DAY 6 , WEEK 4
Akala ko pagkatapos bumaba ng temperatura ng lagnat ni Reverie ay unti-unti na siya magiging okay, pero hindi pala.
The day after that, tuluyan nang nawala ang lagnat ni Reverie. Pero, may kapalit pala.
Naging sunod-sunod ang sakit na naramdaman ni Reverie.
Minsan, sumusuka siya. At minsan, sumasakit ang ulo niya. Kung hindi man diyan sa dalawang nabanggit ko, minsan naman ay nakikita ko siya na sobrang putla at halos wala nang enerhiya kapag gumagawa siya ng gawaing bahay.
Kaya minsan ay sinasabihan ko na lang siya na ako na ang gagawa ng mga gawain at magpahinga na siya.
Pero dahil matigas ang ulo niya, pinipilit niya pa rin na siya ang gumawa kahit na hinihingal na siya.
"Finn, okay nga lang ako. Ako na gagawa, kaya ko na ito," sabi niya habang pilit niyang iniiwas ang sponge sa akin.
" But you're not yet completely well, Reverie. Baka ano pang mangyari sa 'yo," sabi ko sa kaniya at pilit na kinukuha yung sponge sa kamay niya para ako na ang maghuhugas ng mga hugasin.
"Ito naman, napaka-OA mo! Maghuhugas nga lang ako ng mga pinggan ayaw mo pa akong payagan," natatawa niyang sabi at saka kumuha ng pinggan at sinabunan ito.
"Pero-" hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin ng matalim niya akong tiningnan.
Nang nakitang hindi na ako sumagot ay nagpatuloy siya sa paghuhugas ng pinggan na may matagumpay na ngiti sa kanyang labi.
Napabuntong hininga na lang ako dahil wala na akong magawa kung 'di sundin ang kung ano ang gusto niya.
Pero dahil matigas rin ang ulo ko, nakabantay ako sa kanya habang naghuhugas siya ng mga plato hanggang sa tuluyan na siyang nakatapos da paghuhugas.
She washed her hands after washing the dishes, and after that she faced me and gestured her whole body using her hands.
"See? Walang may nangyaring masama sa akin. Kinaya ko naman," taas noo niyang sabi, tila'y proud na proud na nakatapos siyang maghugas ng pinggan na walang may nangyari sa kanya.
Pero, sa kabila ng pinapakita niya at sa mga ngiti niya ay kita ko ang tinatago niyang paghingal.
Although I can see it, I feigned ignorance and instead smiled at her.
"Well then, that's good," sabi ko sa kanya at saka niyakap siya. She buried her face on my neck and hugged me back.
Ramdam ko ang pagtibok ng puso niya habang nakayakap sa akin. Sobrang lakas at mabilis ito na parang lalabas na ito sa dibdib niya. On the other hand, maybe it's not her heartbeat, but instead mine.
Nanatili kaming magkayakap ng ilang minuto hanggang sa bigla niya na lang ako tinulak. Nakahawak siya sa bibig niya at kita ko ang muling pamumutla ng mukha niya.
"Reverie? What's wrong?" nag-aalala kong tanong.
Hindi niya ako sinagot at tumakbo na lamang papunta sa cr. At dahil doon, alam ko na kung bakit siya naging gano'n bigla.
Dali-dali akong kumuha ng baso at saka nilagyan ito ng tubig. Pagkatapos noon ay dali-dali akong sumunod sa kanya at nakita siya na muling sumusuka sa inidoro. I gently caressed her back while she continued vomitting.
Nang tapos na siyang sumuka ay kita ko ang paghingal niya at ang pamumutla niya.
She washed her face before facing me, at doon ko nakita ng buo ang pagmumukha niya.
Just a while ago, she looked a lot better, and by better I mean a lot like okay. But now, halata sa mukha niya na may dinaramdam siyang sakit at sobrang putla niya.
Inabot ko sa kanya ang baso, tinanggap niya naman ito at saka uminom ng tubig.
"Thank you, Finn," sabi niya at saka tipid na ngumiti.
"Reverie, pwede bang pumunta na tayo ng hospital? Para makapagpa-checkup na tayo. Because honestly, nag-aalala na talaga ako sa 'yo," mahina kong sabi sa kaniya at saka hinawakan ang kamay niya.
Hindi sumagot si Reverie at saka yumuko lamang.
"Reverie, please? You've been sick for almost two weeks. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung mas magiging malala pa iyang nararamdaman mong sakit," halos nagmamakaawa kong sabi sa kanya.
Bumuntong hininga siya at saka umiling.
Tumingin siya sa akin at kita ko sa kanyang mga mata na parang may kakaiba doon, pero hindi ko mawari kung ano iyon.
"Finn, I..." she trailed off. She bit her lip, parang hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
"Finn, I... I'm okay. I promise. Masama lang ang pakiramdam ko, pero mawawala rin ito in no time. Sadyang, natagalan lang talaga ngayon," mahina niyang sabi at saka direktang tumingin sa mga mata ko.
Magsasalita pa sana ako ng napansin ko sa mga ata niya na parang nagmamakaawa na siya na ipagpaliban ko ang usapin na ito. Kaya napabuntong hininga na lamang ako at saka tumango.
Wala na akong magagawa kung 'di sundin ulit ang kung ano ang gusto niya.
Pagkatapos noon ay nagpahinga si Reverie sa kanyang kwarto, habang ako nama'y hinahanda ang mga isdang in-order ni Auntie Ysa. Nang tapos ko nang ihanda iyon ay kumatok ako sa kwarto ni Reverie.
"Reverie?"
Pumasok ako sa loob ng kwarto niya, and I saw that she was half awake dahil medyo nakabukas ang mata niya't nakatingin sa direksyon ko.
"Dadalhin ko muna yung mga isdang in-order ni Aling Ysa sa kanila, ha? Babalik din ako kaagad," I carefully said and she replied with a slight nod and smile.
Ngumiti rin ako pabalik at saka isinara na ang pintuan sa kwarto niya at saka umalis na ng bahay.
Pagkarating ko sa kina Auntie Ysa ay kita kong nagku-kwentuhan sila ni Shasha.
"Auntie Ysa! Shasha!" masaya kong bati sa kanila. Napatingin naman sila sa kinaroroonan ko.
"Kuya Finn!" masayang bati ni Shasha at saka tumakbo sa kinaroroonan ko.
Nang nakarating siya sa kinaroroonan ko ay ngumiti siya at saka niyakap ako ng mahigpit.
"Na-miss po kita, Kuya Finn!" sabi ni Shasha at saka hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa akin.
"Na-miss din kita, Shasha," sabi ko sa kaniya at saka niyakap siya pabalik.
Ilang araw na rin kaming hindi nagkita ni Shasha simula nang nagkasakit si Reverie.
Hindi ko muna siya pinapunta sa bahay dahil baka mahawaan siya ng lagnat ni Reverie noon, at hindi kami makapaglaro dahil binabantayan ko si Reverie at hindi rin kami makakapaglaro sa kanya.
Magkahawak kamay kaming lumapit kay Auntie Ysa, at nang nandoon na kami sa kinaroroonan niya ay binati niya ako.
"Hijo, kamusta?" tanong ni Auntie Ysa. Ngumiti lamang ako at saka sumagot sa kanya, "Ayos lang po ako."
"Eh, si Reverie? Magaling na ba siya?" tanong muli ni Auntie Ysa. Malungkot naman akong umiling.
"Hindi pa po siya gumagaling, Auntie Ysa. Wala na nga po siyang lagnat, pero sumasakit po minsan ang ulo niya, nagsusuka't nanghihina rin minsan. Kaya, kinailangan ko po siyang bantayan sa lahat ng oras," mahaba kong lintaya.
Malungkot namang napatingin sa akin si Auntie Ysa. "Sana gumaling na siya, hijo, dahil pati ako'y nag-aalala na rin sa kanya," sabi ni Auntie Ysa.
"Ako rin po, Kuya Finn. Nag-aalala na rin po ako kay Ate Riri kasi ilang araw na po. Nami-miss ko na rin siya," usal ni Shasha at saka yumuko.
"Gagaling din siya, tiwala lang," sabi ko sa kanila para kahit papaano ay mapanatag ang loob nila, ang loob namin.
"Ah, Aunti Ysa, ito na po pala yung in-order nyong isda," sabi ko sabay abot sa kaniya ng plastic na may laman na isda.
Tinanggap niya naman ito. "Maraming salamat. Magkano lahat, hijo?" tanong ni Auntie Ysa sa akin. "243 po, Auntie Ysa."
Kinuha niya naman ang wallet niya at saka kumuha ng 500 at saka inabot sa akin.
"Thank you po. Yung sukli po ninyo, ibibigay ko po mamaya dahil wala pa akong barya," sabi ko sa kanya at saka kinuha yung 500.
"Okay lang, hijo. Diyan lang yung sukli."
Nanlaki naman ang mata ko nang narinig ko ang sinabi niya.
"Hala, hindi na po. Nakakahiya," nahihiya ko namang sabi kay Auntie Ysa.
"No, hijo. I insist. Pandagdag na lang sa pagbili ng mga gamot ni Reverie," she said as she smiled at me warmly.
I can feel my heart being full because of what she said.
Simula pa lang no'ng una, ang bait na talaga ni Auntie Ysa sa amin, at ramdam kong naging malapit na rin kami sa kanya.
"Maraming salamat po, Auntie Ysa," I gratefully said. Ngumiti naman siya.
"Oh siya, bumalik ka na't hinihintay ka na ni Reverie," sabi ni Auntie Ysa sa akin.
Napatingin naman ako kay Shasha na nakatingin na rin pala sa akin.
"Kailan po ako pwedeng bumisita ulit doon, Kuya?" she innocently asked.
"Kapag magaling na si Ate Riri mo, Shasha," mahina kong sabi sa kanya at saka ngumiti.
Muling yumakap sa akin si Shasha, at niyakap ko rin siya pabalik.
Pagkatapos noon ay nagpaalam na ako sa kanila at saka bumalik na sa bahay.
Pagkabalik ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ni Reverie.
Bago ako pumasok ay kumatok muna ako, at nang binuksan ko na yung pintuan ay halos nawalan ako ng hinga sa nakita.
"Reverie!"
Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan ni Reverie. Nakahiga siya sa sahig at halos hindi na humihinga.
"Reverie, Reverie! Gumising ka please," natataranta kong sabi, pero hindi pa rin siya gumigising, kaya dali-dali ko siyang binuhat at saka tumakbo palabas.
Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Halos nanginginig na ako't hindi makapag-isip ng tama dahil sa takot.
"Dalhin nyo sa emergency room," sabi ng doktor sa mga nurse nang inilapag ko siya sa higaan na prinovide nila.
Hindi ko na alam kung paano ako nakaabot da hospital, basta ang mahalaga ay naisugod ko na siya sa hospital.
Halos nanginginig ako't hindi ko na alam kung anong iisipin ko.
But what's weighing on me the most is regret. Sana hindi ko na lang siya iniwan ng mag-isa sa bahay. Sana hindi ako umalis sa tabi niya.
Eh 'di sana... Sana hindi nangyari 'to.
Pagkalipas ng ilang sandali ay lumabas ang doktor na tumingin kay Reverie.
"Dok, dok!" pagtawag ko sa kanya. Nilapitan ko ito at hindi ko mawari kung ano ang nasa ekspresyon ng doktor.
"Kamusta po si Reverie? Okay na po ba siya?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.
Bumuntong hininga ang doktor, at pagkatapos ng ilang sandali ay tiningnan niya ako ng diretso sa mata.
"I'm sorry to tell you this, but Miss Reverie has Acute Myeloid Leukemia," mahinang sabi ng doktor.
Halos gumuho ang mundo ko nang narinig ko iyon. I can feel my legs turning weak, but I pulled myself together dahil ayokong manghina sa harap ng doktor.
"We also transferred her to a private room para mas matutukan siya," pahabol na sabi ng doktor.
Ilang sandali bago ako tuluyang nagsalita ulit.
"Can it still be healed, dok?" nanghihina kong tanong sa kanya.
Kahit alam kong maliit lang ang pag-asang pwede pa itong mapagaling ay umasa pa rin ako.
Please tell me that she can still be saved. Please, please.
Nang nakita kong umiling ang doktor ay unti-unti nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I'm sorry, but it's already too late to cure her," malungkot na sabi ng doktor. Kinuyom ko ang kamao ko at saka yumuko. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko.
I can't understand. Why her? Bakit... bakit pati si Reverie nagkaroon ng sakit?
Bakit pati siya... kailangang mawala sa mundong ito?
Huminga ako ng malalim at saka pinunasan ang luha ko, at pagkatapos noon ay pumunta ako sa kinaroroonan ni Reverie.
Tahimik akong pumasok at nakita siyang nakahiga at mahimbing na natutulog.
Halos nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya.
Never did I imagine na makikita ko siyang nakahiga diyan.
And realizing that she may disappear from my life, that she may disappear first anytime brings pain in my heart.
Unti-unti akong umupo sa upuan sa tabi ng higaan niya at saka hinawakan ang kamay niya.
Sobrang bigat, sobrang bigat ng puso ko.
Ramdam ko ang muling pag-agos ng mga luha mula sa mata mata ko.
I still can't process what the doctor said.
Will you really die, Reverie?
If you will, parang hindi ko kakayanin.
Mas gusto ko pang ako ang mawala sa mundong ito, hindi lang ikaw.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top