FINN
"Reverie, alam mo ba?"
Napatingin naman si Reverie sa akin nang narinig niya akong magsalita. She's currently watering the small plant placed on the small cabinet beside my bed, which according to her is called a peace lily.
"Ano?" tanong niya sa akin sabay angat sa maliit na watering kettle na ginamit niya.
"Nakakainis ka,"
sabi ko sabay ngisi sa kaniya. Napataas naman ang kilay niya nang narinig niya ang sinabi ko. Pinatong niya ang watering kettle sa tabi ng peace lily nang hindi binibitawan ang handle nito at saka ngumisi.
"Well, thank you for the compliment, Finn. I'm glad to know that I have the talent to push people's buttons," she said confidently which left me in awe.
"Oh wow, iba ka rin 'no?" I said while looking at her, but it came out as if I was whispering those words to her.
I can't believe that she took what I said as a compliment.
"Of course,"
she said with her head held high, as if she was proud to make me feel at awe with what she said.
"Anyway, alis muna ako. Babalik ako mamaya to check on you," sabi niya sabay angat ng watering kettle.
"Ah, sige. What time will you be coming back to check on me?"
tanong ko sa kanya.
"Hmm, maybe around 3pm?
Bakit, mami-miss mo baa ko?" pabiro niyang hirit. Nanlaki naman ang mata ko nang narinig ang sinabi niya at agad na umiling.
"No! Why would I miss you? All you do is either force me eat things I don't want to eat or push my buttons." Napatawa naman siya at agad na umiling.
"Uhuh, okay. Don't worry, I'll be back later," usal niya at saka ngumiti ng marahan. Pagkatapos noon ay umalis na siya sa aking silid.
Napabuntong hininga na lang ako at saka humiga sa aking kama. Sa tagal nang si Reverie yung naka-assign sa akin bilang nurse ko ay unti-unti na akong nasanay sa pang-iinis niya sa akin, pero minsan ay nakakalimutan kong nurse ko pala siya kaya yung pakikitungo ko sa kaniya ay parang kakilala ko na, o mas mabuting sabihin na kaibigan ko na.
It's surprising to think that I got to be comfortable with someone who's close to my age aside from... Eloise.
Sa tagal niyang hindi bumisita rito ay hindi na ako umasa pa na bibisita pa siya muli, but I can't deny the fact that I miss her. Afterall, she is my first love.
Napapikit na lang ako nang naramdaman ko ang unti unting pagsakit ng aking ulo. I bitterly laughed while enduring the pain.
"Inisip ko lang siya sumakit na yung ulo ko," bulong ko sa aking sarili at saka napahawak sa aking ulo.
I need to let them know that my head's about to break.
I opened my eyes at nakita kong parang nagdo-doble na ang tingin ko. Pinilit kong bumangon habang iniinda ang sakit at saka agad na pinindot ang buzzer para ialerto sila.
Napahinga naman ako ng malalim at saka isinandal ang aking likod sa pader. Parang pinipiga ang ulo ko sa sobrang sakit at konti na lang ay parang mawawalan na ako ng malay.
Ha, should I have not thought about her then?
Bago pa ako tuluyang nawalan ng malay ay narinig ko ang marahang pagbukas ng pintuan at ang pagdating ng mga nurse.
"Sir Finn!"
rinig kong sigaw ni Reverie, pero bago ko pa siya makita ay muli na akong sinalubong ng kadiliman.
Panaginip ba ito?
Ito ang una kong naisip nang may narinig akong kumakanta. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at saka napatingin sa paligid. Puno ito ng mga magagandang bulaklak, at maganda ang sinag ng araw.
Naglakad ako, sinusundan ang tinig ng kumanta, hanggang sa napadpad ako sa isang malaking puno. Sa ilalim ng malaking puno, may nakita akong isang babaeng nakasuot ng putting damit. Dahil doon, napatigil ako sa paglalakad at tinitigan lang siya na kumakanta.
Parang ayaw kong gumalaw, at parang gusto ko na lang siya titigan habang kumakanta. She looked so at peace, and I don't even know who she is or perhaps... I know? But my mind doesn't remember.
Biglang napatingin sa aking direksyon ang babae, na ikinagulat ko naman. Nanlaki ang mata niya at saka unti unting lumakad papunta sa akin.
"Finn-"
Napabangon ako sa pagkakahiga at saka napatingin sa paligid. Nasa hospital pala ako.
"Finn, you're awake!" bulalas ni Reverie at saka napatayo sa pagkakaupo.
Agad niya naman akong nilapitan at saka tinanong,
"Kamusta ang pakiramdam mo? Let me check."
"I'm fine, hindi na masakit ang ulo ko," sagot ko sa kaniya habang chine-check niya pa rin ang kalagayan ko.
"How long was I asleep?"
"5 hours," sagot naman ni Reverie at saka napabuntong hininga, please do tell me if you are experiencing any pain or discomfort para ma-check ko kaagad."
Tumango naman ako,
"Yes, I will. Thank you."
Pagkatapos noon ay pinainom ako ni Reverie ng gamot, and she also monitored my condition to make sure that I am no longer experiencing any pain.
"You should avoid thinking about people who brings you pain or any stress," advice ni Doctor Miranda sa akin. Napapunta na rin siya nang nalaman niya na muling sumakit ang ulo ko.
"Yes po, doc. I will keep that in mind," sabi ko sa kaniya at saka tipid na ngumiti.
"Well then, rest well. I'll be leaving first," sabi niya at saka tumingin kay Reverie, tumango naman si Reverie sa kaniya at tuluyan na nga umalis si Doctor Miranda sa silid.
Napatingin ako sa bintana at saka nakita na madilim na pala. The sky is dark, but it's filled with stars shining throughout the night. Ang nagliliwanag na mga gusali ang nagdagdag sa kagandahan ng gabi.
Why didn't I appreciate this view sooner?
"Reverie," pagtawag ko sa kaniya.
"Oh, Finn? May masakit ba sa 'yo?" Agad na tanong ni Reverie at saka lumapit sa akin. Tinuro ko ang bintana kung saan naroon ang magandang tanawin.
"Can I go out to watch that view?" mahina kong tanong at saka tumingin sa kaniya.
Nakita kong parang nag-aalinlangan siya base sa kaniyang mukha.
"But the doctor told you to rest, at gabi na rin kasi," nag-aalinlangan niyang sabi.
"Yes, I know, but I want to watch the night view outside. Can you grant me this just this once, please?" I softly said and looked at her pleadingly.
She face-palmed and sighed in defeat.
"Okay, I will grant you this just this once. But we will only stay for a few minutes, okay?"
Napangiti naman ako sa sinabi niya at agad na tumango. I happily thanked her in which she answered with a smile.
"Magpapaalam lang ako at saka hihiram ng wheelchair," paalam niya sa akin at saka umalis.
Muli akong napatingin sa bintana at nakita ang magandang gabi kasama ang kumikinang na mga bituin.
How long will I get to see this view, now that I only have a little time left?
Matapos makuha ni Reverie ang wheelchair ay ipinaupo niya ako doon at saka dinala sa hardin ng hospital.
Ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko, kung kaya ay napayakap ako sa aking katawan. Agad naman ito napansin ni Reverie.
"Gamitin mo 'to," sabi niya sabay abot sa aking ng kulay blue na sweater.
"Saan mo naman ito kinuha?" natatawa kong tanong sa kaniya. Nagpasalamat naman ako at saka agad na sinuot ang sweater.
"Just, somewhere," makahulugan na sagot ni Reverie at saka ngumiti.
Napangiti na rin ako habang umiiling, at saka muling tumingin sa kalangitan.
Napakadaming nagniningning na mga bituin, at may crescent moon pa.
"Was the sky always this beautiful?"
"It was always beautiful," biglang sagot ni Reverie.
Napatingin ako sa kaniya dahil doon. I didn't expect that I have blurted out my thoughts out loud. Napangiti ako dahil doon at saka napabalik naman ako ng tingin sa kalangitan pagkatapos no'n.
"I wasn't a fan of skies, and I never appreciated its view, most especially the night sky." Nanatiling tahimik si Reverie, it's as if she's waiting for me to speak more. "I didn't appreciate it, not until tonight," dugtong ko at saka muling tumingin sa kaniya.
"Ikaw, Reverie? Have you always appreciated the sky?" tanong ko sa kaniya.
Tipid siyang ngumiti, hindi pa rin tinatanggal ang mata mula sa kalangitan.
"Yes. As a matter of fact, I have always loved the sky, most especially at night."
"Why?"
Muling umihip ang hangin, at kita ko kung paano nakisayaw ang mahabang buhok ni Reverie sa ihip ng hangin. But then she held her hair to prevent it from being swayed by the wind.
"The night sky's beautiful, it just shows that even darkness has its own beauty," she whispered, but I heard her load and clear.
Ang dilim ng gabi na 'to, pero tila'y kumikinang siya sa gabing ito. It's as if, she's the only light that shines through this night, aside from the stars and the crescent moon that shines little.
"Huh, I guess you're right,"
I quietly said.
And I just realized this now..
She blends well with darkness.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top