DAY 5 , WEEK 3
THIS STORY UPDATE IS DEDICATED TO :
sapphirongsawi
I HOPE YOU ENJOY READING!!
---
During the past few days na magkasama kami ni Reverie, doon ko siya mas nakilala. There were parts of her that I discovered which made me feel something for her, more than just a friend.
“I’m back,” bungad ko pagkabukas ko ng pintuan sa bahay. Sinalubong naman ako ni Reverie na may ngiti sa labi niya.
“Welcome back!” she exclaimed habang winnagayway ang kamay niya sa ere.
I smiled at what she did. Kung ganito lang ang bubungad sa akin araw-araw, mas gugustuhin ko pang manatili rito. My smile slowly faded at that thought.
Oo nga pala, hindi ako bubuhay ng matagal. My time in this world is only limited.
“What’s for lunch?” tanong ko sa kaniya habang nilagay sa lababo yung mga nahuli kong isda.
“Sinabawang isda po,” sagot niya naman at saka tiningnan ang mga isdang dala ko.
“Mukhang marami kang nahuli ngayon ah?” pabiro niyang sabi. Napatawa naman ako sa sinabi niya.
“Oo nga eh. Mukhang sinwerte ata ako ngayong araw,” pabiro kong sagot. Napatawa naman siya dahil doon at saka pinagpatuloy ang pagluluto ng sinabawang isda.
Sometimes, I get carried away with our situation. It feels like we’re already married, even though we’re not. Sa paglipas ng panahon, mas lumalalim ang pagkakilala namin sa isa’t isa. At kahit ayaw ko mang tanggapin, alam ko na sa sarili ko na mahal ko na siya.
Who wouldn’t fall for her?
Kahit sino siguro na nasa kinatatayuan ko ngayon ay iibig sa kaniya.
“Finn, malapit nang maluto yung ulam natin. Kaya, please set up the table,” biglaang sabi ni Reverie, kung kaya ay napabalik ako sa reyalidad.
“Copy, ma’am!” pabiro kong sabi na inilingan niya lamang. After that, we ate our lunch, and at that moment it was filled with smiles and laughter.
Everything felt too nice, too perfect. Parang walang mangyayaring masama, o habang buhay na lang magiging ganito kasaya. Pero, that’s when I realized that not everything that’s going well, will end up well in the end.
“Tara na, Shasha, ihatid na kita sa inyo,” sabi ko sa kaniya ng mapansin na 4 na ng hapon. Napanguso naman siya, and she crossed her arms.
“Ayaw ko pang umuwi,” sabi niya at saka tiningnan ako ng mariin. Napatawa naman ako at saka umiling.
“Kailangan mo nang umuwi,” sabi ko at saka tumingin kay Reverie,
“hindi ba, ate Riri?”
Tumango naman siya at saka ginulo ang buhok ni Shasha.
“Babalik ka naman dito bukas, diba? We still have lots and lots of days to play together. Kaya, umuwi ka muna. Hindi naman kami aalis dito,” sabi niya kay Shasha at saka ngumiti.
Shasha nodded in defeat. Pagkatapos noon ay hinatid ko na siya sa kanila.
"Magandang hapon po," bati ko sa ina ni Shasha at saka ngumiti. Binati niya naman ako pabalik at saka sinuklian din ang aking ngiti.
"Mabuti naman at bumalik ka na, Shasha," pabirong sabi ng ina ni Shasha. Napanguso naman si Shasha dahil doon.
"Oo nga po eh. Ilang minuto pa bago namin nakumbinsi na umuwi sa inyo," pagkukwento ko sa kaniya.
"Hindi ko naman masisisi yung anak ko kung ayaw niya pang umuwi sa amin. Grabe kasi yung attention at pagpapangalaga na pinapakita niyo sa kaniya. Pansin ko rin na sobrang saya ni Shasha kapag kasama niya kayo eh."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pagkatapos noon ay nagpaalam na ako sa kanila at saka umalis.
Hindi ko dumiretso pabalik sa bahay ni Reverie, kung 'di ay naglakad² pa ako habang dinadama ang malamig na ihip ng hangin.
Kung ganito lang sana palagi.
"F-Finn!"
Bumilis ang pintig ng puso ko ng narinig kong may tumawag sa akin. Hindi dahil sa nagulat ako, kung 'di ay dahil sa boses ng tumawag sa akin.
Dahan-dahan akong tumingin sa kinamumulan ng boses, at halos nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita kong si Eloise iyon.
Halata sa mukha niya ang kaba, pero nangingibabaw ang saya sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"Finn," muli niyang usal sa pangalan ko at saka unti unting naglakad patungo sa kinaroroonan ko
I can't believe it. Si Eloise ba 'tong nakikita ko ngayon?
Sa hindi maintindihang rason ay parang mas nangingibabaw ang kaba nang muli ko siyang nakita, kaysa sa saya na dapat kong mararamdaman.
Nang nakatayo na siya sa harapan ko ay halos tumigil ako sa paghinga.
"Eloise," I said, almost a whisper.
"Finn, I..." Her voice cracked.
May luhang namumuo mula sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"I missed you," mahina niyang sabi, at saka mahigpit akong niyakap.
My body froze, hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko bukod sa kabang nararamdaman ko ngayon.
Parang... hindi tama na muli kaming nagkita.
Napabitaw si Eloise sa pagkakayakap sa akin ng maramdaman niyang wala akong planong yakapin siya pabalik.
"Finn, didn't you miss me?" tanong niya sa akin. Halata sa boses niya ang pangungulila.
"I..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang tama kong sasabihin sa kaniya.
"If you didn't miss me, it's okay. I just missed you so much," bumuntong hininga siya,
"When I found out that you weren't at the hospital anymore, I searched for you. Kung saan-saan na ako pumunta para makita ka ulit. And after so long, finally," huminto siya sa pagsasalita at saka ngumiti sa akin.
"I finally found you," dugtong niya at pagkatapos noon ay parang huminto ang lahat ng naglapat ang labi niya sa labi ko.
She kissed me.
Nanlaki ang mata ko at saka mahina siyang tinulak, it was enough to make her lips move away from mine.
Halata sa kaniyang mata ang sakit dahil sa ginawa ko, pero hindi na ako makapag-isip ng tama. Basta ang alam ko lang ay mali iyon.
"Eloise?"
Pareho kaming napatingin sa tumawag sa kaniya, at laking gulat ko na si Reverie iyon.
Kita ko ang panginginig ng katawan niya habang nakatingin sa amin. Parang iiyak na siya.
"Reverie,"
ordinaryong sabi ni Eloise.
Anong nangyayari? Magkakakilala sila?
Lalapitan ko na sana si Reverie nang bigla siyang tumakbo palayo sa amin.
Hahabulin ko sana siya nang pigilan ako ni Eloise sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay.
“Finn, iiwan mo ako dito?”
patanong niyang sabi habang nakayuko.
“Eloise,” napabuntong hininga ako at tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa aking kamay,
“I’m sorry, pero kailangan kong habulin si Reverie,” sabi ko sa kaniya.
Sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ko ay pagsisisihan ko kung hindi ko siya hahabulin ngayon.
Kita kong napakagat siya ng labi niya, at saka direktang tumingin sa akin.
“Finn, ang tagal na nating hindi nagkita. Pwede bang kahit ngayon lang… samahan mo muna ako rito?” sabi niya, kita kong nanginginig na ang kaniyang mga kamay.
Umiling ako at saka nagsalita,
“We can talk some other time, Eloise. And please, don’t kiss me again,” usal ko sa kaniya at saka tumakbo na palayo sa kaniya.
Hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Halos nilibot ko na ang buong isla para lang mahanap siya.
At nang halos mawalan na sana ako ng pag-asa na makita siya ay nakita ko siyang nakaupo sa isang malaking puno. Nakaupo siya roon habang umiiyak.
“Reverie,” mahina kong usal.
Napatingin siya sa akin at kita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata.
Dali dali niyang pinunasan ang kaniyang mga mata at saka pilit na ngumiti.
“Oh, anong ginagawa mo dito? Bakit hindi mo kasama si Eloise?” her voice cracked when she mentioned Eloise’s name.
“No, I’m not with her. I searched for you,” mahina kong sab isa kaniya at unti unting lumapit sa kaniya.
“Can I sit beside you?” mabagal kong tanong at saka tinuro yung space sa tabi niya. Tumango naman siya, kaya napaupo ako at saka tumingin sa kaniya.
“Can you tell me why you’re crying?” Nanatili siyang tahimik at hindi tumingin sa akin. Napayuko ako at saka nagsalita, “Hindi mo kailangang sabihin sa akin kung ayaw mo. But please remember, I’m always here for you.”
Umaasa ako na kahit papaano ay umabot ang sinseridad ko sa kaniya. Nanatili kaming ganito, tahimik lang, habang tinatanaw ang pag-alon ng dagat at ang mga ibong lumilipad.
Ilang minute ang lumipas bago siya muling nagsalita, “I’m… I’m sorry for suddenly running away.” Halata sa boses niya ang lungkot at pagod. Umiling naman ako.
“It’s okay, alam kong may rason ka kung bakit bigla kang tumakbo palayo,” sabi ko sa kaniya at tipid siyang nginitian.
Bumuntong hininga naman siya at napayuko.
“I just… didn’t expect to see her here. And, it’s more shocking to know that you two know each other,” mahina niyang usal at saka napatingin sa akin.
Bakit, Reverie? Anong meron sa inyo at bakit ganiyan ang reaksyon mo nang makita mo si Eloise?
“I know I’ve mentioned this to you before, about my father cheating on my mother,” umiwas siya ng tingin sa akin, “remember when you saw me crying last time? Sa hospital? Nalaman ko nang panahong iyon na may anak sa labas si Papa.” Hilaw siyang napatawa at saka umiling.
“At ang kapatid ko? Si Eloise,”
mahina niyang usal. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Sa lahat ng sinabi niya, doon ako nagulat ng husto.
Si Reverie at Eloise, magkapatid? Grabe naman yung pagkakataon, halos hindi kapani-paniwala.
That explains Reverie’s behavior earlier ng nakita niya kami.
“Nang nalaman kong may half sibling ako, halos gumuho yung mundo ko. Akala ko pambababae lang yung gagawin ni papa, pero hindi ko inaasahan na may mabubuntis siya. Pero, ang tanga ko rin kasi bakit pa nga ba ako nagulat, hindi ba? Cheater si papa at maraming babae. Sana nag-expect na ako para hindi na ako nasaktan ng husto ng nalaman ko iyon.”
Halata sa boses niya ang sakit ng sinabi niya iyon. Nanatili lang akong tahimik habang pinapakinggan siya sa mga sinabi niya.
“Pero, eventually, tinanggap ko rin na may half sister ako. Sinubukan kong makipag-close sa kaniya, pero anong kapalit noon? Mga masasakit na salita.” Peke siyang tumawa at saka nagpatuloy sa pagsasalita,
“She didn’t treat me as her sister. Rather, she treated me as her competitor. Hindi ko nga maintindihan kung bakit gano’n, eh. Wala naman akong pinakitang masama sa kaniya para ganoon na lang yung tingin niya sa akin. Parang gusto niyang kunin ang lahat sa akin.”
Habang pinapakinggan ko siya, hindi ako makapaniwala na ang Eloise na kinukwento niya ay ang Eloise na kilala ko. Malayong malayo ang kinukwento niya sa Eloise na kilala ko na mabait at maalaga, at halos hindi masama ang tingin sa iba.
Pero, siguro nga ay merong taong mabuti sa halos lahat, pero masama sa isang tao.
“Reverie, I…” tumigil ako sa pagsasalita ng biglang ngumiti si Reverie sa akin.
“Tell me, how does Eloise, my half-sister, treat you?” tanong niya sa akin at saka tumingin sa langit. Napatingin naman ako doon at kita ko ang pagdilim ng langit.
Bumuntong hininga ako bago nagsalita.
“Eloise was… fun to be with. She had an outgoing personality, she was kind, and she cared a lot for me in the past. She was the friend that I didn’t expect to have,” and the girl I didn’t expect to like, pero hindi ko na iyon sinabi.
“She’s… very different from the girl you just said,” I honestly said. Tumango naman siya at saka pinunasan ang luhang muling tumulo mula sa kaniyang mga mata.
“Yes, I can see that,” mahina niyang usal at saka bumuntong hininga.
“It seems like… she’s nice to everyone except me.”
Hinawakan ko ang kamay niya at saka pinisil iyon. I can’t say anything to make her feel okay, also the fact that this is all surprising when it comes to me, since it involves two people that I personally know.
Napatingin siya sa kamay namin na magkakahawak at saka ngumiti. Hindi ko alam kung ngiting masaya bai yon, or the smile that embodies as thankfulness.
“Do you want to know something else aside from this?” tanong niya sa akin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ako nagsalita, bagkus ay hinintay na muli siyang magsalita.
“I… like you, Finn.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top