DAY 6 , WEEK 2
Tatlong araw ang lumipas simula nang nalaman ko na nag-resign na pala si Reverie. Sa tatlong araw na ‘yon, halos palagi akong nakatulala at wala nang ganang kumain.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapanniwala na nag-resign siya. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin bago siya tuluyang umalis.
“Si Reverie po ‘yong nagsabi na ‘wag po munang ipaalam sa ‘yo,” sabi ng nurse nang tinanong ko siya kung bakit hindi man lang nila ako kaagad sinabihan tungkol sa pag-resign niya. My heart tightened knowing that it was Reverie who never wanted me to know why she’s gone.
Buong akala ko ay nag-leave lang siya ng ilang araw, o ‘di kaya ay in-assign sa ibang pasyente at wala lang siyang oras para puntahan ako; ‘yan ang ginusto kong paniwalaan.
Pero, wala. Bigla na lang siyang nawala sa buhay ko, at mukhang hindi ko na siya makikita kahit kailan. Ang alam ko lang tungkol sa kaniya ay naninirahan siya sa isang probinsya, at wala nang ibang impormasyon. Hindi niya man lang sinabi kung saang probinsya siya umuuwi, kaya hindi ko rin siya mapupuntahan kahit gusto ko at mahihirapan akong hanapin siya kung sakali.
I don’t understand why she suddenly left. Sa huling pag-uusap naming ay hindi halatang may plano siyang umalis, and she even left the moment my condition became worse.
“Sir, it’s time for your medication,” sabi ng nurse ng tapos na akong kumain ng lunch. Kinuha ko naman ito at saka ininom kaagad. Ang medisina na binibigay sa akin ay para sa sakit ng aking ulo. Medyo epektibo naman ito dahil nababawasan ang sobrang sakit ng ulo ko, pero may mga sintomas pa rin akong nararamdaman araw araw.
Kinuha ng nurse ‘yong pinagkainan ko at binigyan ako ng isang baso ng tubig. Agad naman akong nagpasalamat at saka ininom ‘yon. Pagkatapos kong inomin ‘yon ay ibinigay ko kaagad ‘yong baso sa nurse na agad niya namang kinuha.
Nang naligpit niya na lahat ay umalis siya kaagad sa aking silid. At muli, mag-isa na naman ako sa puting silid na ito.
Hindi pa rin ako sanay sa katahimikan na iito. Masyado na akong nasanay na palagi itong maingay dahil sa mga kwento sa akin noon ni Reverie tungkol sa pagkabata niya, kung hindi ang mga kwento niya ay dahil naman ito sa biruan naming dalawa tungkol sa iba’t ibang bagay. May pagkakataon pang nagpapatunog siya ng isang musika sa silid, na minsan ay hindi ko rin gusto.
“Let’s kill this love! Yeah, yeah, yeah, yeah, yeah,” kanta ni Reverie habang naghe-head bang pa. “Anong kanta ba ‘yan? Ang sakit sa tenga,” sabi ko at saka tinakpan ‘yong tainga ko. “Kill this love ng Blackpink ‘to. At anong sakit sa tainga? Hindi ka lang talaga sanay sa mga ganitong kanta,” sabi niya at saka nilakihan pa ako ng mata. Hindi ko naman iyon maitanggi dahil mas sanay ako sa mga nakaka-relax na kanta, hindi katulad sa mga kanta na pinapakinggan niya.
“Pero, pwede bang hinaan mo ‘yong pinapatugtog mo?” sabi ko pa. matalim niya naman akong tiningnan dahil sa sinabi ko. “Ayoko, magtiis ka diyan,” may diin niyang sabi at saka nagpatuloy ulit sa pagkanta. Napailing na lang ako at mahinang napatawa. Sa mga ganitong pagkakataon ko talaga iniisip kung talagang nurse ko siya o kaibigan lang na nagbabantay sa akin.
Sumikip ‘yong dibdib ko dahil sa isang memoryang naalala ko.
Minsan, hinihiling ko na lang na sana isang masamang panaiginip na lang ang lahat ng ito, na hindi totoong may sakit ako, at isang mahabang panaginip lang ito at gigising din ako na balik na sa normal ang lahat. Pero, kahit anong hiling ko’y alam kong hindi na ito magkakatotoo.
Ito na ang reyalidad ko, tanggapin ko man o hindi.
"We'll be injecting you some pain killers twice every week. This is for your headaches and other things that you are feeling in your body," Doctor Miranda informed me, which I only responded with a nod.
Hindi na ako umangal dahil alam kong ang laht ng sinasabi at nirerekomenda ng doktor ay para rin sa akin, at sa tagal kong nagihg doktor si Doc Miranda ay malaki na ang tiwala ko sa kaniya.
Simula noo'y 'yan na ang ginagawa sa akin every week, at nakakatulong naman ito kahit papaano.
"Also, I would like to discuss something with you, Mr. Gaizer," sabi ng doktor pagkatapos niya akong chineck, at saka sinenyasan 'yong nurse na lumabas muna. Tumango naman 'yong nurse at saka lumabas na ng silid.
"Ano po 'yon, dok?" tanong ko naman. Inayos ni Doctor Miranda ang suot niyang glasses at saka nagsalita, "We have found a way to make you feel better for the meantime." Napakunot noo naman ako sa narinig ko mula sa doktor.
"What do you mean, doc?" Bumuntong hininga siya ng ilang sandali, bago muling nagsalita. "We have found a way to make you feel better, but I'm afraid it's only temporary."
Nalungkot naman ako sa sinabi ng doktor dahil akala ko'y permanente na itong paggaling, pero hindi pa pala. On the other hand, it made me happy because I could finally go back to my life, even just a little bit, and even if it's only temporary.
"What is it, doc? Willing po akong gawin as long as mawala 'yong sakit na nararamdaman ko, kahit temporaryo lang ito," halos desperado kong sabi sabay hawak sa kaniyang balikat.
"If you really want it, ooperahan ka namin para magawa iyon. The only thing we need from you is your permission," saad ni Doctor Miranda at sak in-explain ang ibang mga impormasyon tungkol sa operasyon na iyon. Nang natapos niya na ang pag-explain ay agad naman akong tumango.
Hindi ko na kailangan ang permiso ng papa ko dahil nasa tamang edad naman ako't maaari na akong makapag-desisyon para sa sarili ko, kaya hindi na magiging mahirap ang proseso nito kung sakali.
"Okay. We'll prepare everything that's needed for the operation first. And when it's already set, we'll tell you when your operation will be."
"Yes, doc. I'll be looking forward to it," mariin kong sabi at saka tipid na ngumiti. Ngumiti naman siya pabalik at saka tumango. Pagkatapos noon ay lumabas na siya.
In just a few days or weeks, babalik na rin ako sa dati kong buhay, temporarily.
Just the thought of that was enough to make me feel motivated to keep going, even if it's just a little bit.
Pagkatapos no'n ay ilang araw akong naghanda para sa operasyon. Because of the upcoming operation, there's something that I'm already looking forward to every single day.
I'll make sure that the moment I'll become temporarily better, I'll live my life the way I want it to.
Gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin, at sisiguraduhin kong magiging masaya ako.
"Your operation is scheduled 3 days from now," sabi ni Doctor Miranda. Lumiwanag naman ang mukha ko dahil sa narinig.
Finally, after 3 days ay temporaryo na akong magiging okay. "Okay po, dok. I hope the operation goes well," puno ng pag-asa kong sabi. Tumango maman si Doc Miranda. "It will," siguradong sigurado na sabi ng doktor.
Ngumiti naman ako at saka tumango.
I spent the last few days preparing myself for the upcoming surgery. They checked the condition of my body and other things to make sure that my body is ready and prepared for a surgery, and thankfully it does.
It's already hours before the surgery, at hindi na ko pinakain at pinainom ng kung ano-ano ng murse dahil iyon ang dapat gawin bago ang operasyon.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang tiningnan ko ang orasan. Apat na oras na lang ang kailangan kong hintayin para maoperahan ako.
Just imagining that I'll get to live life the way I want temporarily makes me feel giddy, at ni konting kaba para sa operasyon ay hindi ko maramdaman.
My thoughts were interrupted when I heard a knock. Nagtaka naman ako kung sino iyon. "Pasok po," magalang kong sabi. Unti unting bumukas 'yong pinto, at bahagyang nanlaki ang mata ko sa kung sino ang bumungad sa pinto.
"Nurse Ali," mahina at gulat kong sabi. She smiled at me warmly, which made me smile in return. Lumapit naman siya sa akin at bahagya akong hinawakan sa aking balikat. "Kamusta, hijo?" nagagalak na tanong ni Nurse Ali. Napaluha naman ako at wala nang pagdadalawang isip na niyakap siya.
"Nurse Ali, saan po kayo galing?" naiiyak kong tanong, ramdam ko namang niyakap niya ko pabalik. She also gently caressed my back. "Bakit ngayon lang po kayo? Ang tagal nyo pong nawala," muli kong sabi. Hinigpitan niya naman 'yong yakap niya sa akin.
"Pasensya na, hijo. Ilang beses akong pinigilan ng pamilya ko na magtrabaho dito ulit at magpagaling na lang, pero nandito na ako ngayon," malumanay n sabi ni Nurse Ali.
I bit my lip to stop myself from crying, and hugged her tightly.
At least, one person who became close to me returned.
"Nabalitaan kong ngayong araw ka na ooperahan," sabi ni Nurse Ali sa akin. Masaya naman akong tumango. "Opo, pero temporaryo lang po na magiging okay 'yong pakiramdam ko, pero okay na 'yon kaysa sa habambuhay po ako maghihirap," sabi ko at saka tipid na ngumiti.
"Alam ba ito... ng mga magulang mo?"
Napabuntong hininga ako at saka umiling. Nanlaki naman ang mata ni Nurse Ali sa narinig. "Bakit naman?" nag-aalalang tanong ni Nurse Ali.
"There's no use in letting that man know. As for my mom, hindi niya pa nga alam na may sakit ako, kaya hindi ko rin masasabi sa kaniya tungkol sa operasyon. Ayoko rin na mag-alala siya."
Ilang minuto kaming napatahimik pagkatapos kong sabihin iyon. Nakita ko na parang may iniisip si Nurse Ali, at ilang beses niya akong tiningnan at parang hindi siya mapakali. Mahina naman akong napatawa dahil sa inaasta niya.
"Nurse Ali, kung may gusto po kayong sabihin, sabihin nyo na po," I said and sincerely smiled at her.
Dahan-dahan niya namang hinawakan ang kamay ko at saka nagsalita, "Hijo, bilang isang ina, alam ko ang pag-aalalang nararamdaman ng isang ina para sa kaniyang anak. At alam kong sobrang masasaktan siya kapag huli niya nang nalaman na may sakit ka. At... mas sobra 'yong sakit na mararamdaman niya kapag nalaman niya ang sakit ko kung kailan—" hindi na itinuloy ni Nurse Ali ang sasabihin niya pa sana at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
Kahit hindi tinuloy ni Nurse Ali ang sinabi niya ay alam ko kung ano ang ibig niyang ipahayag. I understand it, but I still don't have the courage to tell my mom about my condition.
"Gusto ko lang na, hindi ka magsisisi sa huli, Hijo. Naging mahalaga ka na rin kasi sa akin at para na kitang anak," malumanay na sabi ni Nurse Ali. It warmed my heart hearing what she just said. Kahit ako, naging isang ina rin siya sa ilang linggo niyang pag-aalaga niya sa akin.
And her being here before my operation brings joy in my heart.
"Naiintindihan ko po, Nurse Ali. After my operation, maghahanda't pag-iisipan ko po kung kailan ko po sasabihin sa mama ko. " She smiled after hearing what I have said and patted my head.
"Are you ready, Mr. Gaizer?" tanong ni Doctor Miranda sa akin. "I'm more than ready, dok," determinado kong sabi kay dok. "Hijo." Napatingin naman ako kay Nurse Ali nang tinawag niya ako, "I'll pray for you. Maghihintay ako dito sa labas, hihintayin kong matapos 'yong operasyon mo," mahinang sabi ni Nurse Ali.
"Thank you po," I gratefully said at saka ngumiti. Sinenyasan naman ng doktor na dalhin na ako sa operating room.
Nang nakahanda na ang lahat ay muli akong tinanong ni Doctor Miranda, "Ready?" tumango naman ako. "See you later, dok." Ngumiti naman siya sa akin. Kita kong kinuha niya na 'yong injection na magpapatulog sa akin, and something that would make me numb that I wouldn't feel the pain.
Nang na-inject niya na ito sa akin ay ramdam ko ang unti unting pagbigat ng mata ko.
Everything will be okay.
Pagkatapos no'n ay muli na naman akong sinalubong ng kadiliman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top