Chapter 13:OMG!!!
Someone's POV
Tatlong Buwan na nakakalipas simula ng umalis ako sa pilipinas para tanggapin yung trabaho na binigay saken ni uncle na maging model ng mga clothing line and perfume sa sikat nyang agency sa Seoul at ngayon masasabi ko lang na masaya ako sa dahilan na bati na kami ng stepbrother ko pati si appa at proud naman na daw sila saken.
[a/n:Oh ayan! Kilala nyo na siguro kung sino sya huh ayiiieee!!!! me is ssoooo kinikilig!!! O(>v<)O At isipin nyo nalang na 3 months na talaga nakakalipas di ko kasi binibilang mga araw sa story eyyy!]
Tsk! Nagsasalita ako dito may umeepal
nakakasira ng entrance ko eh...
[a/n: Ooppss!! Sarreh! XD]
Ehem! So ayun na nga at dahil ngayon na wala naman ako magawa sa condo ko I decided na mag online nalang sa skype [a/n: uuiii!!! nag aadvertised tsk tsk!] Shaddap author!
baka naka online silang dalawa at malaman ko sa kanila kung kamusta at kung ok ba sya.
*MeissoHandsome online*
"Hmmm...sana kahit sino sa kanila ang naka online! *Cross fingers*"
*KyungKyungMyLabs4Layp is online*
Yun oh! Naka online din sya.
"Psst!!! Panget!" Bungad ko sa message di kasi ako pwede mag invite ng video call kasi nasira webcam ko !
"Panget mo your face! Negro!" Hahaha pikon talaga ng babaeng to kahit kailan manang mana sa kaibigan.
"Hahaha lol! Nangangamusta lang ako! Nga pala congrats ha?! Ngayon ko lang kasi nalaman na kayo na pala ni kyungsoo nakachat ko kasi sya nung isang linggo" Sabi ko ay hindi pala....tinype ko.
"Hahahah thanks one month and half na din kami nung mokong na yun eh ikaw kamusta ka naman dyan?"
"Maayos naman maganda naman trabaho ko dito laki nga ng sahod ng pagiging model sa agency ni uncle eh gwapo kasi ng pamangkin *smirks*" Hahah mabbwiset na naman to panigurado!
Sent!
.
.
.
.
.
"Ay! Inaantok na ko goodnight!!!!"
Bastos din to kausap eh!
"Pikon mo eh no?! Nagbibiro lang kahit totoo naman"
"Nyenye! Oo na sige na ikaw na! Teka nga maiba ako.....may balak ka pa ba umuwi dito? Kasi sabi mo dati diba na baka hindi na?"
Napaisip tuloy ako bigla...kaya ko lang naman nasabi yun noon dahil sa ayoko na bumalik sa bahay pero ngayong okay na kami nila appa pwede ako umuwi tutal sila din naman nagsabi na umuwi ako paminsan minsan kahit bisita lang.
"Ui! Tagal mo magreply!!!" Ay high blood agad tong si minah eh.
Typing........
"Babalik ako! Pero di ko lang alam kung kelan pero sa tingin ko malapit na" sabi ko at lumapad ang ngiti sa mga labi ko ng maalala ko sya,ang tinuturing akong bestfriend pero higit pa dun ang turing ko sa kanya.
"Talaga?!!! Naku nakakatuwa haaa!! Pakain ka ha gusto ko makita yung gwapong sinasabi mo "
"Hahaha oo mas gwapo ako ngayon XD nga pala,kamusta na sya? Galit pa din ba sya saken? Sinabi nyo naman siguro sa kanya yung totoong dahilan ko kung bakit ako di nagpaalam sa kanya diba?"
"Wait! Easy lang dude!!! Uhmmm...ok naman sya actually may malaking pagbabago nga ang nangyari sa kanya ngayon eh after din nung umalis ka at tsaka parang masama pa din loob nya sayo kasi iwas sya kapag ikaw na pinaguusapan pero kapag nakita ka naman nya ulit for sure mawawala na inis sayo nun!"
Nakaramdam din ako ng lungkot ayoko lang kasi talaga sya makitang umiyak habang papalayo na ko sa kanya kaya mas minabuti kong di na sabihin. Tanga ko din eh!
"Eh ano naman yung malaki nyang pagbabago?"
Sent.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tagal naman ng reply
.
.
.
.
.
.
.
"Ui ano na! Nakatulog ka na ba dyan? Adik ka ba?"
"Che! Di ako adik no! Kay kyungsoo lang ihhh!!!! Hihihi ehem! Eto na ! Si juri kasi..... Nagiging malapit na sila ni luhan yung hearthrob sa school naten! Kilala mo yon for sure!"
Parang bigla ako nakaramdam ng tumusok sa puso ko iba na kasi agad ang dating saken nung pagkakasabi ni minah eh parang nagkakamabutihan sila pero pano nangyare yun?
"Oo kilala ko yon angas nun eh! Pero pano nangyari yon? Eh ayaw ni juri dun ah"
"Basta super long story and related dito yung connection ni juri sa parents ni luhan tsaka sa papa nya kaya naging malapit sila pero actually mas madalas sila magtalo basta alamin mo kay juri mismo pag nagkita kayo tsaka para makahingi ka ng sorry! Ikaw naman kasi eh... Pero ok lang yan may pag asa ka pa! Wala pa naman sya gusto kay luhan!.......siguro"
"Oo alam ko may kasalanan ako...basta bahala na! Nawala lang ako sa tabi nya nabulag na sya" Tinayp ko yun ng medyo madiin sa keyboard nababadtrip ako eh.
"Ayiiieee selos sya!!! Oh sya basta pag umuwi ka dito mag sorry ka tsaka kahit anong nakaka touch na message para di sya magalit pa sayo...tsaka pasalubong ha? Size 6 ako tenkyuuuuu "
"Hhehehe sira ka talaga oo na sige na! Matulog ka na nga gabi na din dito eh geh na!" Sabi ko sa chat.
"Okiiieee babush! Miss ka na namen lalo na sya for sure mwahahahha XD ok byyeeee!!!!!"
*KyungKyungMyLabS4Layp is now offline*
Kelangan ko na ba talaga bumalik sa pilipinas bago pa ko mahuli? Di ko pa naaamin ang totoo kong nararamdaman para sa kanya. Shit na buhay to! Panira tong LUhan na to eh tss...
----------------------------------------
Airi's POV
Grrrrrhhh!!!!! Nasan na ba yung aaron na yun?!!! He's dead meat!!!
Kanina ko pa sya hinahanap sa campus but he's not existing. Where did that guy hell go?! Umabsent pa ata kasi alam nyang sasamaan sya saken eh grrrhhh!!! Kainis talaga
"Hey!" Sabi ng isang nakakairitang boses sabay tap pa sa balikat ko and so I faced at him.
"Buti at naisipan mong magpakita!!! I'm looking for you! Mag usap nga tayo!!!" Sabi ko at hinatak ko sya sa kamay nya and dinala ko sya sa lugar ng campus kung san kami lang ang nandun and luckily meron naman.
"What are we doing here? Wait do you want a part 2? Like what we did last last night?" He said in a seducing tone.
"So may nangyare nga satin???!!!!" Shit!!! Please catch me I'm going to faint! Its not happening!!!!! Di pwede!!!
Then he suddenly giggled.
"Ano nakakatawa?! Palibhasa sayo walang nawala ha?! Stupid you!!! I curse you aaron!!!"
Sabi ko habang pinaghahampas yung chest nya.
"Hey stop!!! I'm just joking ok?! Just calm down"
So I calmed. Bwisit eh!
"You were the one who kissed me first and because you're very desperate that time,I respond! Don't worry walang inter-action na nangyari between us ok? So nothing to hallucinate about"
Is that true? Ako ang unang humalik sa kanyaaaa? Baka nung time na yun si Luhan nasa isip ko?
"So sinamantala mo naman!? Kainis ka pa dinnn!!!"
"Heheh why? You also enjoyed that time didn't you? Don't worry I didn't got disappointed on your body *smirks*"
(O_o!) So he saw me naked???!!!
Inunahan nya pa si luhan?!!! Nakakainis sya!!! He's soooo pervert!!!
"Oh one more thing! If you want to get luhan away from that girl,I'll really help you just call me *evil smile*" He said and started to walked away, Geez... He's so mysterious,he's like an angel from outside but devil in inside who is he ba talaga? But I guess he can really help me so I'll go on it. >:)
Be ready in the consequence for competing with me,Juri *Flips Hair*
Evil laugh
"Mwahahahahahahah *cough *cough *cough ahaha ehem...I'll need to go na pala I'm 20 minutes late in my class *coughing while running*"
[a/n: Adik ng antagonist masyado kasing mahangin ayan! Pati pollution nasagap XD]
-----------------------------------------
Juri's POV
HI!!!!! I'm baek!!! At eto ako Basang basa sa ulaaaannn~~~ De joke lang,eto ako back to normal na buhay ewan ko nga bakit parang ang saya saya ko pa kasi nakabalik na ko sa trabaho kay luhan eh kasi naman pinilit nya ko bumalik namiss siguro ako ayiiieeee me is sooooooo kinikilig tapos may mga times na ang bait bait nya saken pero mas madaeng times na masama sya saken =____= pero ok lang kilig pa din ako waaaahhhhh lande ko talaga ako na siguro pinaka maharot na julalay sa pilipinas---
*PLOKK*
"Aray! Sino nagbato ng whiteboard eraser saken haaa?!!!" Sigaw ko.
"Ms. Garcia! You're not listening in my class!!!!!!"
Ooppss! Si sir pala nagbato pero sana diba tinawag muna ako bago ako batuhin para nakaiwas naman akems...
Nakalimutan ko nasa discussion pala ako ngayon,paktay!
"Ah eh sir sorry pooooooo" (chichay tone)
"Stand up!!!" Mainit na ulo ni sir.
Tayo naman ako agad.
"Summarize the lesson that I have discussed for today"
(O.o) Putspa! Is he joking me??? Buong 2 hrs nga lumilipad utak ko dahil sa luhan na yon tsk tsk malas talaga sya sa pag aaral ko
"Ms. Garcia! Did you heard what I said???"
"Ah yes sir!"
"Ok then summarize it on your classmates"
Tumingin ako sa kanilang lahat,iba iba mga expression nila like yung iba mga naghihintay ng sagot ko then yung ibang babae nag eevil smile pa tapyasin ko mga bibig nila eh and then yung iba mukhang mga natatae na nasusuka na ewan! Di ko maintindihan!
Napaka tahimik nabibingi ako...
"We are waiting for your answer!"
Shit!!! So embarrassing
Bahala na nga si batman...
"The lesson that you taught to us were all about Standard Deviation,thats all sir!" Sabi ko with halong proud pa.Eh yun lang kasi narinig ko sa buong 2 hours eh yun daw title sa topic namen ngayon hihihi
Lahat sila NGANGA! Except kay sir na nagsalubong kilay and yung bibig nya nakasara kasi nanggigil na naaasar omay!!!!
Takip tenga na ako!!!
"GO TO DETENTION ROOM AND WAIT FOR ME THERE NOW!!!!!!!!!AISH!!! YOU'RE GIVING ME HEADACHE!!!" Sabay turo sa pinto.
---------------------------------------
Haaaayyyy.... 1hr na ko naghihintay dito para lang sa panot na prof na yun ah! Punishment daw! Ano feeling nya special sya!!!!? Naku yoko lang mawala scholarship ko dahil lang sa eklabung statistics na yan eii hate na hate ko pati yung physics sya din kasi prof ko dun kaya ayun hate din nya ko psh! Pero buti nalang di ko kaklase sila minah sa statistic kundi baka binatukan na ko ng magjowa na yun haaayyy....
Lima kami sa room tatlong lalaki at dalawa kaming babae at nakakatakot sila kasama para ako nasa mental!
Bakit?
Kasi naman yung isang lalaking mukhang rakista na persian siguro eh kanina pa ko kinakausap pero di ko pinapansin ang baho kasi eh di nga ko humihinga
"Yow beybe! You wanna make lOve to me in mah house leytah?" Arabic english accent nya and binigyan ko sya ng ewwwww na tingin tsaka ako lumipat ng upuan.
"Why beybe?! Hate me?! No no!! Thats bhad bhad!!! You! Me! In bed now!!! *smirks*"
Leshe! Tigilan mo ko ambaho mo kaya! Duh *flips hair*
Yung isang lalaki naman na mukhang normal naman itsura pero mukha syang chinese din at nasa sulok and oh my! Kinakausap yung pader at tumatawa pa tapos magiging sad tapos tatawa ulet and it was like soooo baliw!
Tapos yung isa namang lalaking mukhang pilipino pero tingin ko isa syang malaysian,ayun! Bagsak ulo sa desk at uber makahilik wagas! Tulo pa laway psh! Turn off!!!
Eh etong girl kaya? Japanese ata to...mukha naman ok sya kasi nagbabasa lang sya ng libro tsaka ang amo ng mukha eh mabait to siguro,machika nga!
"Uhm...Hi! I'm juri!" Napaka ganda kong bati with matching wide smile pa and lahad pa ng kamay ko sa kanya para makipag shake hands.
Tinitigan ako ng masama....
"YURUSAI!!! ANATA WA BUSU DESU! DAIKIRAI!!!! SHOOOO!!!!!!!"
[Shut up! You're ugly! I don't like you! Shoo!]
*Speechless* (O___O)
Luh! Ano kasalanan ko dito? Kahit di ko sya maintindihan pero alam kong panglalait sinabi saken at maka-shoo saken ano ako aso?!!! Tungnu!
"Ah ewan ko sayo!!!" Sigaw ko pero inirapan lang ako. Lumipat ulit ako upuan psh! Imbyerna naman mga kasama ko dito sa loob! -_____-
At napatingin ako sa bintana at nakita ko ang oh so handsome na amo ko pero nginitian lang ako ng nakakaasar tsaka umalis!
"Luh! Nakita nya siguro yung nangyari ditoo?!! Nubeyen pahiya akoooo eh kasalanan naman nya to eh dahil sa ayaw nyang umalis sa aking isipan ayan! Binigyan tuloy ako ng parusa daw ni sir at ano naman kaya papagawa saken ng panot na prof na yon?!!!" Pagdedeliryo ko lol!
"SINONG PANOT?!"
UMAYGAD!!! Nasa room na pala si Sir.Calachuchi at busangot ang mukha! Oo yan talaga surname nya wag kayo tatawa putek! Baka matawa din ako bigla sa harap nya baka i-taekwondo na ko nito XD
"Ah eh sya po sir!" Sabi ko sabay turo dun sa haponesang makasigaw sa maganda kong feslak kanina and di nya ko naintindihan for sure mehehehe >:)
"NANI SORE?!!!" Sigaw na naman nya!
[What's that?]
"Nothing! I said you looks like an unggoy nakalaklak with gluta version!" Sabi ko sabay hagalpak ng tawa at mukhang naasar sya kahit di nya ko nagets. Lahat naman ng nandun natigil at nakatingin saken.
"Sensei! Ano hito wa hanashite koto?" Inis na tanong ng babae kay sir calachuchi habang hagalpak pa din ako sa tawa eh kasi naman ang liit liit ng mata tapos ang lapad ng bibig tapos nakakunot pa noo tapos wala namang kilay at napaka putla pa bwahahahahahahhaha!!!! Pagpasensyahan nyo na bumabawi lang shet! Bwahahahahha!!!
[Sir! What is she talking about?!]Yan yung translation sa taas.
"Ah eh...don't mind her" sabi ni sir.
"BWAHAHAHAH!!!UNGGOY!!!AHAHAHA---"
*PLOKK!*
"Aruy! T.T" Putspa! Binato na naman ako ng eraser ni panot! Sapul pa sa mukha!
"Shut your mouth Ms.Garcia!"
"BWAHAHAHAHAHHAHAHA!!!!!!" Tawa naman ng mga abnormal na kasama ko sa loob at mas nangingibabaw yung tawa nung haponesang ewan. T.T huhuhu mga bully!
----------------------------------------
10:30pm
Subsob mukha sa study table then biglang....
"Huhuhu di ko na kaya I'm soooooo tayrd na!!!!" \(TOT)/
8:30 Kasi kami pinauwi ng calachuchi na yun kasi nag discuss pa amputek! Tapos binigyan ako ng reward dahil daw binigyan ko sya ng pasakit sa buong araw! Drama lang eh!
Binigyan lang naman ako ng 150 equations na sasagutan ko about dun sa standard deviation chuchu kanina eh dahil sa madae pa kong kaartehang ginawa ayan! 20 palang nagagawa ko eh kelangan ko ng mapasa bukas kung hindi.....5 grade ko!!!!! Lulubels talaga!!!!!! Inaantok na koooooo!!!! At etong magaling na Luhan aba! Wala pa din gumala pa ata di man lang naisip na may dilag na naghihintay sa kanyang pagdating!!!
Asawa lang ang peg? Lol!
"Aish! Yoko na!!! Serious na ko promise tatapusin ko na to!!!!" At sinubsob ko ulit mukha ko sa study table tsaka nagaadd minus,multiply,divide lahat na!
After 10 minutes....
"Yoko na talaga ang *HIKAB* Sakit na ng ulo ko,mata *HIKAB* ko pati puso ko!!!!!"
"Naka-Drugs ka ba?"
"Ay Kalabasa!!!! Wooohhh?! Andyan ka na pala!!!" Nagulat ako pano bigla ba namang sumulpot sa harap ko tong poging si Luhan at binigyan ko sya ng isang nanlilisik na tingin at nag smirked sya.
"Bakit ganyan ka makatingin saken? Heh! Nirarape mo na ba ko sa isip mo?"
Naku! Yun dapat ginagawa ko ngayon pero dahil sayo eh nagkanda malas malas ako ngayong araw na to! Bakit ba kasi hilig mong tumambay sa utak at....puso ko?! Ayiiieee!! Yoko na kilig mats ako XD
"Asar ako sayo! Umalis ka nga sa harap ko di ako makapag concentrate sa mga problemang to!!!" Sabi ko at nag continue sa pagsagot.
"Arte mo psh! Oh heto! Dinalhan kita ng cupcakes!"
"Huh?!"
Paglingon ko sa kanya sabay bato ng maliit na box at lumanding sa mukha ko,Medyo Bastos
"Wow!Cupcakes!!!Binili mo to para sakennn?!!! (^∇^)"
"Hinde! Pinulot ko lang yan sa basurahan and I've decided na pakain sayo!Psh!"
(−_−;)Sipain ko tong lalaking to eh! But anyway alam kong joke nya lang yon!! Kaya happy pa din ako ayiiieee!
"Che! Anyway! Thank you Luhan ay! Master!!! (-3-)"
At iniwas nya agad tingin nya saken.
"Kainin mo na nga yan baka magbago pa isip ko and bawiin ko pa!"
"Ok "
And so kumain na ko and oh napaka sarap!!!!
At etong lalaking to late ko narealized na nakatingin saken.
"Ah gusto mo master?"
"No...teka ano ginagawa mo? Di ka pa din mukhang matalino ng lagay na yan" sabi nya at tinignan nya yung mga questionaire.
"Ohh statistics huh! Piece of Cake" Wow! Yabang!
"Piece of cake?!!! Yan?!!! Eh tulungan mo ko master sige na puhleeeaaassseee kelangan ko matapos agad yan eh bwisit kasi yung panot na calachuchi na yun grabe ako bigyan ng parusa porket sinabi ko lang na parang unggoy yung hapon na kasama ko sa room kanina" Kung magsumbong ako sa kanya kala mo ako yung batang inagawan ng candy eh.
"What?! Bwahahahahha!!! You're crazy right?" Walang kwentang ina! Chos!
"Oo na tawa ka pa psh!"
At binigyan nya ko ng gentle smile after nyang humalakhak tsaka pinat yung head ko.
"Don't worry I'll help you"
Omo~ Ang gwapo mo luhan!!!!
"Really?*Teary eyes* salamat master you saved me!!!" Yiiieee!!! Sa sobrang tuwa ko yayakapin ko na dapat sya pero bigla nyang tinulak yung mukha ko para di matuloy pagyakap ko.
"I'll just take a bath" Tsaka sya pumasok sa kwarto nya.
"Tssk! Sayang makaka chansing na ko ehhhh!!! *Kilig* pero ang sweet nya this days....I'm dying!!!!*Kagat cupcake*"
-----------------------------------------
Luhan's POV
Almost 1 hour ko ng ineexplain sa kanya yung standard deviation na topic nila kanina pero parang laging lumilipad isip ng babaeng to scholar ba talaga to?
"Oi oi!!!Makinig ka nga don't you know that its hard to teach here when you're not listening???" Sabi ko sabay palo ng notebook sa ulo nya.
"Aray!!! Pang limang palo na yan ah!!! Pasalamat ka tinuturuan mo ko kung hindi eh gagantihan kita eh!"
"Makinig ka kasi stupid!" Haaaiisssttt!
"Ok ok sorry na...sige na PO CONTINUE na....Makikinig na ko promise!"
I just rolled my eyes then I continued on what I'm saying...
"And the value of S in the formula means blah blah blah" Sabi ko and bigla nalang ako natigilan when I looked at her.
( ¬_¬ ) <--- Me.
( ̄ ρ ̄) ..zzZZ <--- Sya.
Tinulugan ako ang saya diba??? Psh! 30 palang nasasagutan nya haaaayyy pasaway talaga tong babaeng to pero I guess I should let her sleep because its obvious that she's tired.
I carried her papunta sa kwarto nya and laid her down on the bed then,I covered her with a blanket.
*Snores Snores*
Napangiti ako kasi naman parang lalaki lang makahilik dinaig pa ko at I found out myself na tinititigan ko na pala mukha nya. To be honest she's pretty may sapak nga lang kung minsan but napaka-interesting nya,its been weeks since I felt this kind of irrational feelings towards on this girl.She has something that I want to know more Aish!!! Gulo ko eh but one thing for sure,like what sehun said to me before,she's one of a kind.
I leaned closer to her and kissed her cheek.
"Goodnight" I said tsaka na ko lumabas ng kwarto nya.
----------------------------------------
Third Person's POV
Ang di alam ng ating gwapong leading man (>v<) Nokks! eh gising pa ang malanding bida XD Di naman kasi sya tulog eh nagpepretend lang para makalusot kay Luhan.
Minulat nya mga mata nya.
Like this....
(-_____-)
(-_____O)
(O_____O)!!!!!
"Totoo ba yung nangyare?????!!!!" Tanong nya sa sarili nya kasi kala nya nakatulog na talaga sya kaya nanaginip sya but no no!!!
(//O__O//)> Hinawakan nya yung pisngi nya at nag iinit pa sa pula.
"KKKYYAAAAHHHHH!!!!!"
☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆ and so ayun,nagtatatalon na sya sa kama nya sa kilig.
"MY GAS!!!! BAKIT GINAWA NI LUHAN YON!!OH MY VIRGIN FACE!!!! PERO...PERO...KYAAAHHH!!! KINIKILIG PA DIN AKO!!! Kala ko pa naman kasi babatukan nya ulit ako kanina eh binuhat na nga ko tapos with matching kiss pa shemay!!! Di ako makakatulog nitoooo!!!!!!" At ayun sinisigaw nya sa kwarto pero di masyado malakas kasi baka i-flying kick sya ni luhan pag nalamang di naman pala sya tulog sayang yung sweetness nya kanina tsk! Lol! XD
"OMG TALAGA!!!Kinikilig ako!!!" At humirit pa ulet ng sigaw sabay bato ng unan sa kawalan.
Pagpasensyahan na po kung adik ang bida well...normal naman siguro yang ganyan kapag kinikilig eh OA lang talaga si juri ohohoho!!!
"Oi author manahimik ka nga dyan! Basta ako kinikiliiiiiiggg!!!"
Owkey....*sighs*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top