DAY 7 , WEEK 4

Sa lahat ng lugar na pwede ko si Eloise makita, dito pa talaga sa hospital kung saan naka-confine si Reverie.

Kahit ilang beses niya pang sabihin sa akin na hindi niya alam na nandito ako ay hindi ako naniniwala.
Natagpuan nga niya ako sa isla, dito pa kaya sa hospital?
But oddly enough, there was something strange about her. Iba ang tingin niya sa akin ng mga sandalling iyon, hindi iyon katulad sa mga tingin niya sa akin nang nasa isla kami.
Did something happen to her?

I shook my head to erase the thoughts that is slowly getting into my mind.
I should not care about her anymore, after every horrible thing that she did to Reverie?
Kung iisipin, baka ang lahat ng ipinakita niya sa akin noon ay pakitang tao lang at hindi ang totoong siya.

Dahil doon, my resolve to hate her grew more.
Kinuyom ko ang kamao ko at saka bumuntong hininga.
Pumunta ako sa kinaroroonan ng vending machine na malapit lang sa silid kung saan naka-admit si Reverie at saka kumuha ng can na coke.
Pagkatapos noon ay napaupo ako sa upuan na nasa gilid ng vending machine at saka pumikit.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na pareho kaming may sakit ni Reverie. Thinking that she experienced the same pain that I go through pains me twice as the pain that I’m experiencing because of my condition.

Napadilat naman ako ng mata ko at saka binuksan ang can ng coke.

“I can’t be weak just yet,”
I whispered to myself and drank the can of coke in one go.
Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagsikip ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa coke na ininom ko o dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ako pwede maging mahina, lalo na ngayong ako lang ang nasa tabi ni Reverie ngayon.
She needs someone who can look after her.
Inalagaan niya ako noong nasa hospital pa ako, at sa pagkakataong ito ay ako naman ang mag-aalaga sa kaniya. Kaya ngayon, hindi dapat ako maging mahina, at mas palakasin ko pa lalo ang loob ko. Not just for me, but especially for her too.
Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nayupi ko na pala yung can ng coke dahil sa higpit ng pagkakahawak ko.
Napabuntong hininga na lamang ako’t tinapon ito sa basurahan, at saka bumalik na sa silid ni Reverie.
Tatlong araw na ang lumipas, at tatlong araw ko na ring patuloy na inaalagaan si Reverie.
At sa tatlong araw na ‘yon, hindi pa siya gumigising.
Sabi ng doktor, posibleng napagod ng husto ang katawan niya sa pakikipaglaban sa sakit niya, kung kaya ay maaaring hindi pa siya gumigising dahil binabawi pa ang lakas niya o ‘di kaya ay… na-coma na siya.

Just the thought of her being in coma already fills me with fear and pain.
Paano nga kung na-coma siya, at hindi ko na siya muling makita o makausap man lang?
Walang kasiguraduhan kung magigising siya, and that’s what scares me the most.

“Reverie, tatlong araw ka nang hindi nagigising. Hindi mo ba ako nami-miss?”
tanong ko sa kaniya sa pabiro na tono.

Hinawakan ko ang kamay niya at saka pinisil iyon.

“Don’t you miss me? Because as for me, I miss you so much,” mahina kong usal at saka hinalikan ang likod ng kamay niya.

“Please, can you please come back to me?”
I said, almost a whisper and almost pleading. My voice almost cracked when I said those words to her.


Sa ilang araw na lumilipas, pakiramdam ko ay unti-unti na rin ako nasisiraan ng bait dahil hindi pa siya gumigising.
I miss her smile. I miss her laugh. I miss her voice. I miss her gentle look.
I just miss her.
She’s physically here with me, but she’s not awake, and I’m not even sure if she will be awake again.
Please, God. Please let me see her open her eyes again.
My thoughts were disturbed when I heard my phone ring. Kinuha ko naman ito sa bulsa ko at nakitang si Doctor Miranda yung tumatawag. Dahil doon, parang hindi ko gustong sagutin yung tawag.
A call from him only means he wants me to go back to the hospital, and that is what I don’t really want.
Not now, not now that Reverie is still not awake yet.

Kahit ayoko, wala na akong magawa kung ‘di sagutin ang tawag niya.

“I’ll be back,”
I whispered and slowly let go of her hand.

“Hello, dok?” bati ko sa kaniya.

Before I went out of the room, I glanced at her angelic face and finally got out of the room.

“Good afternoon, Mr. Gaizer,” bati rin ni Doctor Miranda.

“What do you want? If you want me back at the hospital, now is not—”


He cut me off.

“Yes, I want to personally check your condition, because I assume by now that the medicine that I had given to you already ran out.”

Natahimik naman dahil sa sinabi niya.

Tama si dok. Hindi na umepekto ang ibinigay sa akin at muli kong naramdaman ang mga sintomas ko nitong mga nakaraang araw, pero iniinda ko lang para kay Reverie.

“Please, Mr. Gaizer. Kailangan mong pumunta rito para matingnan natin ang kalagayan mo. After all, may mga taong nagmamahal pa rin sa ‘yo at nag-aalala na gusto ka pang makita, at gusto mo pang makita. Please, his is for your sake,” mahabang lintaya ni Doctor Miranda.

Pumasok sa isip ko si Reverie. Tama si dok. I have to go and get him to check on him personally. Kailangan ko rin ma-control yung kalagayan ko, lalo na ngayong ako ang nag-aalaga kay Reverie.

“Sige po, dok. Pupunta ako bukas,” I finally said.

“Thank you, Mr. Gaizer. I will set a time for you to come here. I will gladly see you tomorrow,” natutuwang sabi ni Doctor Miranda.

Pagkatapos noon ay ipinatay ko na ang tawag at saka napalunok.
Honestly, I am scared to leave.
Baka kung pupunta ako roon bukas, hindi na ako papayagan ng doktor na bumalik pa dito sa kung nasaan si Reverie.

Baka pilitin niya akong huwag bumalik, pero hindi ako papayag na hindi ako makabalik dito, lalo na at nandito si Reverie.
She needs me, and I will do my best to stay by her side.
I took a deep breath, and was about to go inside when I saw a nurse coming on my way.
Nagulat lamang ako nang tumigil mismo sa harap ko ang nurse.

“What—”

“Excuse me, sir. Kailangan ko pong i-check si ma’am,” nagmamadaling sabi ng nurse.

Bago pa man ako sumagot ay lumagpas na siya sa gilid ko at saka dali daling pumasok sa silid ni Reverie.
Wait, does that mean—?
Dali-dali akong pumasok sa loob ng silid, and I can feel my knees turn weak when I saw the nurse talking to someone.

And Reverie, she is awake!
The nurse is talking to her!

I slowly approached them, and Reverie noticed me right away. Napatigil naman ang nurse at saka napatingin din sa kinaroroonan ko.

“Finn,” mahina niyang sabi at saka tipid na ngumiti.

“Reverie, you…” my voice cracked and I can feel tears forming from my eyes.

“You’re finally awake,” I gently said and sighed in relief.

“I’m sorry, Finn,” usal ni Reverie habang lumapit ako sa kaniya.

“I’m sorry, I know I made you worry for me so much—” hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang bigla ko siyang niyakap.

“Reverie, I’m so glad… I’m so glad you’re awake,” I uttered and smiled, habang patuloy naman na umagos ang mga luha ko mula sa mga mata ko.

Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin pabalik at paghaplos niya sa aking likod ng dahan-dahan.
She’s the one who experienced a lot of pain, yet she is the one who’s comforting me now.
Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kaniya at saka pinunasan ang mga luha ko.

“Please check on her, miss,”
sabi ko sa nurse na nasa harap namin ngayon.
Tumango naman ang nurse at saka chineck ang kondisyon ni Reverie. Nang nasiguro na niyang ayos lang si Reverie, nagsabi lang siya sa amin na tawagin siya kung sakaling may naramdaman naman si Reverie na sakit.

“Sige po, thank you,” I said, at saka doon na umalis ang nurse sa silid.
Tiningnan ko si Reverie at nakita kong maputla ang kaniyang mga labi, at tila pagod na pagod siya kahit ilang araw na siyang natulog.

“Finn,” she said

name.

“I’m sorry… I’m sorry na hindi ko sinabi ang sakit ko sa ‘yo,” malungkot niyang sabi at saka napayuko.
“I didn’t want to make you worry, so I—”
“Shh, it’s okay, Reverie. I understand,” I gently said and held her hand. Pinisil ko ito para iparamdam sa kaniya na okay lang at naiintindihan ko.
“A part of me was hurt that you didn’t tell me about your illness, pero kalaunan ay naintindihan ko rin kung bakit mo iyon nagawa,” mahaba kong lintaya sa kaniya. Napangiti naman siya nang narinig niya ang sinabi ko, at saka hinawakan pabalik ang aking kamay.
“Thank you, Finn. Thank you,” she softly said, and I returned it with a gentle smile.
Pagkatapos noon ay hindi na kami nakapag-usap pa muli ni Reverie tungkol doon. Mas pinagtuonan ko ng pansin ang pag-aalaga ko sa kaniya at pagpapakain ko muli sa kaniya para bumalik ang lakas niya.
At kay bilis ng oras, ngayon na ang araw na pupunta ako sa hospital para magpa-checkup kay Doctor Miranda.
Bago ako umalis ay tumingin ako kay Reverie na mahimbing na natutulog.

“Alis ako, Reverie. Babalik din ako kaagad,” I softly whispered and exited the room.


Bumiyahe na ako papuntang hospital, at sa buong biyahe ay ang tanging nasa isip ko lamang ay bumalik kaagad kay Reverie pagkatapos ng checkup.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top