DAY 3 , WEEK 5
REVERIE’S POV:
“Anak, kailangan mo ba talaga umalis bukas?” malungkot na tanong sa akin ni mama habang pinagmamasdan niya akong nag-eempake ng mga damit ko.
Nilagay ko ang natitirang damit ko sa kulay khaki na luggage at saka malungkot siyang tiningnan.
Sa totoo lang, hindi ko gusto umalis sa bahay na ito dahil alam kong kung aalis ako dito ay si mama na lang ang matitira dito, pero kailangan kong umalis dahil hindi ko gustong makita niya akong nanghihina at lumalala ang sakit.
“Opo, ma. Kailangan kong umalis. I need to… heal,” mahina kong saad at saka sinara na ang luggage ko.
“Pero wala na yung inggratang babaeng ‘yon sa pamamahay natin. You can heal here, with me,”pangungumbinsi pa lalo ni mama sa akin.
Weeks ago, I discovered that my ex-boyfriend, Dave, was cheating on me… with Eloise.
Pinuntahan ko noon ang dati kong nobyo sa condo niya para kamustahin dahil ilang araw na kaming hindi nagkikita. And when I entered Dave’s room, I saw him naked… and laying on the bed with Eloise, who was also naked at that time.
To see my boyfriend naked with the woman who is my half-sister, and also someone who hates me is just too much.
Hindi ko aakalain na ganoon kalala at kalalim na ang galit sa akin ni Eloise na magagawa niya talagang agawin sa akin ang aking nobyo, at nakipagtalik pa nga siya.
And because of what happened, nakipag-break ako kay Dave.
Nalaman din ng mama ko ang nangyari, dahil umuwi ako sa bahay ng luhaan dahil sa nakita. Kinuwento ko sa kaniya ang nangyari, at dahil doon ay hindi na siya nakatira sa pamamahay namin ngayon.
The reason why I am leaving this place is not because of my breakup with Dave, but because I don’t want to hurt my mom more by letting her see me getting weak in each passing day.
Ginawa ko lamang na rason ang nangyari para payagan niya akong umalis, because she doesn’t know about my sickness just yet.
Kahit ang sakit sa akin na iwan si mama dito, kailangan ko pa ring gawin. Not just for her, but for me as well.
“No, ma.” Tumayo ako at saka hinawakan ang mga kamay niya. “I need to heal by myself, and away from this place. Dahil kung mananatili ako rito, maalala ko lang si Eloise, at ang ginawa niya sa akin,” mahina kong saad sa kaniya.
Kita ko ang pangingilid ng luha ni mama mula sa mga mata niya, kaya bago ko pa makita ang pagtulo ng mga luha niya ay mahigpit ko siyang niyakap.
“Just… don’t forget to contact me, okay?” sabi ni mama sa nanginginig niyang boses.
“Yes, ma. I will contact you while I am there. I promise,” usal ko at saka hinagod ang likod niya.
I’m sorry, ma.
I hope when the time comes, you will understand why I had to do this.
“Wala ka bang nakalimutan, anak?” tanong sa akin ni mama habang nakatayo kami sa harap ng bahay. Kinuha na ng driver ng taxi ang dalawa kong kulay khaki at itim na luggage, at saka ang isang malaki at kulay black ko na backpack at nilagay ito sa likod ng taxi.
“Wala na, ma. We already double checked earlier, right?” sabi ko sa kaniya at saka nagpasalamat sa driver nang nalagay niya na lahat sa likod ng taxi ang mga gamit ko.
“Sige, ‘nak. Mag-ingat ka, ha? Tawagan mo ako minsan para alam kong nasa mabuti kang kalagayan,” mahinhin na saad ni mama.
Halata sa mukha niya na hindi niya ako gustong umalis, pero wala na siyang magagawa dahil ito na ang naging pasya ko.
“Opo. Kapag nakarating na ako sa vacation house natin sa isla ay tatawagan kita kaagad,” sabi ko sa kaniya para mapanatag ang loob niya.
Napangiti naman siya sa sinabi ko, at sa huling pagkakataon ay niyakap niya ako ng mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik at saka pasimpleng pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.
“Mag-ingat ka roon, ha? Mahal na mahal kita,” madamdaming sabi sa akin ni mama.
“Mahal na mahal din kita, ma.”
And those were the last words we personally said to each other.
With that, I travelled to the island where our vacation house was located.
Dad knows about my decision to leave the house, and I didn’t hear any objections from him.
Hinayaan niya lang akong umalis ng ganoon kadali.
Hindi ko man lang siya nakita sa personal, pero kahit ganoon ay may iniwan siyang puting envelope sa kwarto ko na may laman na pera.
Mabuti na lang at nakita ko iyon bago ako umalis.
The ride was fast, but it felt slow as I reminisced our happiest days when we used to stay at the vacation house while I ride on a boat that leads to the island where our vacation house is at.
When I was young, we used to go to that vacation house to bond as a family. My mom would grill barbecues, while my father would catch a fish as another food for us to grill and eat.
Minsan, dinadala pa ako ng papa ko kapag mangingisda siya, and he would tell me stories about all kinds of fish in the sea.
He is a businessman, but he knows how to fish as well.
Those were the happiest times of my life. And at that time, we didn’t know that papa was having an affair with another woman.
Our happy family was broken just a year ago, when mom accidentally discovered that he had a mistress all this time.
Kaya pala minsan natatagalan umuwi si papa o inaabutan pa ng isang araw bago siya umuwi, may iba pa pala siyang inuuwian.
And what destroyed our family completely was the fact that he had a child with his mistress, which was Eloise.
I looked up to my dad because he was a great man and a great dad even though he changed when I entered my teenage years, but that all changed when it was revealed that he had a mistress.
All of my respect for him was thrown away because of that.
I could never forgive him, lalo na’t nasaktan ng husto si mama dahil doon.
I vowed that I would never find a man like him, a man who cheats, pero parang nilaro ako ng tadhana dahil ang mismong boyfriend ko ay nagtaksil din sa akin, at si Eloise pa talaga ang babae niya.
Even though David tried hard to explain to me about what happened, hindi ko siya pinakinggan. I blocked him on all of my social media accounts at kahit sa number ko.
That’s how I despise cheaters.
Ano pa ba ang dapat niyang i-explain, when it is obvious that he cheated on me?
Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko at saka tinanaw ang malinaw na dagat.
Ang lakas ng ihip ng hangin, pero mainit ito. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay siyang pagsayaw ng mahaba kong buhok. Dali-dali ko naman itong hinawakan para hindi na siya makisabay sa ihip ng hangin.
Titingnan ko lang ang dagat at ang tanawin sa langit when I saw a small island not far from where my boat is at.
“Malapit na tayo, ma’am,” sabi ni kuya sa akin at saka ngumiti. Siya ang nag-oopera sa maliit na barkong ito, at tanging ako, siya, at ang assistant niya lang ang nandito kung kaya ay napakatahimik ng paligid.
Finally, I can almost rest.
Nang nakarating na kami sa isla ay tinulungan ako ni kuha na magbuhat ng mga dala ko at saka tumawag na rin siya ng tricycle.
“Thank you po, kuya,” pagpapasalamat ko sa kaniya habang tinutulangan niya ang driver ng tricycle na itali ang isang luggage ko sa ibabaw ng tricycle dahil hindi ito kasya sa loob kung saan ako uupo.
“Walang anuman, ma’am,” sabi niya naman sa akin pabalik.
Nang natapos na ay sumakay na ako sa tricycle at saka muling bumiyahe papunta sa vacation house namin.
“Diyan lang po, kuya. Maraming salamat po,” sabi ko kay manong driver sabay turo sa harap ng bahay namin. Nilagay niya doon ang mga gamit ko sa harap ng bahay, at pagkatapos noon ay ibinigay ko sa kaniya ang bayad.
Agad niya naman ito tinanggap at saka binilang, at nanlaki ang mata niya nang nabilang niya na iyon. “Sobra naman po yung binigay niya, miss.”
“Sayo na po iyan, kuya. Maraming salamat po ulit.” Nginitian ko siya, na agad niya namang sinuklian.
“Maraming salamat po, miss.” Pagkatapos noon ay umalis na siya, and I was left standing in front of our vacation house.
Sa wakas, nandito na rin ako.
Kinuha ko ang susing binigay sa akin ni mama na nakalagay sa wallet ko at saka ginamit ito para buksan ang bahay.
When I heard it clicked, I slowly opened the door, and what greeted me was the old furnitures of our house.
It was still the same as always, but it’s gotten old and had a lot of dust.
Lungkot naman akong napangiti nang naalala ko ang mga munting alaala namin nina mama at papa sa bahay nito.
Parang kailan lang nangyari ang lahat, and so much has changed since then.
A part of me missed my work as a nurse, and a part of me missed Finn.
But, what’s the point of missing him when I am on the brink of death?
Wala nang saysay para alalahanin siya, dahil pareho kaming mamamatay sa huli.
So, I should just forget this feeling that I can’t seem to acknowledge, for our own good.
That’s what I thought back then, but look at us now.
Nasa iisang silid kami ni Finn, and both of us are slowly getting weaker, both of us are slowly knocking on death’s door.
Hindi ko man mabuksan ang mga mata ko ngayon, pero alam kong nagdudusa rin si Finn ngayon.
But I just hope that he will stay strong despite all of this.
And I hope I could gain some strength soon… so I can see him even just for one last time.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top