ELOISE POV

THIS STORY UPDATE IS DEDICATED TO
acesugraphicofficial

I HOPE YOU ENJOY READING!

-------

Dumaan ang ilang araw na pasimple lang akong bumibisita kay Finn sa hospital. Minsan, nagtatanong din ako kay Nurse Ali kung kamusta ba yung kondisyon niya. At minsan naman, palihim akong pumapasok sa loob ng kwarto niya para tingnan ang mukha niya.


I just want to make sure that he’s okay, but looking at him from afar while he’s suffering makes my heart ache.
Wala man lang ako magawa para sa kaniya. Hindi ko man lang maiparamdam sa kaniya na may kasama siya sa pinagdadaanan niya ngayon.


“Eloise, meet your half sister, Reverie,” pagpapakilala sa amin ng aking ama sa harap ng hapag kainan.

Mgkaharap kami ng babae at ang ama ko naman ay nasa harapan ng mesa. Hilaw akong napatawa at saka umismid.
Ah, so ito pala yung pamilyang palagi niyang inuuwian. Yung pamilyang nauna kaysa sa amin.


“H-hello,” nauutal na bati ng babaeng nangangalang Reverie. Halata sa kaniyang mukha na hindi siya komportable at napipilitan lang na harapin ako. Peke akong ngumiti at saka binati siya pabalik.


“Dalawang taon ang tanda sa ‘yo ni Reverie, kaya tawagin mo siyang ate bilang pagrespeto,” muling sabi ng ama ko at saka iniwan kaming dalawa sa hapag kainan.


Tahimik lang kami na kumakain, at mukhang walang may balak magsalita sa aming dalawa. Hindi ko alam, pero ramdam ko ang tensyon sa aming dalawa, o ako lang nakakaramdam noon.


Niligpit ko ang pinagkainan ko at saka tumayo na para sanang umalis na ng bigla niya akong pinigilan. “Sandali,” mahina niyang usal.


I blankly looked at her and waited for her to say anything.

“Does he…” bumuntong hininga siya at saka muling nagsalita, “Does he treat you well?”
Umiba naman ang aking ekspresyon dahil sa sinabi niya, at alam kong nahalata niya ang pag-iiba ng ekspresyon ko dahil sa tinanong niya.

Hilaw akong napatawa at saka nagsalita, “What do you think?”


Bago pa siya magsalita ay tuluyan na akong umalis sa hapag kainan.
The answer was already pretty obvious. Of course, my father didn’t treat me well. Ayaw niya pa nga gampanan yung pagiging tatay niya sa akin eh. Kaya, bakit pa siya magtatanong? Nagtanong ba siya para ikumpara kaming dalawa?


Siya man ang ama ko sa dugo, pero ngayon sa buhay ko ay hindi ko siya tinrato o minahal bilang ama ko. Maybe I did love him as my father when I was little. But now, not anymore.


Alam kong hindi niya kami mahal, sa mga pinapakita niya pa lang sa amin ni mama at sa mga nakita ko noong bata pa lang ako, alam ko na.
Kaya, hindi na ako aasa sa pagmamahal ng isang ama.


Pagkatapos noon, dumaan ang ilang araw na doon ako tumira sa bahay nina Reverie. Simple lang ang buhay nila, walang arte. Palaging silang dalawa lang ng mama niya ang nakikita ko. Minsan lang yung ama ko na nananatili sa bahay na iyon.
Pakiramdam ko nga ay parang silang dalawa lang yung palaging nandito sa bahay at parang sanay na rin sila.


Sa ilang buwan ko rin na pananatili rito ay ilang beses sinubukan ni Reverie na makipag-usap sa akin, pero kahit isang beses ay hindi napalapit ang loob ko sa kaniya.
Ewan ko, hindi ko alam. Parang may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya. Parang may hindi tama.


Dahil na rin sa biglaang pagpapakilala sa amin ng half sister ko ay hindi na ako ulit nakapunta sa hospital, pero minsan ay nangangamusta ako sa kalagayan ni Finn sa pamamagitan ni Nurse Roy.


“Tita, alis na po ako,” paalam ko sa kay tita at saka lumabas na ng bahay.


Hindi ko na alam, my mind’s a mess. I feel like I need to distract myself from everything that’s happening.
And the only place that I could think of is going to a bar.


Nang maglalakad na sana ako palayo ng bahay ay bigla kong nakasalubong si Reverie. Nakasuot siya ng pang-nurse na uniform, at halatang kakagaling lang sa trabaho niya.


Alam kong isang nurse si Reverie, pero hindi ko alam kung saang ospital ito, at wala na akong balak pa na alamin.
Wala na rin naman akong interes na makipag-close sa kaniya. Para saan pa ba’t kailangan kong makipag-usap sa kaniya?
Dadaanan ko lang sana siya ng bigla siyang nagsalita, “May pupuntahan ka ba, Eloise?” mahina niyang tanong sa akin.
Napatingin naman ako sa kaniya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya sa mukha, kaya hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip niya sa oras na ito.


“Oo, meron. Alis na ako,” dire-diretso kong sabi sa kaniya at saka mabilis nang naglakad palayo. Kahit kailan ay hindi talaga ako naging komportable sa kaniya, kahit sa pakikipag-usap lang.


Pagkatapos noon ay hindi ko na alam ang susunod na nangyari. Ang alam ko lang noon ay pumunta ako sa isang bar, sumayawsayaw, at nakipag-inuman.
Nagulat na lang ako na nagising ako na may katabi nang lalaki na hindi ko kilala.


“E-Eloise…? Dave…?”


Napatingin ako sa nagsalita at nagulat nang nakita na si Reverie iyon, suot niya pa ang uniform niyang pang-nurse kaya alam kong kagagaling niya lang sa trabaho.
Halata sa mukha niya ang sakit habang nakatingin sa amin.


What? Boyfriend niya ‘to?


“How can the two of you…” Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng may tumulong mga luha mula sa kaniyang mata.

Mabilis niya iyon na pinunasan Pagkatapos noon ay dali-dali siyang umalis sa harap namin.


Napabangon naman ako at kitang kakagising lang ng lalaking nasa tabi ko.

“Excuse me?” malakas kong sabi at saka dali daling bumangon at kinuha yung mga damit kong nasa sahig.


Nang nasa tamang animo na ang lalaki ay nanlaki ang mata niya ng makita ako.

“Shi—” hindi niya na naituloy yung sasabihin niya. Ginulo niya ang buhok niya at halatang hindi makapaniwala sa nangyari.


Unti-unti kong sinuot yung damit ko habang yung lalaki naman ay nakatulala pa rin.

“Fck, si Reverie. She saw…” hindi ko na narinig ang sinabi ng lalaki dahil humina ang boses niya pagkatapos noon.


I can’t believe this happened. May nangyari sa amin ng lalaki, and what’s even more shocking is it’s Reverie’s boyfriend.
How could I possibly have known, right?


“You ungrateful woman!” sigaw ng ina ni Reverie sa akin pagkarating ko sa bahay nila. Halata sa mukha niya ang galit, at nasa tabi niya si Reverie na umiiyak. Kita ko rin na nakakalat sa labas ng bahay yung mga gamit ko.


“Pagkatapos ka naming pakisamahan dito sa bahay kahit hindi naman maganda yung tungo mo sa amin, ganito lang igaganti mo? Inahas mo pa talaga boyfriend ng sarili mong ate, ha?!” galit na galit na usal ng ina ni Reverie habang dinuduro pa ako.


Nanatili akong tahimik habang kinukuh yung mga damit ko sa sahig at inilagay ito sa bag na nilabas din nila.


“Oh, ano?! Wala ka talagang sasabihin?” matalim na sabi ng ina ni Reverie.
Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Na hindi ko alam na boyfriend pala yon ni Reverie? Kung yan nga yung sasabihin ko, maniniwala ba kayo?


Hindi, hindi kayo maniniwala.
You judged me for being indifferent whenever I’m together with you. The two of you never understood how much I suffered just by living with the two of you, habang yung nanay ko sa amin ay mapag-isa at nagdo-doble kayod sa pagta-trabaho.
Do you really think that I wanted to live here with the two of you?


“Layas, lumayas ka nang walang hiya ka!” muling sigaw niya. Napabuntong hininga na lamang ako at saka kinuha ang last na bagay na nasa sahig bago tuluyang tumalikod at umalis, bitbit ang mga gamit ko.


Hindi ko alam, hindi ko alam.
Ang sakit ng dibdib ko. Naglalakad ako sa gilid ng daan at maraming nakatingin sa akin. At alam kong mamaya ay makikichismis sila doon kina Reverie.


“Hahaha!” napatawa ako ng malakas at saka napahwak sa tiyan ko.


Hindi ko alam, nasasaktan ako pero gusto kong tumawa.
Ganito pala yung pakiramdam na hindi ka pinakinggan at pinaniwalaan lang kaagad ang sinabi ng ibang tao.
Thinking back, how was I supposed to know that it was her boyfriend? Pinakilala niya ba sa akin? Hindi eh.


If I was on my right mind that night, something like a one night stand wouldn’t have happened to begin with.
Pero, there’s no use in regretting it now.
Nangyari na. And in their eyes, I did it because of my hatred for her.
Nang nakarating na ako sa bahay namin ni mama ay mabilis kong binuksan yung pintuan.

“Ma,”
pagtawag ko sa kaniya at saka isinara yung pintuan.


Naglakad ako nang naglakad hanggang sa nakarating na ako sa kusina namin, at doon ko nakita si maka na nagluluto ng pansit.


“Ma, I’m home,” usal ko.
Napatingin naman siya sa akin habang nanlalaki ang mata.

“Eloise?” bungad niya, tila hindi pa rin makapaniwala na nandito n ako muli sa amin.


Nilapag ko ang mga dala ko sa sahig at saka dali daling pumunta sa kinatatayuan niya para yakapin siya ng mahigpit.


“I missed you, Ma,” mahina kong usal at saka hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa kaniya. Niyakap niya naman ako pabalik at saka hinimas yung buhok ko.


“I missed you too, anak. Welcome home,” mahina niyang usal at saka mas hinigpitan pa lalo ang yakap niya sa akin.
Hindi ko na pinaalam kay mama ang nangyari, bagkus ay sinabi ko na lang na ako na ang kusang umalis, na pinaniwalaan niya naman.


Lumipas ulit ang ilang araw, linggo, at buwan. Nang nalaman kong nawala si Finn sa hospital ay agad ko siyang hinanap sa kahit saan. Pinuntahan ko na rin siya sa dati niyang bahay pero wala siya roon.
Hindi ko matanggap na bigla siya nawala ng parang bula.


That’s why I tried. I tried and tried my best to find him, hanggang sa nahanap ko na nga siya ng tuluyan sa isang isla.
But, what I didn’t expect is for him to look at me with so much hatred in his eyes.
Ang mas nakakagulat pa para sa akin ay nang nadiskubre kong sa bahay siya ni Reverie nakatira.


“After this, will you stop coming here?” tanong ni Finn sa akin. Halatang halata na ayaw niya na sa akin.


Ang sakit, sobrang sakit. It felt like I was betrayed once again. Hindi ako makapaniwala na ganoon niya lang kadaling paniwalaan si Reverie nang hindi niya pa napapakinggan yung side ko.
All I asked is one breakfast together, pero bakit ang laki ng kapalit?
But then, in the end, I chose to agree.
So then, I stopped going to Reverie’s house. That clears our agreement, right?


Masakit, kasi ako ang nauna.
Ako ang naunang nakilala ni Finn bago pa si Reverie. Ako ang unang naging kaibigan niya, at alam kong gusto niya rin ako noon.
Hindi ko lang matanggap na parang sa isang salita lang ng babaeng yon ay parang tinapon na rin ni Finn ang lahat ng pinagsamahan namin.


Ganoon niya lang kabilis paniwalaan si Reverie, at ganoon niya kabilis na bitawan ang pinagsamahan namin.
Dahil kulang yung dala kong pera, napilitan akong mangutang kay ate Sisa.

“Oh, ito. Papautangin kita dahil kapatid ka ni Reverie,” sabi ni Ate Sisa sa akin at saka nilahad ang 5k.


“Sige po, thank you. Ibabalik ko po ito sa inyo, pangako,” sabi ko sa kaniya at saka ngumiti.


But, things didn’t really go smoothly as planned.


“Ma, I really need the money now kasi ilang araw na ang lumipas at hindi ko pa po siya nabayaran,” mahinahong sabi ko sa kaniya sa call.


“I’m sorry, anak. Kakabayad ko lang talaga para sa bahay kaya wala talaga akong extra ngayon. Also, nanghingi ako sa papa mo pero ayaw niya ring magbigay,” malungkot na tugon ni mama.


Simula nang nalaman ng ama ko ang nangyari sa amin ni Reverie ay mas lalong lumayo ang loob niya sa akin.
Ha, as if I care.


“Sige po, gagawan ko na lang ng paraan,” mahina kong sabi at saka nilapag yung tawag. Ilang araw akong naghintay pero wala talaga.


So then, I decided to withdraw from my savings, nahihiya na rin ako sa tagal ng utang ko sa kaniya.

“Hi, ate Sisa. Ito na po, thank you,”
sabi ko sa kaniya at saka inilahad ang pera sa kaniya. Nanlaki naman ang mata niya.


“Okay na, hija. Nabayaran na ng ate mo. Sinabihan ko siya dahil ang tagal bago mo bumayad. Akala ko wala ka nang plano,” lintaya niya.


Dahil sa narinig ko’y hilaw naman akong napatawa.


She’ll get it all wrong, again.







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top