at bahala na kung anong gustong pagawa ng nanalo.
At dahil sa 3 consecutives na kong talo...nag isip sya ng parusa pero napakatagal magdecide...
"Ui bday boy ano na?! Baka abutin tayo bukas ang tagal mo mag isip! Inom nga muna ko tubig" Pumunta ako sa kitchen tsaka lumaklak ng tubig.
"Hey!!!" Tawag nya mula sa likod ko.
So humarap ako "Ano----!!!!!KYAAAHHHHHH!!!!"
"Bwahahahahhaha!!!!!" Tumawa sya na parang walang bukas.
MAH BEAUTIFUL FACE!!!!IT HAS DIRT NA!!!!I CANNOT!!!OMG!!!I'M DYING!!!MY PRECIOUS FACE OWWWW!!!! (Oa lang ako eh no? Hahahaah Hanudaw?Dinaig ko pa si sisa sa pagkabaliw) Ehem! Pero hmmmm... Ang sarap nga ng chocolate cake na gawa ko huh...pero *super sayan mode* Ang bait bait talaga ng lalaking to eh no?!!! Saktong pagharap ko ba naman eh sakmalin mukha ko with so much chocolate cake on his hand at ang kinalabasan,mas maitim pa ko kay mirabella MYGAS! Puro chocolate mukha ko pero promise ang sarap nga!!!! Anyway,tama na mood swing! Galit ako galit ako galit ako!!! Makaganti nga!
"Yeah right nakakatawa ka!" Sabi ko.
"Hahhaha...you look like a beggar ang itim mo hahah ang panget!"
Kalma juri *inhale exhale*
Then tumalikod sya saken,ako naman napa *evil smile* at dumakot ng sandamakmak na cake.
"Master T.T" Nag iyak iyakan ako para humarap sya.
"W..what?-----!!!!" Pfftttt!!!! Worried pa sya sa What na sabi nya eh then pagharap nya tsaka ko din sya sinakmal with lots of chocolate cake.
"BWAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!DI DIN BAGAY SAYO MAITIM! SANG LUPA KA GUMULONG!!!BWAHAHAHHAHA!!!OOOHHH!!SAKIT NG TYAN KO KAKATAWA SA ITSURA MO!!!BWAHAHAH-----"
Di natuloy tawa ko dahil nilagyan na naman nya ko ng cake sa mukha.
"It more suits you! Hahhaha!!" Ui uber humalakhak si luhan oppa huh! Ang saya nya -___- gaganti ulit ako!
"AARRGGGHHHH!!!HUMANDA KA SAKING LUHAN KA!!!" Kumuha ulit ako sandamakmak na cake at ayun! Hinabol ko sya sa loob ng unit at napaka mapang asar pa nya kasi di ko sya mahabol tapos pinagbabato pa ko unan!
"Ano ba?!pag nadumihan yung unan ikaw paglalabahin ko!!!" Sigaw ko pero nakakaloko pa din ang ngiti nya.
"Yan nga gusto ko eh!Hahahah Get suffer" Tapos bato ulit sya ng unan pero ako naman todo iwas kasi ang dungis ko baka madumihan yung unan ang hirap kaya maglaba puti pa naman ang punda,letsugas kang gwapo ka huh! T.T
Hinahamon talaga ako ng lalaking to huh!
Tumalon ako sa sofa para mas makalapit sa kanya pero epic fail.....
Natalisod ako so pati sya nadamay sa kashungahan ko so that's why,we both fell on the floor pero napaupo lang kasi napasandal sa pader si luhan and pati ako at ang labas....
Our face were soooo closed in each other as in konting tulak nalang sakin mahahalikan ko na sya!At nakahawak sya sa magkabilang arm ko and ako naman nasalo ng chest nya...buti nalang nandyan sya kung hindi baka nauntog ako sa pader ng bongga!
[a/n: Insert song If We Fall In Love By:Yeng Constantino,Eh kasi nga diba may music na naka-play so biglang tumugtog ang kanta na yan okiieee para ma-feel ng ating mga bida.]
Eye to eye contact kami! Shit! Ang gwapo nya sa malapitan!!!Kahit madungis na dahil sa cake pogi pa din Nokkks!!!! (•v•)
At naks! Nakikisabay ang music sa pangyayari ngayon!
And may mas shocking pa pala as in liked this...
(O_____O)!!! Mala kyungsoo ang peg ng laki ng mata ko ng .....
YAKAPIN NYA KOO!!!!!!!!MAH FEELS!!!
His face was top of my shoulder at ako na froze pa din! Yung puso ko! Baka magwala na naman!!!! Omo!!!! Kinikilig na naman akoooooo!!!!
"Lu....Master?" Tanong ko,eh kesi nemen eh eng awkward neng pesesyen nemen!!!
We're sooooooooo closed at nakangudngod na halos mukha ko sa oh so manly chest nya !!!
At bigla syang nagsalita while his head still on my shoulder saying....
"Thank you...this is the happiest birthday of my life" At lalo nyang hinigpit yung pagkayakap saken.
"I really appreciated what you did" Sabi pa nya.
At ako naman...
AQWETRYCNSJK!!!! KINIKILIG AKO!!!DALHIN NYO KO SA OSPITAL PLEASE LANG!!!I CAN'T TAKE THIS ANYMORE!!!!TSAKA PADALA NA DIN AKO SA SALON AT PAGUPITAN NA ANG HAIRDOO KO SA HABA!!!!LUHAN NAKAKABWISIT KA BAKIT ANG LANDI LANDI MO!!!!DINADAMAY MO PA KO KALA MO NAMAN MAHUHULOG AKO SAYO!!!!PWES.......
Tama ka...mahal na nga talaga kita...*Smiles*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top