DAY 6 , WEEK 3
THIS STORY UPDATE IS DEDICATED TO
riedel_angelica
I HOPE YOU ENJOY READING!
------
"I... like you, Finn,"
sabi ni Reverie at saka yumuko.
What? She... likes me?
"I've been liking you since... as long as I can remember. I can't tell you exactly when I started to feel this way towards you. Basta ang alam ko lang ay nagising ako isang araw na ganito na yung nararamdaman ko para sa 'yo," mahabang lintaya ni Reverie.
I looked at her, at walang bakas na pagbibiro sa kaniyang mukha. Seryoso ito at puno ng sinseridad. Umawang ang bibig ko at nanatili ang tingin ko sa kaniya. Tila'y pinoproseso pa ng utak ko yung sinabi niya sa akin.
"Alam mo ba? Noong bigla akong umalis ng hindi mo alam, the only thought in my mind was, "hindi ko na kaya, aalis na ako rito," at ginawa ko nga," mahina niyang sabi habang nilalaro niya ang kamay niya.
"The day I left, was also the day I found out that something happened between my boyfriend, who is now my ex, and my sister. Pati boyfriend ko noon, kinuha niya rin mula sa akin. Lahat na lang gusto niyang kunin. At sa tingin ko, kukunin niya ang lahat sa akin. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha lahat," mahabang lintaya niya at saka tumingin sa akin.
Hindi ko alam, pero parang merong ibig sabihin sa kaniyang mga mata na hindi ko mawari kung ano. Bumuntong hininga ako at saka tumingin din sa kaniya pabalik.
"I understand," mahina kong sabi sa kaniya at saka hinawakan ang kaniyang kamay. Napatingin siya doon at saka nilagay rin ang isa niyang kamay sa ibabaw mg kamay ko.
"Thank you," mahina niyang sabi at saka tipid na ngumiti.
I know Reverie. Alam kong hindi siya magsisinungaling sa ganitong bagay, lalo na sa pamilya niya. Kaya, papaniwalaan ko siya.
Naniniwala ako sa kaniya.
I just... never expected Eloise to be that kind of person. All this time, I thought she was a girl who has a big heart. But, I was wrong.
Tumayo ako habang nakahawak pa rin ako sa kamay niya, kung kaya ay halos napatayo na rin siya.
"Balik na tayo? Sa tahanan natin," usal ko sa kaniya at saka ngumiti.
Dahan-dahan siyang tumango at saka tuluyan nang tumayo. At pagkatapos noon, tahimik naming tinahak ang daan pabalik sa aming tahanan, habang magkahawak pa rin ang aming kamay.
Nang nakabalik na kami ay laking gulat ko ng makita si Eloise sa harap ng bahay ni Reverie.
Napatingin siya sa kinamumulan namin. Kita ko sa kaniyang mga mata ang pagtingin sa amin mula ulo hanggang paa, hanggang sa napatingin si Eloise sa magkahawak naming kamay. Ilang segundo nagtagal ang tingin niya doon hanggang sa muli siyang tumingin sa amin.
"Finn," pagtawag niya sa akin. Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag-iba ng mukha ni Reverie.
"Anong ginagawa mo rito? Gabi na," sabi ko sa kaniya. Kita ko sa kaniyang mukha ang lungkot.
"Hinintay kita... kasi gusto kitang makausap." Tipid siyang ngumiti at saka unti unting pumunta sa kintatayuan namin.
"We can talk tomorrow, Eloise," I said which made her lose her smile.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Reverie, at ganoon din siya.
"Can you please go now?" I carefully asked. Dahan-dahan naman siyang tumango at saka umalis na sa harap namin.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nalaman ko na ang totoong pagkatao niya.
Parang all this time, ibang tao ang nakilala ko at hindi yung kung sino talaga siya. Parang inembento niya lang ang Eloise na kilala ko para magustuhan siya.
"Tara, pasok na tayo," mahina kong sabi sa kaniya. Nginitian niya naman ako at saka tumango. Pagkatapos noon ay tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng bahay.
"Finn!"
Napatingin ako ng biglang may tumawag sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya, pero kita ko na suot niya ang uniform ng dati kong paaralan.
Puro puti lang ang nakikita ko sa paligid, pati ang taong tumwag sa akin ay lumiliwanag.
Pinanliitan ko ito ng mata pero hindi ko pa rin makita kung sino yung tumawag sa akin.
"Finn! Iiwan mo na ba ako?" Muli siyang nagsalita habang winawagayway ang kaniyang mga kamay.
"Akala ko ba, walang iwanan? Bakit iiwan mo na ako?" Unti untimg naging madilim ang paligid, hanggang sa pati siya ay naging madilim na rin. I tried to speak, but my mouth won't move. Parang may sumiil mg labi ko para hindi ko ito mabuksan.
"Traydor ka, Finn. Traydor ka!"
Napabangon ako mula sa kinahihigaan ko. Puno ako ng pawis at parang hinahabol ko ang aking hininga.
Hindi ko na maalala kung ano yung panaginip ko, kaya pingsawalang bahala ko na lang iyon at saka bumangon na.
"Oh, Finn. Good morning," bungad ni Reverie sa akin ng may ngiti sa labi.
"Good morning," bati ko rin sa kaniya pabalik at saka umupo sa sofa.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon. Tila ba'y isang masamang panaginip lang iyon, pero alam kong reyalidad na yung nangyari kahapon.
"Ah, Finn," pagtawag bigla ni Reverie sa akin. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya.
"Ano iyon, Reverie?" tanong ko sa kaniya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko.
"Thank you for yesterday,"
sinsero niyang sabi. Ngumiti naman ako sa kaniya at saka nagsalita,
"Thank you, for telling me about your problems, your struggles, and about her." Bumuntong hininga ako at saka muling nagsalita,
"I knew her before, and what I heard about her from you is far beyond the Eloise that I used to know. Kung hindi dahil sa 'yo ay hanggang ngayon wala pa rin ako lng ideya sa totoo niyang ugali."
Magsasalita na sana muli si Reverie ng biglang may kumatok sa pintuan.
"Si Shasha siguro 'yan," sabi ko kay Reverie, sinenyasan niya naman akong buksan iyon, kaya pumunta na ako sa may pintuan. At nang binuksan ko na iyon, laking gulat ko sa bumungad sa akin.
Si Eloise.
"Finn," bati ni Eloise sa akin at saka kumaway.
"Eloise," simple kong sabi sa pangalan niya at saka lumabas at sinara yung pintuan.
"Nakapag-breakfast ka na ba?" tanong niya sa akin habang nakangiti.
"Wala pa. And may I ask, anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya. Kita kong nawala ang saya sa mukha niya ng narinig niya iyon.
"I was hoping that I could have breakfast with you?" mahina pero puno ng pag-asang sabi ni Eloise.
Bumuntong hininga ako at saka nagsalita,
"After this, will you stop coming here?" tanong ko sa kaniya. Ilang minuto siyang napatahimik, bago tuluyang sumagot.
"Yes, okay," mahina niyang sabi at saka tumango.
"Okay, let's meet at 9am sa karinderia ni Aling Nene," sabi ko sa kaniya at pumasok na sa bahay ng hindi na hinintay ang sagot niya.
Pagkasara ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Reverie. Nakasimangot siyang nakatingin sa akin.
"Si Eloise?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako kaagad.
"Is it okay for me to have breakfast with her? Para tumigil na siya sa pag-aabala sa atin," I asked for her permission.
Ilang segundo siyang tumahimik bago unti unting tumango. "Okay, but please come back here as soon as possible," halos may pagmamakaawa sa boses niya ng sabihin niya iyon.
"Yes, I will," I assured her, and I saw relief in her eyes after hearing what I said.
"Finn! You're finally here," sabi ni Eloise pagkakita niya sa akin. Tipid akong ngumiti at saka umupo na sa silyang nasa harap niya.
"I already ordered for us, I hope you don't mind," sabi niya sa akin na tinanguan ko lang pabalik.
Pagkatapos noon ay walang ni isang nagtangkang magsalita sa aming dalawa. Hindi ko alam kung ako lang ba nakakaramdam nito, pero parang mayroong tensyon na bumubuo sa aming dalawa.
"Finn," pagtawag ni Eloise sa akin. Tumingin naman ako sa kaniya at kita ko sa kaniyang mga mata na parang maiiyak na siya.
"I know it's all too sudden, na bigla akong bumalik sa buhay mo, pero can you please listen to what I want to say first before you decide on anything?" halos pagmamakaawang sabi ni Eloise sa akin.
Hindi ko alam, pero parang mayroong isang bahagi sa akin na gustong pakinggan si Eloise, habang mayroong isang side naman sa akin na nagsasabing wag siyang pakinggan dahil sa nalaman ko kay Reverie.
Bago pa ako makapagsalita ay dumating na ang in-order ni Eloise na mga pagkain.
Halos sumikip ang dibdib ko nang nakitang ang mga inorder niya ay ang mga bagay na pinapakain niya sa akin noon. Sinabawang monggo, ampalayang may itlog, at iba pang pagkain.
"Ito na ang mga in-order nyo, hija," sabi ni Aling Nene sa kaniya.
"Salamat po," sabi ni Eloise sa kaniya. Napatingin naman si Aling Nene sa akin at saka ngumiti. Nginitian ko rin siya pabalik at saka nagpasalamat din.
"Tawagin nyo lang ako kung mayroon pa kayong gustong i-order, ha," pagpaalam ni Aling Nene na tinanguan naman namin.
Walang nagsalita sa amin pagkatapos. Nakatingin lang si Eloise sa akin, halatang umaasa na papakinggan ko siya.
Bumuntong hininga ako at saka unti unting tumango,
"Okay, tell me."
Napangiti naman siya sa sinabi ko at saka hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa.
"Thank you, Finn. Thank you."
"So, what is it?" tanong ko sa kaniya at pasimpleng tinanggal ang kamay niya mula sa kamay ko.
Napawi naman ang ngiti niya dahil sa ginawa ko, pero muli siyang ngumiti sa akin. Pilit na ngiti.
"I want you to know that... I never stopped caring about you," pagsisimula niya.
Tiningnan niya ako sa aking mga mata at saka muling nagsalita,
"Pasimple akong bumibisita sa ospital noon. Kahit silip lang ginagawa ko para malaman ko kung ayos ka lang. Nakita ko rin kung paano ka nagdusa dahil sa sakit mo, and I regretted not being there by your side." Pinunasan niya ang luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata.
"But then, I stopped going to the hospital because of something that happened." Huminto siya sa pagsasalita at saka tumikhim.
Doon pa lang, alam ko nang tungkol kay Reverie ang sinasabi niyang nangyari.
"I became devastated. I was so broken, and I didn't know what to do. Kaya, tumigil ako sa pagbisita sa 'yo. I isolated myself because of the pain," she weakly said. Sadness was evident in her eyes as she said those words.
"At noong okay na ako," she sniffed and wiped the tear that fell from her eyes,
"Nagulat akong wala ka na sa hospital. Na-discharge ka na raw."
A part of me still doubts what she's saying. Paano kung gawa-gawa lang itong mga sinasabi niya para mapalapit ulit ang loob ko sa kaniya? Paano kung isa na namang pakitang anyo ito?
There, I realized, whatever she'll say won't make me believe her, dahil si Reverie lang ang paniniwalaan ko. Siya ang pinagkakatiwalaan ko't mas pinaniniwalaan ko. Wala nang iba.
"Kaya, hinanap kita. Hinanap kita nang hinanap hanggang sa, finally," ngumiti siya at saka mahinang tumawa, "finally, nakita na kita."
"Eloise..."
Umiling siya at muling nagsalita,
"I'm just glad that I found you again. And I hope you understood what I just said. Totoo iyon, Finn. Totoo iyon."
Pagkatapos noon ay wala nang nagsalita sa amin, at kumain na lang kami ng breakfast pagkatapos.
"Thank you for eating breakfast with me, Finn," masayang sabi ni Eloise pagkalabas namin ng karinderia.
"I just hope you won't forget what the both od us agreed on," mahina kong sabi sa kaniya. Umiba ang timpla ng mukha niya pagkarinig niya ng sinabi ko.
Tumikhim siya at saka nagsalita,
"Oo naman. I won't go there ever again."
Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa bahay ni Reverie.
Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Reverie na nakatulog sa sofa. Sobrang payapa ng mukha niya, tila ba'y wala siyang problemang iniisp, at tila ba'y hindi siya umiyak kahapon.
Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniya.
Oh, God.
I really do like her.
Dahil sa nangyari kahapon, I know that what we both had made us stronger, and my feelings for her definitely... grew more than it should be.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top