DAY 5 , WEEK 4

Ilang araw nang mataas ang lagnat ni Reverie, at kahit anong gawin kong pag-aalaga sa kaniya ay tila’y hindi pa rin siya gumagaling.

Pinuntahan din siya ni Auntie Ysa para tingnan ang kalagayan niya. “Napainom  mo na ba si Reverie ng gamot?” tanong ni Auntie Ysa sa akin.

“Opo, napainom ko na po siya kanina. Mamayang alas nuebe naman po siya uulit iinom ng gamot,” mahaba kong lintaya sa kanya.

Pareho kaming napatingin kay Reverie na natutulog pagkatapos kong sagutin ang tanong niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Reverie. Tiningnan ko ang mukha niya at sobrang putla niya na, iba sa una kong kita sa kaniya sa islang ito.
Seeing her like this, weak and not feeling well, breaks my heart. Ano ba ang nangyari? Bakit biglang naging ganito?

I kissed her hand and closed my eyes, wishing from above na sana gumaling na siya, because seeing her like this weakens me so much that I wish I was the one who’s not feeling well, not her.

“Finn.” Napamulat naman ako ng mata ko ng narinig kong tinawag ako ni Reverie.

“Reverie,” pagtawag ko sa kanya at saka nginitian siya.

“Nandito si Auntie Ysa, chineck ka niya kung maayos na ang kalagayan mo,” sabi ko sa kanya at saka napatingin kay Auntie Ysa na nasa tabi ko.

Napatingin naman si Reverie kay Auntie Ysa at saka ngumiti. “Maraming salamat po sa pag-check sa akin,” mahina niyanng sabi.

Ngumiti naman pabalik si Auntie Ysa at saka hinawakan ang kabilang kamay niya.

“Magpagaling ka, hija. Kapag hindi mo na kaya, sabihan mo kami para makapunta tayo ng hospital,” sabi nii Auntie Ysa na inilingan ni Reverie.

“Hindi naman po ganoon kasama ang pakiramdam ko.”
Napahinga naman ako ng malalim ng narinig ko ang sinabi niya.

“Hindi ganoon kasama? Eh, bakit ilang araw ka nang nakahiga diyan at parang hindi rin bumababa lagnat mo?” nag-aalalang sabi ni Auntie Ysa.

Hindi naman mali si Auntie Ysa sa sinabi. Ilang araw na ang lagnat niya at tila’y hindi ito bumababa. At bago pa siya nagkalagnat, ilang araw sumakit ‘yong ulo niya at ilang araw na rin siya sumusuka.
Kaya alam kong hindi siya okay.

“Gagaling din po ako, Auntie Ysa,” mahinang usal ni Reverie at saka ngumiti.
Wala nang sinabi si Auntie Ysa pagkatapos ng sinabi ni Reverie.
Nanatili pa ng ilang oras si Auntie Ysa rito sa bahay para tulungan ako na alagaan si Reverie, bago tuluyang umalis.

“Alis na ako, hijo. May ulam nang nakahanda sa lamesa at saka may lugaw na rin. Pakisabi na rin kay Reverie pagkagising na umalis na ako. Ayoko na siyang gisingin,” mahabang lintaya ni Auntie Ysa habang nag-aabang nang lumabas ng bahay.

“Sige po, Auntie Ysa.” Ngumiti ako sa kaniya at saka sinundan siya palabas. “Maraming salamat po sa tulong niyo.”

Napangiti naman siya nang narinig ang sinabi ko. “Walang anuman, hijo. Basta, balitaan mo na lang ako sa kondisyon ni Reverie, ha?”

Tumango naman ako at saka muling nagpasalamat, bago tuluyang umalis si Auntie Ysa’t saka umuwi na.
Napabuntong hininga na lang ako at saka pumasok na sa loob ng bahay. Napatingin ako sa orasan at nakita kong malapit nang mag-alas nuebe ng gabi, kaya inilabas ko na ang ginawang lugaw ni Auntie Ysa at saka nilagay ito sa porcelain cup. Kumuha na rin ako ng kutsara at saka pumasok na sa kwarto ni Reverie.

Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng higaan niya, at saka nilagay ang bitbit kong lugaw sa katabing lamesa nito.
Halos naggda-dalawang isip pa akong gisingin si Reverie dahil nakikita kong ang himbing ng tulog niya, pero kailangan niyang magising para uminom ng gamot, kaya unti-unti ko siyang ginising.

“Reverie, Reverie,” pagtawag ko sa kaniya. I lightly tapped her shoulder.

“Reverie, gising na. Kakain na po,” muli kong sabi. Unti-unti namang bumukas ang mata niya at saka tumingin sa akin.

“I don’t feel like eating, Finn,” she hoarsely said. Umiling naman ako at saka sumagot,

“You need to eat, Reverie. Para mainom mo na rin ang gamot mo pagkatapos at para may konti kang lakas.”

Dahil sa sinabi ko, wala nang nagawa si Reverie kung ‘di ay bumangon mula sa kinahihigaan niya. Tinullungan ko naman siyang bumangon sa pamamagitan ng pag-alay ng likod niya. At nang nakaupo na siya sa higaan ay kinuha ko ang lugaw sa lamesa at saka sumandok ng isang kutsara. 
Hinipan ko pa yung lugaw dahil mainit pa, at nang naramdaman ko nang hindi na ito masyadong mainit ay itinuon ko yung kutsara sa bibig niya.

“Kain na, Reverie,” sabi ko sa kanya.
Ilang minute pa ang lumipas bago niya kinain yung lugaw na nakatapat sa bibig niya. Nakakatuwa naman at pinipilit niyang kumain kahit ayaw niya.

Pagkatapos noon ay ilang ulit ko itong sinulit, at nang panglimang subo na sana ng lugaw ay umiling na siya.

“Ayoko na, Finn. Parang nasusuka na ako,” mahina niyang sabi at saka tinakpan ang labi niya.
Inilapag ko na yung hawak ko sa mesa at saka kumuha ng tubig para inomin ni Reverie. Agad niya naman itong kinuha at saka ininom. Pagkatapos noon ay nilagyan ko ulit ng tubig yung baso at saka ibinigay sa kaniya ulit ito pati na rin ang gamot para sa lagnat.

“Thank you, Finn,” sabi ni Reverie at saka ininom  ng yung gamot at tubig. Pagkatapos niyang uminom ng gamot ay ipinahiga ko siya ulit sa higaan niya. Kinapkap ko ang forehead niya at ramdam kong sobrang init niya pa rin.

“How are you feeling?” tanong ko kay Reverie kahit alam ko na ang sagot.
“Honestly, I’m feeling quite better than when I first got this fever. ‘yon nga lang, mataas pa rin ang lagnat,” sagot ni Reverie at saka hilaw na napatawa.

Tipid na lang akong ngumiti at saka kumuha ng bimpo at binasa ito sa kabo na may laman na malamig na tubig. Pagkatapos ay ipiniga ko ito at saka tinupi, at inilagay sa noo niya.

“I’m sorry, Finn. Kinailangan mo pa akong alagaan. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako nagkasakit, eh ang tagal ko na dito,” sabi ni Reverie at saka pekeng tumawa.
Bumuntong hininga ako at saka nagsalita,

“Don’t say that, Reverie. I love taking care of you. But please, get well soon. Hindi ko gusto na mas lalong sumama ‘yong pakiramdam mo.”

“Yes, thank you, Finn,” sabi niya na isinuklian ko lang ng ngiti. Pagkatapos ng ilang minute ay muling nakatulog si Reverie.

Buong gabi ay hindi ako natulog.
From time to time, pinupunasan ko ng bimpo si Reverie. Sa kaniyang noo, mukha, braso, kamay, halos sa buong katawan niya. Kapag oras naman niya para uminom ng gamot ay ginigising ko siya para painumin. At pagkatapos naman noon, bumabalik siya ulit sa pagkakatulog.
‘Yon lang ang naging cycle hanggang sa naging umaga na.

“Finn, Finn.” Napamulat ako ng mata ko at nakita ko si Reverie na nakaupo na sa higaan niya.
Napatingin ako sa bintana at nakitang umaga na. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

“Oh, Reverie. Bakit ka nakaupo? Mahiga ka ulit,” sabi ko sa kaniya habang pinupunasan ang mata ko.

“It’s okay, Finn. Mas maayos na pakiramdam ko kumpara kahapon. I promise,” sabi ni Reverie at saka ngumiti.

Napansin ko na mas naging mabuti na ang mukha niya. Maputla pa rin siya pero hindi katulad noong mga nakaraang araw na sobrang putla niya.

“Okay, sige. Nagugutom ka ba? Kukunan kita ng lugaw.”

Umiling lamang si Reverie. “Kumain na ako kanina habang tulog ka, Finn. Ikaw yung kumain na kasi parang nalipasan ka na ng gutom eh,” mahabang lintaya ni Reverie.
Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako bigla ng gutom.

“Ah, sige. Thank you for reminding me to eat, Reverie,” sabi ko sa kaniya at saka hinawakan ang kamay niya’t pinisil ito.

“Kumain ka na,” she said and gestured me to get out of her room para kumain na.
Binitawan ko ang kamay niya at saka tumayo na.

“Sige, babalik ako rito pagkatapos ko kumain.”

Tumango lamang siya bilang sagot.
Habang kumakain ako ay biglang nag-ring yung phone ko. At pagkatingin ko, halos nabuhusan ako ng reyalidad ng nakita na si Doctor Miranda ang tumatawag.
Wala na akong nagawa kung ‘di sagutin yung tawag niya.

“Hello, Doc?”
“Good morning, Mr. Gaizer,” bungad ni Doctor Miranda.

“I called to ask kung kailan ka babalik sa hospital? Alam mong malapit nang mawala ang epekto ng gamot na ininom mo at saka yung in-inject sa ‘yo. Hindi ko gusto na babalik ang malalang sintomas mo’t bigla ka na lang mawawalan ng malay sa kung nasaan ka man,” nag-aalalang sabi ni Doctor Miranda.

Napabuntong hininga naman ako ng narinig ko ang sinabi niya. “Babalik po ako, pero hindi po ngayon. May kailangan pa po kasi akong gawin,” sabi ko sa kanya at saka napatingin sa kung nasaan ang kwarto ni Reverie.

Hindi ko pa siya kayang iwan, not when she’s suffering from different kinds of pain.
Natahimik si Doctor Miranda ng mga ilang sandali bago muling nagsalita, “Okay, Mr. Gaizer. Please update me if you’ll return here as soon as possible.”

“Sige po, Dok,” mahina kong sagot at akmang ie-end na ang tawag ng narinig ko muli ang boses niya.

“One last thing, Mr. Gaizer. Nagpaparamdam na ba ang ilan sa mga minor mo na sintomas?” tanong ni Doctor Miranda sa akin.

Natahimik ako ng ilang segundo. Hindi ko man gustong aminin, pero kailangan kong sagutin ang tanong  niya, “Yes po, Dok.”

“What symptoms? May I know? Para mailista ko dito at ma-monitor kita kahit sa ganitong paraan muna,” tanong ni Doctor Miranda sa akin.

“Headaches, dok. And aside from this, short term memory loss. Not severe, pero nakakalimutan ko ang mga simpleng bagay, katulad noong bago pa lang sa akin yung sakit,”sabi ko sa kaniya. Rinig ko naman galling sa phone ko na nililista niya yung mga sinasabi ko.

“Aside from that, Mr. Gaizer, wala na ba?” muling tanong ni Doctor Miranda.
Umiling naman ako, “Wala na po, dok. ‘Yan pa lang ‘yong unting bumabalik.

“Noted, Mr. Gaizer. Please contact me if you experience some other symptoms aside sa sinabi mo sa akin,” tugon ni Doctor Miranda. And with that, doon nagtapos ang pag-uusap naming ni Doctor Miranda.
Habang inaalagaan ko si Reverie, unti unting bumabalik ang sintomas ng sakit ko. While she’s suffering, ii was also suffering in silence.

Kung ipapakita ko kay Reverie na may sakit din ako na dinaramdam habang inaalagaan siya, mas lalo siyang mag-aalala at mas lalong magiging malala ang sakit niya dahil sa akin.
Kaya hangga’t kaya ko pa, tinatago ko yung sakit ko sa kaniya.
Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ito kasama ang ibang mga dapat hugasin. Pagkatapos kong linisin ang mga dapat linisin ay kumatok muna ako sa pintuan ng kwarto ni Reverie. After knocking, pumasok ako sa loob at nakita si Reverie na bumabasa ng isang libro.

Nang naramdaman niya ang prisensya ko ay binaba niya ang libro at saka tumingin sa akin.

“Are you done?” tanong niya sa akin.
Tumango ako bilang sagot at saka umupo sa tabi niya. Kinapa ko ang noo niya at napansin kong bumaba na ang lagnat niya, hindi katulad kanina na sobrang init.

“Bumaba na yung lagnat mo,” masaya kong sab isa kanya. Ngumiti naman siya at saka hinawakan ang kamay ko.

“Magaling kasi yung nag-alaga sa ‘kin, eh,” sagot niya naman sa akin. Napatawa naman ako’t saka umiling.

“Reverie, don’t you really want to go to the hospital?” tanong ko sa kaniya.

Umiling naman siya, “Hangga’t kaya ko pa, Finn, hindi ako pupunta sa hospital.”
I wanted to say something more after hearing her answer, pero ayoko rin maging makulit sa kanya. Deep inside, I am scared. Takot ako na once hinayaan lang namin ang sakit niya, mas lalo ito magiging malala. Na baka, iba na ito. Hindi na ito normal na sakit.

I shook off those thoughts and looked at Reverie. Napatingin din siya sa akin pabalik.

“Reverie, I…” I bit my lip before finally saying what I wanted to say, “I love you.”


Reverie smiled, at mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko,

“I love you too, Finn.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top