Ultimate Glimpse

"CHESKA? Sabay na tayo ha?" alok ng isang pamilyar na boses kay Cheska na siyang abala sa pag-aayos ng sariling gamit para pumunta sa kanyang huling destinasyon bago umuwi.

Habang abala sa ginagawa, tumingin si Cheska sa paligid hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa kaibigang naghihintay mula sa pintuan. "Sige, total parehas lang din naman tayo ng daang tatahakin." pagpayag nito na nagpangiti sa lalaki.

"Nga pala, after your work may pupuntahan ka pa bang iba Ches?" tanong ng kanyang kaibigan matapos ang ilang segundong katahimikan. Kanina pa nagsialisan ang kanilang mga kaklase kaya silang dalawa na lamang ngayon ang natitira sa apat na sulok na room. Kaya naman malaya silang nakakapag-usap 'di tulad tuwing may klase na bibihira na lamang kung sila' y magkaroon ng tyansa upang magkakwentuhan.

"Wala na, I'm planning na umuwi sana ng maaga sa bahay." sagot nito pagkatapos ay isinabit sa balikat ang bag na hawak at naglakad palapit sa kaibigang kanina pa nakatitig sa kaniya. "May problema ba, Khen?" tanong ni Cheska sa kaibigang nasa malayo ang isipan.

Mabilis na umiling si Khen bilang sagot. "Wala. Dapat nga ako 'yong magtatanong e. Ayos ka lang ba, Ches?" he asked with his concerned voice visible. His black piercing eyes infiltrating her golden brown eyes.

Napaiwas ng tingin si Cheska mula sa mapanuring mata ng kaibigan. She can't stand his captivating eyes. It's like his reading through her soul. Watching and knowing what her thoughts are. Instead of answering him truly, she unconsciously answered the words, "Okay lang..." na para bang nakasanayan.

Hearing her answer she's okay even though it's obvious she's not, he sighed at naisipang mauna nalang maglakad. "Alam mo namang nandito ako 'di ba? You can count on me, Ches." he whispered.

Alam ko, kaya nga ayaw kong dumepende sa 'yo...

Pero imbes na sabihin niya iyon ay ngumiti na lamang siya' t sumabay sa paglalakad nito.

"Ches. Ano...paunahan tayo sa entrance?" biglang suhestiyon ni Khen na may halong balak para sa kaibigang nasa kanyang tabi.

"Ha?" kunwaring tanong ni Cheska kay Khen na uulitin na sana ang suhestiyon nang bigla itong tumakbo ng mabilis. Leaving him standing there with a shocked expression on his face and with a hint of contentment.

Finally, I can see her smile...

"O Cheska? Anong nangyari sa iyo at nagmamadali ka? Hoy iha! Maghinay ka' t baka mabangga ka!" halos atakehin na sigaw ni Kuya Ron, ang gwardya sa eskwelahang pinapasukan ng dalawang magkaibigan.

Mukhang stress dahil sa nangyari ilang sandali lamang, umupo saglit si Kuya Ron, nang biglang may dumaan na lalaking tumatakbo sa kanyang harapan na siya na namang nagpagulat sa kanya. Nang tingnan niya ito' y namukhaan niya agad si Khen, ang nag-iisang kaibigan ni Cheska na nagmamadali palabas at para bang may hinahanap. "Hoy, isa ka pang bata ka! Khen!" sigaw nito na hindi na narinig ng binata.

"Hay nako, mga batang 'yon nga naman..." problemadong usal ni Kuya Ron habang hinihilot ang sentido. Pakiramdam niya' y pinagtripan siya ng dalawa, kung 'di nga lang niya kilala ang mga ito.

"ATE Cass? Ako na po ang papalit." sabi ni Cheska sa babaeng abala sa pagkokompyut ng mga bilihin.

"Salamat Cheska at dumating ka! Kanina pa tumatawag ang mga anak ko pero 'di ko naman maiwan ang tindahan. Naku! Mabuti nalang at nandito ka na. Hulog ka talaga ng langit!" masiglang pagsalubong ni Cass kay Cheska na siyang kakapasok lamang. Suot pa rin nito ang school uniform, indikasyong kagagaling nito sa eskwelahan.

Isa si Cass sa mga empleyado sa pinagtatrabahuan na convenience store ni Cheska. Dahil sa madaling malapitan at maaasahang ugali ni Cheska naging close sila pati na rin ng may ari ng tindahan. Hanggang sa dumating ang araw na sa kanila na inaasa at pinapabantay ang tindahan tuwing may lakad ang mismong may ari.

"Ate naman, 'wag naman kayong magbiro ng ganyan 'di ko naman pababayaan ang tindahan ano." natatawang sabi ni Cheska habang abala sa pagtanggap ng mga pinamili.

"Talaga ha? O sya' t mauna na 'ko sa 'yo. Ikaw na muna ang bahala dito at sandali nalang ay dadating na si Aling Elena. Pakisabi nalang na nauna na 'ko."

"Sige po, ate Cass. Ingat po kayo sa daan pauwi! Paki-hi nalang po ako kay Cian." pagpaalam ni Cheska na sinagot ng ngiti ng huli.

Habang pinapanood ni Cheska si Cass na umalis hanggang sa nawala sa kanyang paningin. Isang masayang ngiti ang umukit sa mga labi ni Cheska.

How lucky I am na magkaroon ng kaibigan na katulad nila...

They may not know each other for so long, but having this feeling of belongingness...makes everything at ease. When her mind suddenly drifted to her childhood best friend, si Khen na kanina pa niya hindi nakikita simula ng maisipan niyang unahan ito sa binabalak.

'Di kaya nagtampo siya? Puntahan ko kaya sa kanila?

Sighing to herself, she washed her thoughts away. Then she greeted the customer with a smile and continued to spend her work like usual.

"Hi po! Welcome to— Aling Elena? Ginabi po kayo?" tanong ni Cheska pagkatapos magmano at makuha ang ilan sa mga gamit na dala ng ginang.

"Marami lang inasikaso 'nak." sagot nito ng biglang may maalala. "Nga pala, anong nangyari kay Khen at nandoon sa labas, mukha pang may pinagtatampuhan. Nag-away na naman ba kayo ha, Cheska?"

"P-po!?" gulat na reaksyon ni Cheska nang malaman na ang kaibigang kanina lamang ay kaniyang iniisip, nasa malapit lang pala. Bakit hindi siya pumasok?

"Kayo talagang dalawa! Naku!" para bang nanggigigil na sabi ni Aling Elena. "Bakit ba palagi nalang kayong nagtatago at nagsisinungaling sa inyong mga sarili? Hindi ba pwedeng gawin niyo ang gusto niyo' t sabay niyo nalang alamin ang mangyayari?" mataas na litanya nitong pawa ba' y may pinaghuhugutan.

Cheska can feel na may nais ipahiwatig ang ginang, pero sadyang mahina ang pagproseso ng kaniyang utak sa mga sandaling iyon. Aling Elena knows it too, kaya naman 'di nito maiwasang mapabuntong-hininga. "Pagod lang ata ako kaya marami akong nasabi, 'nak. Kaya kalimutan mo na muna ang aking mga nasabi' t tulungan mo ako dito' t magsasarado na tayo. Gabi na at siguradong hinahanap ka na sa inyo."

Sa kabila ng sinabi ni Aling Elena' y 'di pa rin gumagalaw sa kinatatayuan si Cheska. Seeing her lost in her thoughts just by those words she said, Aling Elena shakes his head in disapproval. "Cheska?Iha?"

"A-ah!S-sige po!"

"MAUNA na po ako sa inyo, Aling Elena! Bukas po ulit!" pagpaalam ni Cheska matapos magawa lahat ng trabaho.

Napangiti si Aling Elena mula sa narinig dahil talagang walang pinagbabago si Cheska. Hanggang ngayon ay maaasahan at napakabait na bata, kaso nga lang ay mahilig pa ring sarilihin lahat ng problema. "Ingat ka 'nak!"

"Opo!"

Habang naglalakad mag-isa pauwi hindi maiwasang isipin ni Cheska ang sinabi ng ginang. Hanggang sa ngayon ay 'di pa rin niya maintindihan ang ipinapahiwatig nito at kahit ano mang pag-intindi ang kaniyang gawin ay wala siyang makuha. Ano ba talag— Khen?

"Khen? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Cheska nang makita ang kaibigan na para bang may hinihintay which is siya naman talaga.

"Ches? Tapos ka na?" tanong pabalik ni Khen at nagawa pang tumingin sa kaniyang likuran only to see the store where she's working closed. "Finally...'Di ba sabi ko sa 'yo sabay na tayo? Did you forget?"

"Hindi ah! A-akala ko kasi..." nagdadalawang-isip na usal ni Cheska.

"Anong nangyari sa 'yo, Ches? Tsaka, anong tingin mo sa 'kin papabayaan ka? Hell no! Ano sila sinuswerte?" parang batang saad nito. Nakausli pa ng kaunti ang nguso nito na siyang nagpatawa kay Cheska.

"Tara na nga!" natatawa na pasiuna ni Cheska sa kaibigang parang bata kung magmaktol. She doesn't know, pero ang kaninang malungkot at nababagabag niyang pakiramdam ay nawala nang makita niya si Khen na naghihintay para sa kanya.

She feels happy that somehow he doesn't break what he said and she feels special for him in a way and that's already enough for her.

"A-ahm, a-ano—" putol-putol na sabi ni Khen. Nagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya ang matagal ng gustong kumawala mula sa dulo ng kaniyang dila. Kinakabahan siya, paano kung hindi sa kaniya maniwala si Cheska? Paano kung maniwala nga pero hindi naman sila pareho ng nararamdaman? Paano kung...

"Ang ganda ng buwan ano?" imbes na aaminin niya na, hindi niya pa rin maiwasan ang maduwag kaya iba ang lumabas sa kaniyang bibig. Bahala na, wala ng takbuhan 'to...

"Oo, ang ganda nga..." natulalang bulong ni Cheska habang nakatingala' t nakatingin sa kabilugan ng buwan na siyang nagpapaliwanag sa madilim na paligid.

In some way, it makes him feel motivated just by seeing her admiring the alluring moon with those beautiful smile.

There's no one but only her that makes him feel good and himself. Noong una kasi' y pakiramdam niya' y isa siyang makina na kailangan lang gumalaw kapag pinagsabihan. Hindi pwedeng gumawa ng sariling desisyon dahil wala pa daw kaalam-alam. Growing up with his father makes him feel that living is for others. That you need to listen to them and set aside what you really want. Follow what other wishes and forget about your own feelings. Until his eyes laid on her. The girl who always smiles like she has no problem.The girl whom everyone likes because of her adorable and amiable belief. The girl he first likes to know until he gets into thinking of forgetting his fathers words. The girl who freed him from those chains. The girl she wants to cherish.

After minutes of admiring the bright moon nagsimulang maglakad si Cheska leaving Khen deep in his thoughts. Nang maramdamang wala si Cheska sa kaniyang tabi kinakabahan na lumingon si Khen sa paligid hanggang sa nakita niya itong malapit na sa tulay kung saan sila maghihiwalay ng daan.

"Cheska..." tawag pansin niya kay Cheska. "I always want to get a glimpse of you wearing those smiles. I always want to be the one behind it. I always want you to rely on me as much as I want with you. I'll always love you." he sincerely said when he met those captivating eyes of hers.

It really shock her being because of his confession. But what shock her more ay ang kanyang naghaharumentadong puso na nagsimula nang marinig niya ang sinserong boses nito na talagang nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. She wanted to say something in return but what escapes her mouth was, "Khen, kailan pa?"

She doesn't know what to do and she doesn't know what to say in those kinds of situations. But she is sure that what she asks may somewhat hurt him, because anyone can take it the wrong way.

Ganyan ba talaga siya ka-disappointed? Pero sinabi ko sa sarili ko kanina na kung ano mang kahihinatnan nito ay tatanggapin ko. Pero bakit ganon? Wala pa naman akong nakuhang sagot ang sakit na? Khen closes his eyes and shakes his head, trying to erase those negative thoughts.Wala ng takbuhan 'to Khen. At least let your voice be heard this time. Hindi mo man makuha ang sagot na gusto mo, let her know....

"Khen?" ulit ni Cheska ng wala siyang makuhang sagot.

"Since the first time, my eyes caught a glimpse of you. You captured me with your good heart, you captured me with your smile. You make me free from those chains. But you're also the reason why my heart is aching for you."

"A-ano— Ayos ka lang ba? Aren't you feeling in love because you're happy with that person not because you get hurt by them?"

Khen laughed at her remarks, making her wonder about what's wrong with what she just said. "You don't get it, Ches. Pero kung gusto mo, I'll let you know."

"P-pe—"

"Seryoso ako, Ches.Kaya kung 'di mo pa alam ang sasabihin mo. Think about it. And let me know once you figured out what your decision is." he cutted, then smiled. "Sige, dito na 'ko Ches. Ingat ka."

Not receiving any words from her he sighs, then heads home.

Sa wakas, nasabi ko rin...

Sana naman 'di umabot ng taon ang pag-iisip niya...

He thought while looking at the moon with a somber expression.

"O, anak? Aalis ka na?" takang tanong ng ama ni Cheska ng makita itong nagmamadaling suotin ang sapatos sa may pintuan. "Nakakain ka na ba, 'nak?"

"Sa school nalang po, pa. Malelate na po kasi ako." mabilis na sagot nito.

"S-sige. Basta 'wag kang magpapalipas ng gutom, naiintindihan mo ba?" bilin ng ama ni Cheska.

"Opo.Sige po, pa. Mauna na po ako!" pagpaalam ni Cheska sa amang sinusundan siya ng tingin.

"Ano kayang nangyari sa batang iyon?" he wondered when he saw her nearly fell. Hindi kasi si Cheska ang tipong careless even though na maraming iniisip. I think, kailangan ko siyang tanungin mamaya...

"HEY, Cheska!" tawag sa kanya ni Charmaine, ang president ng kanilang department.

"Bakit?"

"Hinahanap ka ni Ma'am Berry, she told me to send you pero hinahanap ako ni Kit e," she said, then added. "Dont worry, may maghahatid pa rin sa 'yo. I already texted someone and his trusted. I think paparating na 'yon?"

Bakit parang kinakabahan ako?

"Oh, there he is!" sigaw ni Charmaine habang nakaturo sa kaniyang likuran. Curious about who it might be, nilingon ni Cheska ang kaniyang likuran, only to be surprised. "Khen! Here!" So, he's the person who she trusts. Hmm?

"Good! Since you're here na, Khen. Please take care of her." Charmaine requested to Khen, then suddenly left while running.

One word that can describe them right now was 'awkward'. Parehas silang may balak na magsalita pero parehas ding hindi sigurado kung anong dapat sabihin. Anyone who can see them can conclude that they're having an m.u. or misunderstanding about their relationship, which is false.

"C-ches? Tara na?" sabi ni Khen which she answered with a nod.

The whole day ended not good for Khen. He can feel that she's avoiding him by making herself busy with the work Ms. Berry leaves for her. But who can he blame? Sinabi niyang maghihintay siya and whatever may the outcome he'll accept it. Pero anong ginawa niya?Now, his there again. Waiting for her na matapos sa trabaho. Tahimik na umaasang makasabay man lang siya pauwi.

Malapit ng makatulog si Khen sa paghihintay kay Cheska ng maramdaman niyang may humawak sa kanyang noo. He doesn't want to open his eyes because he want to savor the moment her hands gently touching him. But he also wanted to see her face. "Ches?"

"Tara na, Khen?" This time it was her who said those words that it makes his heart beat erratically.

"Kumusta, Khen?" tanong ni Cheska matapos ang ilang minutong katahimikan.

Should I tell her the truth?

He closes his eyes and thought.

It's Cheska, Khen. There's no need to lie about what you really feel...

Taking a deep breath he stopped walking and decided to answer her, honestly. "Ang hirap Ches, kasi miss na miss kita."

He was watching her on how she would react, when she stopped walking then suddenly confront with tears in her eyes. Seeing her crying makes his heart ache but seeing her smiling at him makes his heart beat frantically, that he can already hear it.

"Kanina, someone told me something that makes me realize." pabitin na sabi ni Cheska kay Khen na nagsisimula ng ngumuso. She chuckled first then continued, "That escaping will not do any good. Kaya naman nandito ako kasama ka ngayon. Wishing that what you said kahapon ay 'di pa rin nagbabago."

Hearing those words from her wash away all the worries he feels. He felt like flying that it made him in tears, together in her arms.

On that day onward, underneath the alluring moon. Their blooming affection overflowed.

"MISS! Bawal po kayo dito!" pagpigil ng nurse kay Cheska na basta na lamang pumasok.

"B-bakit bawal!? Mama ko iyang nasa loob niyan! Kaya wala kayong karapatang pagbawalan ako! M-ma! Pakiusap bitawan niyo ako! Nandito na po ako, ma!" umiiyak na sigaw ni Cheska habang nakatingin sa Operating Room. Naiinis siya, gusto niyang mag dabog, sumigaw, lumapit sa ina niya pero wala siyang magawa. Ni paglalakad nga' y 'di niya magawa ng maayos dahil sa kamay na nakahawak sa kanya.

"Pero miss—"

"Ako na po ang bahala sa kanya.Pasensya na po." hindi mapigilang sabat ng ama ni Cheska dahil nasasaktan siyang makita ang anak na nagmamakaawang makita ang ina. "Anak..." tawag pansin niya dito.

"P-pa...K-kailan pa?" pagod na tanong ni Cheska habang nakasalampak sa sahig. "A-akala ko ba— akala k-ko...Magaling na si mama? P-pero b-bakit?"

"Pasensya na anak. Hindi rin alam ng papa e. Huwag kang mag-alala gagabayan naman tayo ng Diyos." pag-alo nito sa anak na patuloy pa ring umiiyak.

"P-papa, si m-mama..." umiiyak na bulong ni Cheska sa amang yakap-yakap.

Dahil na rin siguro sa pagod, hindi maiwasang makatulog ni Cheska habang nasa bisig ng umiiyak ding ama.

"IHO? Naparito ka? Wala ka bang pasok?" tanong ng ama ni Cheska kay Khen na siyang nobyo ng anak.

Parang hindi narinig, nagpatuloy sa pagpasok si Khen matapos mailagay ang mga prutas na dala at dahan-dahang lumapit kay Cheska na natutulog sa isa sa mga pang pasyenteng kama. Nang biglang magsalita ito habang nakatitig sa mukha ni Cheska, "Nandito po ako para kay Cheska, Tito."

"Ganoon ba? Gusto mo ba ng maiinom?" alok nito ng may konting ngiti. Kontento at masaya sa sagot nito, at para na rin sa anak.

Sa totoo' y masaya siya kay Khen sa araw-araw nitong pagbisita. Pero sa bawat araw na iyon pakiramdam niya' y may nag-iba sa binata. Though, umuuwi naman itong wala gaanong nangyari kaya kanya na lamang iwinaksi ang nasa isipan.

"Hindi po, Tito." sagot ni Khen pagkatapos ay umupo sa tabi ng kama.

Akala ng ama' y aalis na ito ng biglang magsalita si Khen na nagpagulat dito. "These past few days, kitang-kita ko ang laki ng pinagbago ni Cheska. She barely eats and she barely talks to me when we're inside the campus. Naintindihan ko naman po iyon. Pero, ang sakit..."

"Iho?" naguguluhang tanong ng ama ni Cheska nang makita ang luhang nagbabadya sa mga mata ng binata.

"Ang sakit na makitang ang babaeng dating puno ng ligaya ay 'di ko na mahagilap sa kanya. If only I can take away her pain. If only..."

"Anong binabalak mo, iho?" sa wakas ay naitanong na rin ng ama ni Cheska.

"Alam ko po na kailangan niya ng taong masasandalan ngayon pero...I don't think I'm the one she needs right now." bulong ni Khen habang hinahaplos ang buhok ni Cheska. His eyes are full of love and pain because of her. "I love her. That I'll be willing to let her go."

"Iho!" hindi mapigilang galit na pagtawag ng ama ni Cheska.

"I'm sorry, Tito. Pero aalis na po kasi ako." he said, then added. "To be honest, I'm really thankful to Cheska for letting me go from those chains. She let me see the beautiful things in this world. She let me open my eyes and introduced me to so many things. But Tito, I don't want her to be like me. What she needs right now is you and tita. And if it leads to letting her go, I'd rather choose that. Than seeing her in pain because of me."

He wants to say something in return for her daughter, but his words make him speechless. Aminin man niya o hindi, what he said is true. There are times when Cheska forgets about Khen, and there are times she's in pain because of him. Because she thinks she's not worthy of his love. Until there was a time when she began doubting her feelings.

"Sige po Tito, kayo na po muna ang bahala kay Cheska para sa 'kin. Mahal na mahal ko po 'yan..."

"Hindi mo ba siya hihintaying gumising?"

Pilit na tumawa si Khen habang umiiyak, "'Wag na po Tito. Baka 'di na po ako makaalis."

He respected his decision so he nodded and said. "Sige, mag-ingat ka, iho."

Malapit na sa pintuan si Khen ng may biglang maalala.

Just one ultimate glimpse of her face, please...

You're free now, Cheska. Thank you and I love you...

'Til my eyes get a glimpse of you, again.

Goodbye...

FIN

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top