DAY 7 , WEEK 3

THIS STORY UPDATE IS DEDICATED TO
_AEVRY
I HOPE YOU ENJOY READING!

-------

Hindi nga si Eloise pumunta ulit sa bahay ni Reverie, pero nandyan siya kahit saan man akong pumunta.

"Eloise, didn't we already have an agreement—"


She cut me off,
"Yes, I promised to never go 'there' again," she puts in an emphasis on the word 'there' while smiling.


"But what I meant was—"
Muli niya akong pinutol,

"Hephep! Wala na, sinunod ko naman na yung gusto mo. Hindi na nga ako pumunta doon eh. Isa pa, wala kang sinabi na umalis na ako ng tuluyan sa islang ito." She smirked and clapped her hands after that.


Nagkasalubong ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Aba, ang talino rin ng babaeng ito.


"Alis na po ako," paalam ko kay manong. Binuhat ko yung nilagyan ko ng mga isda at saka dali daling umalis.


"Finn! Sandali!" sigaw ni Eloise, rinig ko ang paghabol niya sa akin kaya bigla akong napatigil sa paglalakad at saka tiningnan siya ng mariin.


"Eloise, please. Tantanan mo na kami," naiinis na may halong pagmamakaawa kong sabi. Ilang araw na simula nang ginagawa niya ito, at kita ko ang hirap ni Reverie every time she sees Eloise, at hindi ko na gustong mahirapan siya ng husto dahil lang sa kaniya.


Kita ko ang pagbabago ng mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Bakit, Finn? Don't you really like me anymore?" tanong niya. Halata sa boses niya ang sakit ng tanungin niya iyon.

"Don't you miss me? Hindi mo man lang ba ako naisip minsan? Tuluyan mo na ba akong kinalimutan noong pinagtatabuyan mo ako palayo noon?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. Kita ko ang pamumuo ng luha mula sa kaniyang mga mata.


"Eloise, I—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang muli siyang nagsalita,

"Bakit? Sinabi niya na b ang tungkol sa amin? Na half siblings kami? At ano, may sinabi siya tungkol sa akin, gano'n?" Pinunasan niya ang luhang namuo sa kaniyang mga mata at saka mariin akong tiningnan.


"Oh, ano? May sinabi ba siya?" her voice was hoarse as she asked again.
Hindi ako nakasagot at saka diretso lang siyang tiningnan. Peke siyang tumawa at saka yumuko.

"I guess, she did say something." She breathed heavily at saka tiningnan ako. Halata sa mata niya ang lungkot. "She did say something, and y-you believed her," mahina at nauutal niyang sabi.


Halos napiga naman ang puso ko ng nakita ko ang ekspresyong nasa mukha niya. It was as if she was... betrayed.
Nanatili siyang tahimik habang tinitingnan ako, habang ako ay halos naestatwa mula sa kinatatayuan ko habang tinitingan siya.
Sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata, at mabilis niya naman iyon na pinunasan habang peke na tumatawa.


"I guess... you already like her," she sadly said, her voice full of certainty. Muli niya akong tiningnan, at saka walang sabi sabing tumakbo palayo sa akin.


I extended my hand, as if I was trying to reach her, "Eloi—" napatigil ako sa pagsasalita ng napagtanto ko kung ano ang gagawin ko sana.


Unti-unti kong binaba ang kamay ko at saka malalim na bumuntong hininga.
I... don't care anymore.
Hindi na siya ang Eloise na kilala ko, kaya unang una pa lang ay dapat wala na akong pakialam.


I slowly shook my head, at saka naglakad na pabalik sa bahay ni Reverie habang buhat yung balde na may lamang isda.


"Reverie, may gagawin ka ba mamaya?" tanong ko sa kaniya habang nilalagay sa freezer ang isdang nilinisan ko.
Napatigil siya sa pagta-type sa laptop niya at saka tumingin sa akin ng naka-kunot noo.

"Wala naman siguro. Bakit?" tanong niya sa akin at saka nagpatuloy sa pagta-type.
"Let's eat dinner doon sa isang resort na nakita ko mamaya," sabi ko sa kaniya.


Napansin ko noong nangisda kami na may isang resort sa gilid at parang ang ganda ng ambiance doon, kaya gusto ko siyang dalhin doon para kahit papaano ay maka-relax siya.


"Sige, punta tayo roon mamaya," masayang sabi ni Reverie habang nagta-type. Mabilis naman akong pumunta sa kinaroroonan niya habang nakangiti.


"Sige, final na 'yan ha?" sabi ko sa kaniya at akmang guguluhin ang buhok niya ng pigilan niya ako.

"Finn! Hindi ka pa nakapaghugas ng kamay mo," natatarantang sabi ni Reverie at saka pinalayo ang sarili niya sa kamay ko.


Nanlaki naman ang mata ko ng napagtanto kong hindi pa nga ako nakapaghugas, pero natawa rin ako sa huli at saka inasar siya.

"Aba? Ang arte mo naman, ito oh," pagbibiro ko sa kaniya at akmang ilalapit ang kamay ko sa mukha niya ng bigla siyang napatayo at saka lumayo sa kinaroroonan ko.

"Finn! Ano ba! Nakapagligo na ako oh," natatarantang sabi ni Reverie at saka pinanliitan ko ng mata.


Muli akong tumawa at saka nagkunwaring pupuntahan siya, na siya namang umatras agad-agad.

"Joke lang, nagbibiro lang ako," sabi ko sa kaniya habang natatawa pa rin sa mga naging reaksyon niya.
Napailing naman siya habang nakahawak sa kaniyang buhok.

"Ewan ko na lang sa 'yo, Finn."
Pagkatapos noon ay nagpatuloy na kami sa aming mga ginawa.


"Ah! Kay Aling Rosan pala na resort yung sinabi mo," bulalas niya ng nakarating na kami sa resort na sinabi ko sa kaniya kanina.

"Oo, napansin ko kasi kanina noong nangingisda kami. Parang ang ganda pumunta rito at saka parang ang sarap din ng pagkain nila," mahaba kong lintaya at saka pingbuksan siya ng pintuan sa kainan ng resort.


Napangiti naman siya sa ginawa ko.
"Thank you," mahina niyang sabi at saka pumasok na sa loob ng kainan. Doon kami umupo sa pinakagilid kung saan malapit ang dagat. Hinila ko ang upuan at sinenyasan siyang umupo. Muli naman siyang napangiti at saka nagpasalamat bago tuluyang umupo.


"Grabe ha, ang gentleman mo ngayon," pabiro niyang sabi. Pabiro naman akong pinanliitan siya ng mata at saka nagsalita,

"What did you say? I'm always a gentleman," sabi ko sa kaniya pabalik at saka umupo sa silya na nasa harap niya. Bale magkaharap kami ngayon.


Napatawa naman siya dahil sa sinabi ko. Pagkatapos noon ay nag-order na kami ng kakainin namin at saka naghintay na dumating ito.


"Hanggang ngayon ba kinukulit ka pa rin ni Eloise?" biglang tanong ni Reverie sa akin. She looked at her hands and clasped it together. Napabuntong hininga naman ako at saka tumango.


"Ilang beses ko na siyang sinabihan na tumigil na, pero hindi talaga siya nakikinig," usal ko sa kaniya.
"Hindi talaga siya titigil..." hindi ko na narinig ang sinabi niya pagkatapos dahil biglang humina ang boses niya sa huli.


"Anong sinabi mo, Reverie?" tanong ko sa kaniya.

Umiling naman siya at tipid na ngumiti. "Ah, wala lang 'yon."


Ilang sandali kaming nanahimik bago ako muling nagsalita, "Ang sarap manatili dito, ano? Ang ganda ng lights nila at saka parang ang peaceful na rin." Tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.


"Hindi lang ang resort na 'to ang parang peaceful, kung 'di ay ang buong islang ito. Sobrang bait ng mga tao dito at handa silang tumulong sa kapwa nila palagi," masayang sabi ni Reverie sa akin.


"Dito ka na ba mananatili hanggang sa pagtanda mo?" tanong ko sa kaniya. Halata kasi sa kaniya na gustong gusto niya ang lugar na ito at tila'y wala na siya planong umalis sa lugar na ito.


Natahimik siya ng ilang sandali bago mulimg sumagot.
"Hindi, pero matagal akong mananatili rito," mahina niyang sabi. Magsasalita pa sana ako ng bigla nang dumating ang order namin.


"Thank you," pareho naming sabi sa waiter. Ngumiti naman yung waiter at umalis na pagkatapos ilapag ang lahat ng pagkain sa mesa.


"Kain na tayo?" tanong ko sa kaniya.
"Kain na tayo," sabi niya pabalik.
Pagkatapos noon ay nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami ay pasimple akong tumitingin sa kaniya. Kitang kita ang pagfo-focus sa pagkain at kung paano niya sinusulit ang bawat pagkain na kinakain niya.


Palihim naman akong napangiti at saka nagpatuloy sa pagkain. Pero tila ay napansin ni Reverie ang palihim kong pagngiti, kaya napatigil siya sa pagkain at tumingin sa akin.

"Anong meron?" tanong niya sa akin.
I slowly shook my head and smiled, "Wala naman. Ang cute mo lang," diretso kong sabi. Kita ko naman ang konting pamumula ng mukha niya dahil sa sinabi ko.


"Ayan ka na naman," sabi niya at saka nagpatuloy sa pagkain, pero kita pa rin sa mukha niya ang pamumula.


I bit my lip to stop myself from smiling, and I continued eating afterwards.


Tonight, I am sure, sasabihin ko na sa kaniya kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya. And I know, this feeling that I have for her will be reciprocated.


"Reverie!"
Pareho kaming biglang napatingin ni Reverie ng may biglang tumawag sa kaniya.


Pagkatingin ko ay nakita ko si Ate Sisa na naglalakad patungo sa amin habang may seryosong tingin sa kaniyang mukha.


"Oh, ate Sisa," bati ni Reverie at saka ngumiti, pero hindi ito sinuklian ni ate Sisa.


"Pasensya na kung bigla na lang kitang pinuntahan dito, pero pakisabi sa kapatid mo na 'yon na 'wag na bumili ulit sa akin kung hindi niya naman pala babayaran," sabi ni Ate Sisa. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig.


"Po??" gulat na gulat na usal ni Reverie.


"Umutang siya sa akin, ilang beses nang sinabi na babayaran niya pagkabukas dahil wala siyang pera. Pinagbigyan ko naman siya dahil sabi niya kapatid mo siya, pero sobra na ito. Ilang araw nang nakalipas pero wala pa rin naibalik," mahabang lintaya ni Ate Sisa at saka napabuntong hininga.
Halata naman sa mukha ni Reverie na hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Eloise.

"Pasensya po, Ate Sisa. Magkano po ba lahat ng inutang niya? Babayaran ko na po," mahinang sabi ni Reverie at saka ilalabas na sana yung wallet niya ng pigilan ko siya.
Umiling ako sa kaniya at saka tumingin kay ate Sisa.

"Magkano po lahat?" tanong ko sa kaniya.
"5k lahat, hijo," sabi naman ni Ate Sisa.


Dali-dali ko naman inilabas yung wallet ko at saka binigyan siya ng 5k.

"Ito po, ate Sisa. Pasensya na po talaga," paghihingi ko ng tawad.


Nagpasalamat naman si ate Sisa at dali daling lumabas, hindi na siya muling tumingin sa kinaroroonan namin.


"Finn," mahinang sabi ni Reverie. Napatingin ako sa kaniya at kita ko ang hiya sa kaniyang mga mata.

"Babayaran kita, promise."
Mabilis naman akong umiling dahil sa sinabi niya.

"Hindi, Reverie. Para iyon sa lahat ng ginawa mo para sa akin, kaya wala kang dapat ikahiya," sabi ko sa kaniya. Napayuko naman siya pagkatapos noon.

"Isa pa, hindi naman ikaw yung nangutang, kung 'di ay yung kapatid mo," muli kong sabi sa kaniya.


Nanatili siyang nakayuko at hindi pinapakita ang mukha niya sa akin. Napayuko na lamang ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.


"Kasi," biglang sabi ni Reverie. Napatingin naman ako ulit sa kaniya pagkarinig noon. "Kasi, bakit ayaw niya pa akong patahimikin?"sabi niya, nanginginig ang boses na parang kahit anong oras ay iiyak na.


Hinawakan ko ang kamay niya na nasa ibabaw nt lamesa at saka pinisil iyon.


"Kinukulit ka na nga niya, tapos ngayon gagawin niya pa 'yon? Parang gusto niyang masira yung tingin sa akin ng mga tao dito sa pinanggagawa niya eh," usal niya at saka napahikbi.


Napabuntong hininga ako at saka tinawag 'yong waiter.


"Pa-takeout po, thank you," sabi ko sa waiter. Nginitian niya ako at saka kinuha yung mga pagkain naming hindi pa nauubos.


"Sorry, Finn. Alam kong nag-effort kang pumunta rito and all para pagaanin yung nararamdaman ko pero—" pinutol ko siya,

"Don't be, Reverie. Don't be."


Pinunasan niya ang luhang tumulo mula sa mga mata niya at saka tipid na ngumiti.
Lumabas na kami sa resort na bitbit ko ang mga tinake out namin. Naglalakad kami sa tabi ng dagat habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

"Thank you, Finn," biglang sabi ni Reverie.
Napatigil ako sa paglalakad at saka hinawakan ang kamay niya gamit ang kaliwang kamay ko.


"Anything for you, Reverie," mahina kong sabi sa kaniya.


Napatingin naman siya sa akin, tila'y naguluhan sa sinabi ko.



"I'm doing this because I like you, Reverie."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top