Reverie POV
I have always been strict with my patients, and the reason why I am strict is because I just want the best for them. Also, because I don’t want their sickness to worsen, but instead want them to recover soon.
Kaya siguro ang mga inaalagaan ko dati ay naiinis sa akin at halos nag-request na palitan na ako bilang nurse nila, even though all that I have been doing was for them. Pero thankfully, ang ibang pasyente ay naiintindihan kung bakit sobrang strict ako sa kanila at mas piniling sundin yung mga bagay na ipinagbabawal ko at ginagawa para sa kanila.
That’s why I can’t blame Finn if he’s irritated of me most of the time. What’s surprising is the fact that he still hasn’t requested a change of nurse, or maybe he’s not aware that he can do that?
Napatawa naman ako nang naisip ko ‘yon. Surely, he knows that, right?
Pero nang nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Finn habang nakatanaw siya sa labas ng bintana, tinatanaw ang ganda ng gabi, hindi ko alam pero pinagbigyan ko siya sa gusto niyang lumabas para tanawin ang dilim na kalangitan, even though I already know that it’s bad for him to go out at night with his condition.
Nang nakita ko siyang manghang mangha sa pagtanaw sa ganda ng dilim na kalangitan ay napagtanto ko na tama lang na dinala ko siya rito. Pero sa likod ng pagkamangha niya’y naramdaman ko rin na parang nalulungkot siya.
I guess, this is the only time that he’s got to appreciate the beauty of the night.
“Another reason why I love the night sky is… it brings me peace,” mahina kong sabi at saka tumingin sa madilim na kalangitan.
Minsan lang may maraming bituin tuwing gabi, at swerte lang dahil maraming mga bituin sa mismong gabi na ito. It’s as if the universe dedicated this night just for him.
“Every time I look at the night sky, it feels like a part of my soul is healed. Ang gulo kong isipan nagiging payapa kapag nakatanaw ako sa gandang tanawin na ‘to. Ewan ko ba, but gano’n lang talaga epekto sa akin ng dilim na kalangitan,” pagpapatuloy ko at saka tumingin sa kaniya, and ironically Finn’s looking at me this whole time.
Hindi ko maintindihan, pero tila’y mayroong nakatagong kahulugan mula sa mga tingin niya sa akin ngayon. I don’t know if it’s admiration, or something else which I can not name.
“Ikaw? Hindi mo ba gusto ang tanawin na ‘to?”
“To be honest, I didn’t care about anything around me. I never got to enjoy life, its scenery, and everything there is to life. Ngayon ko nga lang nagustuhan ng husto ang tanawin na ‘to, and I regret not appreciating it sooner,” sabi ni Finn at saka bumuntong hininga.
“Oh,” I softly uttered and looked at the sky once again. Judging by what he said, he sure has a lot of regrets about life. And maybe, because he was sheltered his whole life that he didn’t really put any interest in the world.
Pero, gano’n ba dapat? If I was in his situation, I would have been curious about the world more than ever. Madalas siguro akong lumabas para mag-explore at i-enjoy ang iba’t ibang bagay. But… I can’t really judge him. Maybe, he has other reasons why he wasn’t interested of the world even though he’s sheltered.
There’s a part of me that wants to ask, but I’m just holding myself back.
Are we even close enough for me to ask about that?
Kaya kaysa sa magtanong ay isinantabi ko na lang ang mga nasa isipan.
“Oh, look!” masayang bulalas ko sabay turo sa mga bituin.
“What? Anong meron?” taking tanong niya sabay tingin sa itinuro kong mga bituin.
“If you form those stars, makakabuo ka na rin ng star,” I excitedly said and traced the stars mid-air so it would form into a star, “A star shaped star, traced through the stars!” I smiled as I was amazed by what I saw.
Napatingin naman ako kay Finn nang narinig siya tumawa. Bahagya naman ako namula nang napagtanto ko ang naging reaksyon ko. “W-what?!” I exclaimed, pero mas nahiya lang nang nautal ako.
Parang gusto kong hampasin ang sarili dahil sa inakto ko.
Gosh, Reverie! You acted like a child.
“Nothing. You just looked… cute,” sabi niya sabay ngiti sa akin.
Mas lalo kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko nang narinig ang sinabi niya.
Why did I have to react like that? Ang tanga ko talaga.
“But… you are right. I can see it. a star shaped star, huh,” sabi niya ng may puno na kuryosidad. And he also seemed… amused.
“I didn’t know you would find that nice,” Finn said with a hint of teasing.
Ito ba ang payback niya sa lahat ng pang-iinis ko sa kaniya?
“Uh, let’s go inside, shall we? Masyado na tayong natagalan dito, baka sumama pa pakiramdam mo,” mabilis kong sabi at saka hinawakan ang hawakan ng wheelchair.
Muli namang tumawa si Finn. Nahalata niya siguro na nahiya na ako.
“Will you please stop laughing at me?” marahan kong sabi sa kaniya.
If you still keep laughing, I might as well let the mother earth eat me alive.
“Okay, okay. Titigil na ako,” sabi niya, pero may nakatago pa ring ngiti mula sa mga labi niya.
Napakagat na lang ako ng labi ko at hindi na nagsalita pa.
After that, we went back to his room, and the night ended with Finn’s constant teasing with the stars, and me feeling embarrassed the entire night.
And just like any other day, ibinuksan ko ang kurtina, and the sunlight touched my skin. It was nice, and good for Finn.
“Good morning.” Napatingin ako kay Finn nang bigla siya nagsalita. Kita kong pinupunasan niya ang mata niya gamit ang kamay niya, at halata sa mukha niyang gusto niya pang matulog.
“Good morning,” I greeted back, at saka nilapitan siya.
“Are you feeling good? Hindi ba masama pakiramdam mo?” I asked, to check if sumama pakiramdam niya dahil sa paglabas namin kagabi.
“Wala naman. Ayos lang ang pakiramdam ko,” sagot niya naman at saka muling humikab.
“Ang aga mo namang nagising. Anong meron?” I teasingly asked and smiled. Umiling naman siya at saka ngumisi. “Wala naman. It’s just… may napanaginipan lang akong babae. She was so amused with the stars, as if she was a child,” usal niya naman sa akin.
Bahagyang nanlaki ang mata ko nang narinig ko ang sinabi niya. Not him teasing me about last night again!
Mas lalong lumaki ang ngisi niya nang nakita niya ang reaksyon ko.
Hanggang kailan niya kaya gagamitin bilang pang-iinis sa akin ito?
Umiling na lang ako at saka bumuntong hininga. “Alis muna ako, kukunin ko lang yung breakfast mo,” sabi ko sa kaniya.
Tumango naman siya bilang sagot, kaya umalis na ako at nagtungo sa labas.
Habang papunta ako sa kitchen ng hospital na ito ay may biglang tumawag sa akin, “Nurse Reverie!” napatingin naman ako sa likod ko at kita ko na si Nurse Mary pala ito. Nakangiti siya at kumakaway habang papunta sa kinaroroonan ko.
Napatigil naman ako sa paglalakad at saka nginitian siya. “Oh, Nurse Mary!” bati ko sa kaniya.
“Saan ka papunta ngayon?” tanong niya sa akin.
“Sa kitchen, kukunin ko yung breakfast ng pasyente ko. Ikaw?”
“Tamang tama! Doon rin ako patungo. Sabay na tayo,” masayang sabi ni Nurse Mary.
“Sige!” tugon ko, kaya naglakad na kami papunta sa kitchen.
“Mabuti na lang talaga mabait yung inaalagan ko ngayon. Nakikinig siya sa akin at saka hindi matigas yung ulo. Hindi siya mahirap alagaan. Eh sayo, Nurse Rev?” tanong ni Nurse Mary sa akin.
Napaisip naman ako sa naging progreso ng pag-aalaga ko kay Finn ng ilang linggo, at saka napatawa, “Ayos naman. Ayon nga lang, minsan matigas yung ulo niya. Pero, our relationship is improving. Nagle-lessen na yung pagiging matigas ng ulo niya,” sabi ko sa kaniya at saka ngumiti.
Napatango naman si Nurse Mary sa sinabi ko, pagkaraan ng ilang segundo ay nanlaki ang mata niya. “Ay oo! Mabuti na lang at may tumutulong sa ‘yo, ano?” bulalas niya naman.
Huh? Tumutulong? Sino?
“Anong ibig mong sabihin, Nurse Mary?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“Huh? Ikaw lang ba nag-aalaga sa kaniya?” tanong pabalik ni Nurse Mary sa akin, tila’y naguguluhan din siya.
“Oo, ako lang yung nag-aalaga sa kaniya. Bakit? May iba ka pa bang nakita?”
May pumapasok bang ibang nurse sa kwarto ni Finn nang hindi ko alam? Kung meron, bakit hindi niya sinasabi sa akin?
“Hala, akala ko nagtutulungan kayo. Kasi, minsan may nakikita akong babaeng pumapasok sa silid ng alaga mo. I thought you two already met before, that’s why nag-assume ako na tinutulungan ka niyang magbantay sa alaga mo. At saka, bisita rin ‘yon ng alaga mo. I didn’t know na… hindi mo pala alam,” mahabang lintaya ni Nurse Mary. Halata sa boses niya ang pagtataka.
Mariin naman akong tumingin sa kaniya at saka nagtanong, “Lalaki ba ‘yon o… babae?”
“Babae ‘yon. Parang ka edad lang ng alaga mo,” sagot ni Nurse Mary sa tanong ko.
Isang tao lang ang pumasok sa isip ko pagkatapos kong marinig iyon.
Babae? Babae yung nakita ni Nurse Mary na pumapasok sa kwarto ni Finn? Only one person comes to mind after knowing that it was a woman.
Finn’s first love.
I don’t know her name. the only thing that I know about her is that they were classmates, at siya yung nag-aalaga kay Finn noon.
Judging by what Finn told me so far about her, she’s a good woman. Pero, I’m still shock to know that she secretly visits him once in a while.
Patago nga lang yung pagbisita niya.
I guess, she only visits him during the times that he’s asleep.
No wonder Finn didn’t tell me anything, kasi mismong siya ay hindi niya alam na may bumibisita sa kaniya.
Akala ko pagkatapos siyang itulak palayo ni Finn ay hindi na ng siya nagtangkang bumisita ulit, pero pinagpatuloy niya pa rin, kahit na patago lang.
That woman… really cares about him after all. And I bet she likes him too.
Should I tell Finn about this? I’m sure he will be happy.
Hindi ko alam, pero parang bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking puso. What is this feeling?
Pero… kung sasabihin ko ‘to sa kaniya ay baka ma-trigger lang yung sakit niya. I don’t want his condition to worsen lalo na’t madalas na sumakit yung ulo niya.
Maybe I shouldn’t tell him after all…
“Nurse Mary, alam mo ba kung kailan yung huling bisita noong babae sa alaga ko?” tanong ko kay Nurse Mary nang nagkita muli kami sa lobby.
“Hmmm, last week? Last week ko siya huling nakita na bumisita eh,” sagot naman ni Nurse Mary sa tanong ko.
Nagpasalamat naman ako sa kaniya at ngumiti naman siya bilang tugon at nagpatuloy sa ginagawa niya. Pagkatapos noon ay saka na ako bumalik sa silid ni Finn.
Pagkapasok ko ay ang bumungad sa akin ay si Finn na may hawak na papel at ballpen. Naramdaman niya sigurong pumasok ako kaya napatingin siya sa akin.
“If you mind me asking, ano sinusulat mo?” tanong ko sa kaniya at saka umupo sa tabi niya. Sinubukan kong tingnan ang papel na hawak niya pero inilayo niya lang ito sa akin.
“The bucket list,” mahinang sagot ni Finn.
Napakunot naman ang noo ko dahil tila’y hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
“Ano, Finn?” tanong ko sa kaniya.
“The bucket list, the one you told me to make last time,” usal niya at saka ibinalik ang tingin sa papel. It looked like he was avoiding my gaze though.
Napangiti naman ako nang narinig ko ang sinagot niya.
“That’s good! Akala ko tinigilan mo na ang paglista niyan. Buti naman at pinagpatuloy mo pa rin,” masaya kong usal sa kaniya.
I’m glad he’s taking it to heart. Akala ko ay sa una niya lang gagawin at kakalimutan na lang dahil hindi ko na siya tinatanong tungkol doon, but I’m glad to see that he is taking it seriously.
“Marami ka na bang naisulat? Ilan na nasa bucket list mo?” kuryoso kong tanong at saka sinubukan muli na tumingin sa papel, pero muli niya na namang iniwas sa akin ito.
He looked at me sharply and sighed deeply. “Please don’t look at it without my permission. At diba, sabi ko sa ‘yo ay ipapatingin ko lang ‘tong bucket list ko sa ‘yo kapag tapos na?” mahaba niyang lintaya sa akin.
I rolled my eyes and answered, “Yes, I do remember. It’s just, gusto ko lang malaman yung ibang nakalagay diyan. I’m curious, you know?”
“Fine, I’ll tell you what’s on my bucket list.” Nanlaki naman ang mata ko at saka napangiti ng bahagya.
“But,” bigla niyang dugtong, “I will only tell you one from my bucket list.”
Agad naman akong napasimangot dahil doon. “What? Bakit isa lang? Bitin naman,” I complained. Napatawa naman siya nang nakita niya ang naging reaksyon ko.
“You don’t to know one? Edi huwag—”
Before he could finish what he was saying, I cut him off. “Fine! Just one. Sabihin mo na, ano yung isa sa mga nasa bucket list mo?”
He smirked after seeing that I was defeated.
Oh well, it’s better to know one than nothing after all.
“Actually, it’s simple. Ang isa sa mga nasa bucket list ko ay pumunta ng Cebu. Narinig ko kasing maganda yung beach nila doon, and I want to see it with my own eyes,” he said and looked at the paper once again.
“So… you like the sea?” I curiously asked.
“I don’t just like it, I love it,” sagot niya naman sa akin, “Mga tatlong beses lang ata ako nakapunta ng beach, but I instantly fell in love with it the moment I saw the view, and heard the sound of the waves.”
Napangiti naman ako nang narinig ko ang sinabi niya.
“Well, I guess it is true na maganda yung beaches doon sa Cebu. Yung mama ko kasi nakapunta na ng Cebu, at sinabi niya sa akin na sobrang linis ng dagat doon at ang gaganda ng tanawin,” kwento ko sa kaniya ng naalala kong nakapunta na pala ng Cebu yung mama ko noon.
Sumama pa yung loob ko sa kaniya noon kasi hindi niya ako isinama, but that was all in the past now.
“Sa tingin mo Reverie, makakapunta kaya ako sa Cebu? Will I possibly get to check this off on my list?” he quietly asked.
I softly looked at him and nodded. “Oo naman, once your condition gets better, pwede ka na pumunta sa Cebu, at gawin ang lahat ng bagay na gusto mo.”
Tipid siyang ngumiti at saka yumuko.
“Promise, I believe you will.”
And once that happens, I pray that I’m beside you, witnessing the joy you will feel after checking that place off on your bucket list.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakatulog si Finn. I softly caressed his hair as he slept. Kung tingnan ay parang wala siyang iniindang sakit dahil sa napakaamo niyang mukha. Tipid akong ngumiti at saka inalis na ang kamay ko sa buhok niya.
Pagkatapos noon ay pumunta na ako sa office ni Doctor Miranda, ang personal doctor ni Finn, dahil ipinatawag niya ako.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok sa opisina niya.
“Oh, Nurse Reverie,” bungad ni Doctor Miranda nang nakita niya ako.
“Good afternoon po,” I greeted him. He gestured the seat in front of his table, kung kaya ay umupo na rin ako.
“Kaya kita ipinatawag dito dahil gusto ko malaman ang kondisyon ni Finn these past few days,” saad niya at saka kumuha ng papel at ballpen. Susulatan niya ata.
Bumuntong hininga ako at saka nagsalita, “Ganoon pa rin po, doc. Sumasakit pa rin ang ulo niya, lalo na kapag may binabanggit na isang tao na mahalaga sa kaniya, o kaya ay hindi niya na maalala.”
I can see that Doctor Miranda is taking note of what I’m saying, kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. “There are also times that he would suddenly get into a foul mood. I think this is due to his condition, doc. Akso, sa stress na rin.”
Inayos ni Doctor Miranda ang glasses niya at saka tumingin sa akin. “So, iniiwasan mo bang magtanong sa kaniya tungkol sa mga taong nakalimutan niya? O magbanggit tungkol sa kanila?”
Tumango ako bilang sagot, “Hindi po ako nagtatangkang magbanggit, doc.”
He nodded after hearing my response. “Good. Pero, sa next session namin ay gagawin ko iyan para malaman kung ano at paano nati-trigger yung symptoms niya.”
After that, Doctor Miranda and I talked about Finn’s condition, and other things that needs to be avoided para hindi lumala ang kondisyon niya. Sinigurado ko naman na hindi ko makalimutan lahat, lalo na at isinulat ko ito sa maliit na kwadrado na dala ko.
“That’s all, Nurse Reverie. Keep up the good work, and update me if there are changes with his condition,” Doctor Miranda said. And after that, I dismissed myself from his office at saka naglakad na pabalik sa silid ni Finn.
I am just glad that there is at least hope that Finn’s condition will get better. May paraan pa para hindi maging ganoon kalala ang nararamdaman niya.
Sooner or later, matutupad na rin ni Finn ang mga nasa bucket list niya.
I smiled at that thought.
Surely, I will be happy for him if that happens.
“Nurse Reverie! Teka, sandali!”
Napallingon ako sa likod ko at nakitang si Nurse Mary iyon, nagmamadaling maglakad papunta sa akin.
“Nakita ko yung sinasabi kong babae sa ‘yo na bumibisita sa binabantayan mo. Sa lobby ko siya nakita. Nakaputing damit siya.”
Nanlaki naman ang mata ko nang narinig ko ang sinabi niya.
Pumunta siya ngayon…?
“Bilisan mo, maaabutan mo pa siya—”
Hindi ko na pinatapos si Nurse Mary sa pagsasalita at dali daling pumunta sa lobby.
Pumunta siya ngayon?
Maaabutan ko kaya siya?
Mas lalo kong binilisan ang paglakad ko dahil gusto ko siyang makita.
I want to meet the woman who took care of Finn, his first love.
I want to see what kind of woman she is.
Nang nakarating na ako sa lobby ay nadismaya lamang ako.
Wala nang nakaputing damit na babae sa lobby.
I was too late…
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top