DAY 5 , WEEK 2
Just when I thought that things are starting to get slightly better, everything became worse.
Kakasimula ko pa lang na sumaya ulit, ma masanay sa ganitong setup na nandito si Reverie sa tabi ko, na okay lang na maghihirap ako rito araw araw as long as kasama ko siya, pero wala na.
Biglang umalis si Reverie.
Hindi ko alam kung tuluyan na nga ba akong iniwan ni Reverie nang walang paalam, o in-assign lang siya sa bagong pasyente ng hindi ko alam. Umaasa ako na yung pangalawa 'yong totoo, pero ilang araw na ang lumipas at walang dumating na Reverie sa aking silid para tingnan ako.
Kada magpapatawag ako ng nurse, hindi na siya 'ying dumarating. Iba na rin ang nagdadala sa akin ng aking pagkain sa umaga, hapon, at gabi.
Palagi na rin akong chine-check ng doctor at ng mga nurse, at pansin kong mas humigpit na rin sila sa akin.
Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko sa bawat araw na lumilipas, kaya nawawalan na rin ako ng lakas para pagsilbihan 'yong sarili ko. 'Yong bagong nurse na 'yong nagsisilbi sa akin at nagsusubo sa akin ng pagkain ko kada kumakain ako.
"Can we go to this hospital's garden?" nanghihina kong tanong sa nurse na nagche-check sa akin.
"Sorry, sir. Bawal na po kasi nanghihina na po 'yong katawan nyo, baka hindi niyo po kakayanin na lumabas," magalang na sabi ng nurse at saka tipid na ngumiti.
"Kahit sandali lang, hindi talaga pwede? Kaya ko pa naman," desperado kong sabi. Aminado akong nanghihina na nga 'yong katawan ko at parang nawawalan na ako ng lakas, pero pakiramdam ko ay parang masu-suffocate na ako sa silid na ito kung hindi ako makakalabas.
"Sorry, sir. Hindi po talaga pwede," sabi ng nurse at saka tiningnan ako. It's evident in her face that she feels sorry for not allowing me to go outside. Napabuntong hininga naman ako at saka tumango, wala nang magawa dahil ginagawa naman ng nurse kung anong makakabuti sa akin.
Dahil sa paghihigpit nila at pagpupunta sa aking silid ng halos araw araw ay nagduda na ako. Hindi naman sila ganito dati sa akin, pero bakit ngayon ganito?
Lumalala na ba 'yong sakit ko?
Dahil sa pag-aalala na namumuo sa aking puso ay tinanong ko agad si Doctor Miranda ng chineck niya ako. "Dok, lumalala na ba 'yong kondisyon ko?" nag-aalala kong tanong na siya namang nagpatigil sa kaniya.
Ilang segundo siyang napatahimik bago siya bumalik sa ginagawa niya, na tila ba ay hindi niya narinig 'yong sinabi ko.
Nang hindi niya sinagot 'yong tanong ko ay muli naman akong nagtanong sa kaniya. "Dok, nasaan na si Reverie? Bakit wala na siya dito?" Iniba ko n 'yong tanong ko, pero wala pa rin akong may nakuhang sagot kay Doctor Miranda.
Lalong namuo yung takot sa puso ko dahil sa inaasta ni Doctor Miranda at ng mga nurse na nagche-check sa akin.
Nag-aalala ako dahil hindi ko na makita si Reverie, at mas lalo lang lumaki 'yong hinala ko na mas lalong lumala 'yong sakit ko dahil sa inaasta ng mga nurse at doktor.
"Dok, I want to go out," sabi ko kay Doctor Miranda, sinusubukan kung papayagan niya akong lumabas kahit nagsabi na 'yong nurse na hindi pwede. Umiling si Doc Miranda pagkarinig niya ng tanong ko. "I'm afraid you can't go out, Mr. Gaizer. Nanghihina na 'yong katawan mo at mas mabuting dito ka lang," sabi ng doctor at saka malungkot na ngumiti sa akin.
"Bakit, Dok? Sobrang lala na ba ng kalagayan ko na hindi na ko makakalabas?" tanong ko ulit, pero katulad sa mga nakalipas kong tanong ay hindi siya sumagot.
Napabuntong hininga na lang ako at hindi na mulimg nagtanong sa kaniya tungkol sa kalagayan ko.
Everything is not getting any better.
First, Eloise left me because of what I said to her. Nurse Ali left because of my sudden outburst which made her get hurt in return. And now, Reverie is nowhere to be found.
Hindi ba ako karapat dapat na maging masaya kahit sandali? Hindi ko ba deserve ng may kasama habang naghihihirap ako dahil sa saki na 'to?
I felt my tears fall from my eyes. I bit my lips to stop myself from sobbing.
Because of this, parang nangungulila na ako. Parang may isang tao akong gustong puntahan at yakapin ng mahigpit.
Pero, sino?
Biglang sumakit 'yong ulo ko, kaya napapikit ko at napahawak sa aking ulo. "Are you okay, sir?" tanong ng nurse sa akin habang inaayos niya ang kurtina sa bintana. "Yes, I'm fine." I blinked my eyes many times before laying down on bed.
I always knew that my death would come at any given moment or time, but realizing that I might die with no one by my side is quite... sad and depressing.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto, at ang bumungad sa akin ay isang lalaking parang nababalisa. "Sir, may nagpupumilit po na pumasok dito sa silid, kahit ilang beses ko na pong sinabi na hindi po kayo tumtanggap ng bisita," nag-aalalang sabi ng nurse.
"Sino?" tanong ko naman. This is the first time that someone tried to visit me, at nagpupumilit pa nga na pumasok dito. "Si Mr. Gaizer po. Yung papa niyo, sir," sabi ng nurse.
May isang emosyon naman na unti unting namuo sa aking puso. Isang emosyon na tila ba'y matagal ko nang nararamdaman. Ang emosyon na 'to ay... galit.
"'Wag nyong papasukin," may diin kong sabi at saka pumikit. "Okay po, sir. Subukan po naming paalisin," rinig kong sabi ng nurse, at ramdam ko ang pag-alis niya sa aking silid.
Sa ilang buwan ko na pananatili rito, ni isang beses ay wala akong naging balita sa kaniya. Kahit sa pagbisita o tanong ng kalagayan ko ay hindi niy nagawa, at ngayon bigla na lang siyang magpaparamdam ulit?
Naalala ko pa 'yong mga panahong nagloloko siya, 'yong pagdala niya ng babae sa bahay ng halos araw araw. Dahil sa sakit at galit, we left our home that was once filled with warmth.
Pero, sino 'yong kasama kong umalis?
Napamulat naman ako dahil sa gulat nang narinig ko ang biglang lakas na pgbukas ng pintuan sa aking silid. Dahan-dahan naman akong napabangon ng nakita ko kung sino 'yong pumasok; si Papa na halatang galit na galit, habang may iilang nurse naman na nasa likod siya at tila'y pinipigilan siya.
"Sir! I'm sorry, pero hindi talaga tumatanggap ng bisita-" matalim siyang tiningnan ni Papa. "Ano?! Hindi ko pwedeng bisitahin yung sarili kong anak? Baka nakalimutan nyo, ako 'yong nagbabayd ng bills niyan, kaya may karapatan akong pumasok dito!" nagpupuyos sa galit niyang sabi sa isang nurse.
Napatahimik naman ang nurse at hindi na siya pinigilan. Galit na galit naman siyang pumunta sa kinaroroonan ko. "Ikaw naman, bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko? You're making it hard for me to keep your condition a secret to your mom." Talim niya akong tiningnan.
Ramdam ko na parang tumibok 'yong ulo ko nang narinig ko ang salitang 'mom.'
Matalim ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya. "Ah, ngpunta ka pala dito hindi dahil sa nag-aalala kayo sa 'kin, kundi dahil wala ka nang mapapalusot sa kaniya? Gano'n ba?" peke naman akong tumawa. "Paki sabi na 'wag nang mag-alala dahil busy lang talaga ako sa pag-aaral. Tell that person that I'm doing perfectly well and that I'm in good health," sarkastiko kong sabi.
Kita kong napakuyom siya ng kamao niya pagkarinig ng sinabi ko. "At talagang gan'yan ka pa sumagot sa akin ha? Baka nakalimutan mo, ako 'yong nagpapagaling sa 'yo!" sabi niya at dinuruan pa ako.
"Wow, ha. Edi sige, sorry, dok," sabi ko muli, sarkastiko pa rin. "Anak ng-" Sasampalin niya na sana ako ng pinigilan siya ng isang lalaking nurse. "Bitawan mo ako kung ayaw mong masisante ka sa trabaho mo," kalmado pero may diing sabi ni papa.
Umiling naman 'yong nurse. "I'm sorry, sir. Pero, hindi ko po hahayaang saktan nyo po 'yong pasyente namin," mahinahong sabi ng nurse.
Masama niyang tiningnan 'yong nurse bago tinanggal ang pagkakapit ng kamay ng nurse mula sa kaniya at saka bumaling sa akin. "Siguraduhin mong gagaling ka na after two months. Uuwi na 'yong mama mo sa bahay, kaya uuwi ka na rin," pagalit niyang sabi at saka padabog na umalis.
Nang umalis siya ay saka naman akong napatawa ng malakas. "Baliw ba siya? Sino 'yong gagaling sa cancer ng dalawang buwan dahil lang sa gusto niya?" natatawa kong sabi at pinahiran 'yong luhang namuo sa mata ko. Hindi ko alam kung dahil sa tawa na may namuong luha sa mga mata ko, o dahil sa ibang rason.
Tahimik namang nakatingin sa akin 'yong mga nurse. Nang napagtanto kong hindi pa sila umalis ay napatigil ako sa pagtawa at saka bumuntong hininga. "I'm sorry for how he acted earlier." Tumingin ako sa nurse na pumigil sa peste kong ama kanina. "Salamat sa pagpigil sa kaniya, at pasensya na talaga sa inasta niya kanina," sabi ko. Tanging lungkot na ngiti lang ang isinukli niya sa akin.
"Pasensya at salamat po ulit. Pwede na po kayong umalis," magalang kong sabi. Tumango naman sila at saka umalis na.
Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko.
I'm such... a bad child.
Paano ko nakalimutan 'yong sarili kong ina? At paanong kahit may brain cancer ako ay naalala ko pa rin 'yong papa kong manloloko?
Napakuyom naman ako ng kamao ko at saka malalim na huminga ng ilang beses.
I can't imagine how worried she has been that she couldn't reach me, and I didn't text or call her even once to ease her worries.
Pero, ginawa ko 'yon para pigilan ang sarili ko na mas maging miserable. Alam kong kapag marinig ko lang 'yong boses niya, I'm sure I would've breakdown in an instant.
Dalawang araw na ang lumipas nang biglang pumunta rito si papa. Nagpapasalamat na lang ako na hindi na siya muling bumalik at nanggulo rito.
Pero sa loob ng dalawang araw na iyon, naging mahirap ang sitwasyon hindi lang sa akin, kundi pati yung mga nurse na nagbabantay sa akin.
I constantly had seizures, and they had a hard time controlling me whenever I experienced mental or behavioral changes. Every night I also vomit and feel nauseous in the morning.
Because of the past two days, I wished that God would just take me away so I wouldn't experience this pain anymore.
But, the world's cruel. I'm still alive after the constant pain that I've been feeling.
Napatingin ako sa papel nasa mesa, ang papel n naglalaman ng bucketlist ko. Kinuha ko iyon at napatawa na lang ako sa mga nilagay ko.
Bucketlist:
1. Go to an art museum.
2. Live on the beach.
3. Go to an amusement park.
I wrote all of these with the hopes that I could go with her, Reverie.
Ever since we first met, I didn't expect that we would be this close, or that she'd become a great part of my life.
A part of me regretted that I let myself open up to her, but at the same time, glad that I met a person like her.
Napatingin ako sa bintana at muli kong nakita ang mga ibon na nagliliparan sa langit.
Kung mamamatay man ako at muling mabuhay, gusto ko na lang maging isang ibon, isang ibon na malayang makakalipad sa kahit saan man.
"Sir, aalis na po muna ako," biglang sabi ng babaeng nurse pagkatapos niyang ayusin 'yong mga gamit dito sa loob ng silid. Kita sa mukha niya amg pagod, at na-guilty naman ako dahil doon.
"Sige po. Salamat," magalang kong sabi at saka kitang naglakad na siya. Nang bubuksan niya na sana ang pinto ay pinigilan ko siya.
"Sandali lang po." Napatingin naman siya sa akin. "Ano po 'yon, sir?" magalang niyang saad. Nagdadalawang isip ako sa itatanong, pero sa huli ay mas pinili ko na lang na ituloy.
"Pwede ko na bang malaman... kung asaan si Reverie?" Nag-iba ang timpla ng mukha niya nang narinig niya ang sinabi ko.
Napabuntong hininga naman siya. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya ako sinagot.
"Nag-resign na po si Reverie."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top