Chapter 1

"Uneeeeeeeckkkkkkk!!!(Unicke)" agad akong napabangon sa aking papag na higaan nang marinig kong sumigaw si Killer Balyena, este si Tita Amor pala.

Tiniklop ko ang aking super manipis na kumot at inayos ang aking super tigas na unan na semento yata ang laman. Letche, kung hindi lang talaga para sa pag-aaral at pamilya ko, hindi ako magpapa-alipin sa mga shutaness na mga kapamilya ko 'no!

Pero naku, kulang sa budgey si Mudang hindi ako makapag-aral kaya ito. Tiis tiis sa isang, super malaking kwarto as in!! Oo! Malaki! JuiceMother, hindi nga ako maka-sight seeing dito eh.

Grabe, daig ko pa si Cinderella. But atleast, I should be thankful right? O char, English yan teh wag kang ano. Pinapaaral nila ako, in-exchange of my alipinism. Gets niyo ba?

"Uneeckkkkkkkk!!! Pucha!!! Bakit ang tagal mo diyan?!!!" kailan ba talaga nila mai-pro-pronounce ng maayos ang pangalan ko? O diba? Ang ganda ng name ko. Pag-tinanong ako ng, 'What's your name?'

Sasagot ko, I'm Unicke. Yeah, adjective hindi pang pangalan. Kailangan ko pang klaruhin na name ko yun, hindi ang traits ko. Hay juicelife.

"Uneckkkkkkkkkkkk??!!!! Asan ka naaaaa?!!!" oh, tinawag na ako ng Killer Balyena, letche hindi na talaga matahimik ang buhay kooooo!!!! Where's the Peace on Earth?! Asan?! Padabog akong lumabas sa maliit na kwarto ko.

"Bakit po Kille—" sinamaan niya ako ng tingin. "I mean, Tita Amor?" tumaas ang kilay niya at tinuro ang kusina.

"Cuuk berek fust, me hangri.." ano raw?!!!

"Ano po?!!" kinaklaro ko lang. Ginagamit kasi ang ang killer balyena language niya eh, alam niyo naman kung balyena siya ako sirena! Oo! Wag na umangal, letche. Binatukan niya ako, huhuhuhu, nabawasan ng konti ang IQ ko!

"Sabi ko! Lutuan mo ako ng umagahan! Isali mo na rin ang mga pinsan mo! Sus, ko'nting English hindi man lang makaintindi?!" ahh.. English pala yun? Bakit tunog Alien. Yan kasi, trying hard na maging amerkana eh negritang balyena naman!

At ako pa ang hindi makaintindi ah? Letche, letche, letche!!

"Sige po, ihahanda ko na po ang berek fust ninyo." hahahaha berek fust daw? Ano yun teh? Sarap sabihan na, Teh wag trying hard, balyena ka lang ang balyena hindi nagsasalita! Letche!

"Go! Go! You irita.. irrrita.. Ah basta! Nakaka-irita ka!" kala mo ikaw hindi hindi hindi?! Naku! Kaonting tiis na lang Unicke, makakalaya ka rin sa mga kamaya este sa bunganga ng balyena mong tiyahin.

"I have.. Iggs okey? Iggs! I have, sonnysed op iggs!" sunny side up daw na itlog. Alangan, may sunny side up bang hotdog?! Common sense madam, common sense.

Ma-try ngang, I-english. "Tita?! Can you please stop speaking my language! It's irritating ya'know? And besides, killer balyenas like you shouldn't speak!" hahaha, may pa British accent pa yan ha? Fanalo ba?

Pinapamukha ko talaga sa kanya kung gaano siya kamali. Letche kala mo kung sino, eh balyena namang may ulong hugis buko. Grr! Ka-stress!

Habang piniprito ko ang itlog, may dumating na parang vision sa utak ko.

Linagyan ko ng sobrang mega ultra na dami ng betsin, as in daw.

"Hahahahaha!" para na akong si Malificent this time, hahahaha bagay na bagay to sayo killer balyena!

"Oh?! Is it my berek fust this is?" letche! May naintindihan ba kayo?! Ako WALA! Pero sa tingin ko naman, ang gusto niyang sabihin ay ito na ba ang breakfast niya, kaya nilagay ko sa harap niya.

Then BOOM! Bumula ang bibig niya, at tumawa na naman ako na parang villain.

Ay letche, ang sama ko naman ata nun. Good girl kaya ako? Kaya hindi ko na lang nilagyan ng betsin, sa halip muriatic acid ang nilagay ko. And she ate it, and next charot lang naman, pang pa-good vibes kung baga.

"Ito na po Tita." hindi ako pinansin ng bruha kaya di ko na rin siya pinansin. Kiber. Bahala siya sa buhay na, mabilaukan sana!

"Uhuuu! Uhuuu!!" oh diba? Bilis ng karma? Pero dahil sadyanh mabait ako, bumalik ako sa kanya.

"Okay lang po ba kayo Tita?!" ngunit winasiwas niya ang kanyang kaliwang kamay na mas mataba pa ata sa isang dalawang dos por dos na kahoy.

"U-umalis ka sa harapan ko! Ang panget mo!! Alis!! Oh eto baon mo!" abay panget raw? Kung panget ako? Ano siya? Halimaw?! Ah hindi killer balyena. Buti nga at may itinira pang goodness si Lord sa kanya.

At binigyan ako ng singkuwenta na baon. Ang tanong, Asan aabot ang fifty pesos mo?! De bali na, may pera naman ako eh. May trabaho kasi ako sa isang cafe, isa akong waitress oh di kaya naman ay casier.

Kahit ano, hahahaha. Kailangang kumayod, para naman kahit papaano ay makapadala ako ng pera sa pamilya ko sa probinsya. Hay naku, pang-MMK na talaga ang drama ng life ko.

Naligo na ako at kinuha ang aking bag na tahi tahi na, pero pinagmukha ko namang cool kasi, ang sasama ng ugali ng tao sa school. College na nga, utak highschool naman tsk tsk.

"Tita! Alis na me! Mamatay na you!!!" ganun speak and run ang peg ko. Hahahaha, pumunta na ako sa sakayan ng jeep dahil di ko afford mag-uber, or Angkas or Taxi walakumpera.

~~~

Time flew so fast, oo flew talaga dahil halos liparin ko na ang distansya ng gate at classroom ko. Afatay, late na me!! Huhuhuhu! Letcheng traffic! Balak atang gawing tambayan ang buong kalsada!

Tumakbo ako nang tumakbo.. Tumakabo nang tumakbo.. Tumakbo ako nang..

*boogsh!*

Hala nakabangga ako! Pero dali-dali akong tumayo at dahil nawala ako sa wisyo ay hinalikan ko sa pisnge ang nakabanggaan ko. "Sorry poooo!!! Late na kasi ako eh! Babye!" grabe Unicke nakuha mo pang magbabye ah?

Tumakbo na naman ako, at sa kabutihang palad ay hindi na ako nabangga. Binuksan ko ang pinto. Patay, nandito na si Prof. Smike ka lang Unicke, smile ka lang. "H-hi Prof! Good Morning!" alam niyo na, maraming nadadala sa magalang na good morning diba?

"Tsk. At the second day of school Ms. Acosta? Your late! Now go to your seat!" tumango na ako at nakayukong pumunta sa upuan ko, pagka-upo ay kinalabit ako ng aking frenny.

"Bes," tawag niya.

"Bakit?"tanong ko sabaya lingon, naku manghihingi na naman to ng chismis. Bakit?! Sa ganda kong to? Mukha ba akong chismosa?? Ne-e-e-ver!

"May chismis ka?" bulong niya. Hanggang whisper lang kami, kasi baka marinig kami ni Prof nakow, lagot tayo dyan.

"Wala." sabay iling. Ang eyes ko lang ang nasa harap pero ang tenga at atensyon ko nandun kay Chin-Chin.

"Ako meron!" kailan pa ba to nawalan ng chismis? Eh dakilang reporter ko to eh. Sabi nga nila, just go with the flow kaya sige push mga muder.

"What is it?" habang hindi pa rin tinatanggal ang paningin sa harap.

"May gwapo raw sa loob ng campus kanina!" gwapo raw?! Aba! Game ako diyan!

Tinignan ko siya. "Asan? Dali hanapin natin mamaya!"

"Ehem!" hindi ko alam kung may umubo ba sa mga classmates ko, o ano. Pero bahaka sila, may Lagundi at Plemex sa botika bili na lang sila.

Pero pansin ko ang pagtahimik at unti-unting pag-ayos ng upo ni Chin-Chin. "Oh? Saan natin mahahanap yung gwapo Chin-Chin?!" umiling siya at pumorma na parang pato ang bibig niya.

Ano na naman ang trip neto? Patopatohan? "Bes, magsalita ka! Asan natin mahahanap yung gwapo!" ay hala naging pato na nga talaga si Bes! At may nguso nguso pa siyang nalalaman!

Di kaya? "Bes?! Gusto mo halikan kita?! Oh my God! I kenat!" tinakpan ko na ang aking beautiful lips. Like! Eww!!
Bumukas ang bibig niya as if saying something. Kanina, gusto ko niyang halikan ko siya ngayon naman pipe-pipehan ang peg? Ay letche!

And then, may sumabog na bulka. "MS. UNICKE ACOSTA! AND MS. KACHINE MARQUESA! GET OUT!" oh no.

"Ahehehe sir?"

Tinuro niya ang pinto, sinasabi ko na nga ba eh! "Get out! Both of you get of my class!" naku nataranta ang mother niyo kaya dali dali kong kinuha ang bag at tumakas na mula sa aking mapait na nakaraan. Chour.

"Ano ka ba naman bes! Kaya nga ako ngumunguso diba?!" luh? Letche. Malay ko ba? Kala ko naman nuh? Akala ko magpapahalik ang gaga, nandun pala sa likod ko. Bakit!? Kailan pa nagkaroon nh mata ang likod ko?

"Naku letche, tara na nga! Hanapin na lang natin yung pogi!" hinila ko na siya nang matanggal ang kamay niya. Hahahaha  siyempre hindi ko yun magagawa ano! Good girl kaya ako diba?

Pero sa totoo lang, ang swerte ko dito sa best friend ko, kahit saksakan ng yaman ay down to earth pa rin! Jusko! Ang humble! Hindi siya kagaya ng iba na super matapobre kala mo naman magaganda eh retokada nga ang mukha! Letche!

Ayun, hinanap namin so boylet. Hanggang sa nakarating kami sa likod ng culinary building. Ang ganda rin dito eh, super dami ng flowers Enchanted Forest ang peg. Tapos ang hangin akala mo may wind mill sa malapitan.

Until I saw someone sitting or should I say sleeping under the shed of the tree. O ha? English yun vhe!

Linapitan namin iyon, shocks! Ang gwapo! Kinalabit naman ako ng bruha. Bumulong siya sa'kin. "Bes! Siya yung gwapo!"

"Bes, familiar siya sa'kin!" totoo! Parang parang,

*tsup!*

"Just a revenge missy, good day!"

Did he just...

TOOK MY FIRST KISS?!!!













Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #ongoing