DAY 5 , WEEK 5
"What?" I surprisingly exclaimed.
"Sino nagbayad ng bill namin?"
"Hindi ko po alam, sir. 'Yan lang yung narinig ko noong nakaraang araw, na may nagbayad ng bill nyong dalawa," sagot naman ni Nurse Bia sa akin at saka napakamot siya sa ulo niya.
Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Nurse Bia at saka tuluyan nang lumabas sa room namin.
Sino ba nagbayad ng bill namin?
Ito ang tanong na bumabagabag sa utak ko. A part of me knows who possibly paid the bill, but I can't seem to remember clearly.
Is it... is it my dad—?
Napangiwi naman ako at saka napahawak sa ulo ko nang naramdaman ko ang biglang pagsakit nito noong pinilit kong alalahanin ang mukha ng taong kinamumuhian ko.
Sandali—
Kinamumuhian ko? Bakit?
Muli namang sumakit ang ulo ko dahil doon. Napapikit ako at saka mahigpit na napahawak sa kumot ko dahil sa sakit.
Tiisin mo yung sakit, Finn. Mawawala rin 'yan.
Ito ang paulit ulit kong sinabi sa sarili ko hanggang sa unti-unti nang nabawasan ang sakit na naramdaman ko.
With how my condition is, alam kong maliit na lang ang mga araw at oras na mayroon ako.
I slowly turned my head to the other side to see Reverie, still lying on her bed, with her eyes still closed.
"Reverie, kailan ba kita muling makita?" mahina kong usal.
Kailan ba kita muling makita na nakamulat ang mga mata mo? Kailan ko ba ulit marinig ang boses mo at tsaka ang tawa mo?
When can I see you smile at me again?
"Reverie, please wake up soon..." I don't have enough time left. Hindi ko gustong hindi man lang kita muling makausap bago ako mawala sa mundong ito.
"Finn!"
Napalingon ako nang narinig kong may tumawag sa akin na lalaki, at sa boses nito'y bata pa ito, pero wala akong nakitang tao sa hardin na ito.
Isang hardin na puno ng mga puting bulaklak.
Biglang humangin ng malakas, at kasabay ng hangin ay ang pag-amoy ko ng mabango mula sa mga bulaklak.
"Wala ako riyan! Nandito ako sa likod mo oh."
Pagkarinig ko noon ay napalingon naman ako sa likod ko, at halos nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang aking sarili.
It was me when I was younger.
No.
He looked like me, but he was a lot taller when I was at his age.
"Sa wakas, nakita mo rin ako," sabi niya at saka ngumisi.
"Ang hirap mo naman kasing hanapin, Flynn," sagot ko naman sa kaniya, na ikinagulat ko rin.
Parang may sariling buhay ang katawan at bibig ko dahil kusa itong nagsalita, at saka mahina na sinapak ang lalaking nangangalang Flynn sa kaniyang balikat.
"Ito naman oh! Galit agad," natatawa niyang saad at saka hinimas ang balikat na sinapak ko.
Is this... supposed to be a memory of mine? A memory from the past?
Napailing ako at saka tumawa,
"Sa sunod kasi, huwag mo akong pahirapan na hanapin ka. You know that I'm not good with seeking, right?"
Mas lalong lumaki ang ngisi niya nang narinig niya ang sinabi ko.
"That's why I love hiding, brother. It's fun to watch you struggle in finding me," sagot niya naman sa akin.
Brother?
Does that mean... he's my brother?
Is he my younger brother?
But judging by our identical faces, are we perhaps—?
I twitched when I heard someone crying.
"I'm so sorry," she said in a trembling voice.
Judging by her voice, it's her again. Ang palaging pumupunta tuwing tulog ako.
Bakit ba pumupunta lang siya kapag tulog ako? Doesn't she want me to see her?
I felt her gentle touch on my hands, and how she caressed it carefully.
Sinubukan kong imulat ang mata ko, pero tila ay ayaw makinig ng sarili kong katawan sa nais kong gawin.
"Hmm," I groaned.
Ramdam ko ang biglang pagbawi niya ng kamay niya sa pagkakahawak sa akin.
Why did she stop?
I heard the chair make a noise as if it's being pushed. Nakarinig ako ng kaluskos, and I felt something warm caressing my face.
It was her hand.
"I'm sorry, Finn," she whispered and sniffled.
At pagkatapos noon ay narinig ko ang mga yabag niya, at ang pagbukas at pagsara ng pintuan.
Honestly, who is she?
"I'm sorry for making you do this, Nurse Bia," sabi ko sa kaniya habang tinitingnan siyang naghihiwa ng mansanas.
Ngumiti naman siya at saka umiling.
"Don't be, sir. This is a part of my work."
Hilaw akong napangiti dahil doon.
Sa pagdaan ng araw ay ramdam ko ang unti unting paghina ng katawan ko. Noong nakaraang araw, hindi ko na maipilit ang sarili kong tumayo dahil wala nang lakas ang mga paa ko.
Sunod naman ay nahihirapan akong igalaw ang kamay ko dahil parang wala na rin itong lakas, kaya si Nurse Bia na ngayon ang naghihiwa ng mansanas ko't doble asikaso na rin sila nina Nurse Roy sa akin.
Napatingin ako sa kinaroroonan ni Reverie at nakitang pinapalitan ni Nurse Roy ang dextrose niya.
Kung sana'y hindi lang ako nanghihina, napupuntahan ko pa si Reverie sa higaan niya. Nahahawakan ko pa sana mga kamay niya at naiparamdam na nasa tabi niya lang ako.
Tapos na si Nurse Roy sa pagpapalit ng dextrose niya, kung kaya'y pumunta siya sa kinaroroonan ni Nurse Bia.
Dahil doon pinagsamantalahan ko na ang panahon at tinitigan si Reverie ng mariin.
I looked at her hair, her eyes, her nose, and every part of her face. Kahit medyo malayo't hindi malinaw ang mata ko ay pinilit ko pa ring tingnan ito.
Napapunta ang mata ko sa kamay ni Reverie, at halos nanlamig ako nang nakita kong parang gumalaw ang daliri niya.
Was I imagining things?
Totoo ba ang nakita ko?
"N-nurse Roy," pagtawag ko sa kaniya. Napatigil naman siya sa pakikipag-usap kay Nurse Bia at saka tumingin sa akin.
"Yes, sir?"
"Si Reverie." I breathed deeply before I continued, "I don't know if I was imagining things, pero parang..."
I bit my lip before continuing,
"Parang nakita kong gumalaw ang daliri niya."
Dali-dali siyang pumunta sa kinaroroonan ni Reverie at saka chineck ito.
Will she finally... wake up?
Tumingin si Nurse Roy sa amin,
" I'll call Doc Miranda first."
Pagkatapos noon ay umalis na siya at naiwan kaming dalawa ni Nurse Bia, at si Reverie na wala pa ring malay.
I just hope... I wasn't hallucinating.
"Nurse Bia, do you think... she will wake up soon?" tanong ko sa kaniya.
She smiled timidly and shook her head.
"To be honest sir, maliit lang ang chance na magising siya, kaya hindi ko po masabi kung ano man."
Napabuntong hininga naman ako pagkarinig ko ng sagot niya.
At least there's still a small chance of her waking up, and I will hold on to that small chance...
That tiniest bit of hope.
"It seems she moved on reflex, or possibly a reaction from her body after feeling too much pain," saad ni Doctor Miranda pagkatapos niyang i-check si Reverie.
"So it's really not a sign that she will wake up soon?" nanghihina kong tanong sa kaniya.
"I can't say for sure, Sir Finn, but we will continue to monitor her to check if there are other signs of movement from Ms. Reverie," sagot naman ni Doctor Miranda sa akin.
Pagkatapos noon ay umalis na siya kasama si Nurse Roy, at naiwan pa rin si Nurse Bia na nasa tabi ko.
"Do you want to eat some apples, sir?" Nurse Bia asked while holding the plate filled with cutted apples.
Umiling naman ako,
"I will eat it in a while, Nurse Bia," sagot ko naman sa kaniya.
Tumango naman siya at saka ipinatong ito sa ibabaw ng drawer na nasa tabi ng higaan ko.
With the hope of Reverie possibly waking up, I should be energized. But instead, I can feel my energy draining out from me. Ramdam ko rin ang pagbigat ng mga mata ko.
"Nurse Bia," pagtawag ko sa kaniya.
Agad naman tumingin si Nurse Bia sa akin.
" Can you adjust my bed? Pababain sana ng kaunti. I just... want to sleep," usal ko sa kaniya at saka tipid na ngumiti.
"Sige po, sir." She immediately adjusted my bed. May hinawakan siya sa baba ng higaan, at unti-unti rin bumaba yung sa uluhan ng higaan ko. Nang medyo mababa na ay tumigil naman siya at saka tumingin sa akin.
"Okay na po ba, sir?"
"Yes. Thank you, Nurse Bia," I said and smiled at her. Ngumiti naman siya pabalik at saka umayos na sa pagkakaupo.
Pagkatapos noon ay unti-unti ko nang pinikit ang mga mata ko, hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
"I'm sorry po, ma'am. Pero hindi po muna kayo pwede rito," si Nurse Bia.
Tila'y may kinakausap siya, pero sino?
"I just want to be by his side, kahit habang natutulog lang siya. Hindi ba talaga pwede, miss?"
That voice, that's the same voice I frequently heard every time I was asleep.
Ang humihikbi na babae.
"I'm sorry, ma'am. Hindi pa po talaga pwede. He's not in a good condition at baka mas lalong lumala yung sakit niya once makita niya po kayo," sagot naman ni Nurse Bia sa mahinang boses.
Natahimik naman ang babae ng ilang segundo, bago muling sumagot.
"I will be careful. Please, just let me be with my son even just for a while. Nang mabantayan ko man lang siya," her voice trembled upon saying that.
What... son?
Unti unting bumukas ang mga mata ko, at ang bumungad sa akin ay si Nurse Bia at ang babaeng nakatayo malapit sa higaan ko.
Nakatalikod siya, kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha.
Pero kahit ganoon, naramdaman ko ang biglang pagbilis ng puso ko.
Napatingin si Nurse Bia sa direksyon ko at nanlaki ang mata niya nang nakitang gising ako at tinitingnan sila.
"Sir Finn...?"
Unti unting humarap ang babae sa akin.
At sa mga ilang sandali na 'yon ay mas lalo kong naramdaman ang paglakas ng tibok ng puso ko.
Nang tuluyan nang humarap ang babae sa akin ay halos nanigas na ako't hindi makagalaw nang nagtama na ang aming mga mata.
She looked at me with tears in her eyes. I can see sadness in her eyes, and also... guilt?
"A-anak?" she uttered with her trembling voice.
" Ma'am, please. Sir Finn is experiencing frequent memory loss at baka nabigla kaya—"
Siya... Siya ang ina ko?
Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Nurse Finn nang ramdam ko ang unti unting pagsakit ng malala ng ulo ko.
Kasabay noon ay parang may narinig akong pumipito, kaya napapikit na lamang ako at saka napahawak sa ulo ko.
"N-nurse Bia," i tried calling her.
"F-Finn, anak? A-anong nangyayari sa anak ko?" I can feel her panicking as she asked her.
Halos parang babaliktad na ang sikmura ko dahil sa sakit, at hindi ko alan kung
imahinasyon
ko lang ito, pero ramdam ko rin na parang kinakapos ako sa paghinga.
" F-Finn? Anak!"
And those were the last words I heard before I finally lose my consciousness.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top