Reverie POV
Babae? Babae yung nakita ni Nurse Mary na pumapasok sa kwarto ni Finn? Only one person comes to mind after knowing that it was a woman.
Finn’s first love.
I don’t know her name. the only thing that I know about her is that they were classmates, at siya yung nag-aalaga kay Finn noon.
Judging by what Finn told me so far about her, she’s a good woman. Pero, I’m still shock to know that she secretly visits him once in a while.
Patago nga lang yung pagbisita niya.
I guess, she only visits him during the times that he’s asleep.
No wonder Finn didn’t tell me anything, kasi mismong siya ay hindi niya alam na may bumibisita sa kaniya.
Akala ko pagkatapos siyang itulak palayo ni Finn ay hindi na ng siya nagtangkang bumisita ulit, pero pinagpatuloy niya pa rin, kahit na patago lang.
That woman… really cares about him after all. And I bet she likes him too.
Should I tell Finn about this? I’m sure he will be happy.
Hindi ko alam, pero parang bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking puso. What is this feeling?
Pero… kung sasabihin ko ‘to sa kaniya ay baka ma-trigger lang yung sakit niya. I don’t want his condition to worsen lalo na’t madalas na sumakit yung ulo niya.
Maybe I shouldn’t tell him after all…
“Nurse Mary, alam mo ba kung kailan yung huling bisita noong babae sa alaga ko?” tanong ko kay Nurse Mary nang nagkita muli kami sa lobby.
“Hmmm, last week? Last week ko siya huling nakita na bumisita eh,” sagot naman ni Nurse Mary sa tanong ko.
Nagpasalamat naman ako sa kaniya at ngumiti naman siya bilang tugon at nagpatuloy sa ginagawa niya. Pagkatapos noon ay saka na ako bumalik sa silid ni Finn.
Pagkapasok ko ay ang bumungad sa akin ay si Finn na may hawak na papel at ballpen. Naramdaman niya sigurong pumasok ako kaya napatingin siya sa akin.
“If you mind me asking, ano sinusulat mo?” tanong ko sa kaniya at saka umupo sa tabi niya. Sinubukan kong tingnan ang papel na hawak niya pero inilayo niya lang ito sa akin.
“The bucket list,” mahinang sagot ni Finn.
Napakunot naman ang noo ko dahil tila’y hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
“Ano, Finn?” tanong ko sa kaniya.
“The bucket list, the one you told me to make last time,” usal niya at saka ibinalik ang tingin sa papel. It looked like he was avoiding my gaze though.
Napangiti naman ako nang narinig ko ang sinagot niya.
“That’s good! Akala ko tinigilan mo na ang paglista niyan. Buti naman at pinagpatuloy mo pa rin,” masaya kong usal sa kaniya.
I’m glad he’s taking it to heart. Akala ko ay sa una niya lang gagawin at kakalimutan na lang dahil hindi ko na siya tinatanong tungkol doon, but I’m glad to see that he is taking it seriously.
“Marami ka na bang naisulat? Ilan na nasa bucket list mo?” kuryoso kong tanong at saka sinubukan muli na tumingin sa papel, pero muli niya na namang iniwas sa akin ito.
He looked at me sharply and sighed deeply. “Please don’t look at it without my permission. At diba, sabi ko sa ‘yo ay ipapatingin ko lang ‘tong bucket list ko sa ‘yo kapag tapos na?” mahaba niyang lintaya sa akin.
I rolled my eyes and answered, “Yes, I do remember. It’s just, gusto ko lang malaman yung ibang nakalagay diyan. I’m curious, you know?”
“Fine, I’ll tell you what’s on my bucket list.” Nanlaki naman ang mata ko at saka napangiti ng bahagya.
“But,” bigla niyang dugtong, “I will only tell you one from my bucket list.”
Agad naman akong napasimangot dahil doon. “What? Bakit isa lang? Bitin naman,” I complained. Napatawa naman siya nang nakita niya ang naging reaksyon ko.
“You don’t to know one? Edi huwag—”
Before he could finish what he was saying, I cut him off. “Fine! Just one. Sabihin mo na, ano yung isa sa mga nasa bucket list mo?”
He smirked after seeing that I was defeated.
Oh well, it’s better to know one than nothing after all.
“Actually, it’s simple. Ang isa sa mga nasa bucket list ko ay pumunta ng Cebu. Narinig ko kasing maganda yung beach nila doon, and I want to see it with my own eyes,” he said and looked at the paper once again.
“So… you like the sea?” I curiously asked.
“I don’t just like it, I love it,” sagot niya naman sa akin, “Mga tatlong beses lang ata ako nakapunta ng beach, but I instantly fell in love with it the moment I saw the view, and heard the sound of the waves.”
Napangiti naman ako nang narinig ko ang sinabi niya.
“Well, I guess it is true na maganda yung beaches doon sa Cebu. Yung mama ko kasi nakapunta na ng Cebu, at sinabi niya sa akin na sobrang linis ng dagat doon at ang gaganda ng tanawin,” kwento ko sa kaniya ng naalala kong nakapunta na pala ng Cebu yung mama ko noon.
Sumama pa yung loob ko sa kaniya noon kasi hindi niya ako isinama, but that was all in the past now.
“Sa tingin mo Reverie, makakapunta kaya ako sa Cebu? Will I possibly get to check this off on my list?” he quietly asked.
I softly looked at him and nodded. “Oo naman, once your condition gets better, pwede ka na pumunta sa Cebu, at gawin ang lahat ng bagay na gusto mo.”
Tipid siyang ngumiti at saka yumuko.
“Promise, I believe you will.”
And once that happens, I pray that I’m beside you, witnessing the joy you will feel after checking that place off on your bucket list.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakatulog si Finn. I softly caressed his hair as he slept. Kung tingnan ay parang wala siyang iniindang sakit dahil sa napakaamo niyang mukha. Tipid akong ngumiti at saka inalis na ang kamay ko sa buhok niya.
Pagkatapos noon ay pumunta na ako sa office ni Doctor Miranda, ang personal doctor ni Finn, dahil ipinatawag niya ako.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok sa opisina niya.
“Oh, Nurse Reverie,” bungad ni Doctor Miranda nang nakita niya ako.
“Good afternoon po,” I greeted him. He gestured the seat in front of his table, kung kaya ay umupo na rin ako.
“Kaya kita ipinatawag dito dahil gusto ko malaman ang kondisyon ni Finn these past few days,” saad niya at saka kumuha ng papel at ballpen. Susulatan niya ata.
Bumuntong hininga ako at saka nagsalita, “Ganoon pa rin po, doc. Sumasakit pa rin ang ulo niya, lalo na kapag may binabanggit na isang tao na mahalaga sa kaniya, o kaya ay hindi niya na maalala.”
I can see that Doctor Miranda is taking note of what I’m saying, kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. “There are also times that he would suddenly get into a foul mood. I think this is due to his condition, doc. Akso, sa stress na rin.”
Inayos ni Doctor Miranda ang glasses niya at saka tumingin sa akin. “So, iniiwasan mo bang magtanong sa kaniya tungkol sa mga taong nakalimutan niya? O magbanggit tungkol sa kanila?”
Tumango ako bilang sagot, “Hindi po ako nagtatangkang magbanggit, doc.”
He nodded after hearing my response. “Good. Pero, sa next session namin ay gagawin ko iyan para malaman kung ano at paano nati-trigger yung symptoms niya.”
After that, Doctor Miranda and I talked about Finn’s condition, and other things that needs to be avoided para hindi lumala ang kondisyon niya. Sinigurado ko naman na hindi ko makalimutan lahat, lalo na at isinulat ko ito sa maliit na kwadrado na dala ko.
“That’s all, Nurse Reverie. Keep up the good work, and update me if there are changes with his condition,” Doctor Miranda said. And after that, I dismissed myself from his office at saka naglakad na pabalik sa silid ni Finn.
I am just glad that there is at least hope that Finn’s condition will get better. May paraan pa para hindi maging ganoon kalala ang nararamdaman niya.
Sooner or later, matutupad na rin ni Finn ang mga nasa bucket list niya.
I smiled at that thought.
Surely, I will be happy for him if that happens.
“Nurse Reverie! Teka, sandali!”
Napallingon ako sa likod ko at nakitang si Nurse Mary iyon, nagmamadaling maglakad papunta sa akin.
“Nakita ko yung sinasabi kong babae sa ‘yo na bumibisita sa binabantayan mo. Sa lobby ko siya nakita. Nakaputing damit siya.”
Nanlaki naman ang mata ko nang narinig ko ang sinabi niya.
Pumunta siya ngayon…?
“Bilisan mo, maaabutan mo pa siya—”
Hindi ko na pinatapos si Nurse Mary sa pagsasalita at dali daling pumunta sa lobby.
Pumunta siya ngayon?
Maaabutan ko kaya siya?
Mas lalo kong binilisan ang paglakad ko dahil gusto ko siyang makita.
I want to meet the woman who took care of Finn, his first love.
I want to see what kind of woman she is.
Nang nakarating na ako sa lobby ay nadismaya lamang ako.
Wala nang nakaputing damit na babae sa lobby.
I was too late…
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top