Eloise POV
“The world really loves me,”
sabi ko at saka hilaw na napatawa habang nakatingin sa pregnancy test na hawak ko ngayon.
Positive.
I shook my head several times while laughing. Parang nasisiraan na ako ng bait dahil sa nakita. This is my 3rd pregnancy test and the result still shows that I am indeed carrying a life inside me.
Kailan pa? Paano nangyari ‘to?
At doon pumasok sa isip ko ang nangyari sa amin ng boyfriend ni Reverie.
That one night. Isang beses lang nangyari ‘yon at nakaplanta na kaagad ang lalaking ‘yon sa akin?
“Ha, so he didn’t use any condom that night, at hinayaan ko lang?” I covered my mouth using my other free hand at saka tumawa ng marahan.
Ano na ngayon? Anong gagawin ko?
Naisip ko bigla ang amang kinasusuklaman ko, ang asawa niya, at si Reverie. The moment they find out that I am with a child with my half-sister’s boyfriend, they will surely send me to hell.
“Si mama?” I softy, but fearfully uttered.
Paano kapag malaman ito ng mama ko? Tiyak na masasaktan siya dahil ang kaisa-isa niyang anak ay maagang nabuntis. She will suffer greatly because of me. What should I do? Should I abort this unborn child?
No.
The thought of aborting this child send chills down my spine.
This unborn child is innocent, and I was the one who made a mistake. What right do I have for me to take their life away?
Kahit ayoko man magkaroon ng anak dahil sa magulo kong buhay, hindi ko hahayaan ang sarili na i-abort lang ang batang na sa sinapupunan ko.
Kaya kahit mahirap, aalagaan ko itong bata na nasa sinapupunan ko.
That’s what I thought.
But weeks later, an accident happened.
An accident that took the life of the unborn child inside of me.
I was reckless. I wasn’t careful enough. If only I didn’t lose my balance while going down the stairs—
Napatawa lamang ako sa aking sarili dahil sa mga naisip ko.
“I guess it’s good that the child wasn’t born in this cruel world,” I whispered and slowly caressed my stomach, which felt empty.
Ilang linggo lang ang itinagal sa akin ng batang nasa sinapupunan ko, but oddly enough, the child’s death still pained me a little.
Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Finn; ang tawa niya, ang ngiti niya, kung paano lumiit ang mata niya kapag tinitingnan ako ng mariin, at ang pag-aalaga niya sa akin.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.
“You are my only hope, Finn,” I softly whispered and wiped the tear that rolled down on my cheeks.
I promise to find you, kahit nasaan ka man.
And I know life has never been good to me, but learning that he no longer loves me and holds me in deep contempt, makes me think that I would rather leave this world than see the look in his eyes.
Tapos ngayong si Reverie na nga yung nagbayad ng utang ko sabi ni Aling Sisa ay mas lalo lang nadagdagan ang ppagkamuhi sa akin ni Finn kung gano’n.
Kaya ilang araw akong hindi muna nagpakita sa kaniya, at nang hinanap ko muli siya—
“Ilang araw na silang hindi bumabalik dito, hija. Kahit ako nagtataka na rin kung saan sila nagtungo,” sabi ni Auntie Ysa nang tinanong ko siya kung nasaan si Finn.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Auntie Ysa.
Does he really hate me that much for him and Reverie to leave this island?
Ramdam ko naman ang pagkirot ng puso ko dahil sa naisip.
“Hindi nyo po talaga alam o ayaw nyo lang pong sabihin sa akin?”
marahan kong tanong sa kaniya.
Umiba naman ang timpla ng mukha niya nang narinig niya ang sinabi ko.
Bumuntong hininga siya at saka muling umiling.
“Hija, maniwala ka man o sa hindi, hindi ko talaga alam kung nasaan sila,” muling sabi ni Auntie Ysa.
Bumagsak naman ang balikat ko dahil doon. “Sige po, thank you,” I said and quickly existed in her carinderia.
A small part of me is losing hope, na baka sa pagkakataong ito ay hindi ko na matatagpuan pa muli si Finn.
“I searched for you desperately, only to find out that you hate me so much,” I whispered as I looked at the ocean waves.
Sikat na sikat ang araw, pero dahil sa nararamdaman ko ngayon ay parang ang dilim-dilim ng buhay ko.
Ramdam ko ang luhang tumulo sa aking mga mata, kaya dali-dali ko itong pinunasan at saka malalim na bumuntong hininga.
I may be losing hope for just a tiny bit, but I won’t give up on you, Finn.
I know that sooner or later, babalik at babalik ka rin sa akin.
Because I am your first love.
My thoughts were interrupted when I heard my phone ring and vibrate from my pocket. Dali-dali ko itong kinuha at saka nakitang isang unregistered number yung tumatawag.
Kahit nagda-dalawang isip man, pinili kong sagutin yung tawag.
“Hello, is this Eloise Castro?”
tanong ng lalaking caller sa kabilang linya.
“Yes po. Sino ‘to?” sagot ko naman at saka nagtanong na rin, pero ramdam ko ang pagtibok ng mabilis ng puso ko.
“This is from ** hospital.”
Halos nabitawan ko ang cellphone ko nang narinig ang sinabi ng caller sa kabilang linya.
Si mama… na-ospital si mama!
Kaya pagkatapos noon ay dali-dali akong bumiyahe at pumunta sa hospital kung saan naka-admit si mama.
“Excuse me, miss. Anong room si Ms. Natividad?”
dali-dali kong tanong sa nurse na nasa lobby.
Napatingin naman ang babaeng nurse sa akin,
“kaano-ano nyo po yung pasyente?”
“Mama ko po,”
sagot ko naman.
Kaya tiningnan niya kung anong room naka-assign ang mama ko. Nang sinabi niya na ay dali-dali naman akong pumunta sa room niya.
Nang malapit na ako sa room ni mama ay halos natigil ako sa paglalakad nang nakita ko si Finn na lumabas mula sa isang kwarto.
Finn?
Bakit siya nandito?
Hindi kaya…?
Nang napatingin si Finn sa direksyon ko ay kita ko ang paglaki ng kanyang mga mata.
“Eloise…?”
I took a step towards him, and he immediately took a step back.
Hilaw naman akong natawa dahil doon.
Hindi naman halata na hindi niya na talaga ako gusto, ha.
"What are you doing here? How did you know—"
Before he could finish what he was saying, I cut him off.
"I didn't even know you were here,"
I calmly said.
Naningkit ang mata niya nang narinig niya ang sinabi ko.
Ah, those eyes squinting at me. I missed that.
"Do you think I will believe you after everything you have shown me at the island? Really, Eloise?" pagak niyang sabi at saka umiwas ng tingin sa akin.
I smiled, even though what he said made my heart sink.
"Hindi ko talaga alam na nandito ka, Finn. But I am glad that I finally found you here... by chance."
Seryoso naman siyang tumingin sa akin, habang ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad ng dahan-dahan. Surprisingly, he didn’t another step back.
I'm sure he's expecting that I will go towards him and stop just to pester him again, but no.
Not today.
My priority is my mom, kailangan nya ako ngayon at hindi ko pa alam kung kamusta yung kondisyon niya.
I stopped by his side, but I didn't look at him.
"I hope I can meet you again, Finn. And I hope by the time I meet you again, you will talk to me and hear me out," I softly whispered, enough for him to hear what I just said.
Pagkatapos noon ay diretso na akong naglakad. I didn't glance at him, honestly because I didn't want to see how he hates me so much.
Bumuntong hininga ako at unti-unti kong binilisan ang paglalakad ko hanggang sa nakarating na ako sa room ng nanay ko.
Ramdam ko ang biglang panginginig ng kamay ko, pero huminga ako ng malalim para kahit papaano ay kumalma ako, at saka ako kumatok.
Walang sumagot kahit tatlong beses na akong kumatok, kaya pumasok na ako sa silid at dali daling pumunta sa kinaroroonan ni mama.
Halos maluha ko siya nang nakita kong nakahiga siya sa kama, at mahimbing na natutulog.
Unti-unti ko siyang nilapitan, at nang nakalapit na ako ay umupo ako sa upuan na nasa gilid ng mesa.
"Ma, nandito na po ako,"
mahina kong sabi sa nanginginig kong boses.
I held her hand and gently caressed it. Napayuko naman ako nang naramdaman kong muling tumulo yung luha ko, na dali-dali ko namang pinunasan gamit ang isang kamay ko.
Ano kayang nangyari at nandito siya ngayon sa hospital?
Did she overwork herself again?
Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na huwag niya pagurin ng husto ang sarili niya, pero hindi talaga siya nakikinig sa akin.
"Eloise?"
Napaangat naman ako ng tingin at nakitang gising na si mama. Nakatingin siya sa akin, at kahit nanghihina ay ngumiti siya nang nagtagpo ang aming mga mata.
"Ma!"
bulalas ko't saka napatayo para yakapin siya.
Nagawa niya pa ring tumawa dahil sa ginawa ko kahit nanghihina pa siya.
"Oh, hindi na ako makahinga niyan sa higpit ng yakap mo, 'nak."
Agad naman akong napabitaw sa pagkakayakap sa kaniya nang narinig ko iyon.
"Ma, anong nangyari? Bakit ka nandito? Masama ba yung pakiramdam mo? Hindi ka naman ba nagpahinga kaya bumigay na yung katawan mo?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya dahil sa pag-alala.
"Sorry na, anak. Kailangan ko kasing magdoble kayod dahil mahirap tayo," mahina niyang sabi sa akin.
Napakagat naman ako nang narinig ko ang sinabi niya, pilit kong pinipigilan ang luhang gustong bumuhos mula sa mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Magpahinga ka muna, Ma. Kakausapin ko lang yung doktor mamaya kapag dumating siya,"
usal ko at saka nginitian siya.
She slowly nodded, and closed her eyes to rest.
Pangako, ma. Hindi na 'to mangyayari sa sunod. Balang araw, hindi na tayo maghihirap ng ganito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top