DAY 5 , WEEK 1

"Alam na ba 'to ng mama mo?"

I stared at my dad's eyes. Hindi ko alam na may kakayahan pa siyang saktan ako ng gan'to akala ko kasi ay manhid na ako sa kaniya.

I shrugged. Para akong sinaksak ng paulit-ulit nang makitang lumiwanag ang mukha niya sa narinig. Hindi niya ba ako tatanungin kung okay lang ako? Knowing damn well, that I have a cancer?

I bit my lower lips to prevent myself bursting into tears in front of him. Why? He knew that I have a cancer yet I never heard any comforting words from him, how can he be this cruel?

Pinaglauan ko ang kamay at hindi na tumingin pa sa kaniyang mga mata. Narinig ko ang ingay ng pinggan, sinilip  ko si dad, doon ay nakita ko siyang nagbabalat ng mansanas.

"Don't tell your mom about this, alam mo naman kung gaano siya mag-alala sa 'yo," he paused, "don't worry, hindi ka mamamatay sa stage 1 na cancer lang. Our family doctor can treat you effortlessly."

This time, I got disappointed again. Ano pa bang aasahan ko sa kaniya? He changed, matagal na. He's no longer treating me as his son.

"Also, pilitin mo ang mama mo na umuwi na. Don't be stubborn, just do what I said." He said with full of authority.

I hate how selfish he is, ni kahit "sorry" man lang ay wala akong narinig sa kaniya! He cheated, he made my mom cry and now that he knew that I have a cancer, he didn't even care a bit.

But even the hate that I have for him, my mom and I cannot manage to leave him alone. We need him financially, my mom is not a degree holder, dahil nga maagang nabuntis si mama ay hindi niya natapos ang pag-aaral niya. Kahit na may kaya naman ang pamilya nila ay mas pinili nitong huwag ng mag-aral upang syempre alagaan ako hanggang paglaki. It is one of the reasons why I love her very much, she gave up everything for me, that's why I want to be a perfect son for her. I want to make her proud, reason why I want to excel in academic so much.

Also, the fact that sobra siyang mahal ni Mama. Kahit na ayaw niya ipakita sa 'kin na umiiyak siya tuwing gabi ay nahahalata ko pa rin. Hindi ko alam kung bakit nakayang saktan siya ni Dad, my Mom is too precious to have him.

I did promised to myself that I won't be a cheater and a jerk for my wife someday, I will love her unconditionally and care for her eternally. Because that's how true love should be.

"I will go for now, remember what I said. Our family doctor will treat you, dapat nasa bahay ka kung gusto mong magamot 'yang sakit mo."

That's what he said before he left. I clenched my jaw while staring at the the door. Napahilamos ako sa aking mukha sa sobrang frustration. My gaze went to the apples he peeled.

I angrily took it and threw the cutted apples away. Binalik ko ang sarili sa pagkakahiga at pinakalma ulit ang sarili. I will never forgive him, over my dead body.

NANG bumalik ulit kami sa bahay ay lagi na akong sinusubaybayan ng doctor. Everything goes back to normal, except sa hindi pagpapansinan ni Mama at Dad. That's a relief though, my Mom should not forgive Dad that easily, much better if she will not.

Hindi ko alam kung gumagaling na nga ba ako o hindi, the doctor never said anything. Sumakit pa rin minsan ang ulo ko pero thankfully, hindi ganoon kasakit 'gaya ng dati. Baka nga gumagaling na talaga ako, sana nga. . .

Hindi pa rin alam ni Mama na may sakit ako, I just told her na gusto kong umuwi sa bahay dahil hindi ako komportable sa bahay ni Lola which is sinunod niya rin naman, that's how considerate she is. Na-gu-guilty nga lang ako kasi ramdam ko ang sakit niya sa tuwing nakikita niya si Papa.

That's for my mom's well being also, paano na lang kapag nalaman niya na may sakit ako? It will hurt her ofcourse.

"FINN! Omg, you're back!" Nagsasayang tumalon si Eloise sa harap ko, hindi ko mapigilang mapangisi. Ginulo ko ang buhok niya.

"I'm back," I grinned. I raised both of my arms in the air.

Napakunot ang nuo ko nang makita ang bahagyang pagtigil niya. She sadly looks away.

Napabuntong-hininga ako nang mahulaan kung ano ang iniisip niya. I also heard her sigh.

"It's okay, I'm getting better now. There's nothing to worry about," I smiled at her to lit up her mood.

It works because she smiled back. She gave me courage to beat this cancer of mine just by looking at her eyes.

"I PACKED you some snacks!" Eloise exitedly showed me her two lunch bags. Dali-dali niyo iyong binuksan sa aking harap. Kumukislap ang kaniyang mga mata habang pinapakita sa 'kin ang laman no'n.

I pursed my lips while looking at the small tupperwares infront of me. Puno iyon ng mga gulay at mga prutas. Nang mapatingin ako sa tumbler na dala niya ay para akong masusuka. It's a fucking cucumber juice? The hell, I hate vegetables with my whole life!

Pinigilan kong ipakita ang nandidiri kong itsura. Nang bumalik ang tingin ko kay Eloise ay nangingiti na ito.

Para naman akong na-guilty, dahil sa ayaw kong mawala ang ngiti sa mga labi ni Eloise ay pinilit kong kinain ang gulay. Dahan-dahan ko iyong nginuya, napangiwi ako nang malasahan ang pait.

Para akong naiiyak habang pinipilit na ngumiti sa harap ni Eloise. Pinatuloy ko lamang ang pagkain hanggang sa maubos ko ito. Inubos ko rin ang cucumber juice na ginawa niya, nang maubos iyon ay para akong sinuklaban ng langit at lupa. It tastes awful, but I don't have a choice but to eat it, I don't want to waste Eloise's time from making this.

Nanghihina akong ngumiti nang matapos ang pagkain. Nagpapasalamat lamang ako dahil hindi napansin ni Eloise ang pandidiri sa mukha ko. Tinikom ko ang bibig nang maramdaman ko ang pagsusuka. Napakapit ako nang mahigpit sa aking pantalon.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa 'kin ni Eloise. Doon ako natauhan, pinilit kong ngumiti at tumango. Mukha naman itong nakumbinsi dahil bumalik ulit ang saya sa kaniyang mukha.

I stared at her, ang paghinga ko ay biglang kumalma at ang kaninang nasusuka kong pakiramdam ay biglang nawala. She's such a fresh breath of air.

"Hindi ko alam na paborito mo pala ang gulay, edi sana lagi na lang kitang ipagbabaon ng gulay 'di ba?" She teased.

Instead of showing my disgusted face, I smiled. Well, I don't mind if she would pack me vegetables everyday, as long as it's her's.

"Sige, wala namang kaso 'yon sa 'kin." Nagkibit-balikat ako.

Napatigil ako nang bigla niya akong niyakap, I froze when my heart began to beat fast. Sana hindi niya marinig kung gaano kabaliw ang puso ko sa kaniya.

"I'm so happy right now. . ." Bumitaw ito sa pagkakayakap at hinarap ako.

"Alam mo 'yong pakiramdam na sa sobrang saya mo ay parang naiiyak ka na?" Everything on her glows while she's saying that. Even her tears that is falling on her face.

For the first time in my whole, I found my hope, a hope that I will be happy again like I used to be.

And this girl that is smiling in front of me right now is my hope.

I wiped her tears away. "What made you happy this much, hmm?"

She pouted, nilayo niya ang kaniyang mukha sa 'kin. "I'm just happy that I met you okay?"

I smiled downward. "As you really should, I am big deal you know." I teasingly raised my one eyebrow.

She side-eyed me. We both laughed.

"Ang hangin mo, jusko."

"KUMUSTA ang Mama mo?"

I almost rolled my eyes in front of him. Why did he care? E siya lang naman ang nanakit kay Mama.

"Obviously, she's not okay, sino na naman kasi ang masisiyahan kung araw-araw niya nakikita ang manloloko niyang asawa, 'di ba?" I sarcastically said.

Pero kahit sa mga salitang binitawan ko ay hindi ito kumibo. Nakatingin lamang siya sa 'kin ng walang kaemo-emosyon.

"Take a good care of her," he sighed, "Pilitin mo rin kumain ng mga masusustansiyang pagkain para naman gumaling ka ng maaga."

I blinked. I didn't expect him to actually say that. Maybe. . . no— I should never forgive him! Dapat lamang na maging matigas ako sa harap niya. I should remind myself that I am just here in his house para magpagaling, nothing more.

"Now, leave to my office." Binalik niya muli ang tingin sa mga papel na nakapatong sa kaniyang table.

Sinunod ko naman siya at umalis na sa kaniyang office. Padabog kong sinirado ang pinto at dumiretso sa aking kuwarto.

Kinuha ko ang cellphone sa bedside table upang sana i-text si Eloise. Hiniga ko ang sarili at napatingin sa notification center ng may biglang nag-chat sa messenger.

Kumunot ang nuo ko nang makitang hindi ko naman kakilala ang nag-message. I continued reading the message.

"Hi? Ikaw 'di ba ang laging kinikuwento sa amin ni Eloise? Finn right? Well, I'm really sorry for disturbing you but my friend really needs you right now. We're here at the Gozon Bar. Please ipagmaneho mo muna sana ang friend ko since lasing na, I can't really drive right now since I'm a little tipsy. Masiyado naman atang unsafe kung sa taxi ko siya ipapahatid hindi ba?"

Agad-agad akong napabangon nang mabasa ang chat. Kumakabog ang puso ko habang sinusuot ang jacket at pants ko. Dumiretso ako paibaba at hindi na nagpaalam pa.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ni Dad at iyon ang minaneho. Ang aking mga mata ay diretso lamang sa daanan. Hindi ko magawang makapag-isip nang maayos dahil sa chat na natanggap ko.

Paano na lang kung may nangyaring masama kay Eloise? What is she doing there by the way?

I sighed and keep those thoughts away. Nang makarating na ako sa Bar na sinabi sa 'kin ng kaibigan ni Eloise ay dali-dali akong pumasok.

Napangiwi ako nang maaninagan ang mga taong nagsisiyawan na mukhang lasing na. Napatakip ako sa aking ilong sa sobrang baho ng alak sa paligid.

It's almost 12:00 pm and it's dangerous for Eloise to stay here. Mga wala pa sa tamang utak ang narito rito tch.

Nang mahanap ng mata ko ang kinaroroonan ni Eloise ay hindi na ako nagpadalos-dalos pa at dumiretso roon. Doon ay nakita ko siyang nakahiga at pulang-pula ang pisngi sa isang sofa.

Napatingin ako sa kaibigan ni Eloise ng bigla itong magsalita.

"Pakihatid muna si Eloise, I'll just stay here muna. It's my bar anyways." Nagkibit balikat ito. Ngumiti ito sa 'kin ngunit agad kong iniwas ang mga mata.

Si Eloise ang pinagtuonan ko ng pansin, agad ko siyang dinaluhan sa sofa. Kinuha ko ang spare jacket ko at pinasuot sa kaniya. Para namang dumilim ang mukha ko nang makita ang suot niya, it's so fucking short! Damit pa ba 'to? E mukhang nakulangan ata 'to sa tela e.

Hindi ko na iyon pinansin pa at binuhat ito ng pa-bridal style. Eloise is completely knocked out. Hinarap ko ang kaibigan ni Eloise na mukha gulat sa pangyayari.

"Aalis na kami, thank you for taking care of her." I bowed a little bit.

Tumango naman ito at may sasabihin pa sana nang tumalikod na ako. Sinuksok ko ang sarili sa mga nagsasayawang tao at siniguradong ligtas si Eloise na buhat-buhat ko, mabuti nga lamang dahil wala kaming nadaanang gulo.

Dahan-dahan kong pinaupo si Eloise sa harap at nilagyan ng seatbelt. Inayos ko ang mga buhok nito na nakaharang sa kaniyang mga mukha.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" I muttered.

Bumuntong hininga na lamang ako at sinira ang pinto ng sasakyan. Lumibot ako at umupo sa driver's seat. Pinagkatitigan ko muna si Eloise bago pinaandar ang sasakyan.

We're halfway through driving when she woke up. Nagpapasalamat ko namang hininto ang sasakyan sa gilid ng seven-eleven. I don't know where she live is, ayaw ko naman siyang gisingin para tanungin lamang siya ng ganoon.

I stared at her while she slowly open her eyes. I heard her sigh when her gaze went up to me.

"You're actually really here, I thought I'm just dreaming," bulong niya na saktong narinig ko naman.

I sighed too. "Do you want a drink? A hot soup perhaps?"

She smiled and nod. Ngumiti rin ako at bumaba ng sasakyan upang alalayan siya.

Nang makapasok na kami sa seven-eleven ay pinaupo ko siya sa isang table. Nang masiguradong komportable na siya sa kaniyang kinauupuan ay agad akong dumiretso sa counter upang um-order.

I ordered a two bottled water, two cup noodles and a sandwich. Nang malagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ay paunti-unti ko itong nilagay sa table namin.

Pansin ko ang pagkatulala ni Eloise na kumimpirma sa 'kin na meron siyang pinagdadaanan. Nakuha ko ang atensiyon niya nang umupo na ako.

She tried to smiled at me, I didn't smiled back. Nilagay ko sa harap niya ang bottled water, sandwich at ang cup noodles.

Napahawak naman ito sa jacket na binigay ko at sinimulan na ang paghalo sa noodles.

"Be careful, it's hot."

Inangat niya ang tingin sa 'kin at tumango. Tahimik kaming kumain hanggang sa maubos ang in-order ko sa table.

Ininom ko ang tubig at binalik ang tingin sa kaniya. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago niya pinutol ang aming pagkatitigan.

"Why are you there? Sa isang bar pa?" Pagsisimula ko.

"Nagkaayan lang kami ni Perry," parang napipilitan niya pang sagot.

"What's the reason, Eloise, you know I can be the someone you can lend on," Pagkukumbinsi ko sa kaniya.

Ngunit hindi iyon umobra, mas lalo niya lang iniwasan ang mga titig ko.

"Kaya ko 'to, Finn. I assure you that this is nothing." She smiled genuinely, so genuine that I almost believe in it.

Bumuntong hininga ako habang pinagkatitigan siya. That hits me, I don't know anything about her. . . kapakanan ko na lang lagi ang kaniyang inuuna, ni hindi ko man lang nga natanong kung kumusta ba siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top