DAY 7 , WEEK 1
THERE are things that I regret, now that I realized that there’s a chance that I won’t be able to survive because of cancer.
I regret that I didn’t enjoy school enough; regretted that I didn’t try to make friends even though I like being alone and enjoy my own company. I regret not having a normal childhood, where I could play and act like a kid. Most of all, I regret not showing my mom enough love and comfort.
But, what’s the use of regretting now?
It’s too late, that’s what I at least think now. Hindi maalis sa isip ko na sa kahit anong oras, may posibilidad na bigla na lang titigil ang tibok ng puso ko o ‘di kaya’y sa bawat pagpikit ko, baka hindi ko na ulit mabubuksan ang mga mata ko.
“I recommend that you should talk a walk every now and then, rather than staying in your room all the time,” rekomenda sa akin ni Doc Miranda nang binisita niya ako no’ng umaga. “Ayoko. Paano kung biglang sasakit yung ulo ko? Mahihirapan lang tayo,” sabi ko at saka umiwas ng tingin nang nakita kong may awa sa mata ng doktor nang narinig niya ang sinabi ko.
"No, it is our responsibility to look after our patients. So, you don't need to worry, Mr. Gaizer," the doctor assured me. Napabuntong hininga na lang ako at saka napatango na lamang. Alam kong sinabi ito ng doktor para sa kapakanan ko, kaya iintindihin ko na lang.
"FINN! Tara na, labas tayo," masayang bungad ni Eloise sa akin nang nakapasok siya sa silid. Nilapag ko naman ang notebook sa tabing mesa at saka napailing. "Ayoko, tinatamad ako," mahina kong sabi. Napasimangot naman siya nang narinig ang sinabi ko at napahawak sa bewang niya.
"Finn naman, para sa 'yo naman 'to eh," malumanay niyang usal.
Simula nang nalaman niya ang nirekomenda sa akin ng doktor ay halos araw araw niya na akong nilalabas sa silid at pinapalakad-lakad sa hardin ng ospital na 'to.
I sighed in defeat and nodded. Bumalik ang liwanag sa mukha niya nang nakita niya akong tumango. "Yay!" Tumingin siya sa nurse na nasa tabi niya.
"Miss, patulong po sana ako sa pag-ayos kay Finn," magalang niyang sabi na siyang ginawa naman kaagad ng nurse.
Hindi ko sana gustong lumabas palagi dahil makikita ko rin ang ibang mga pasyente na naghihirap at lumalaban na mabuhay, pero gusto ni Eloise na lumabas ako, kaya gagawin ko.
Minsan, naiisip kong alam niyang grabe ‘yong impact niya sa akin—na nahihirapan ako palagi na tumanggi sa kaniya, at hindi talaga ako makatanggi sa gusto niya kaya ginagamit niya ito laban sa akin.
Pero ayos lang, kasi gano'n ko siya kagusto. Masaya na ako sa kung saan siya masaya.
"Oh, ang ganda ng simoy ng hangin," masiglang usal niya habang inaalalayan ako, kahit sinabi ko na ng paulit ulit na kaya ko naman.
Nakasunod naman yung nurse sa likod namin at inoobserbahan na lamang kami. Nag-volunteer pa siya kanina na siya mag-aalalay sa akin, pero nagpumilit si Eloise na siya 'yong mag-aalalay sa akin sa paglalakad.
"Hindi ka ba napapagod?" Napatigil siya sa paglalakad, na siyang nakapagpatigil din sa akin sa paglalakad. Napakunot siya ng kaniyang noo at tiningnan ako na parang hindi niya naiintindihan yung tinanong ko sa kaniya.
"I mean, don't you get tired of visiting me and taking me out for a walk for almost every single day?" ulit ko sa tanong ko, pero mas nilinaw ko na para maintindihan niya ng husto.
Umiling siya at saka ngumiti. "Hindi, hindi ako mapapagod. Mahalaga ka sa akin, kaya it's only natural for me to visit and look after you for almost every single day. I can assure you, that I won't get tired of doing that." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at sinsero akong tiningnan.
There isn't a day that she doesn't make my heart feel warm. My heart is always full of warmth and happiness whenever she's there. Sometimes, I even ask myself if I ever deserve to feel this kind of warmth and happiness, the feeling that I don't really feel with my parents.
"Thank you, Eloise," mahina kong usal at saka ngumiti rin pabalik.
This time, I wanted to be selfish. At the back of my mind, I'm secretly—desperately hoping that this will last for as long as I live, desperately wishing that she would indeed stay and would never get tired of me.
Nang hindi na kami nag-usap ni Eloise ay ang nurse naman ang kinausap niya.
"Bago ka lang po rito?" rinig kong tanong ni Eloise sa nurse.
"Opo, Ma'am. Dalawang linggo pa lang po akong nagta-trabaho dito." Nanatili lang akong tahimik habang nakikinig sa pinag-uusapan nila.
I was, and still, an introvert. That's why, it's hard for me to start conversations, or even engage in a conversation when I—myself, don't even know how to keep a conversation going. I only engage in conversations if I'm already comfortable with the person that I am with.
To conclude, I am the listener type. Maybe, that's why people don't usually last long when talking to me because I only listen. I understand, though.
"Masaya ka po ba sa trabaho nyo?" May bahid na kuryosidad sa tanong niya. Sa gilid ng mata ko'y nakita kong ngumiti ang nurse at dahan dahang tumango. "Opo, ma'm. Masaya po ako na nakakatulong po ako sa mga nangangailangan. Sanay rin po kasi akong mag-alaga kasi 'yong mama ko inalagaan ko rin noon." Napatango naman si Eloise nang narinig 'yong sinagot ng nurse.
"Madali bang dapian ng sakit 'yong mama mo po?"
Umiling 'yong nurse kita kong napahawak siya sa bracelet na suot niya.
"Hindi po, pero may sakit po kasi siya noon sa puso, kaya ako po yung nag-aalaga noon sa kaniya." Muling napatango si Eloise at hindi na muling nagtanong.
“Pagod na ako,” mahina kong usal, na narinig naman ni Eloise. “Hala, pagod ka na pala. Sige, magpahinga muna tayo,” sabi niya, may bahid na pag-alala sa boses niya. Umupo kami sa malapit na bench, and she asked the nurse to get a bottle of water, which the nurse immediately followed. “May masakit ba sa ‘yo? Nahihilo ka ba? Anong nararamdaman mo?” "Okay pa naman ako. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba," usal ko, kahit ang totoo ay nanghihina na ako, para hindi siya mag-alala. "Sure?" ulit niyang tanong. Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Pagkatapos no'n ay hindi na siya nangulit na magtanong at hinintay na lang namin ang nurse na bumalik na dala 'yong tubig.
Sumandal ako at saka napapikit. I felt the wind that passed touch my skin. To be honest, aside from going on a walk with Eloise which makes this whole thing bearable, the breeze of the wind is also one of those which makes it bearable for me. Somehow, feeling the breeze of the wind makes me feel at peace.
"Ito na po, Ma'am," rinig kong sabi ng nurse. Napamulat naman ako at napatingin sa kanila. "Thank you po, Miss," sabi niya sabay kuha ng bottled water at saka binigay sa akin. "Here's your water. Damihan mo ng inom, ha." Tinanggap ko naman ito at saka binuksan. Nang iinomin na sana ay ramdam ko ang biglang pagsakit ng ulo ko. Napahawak ako sa aking ulo at nabitawan ang hawak na bote ng tubig.
"A-ah," mahinang daing ko. Napapikit ako dahil sa sobrang sakit. Iba yung sakit na nararamdaman ko ngayon kumpara sa mga nakalipas na sakit. Parang minamartilyo yung ulo ko ng paulit ulit. Sa sobrang sakit, parang gusto ko na lang ibunggo yung ulo ko sa kung saan-saan. "Finn??? Nurse, nurse!" Pinilit kong buksan 'yong mata ko, at hindi ko namalayan na nakahiga na pala ako sa bench. Kitang kita ko pagkataranta ni Eloise at ng nurse, at ang pag-aalala ni Eloise sa kaniyang mga mata. I tried to reach for her, but my head hurts so much that I was unable to do so. Kita kong may tinatawag 'yong nurse, but just when I was about to try uttering the words, 'I'm fine,' everything went black.
NARAMDAMAN ko na may humihikbi, kaya dahan dahan kong minuklat ang aking mga mata. Muling bumungad sa akin ang puting kisame ng aking silid. Ibig sabihin nito’y naibalik na nila ako sa silid. Nang tiningnan ko ang nasa gilid ko’y nakita ko si Eloise. Pilit niyang pinipigil ang pag-iyak ng malakas, para siguro’y hindi ko siya marinig. Nag-alala naman ako, kung kaya’y pinilit kong bumangon, pero parang wala akong lakas. Kaya pinilit ko siyang abutin, pero sa halip ay hindi ko naangat ang kamay ko’t nanginginig pa ito. Napansin naman ito ni Eloise, kaya napatingin siya sa akin.
She bit her lip to stop her self from crying any further, but the tears in her eyes won’t stop. “A-anong problema?” I asked, but I stammered and my eyes came out raspy. How many hours did I lose my consciousness? “F-finn,” nanginginig niyang usal sa aking pangalan. Sa hindi malamang dahilan, bumilis ang tibok ng puso ko, at parang bigla akong kinabahan.
Pulang pula ang mata niya at tila’y ilang oras siyang umiyak. Tiningnan niya lang ako at hindi siya sumagot. Mas lalong nadagdagan ‘yong takot na aking nararamdaman. “Eloise, please. B-bakit ka umiiyak? Anong… problema?” ulit kong tanong.
“F-finn, no matter what happens, whatever challenges we face, I’m still and will always be here for you… okay?” nanginginig niyang sabi. Tiningnan ko lang siya at hindi na nagsalita. Bumuntong hininga siya at hinawakan ang aking kamay.
“Sabi ng doktor,” she bit her lip as tears started to form from her eyes once again, “n-nasa stage 2 na ‘yong… c-cancer mo.”
Parang nabingi naman ako sa aking narinig. Hindi, mali lang siguro ang narinig ko, 'di ba? "A-anong sabi mo, Eloise? N-namali ata ako ng rinig." Pinilit kong tumawa pagkatapos kong sabihin iyon. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Eloise. "F-finn."
"Eloise, please. Mali lang ako ng dinig, 'di ba? Sabihin mong mali," desperado kong sabi at pinilit ko pang bumangon, pero pinigilan ako ni Eloise. "I'm sorry, Finn," nanghihinang sabi ni Eloise at mas hinigpitan pa ang paghawak sa aking kamay. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay at napahawak sa aking ulo.
I hit my head using my hands, and I repeated it not until I realized that I was hitting it too much and that Eloise was already stopping me. “Finn! Tama na, please,” pagmamakaawa niya sa akin sabay hawak sa kamay ko para pigilan ako na muling tamaan ang ulo ko.
Bumilis ang paghinga ko at ramdam ko pa rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko, at ang pagsakit ng husto ng puso ko pagkarinig ko ng sinabi niya.
“Hindi, hindi ‘yan totoo.” Tiningnan ko siya ng mariin at kitang kita ko ang awa sa kaniyang mga mata. “Mali lang ‘yong nakita ng doktor. Mali siya. Mali, mali, mali,” parang nababaliw kong sabi sabay gulo ng buhok ko. “Finn, please. I know it’s hard to accept the truth but—”
“But what?!” I interrupted what she was about to say and unintentionally shouted at her. Kita ko naman sa mukha niya ang gulat. Hindi niya inaasahan na masisigawan ko siya. Kahit ako’y nagulat din sa ginawa ko. Napahinga ako ng malalim at umiwas ng tingin. “I-I’m sorry,” nauutal kong sabi. “Please leave,” matigas kong sabi nang hindi pa rin siya tintingnan. “P-pero—” ‘I said leave,” muli kong sabi, hindi na siya binigyan ng pagkakataon na tapusin ‘yong sasabihin niya.
“S-sige,” napipilitan niyang sabi, halata sa boses niya ang lungkot. “Aalis na ako,” usal niya sabay kuha ng bag niya. “B-babalik ako rito bukas—” “’Wag ka nang bumalik,” pagputol ko ulit sa sasabihin niya. Nanlaki ang mata niya at muli siyang naluha. “A-anong sabi mo?” nanginginig niyang tanong.
“Don’t come back here. I don’t want to see you ever again,” I uttered. Unti unting tumulo ‘yong luha sa kaniyang mga mata. Dali-dali niya naman itong pinunasan. “Is that what… you really want?” nanghihina niyang tanong.
Kinuyom ko ang kamao ko at sinagot siya, “Yes. Now, leave.”
With my answer, she slowly nodded. She walked away, and before she left, she looked at me for the last time with tears in her eyes. And with that, she left.
That was my last memory of her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top