DAY 3 , WEEK 4

Dalawang araw na ang lumipas simula nang bumalik na si Reverie mula sa hospital.
I waited for her to tell me about what happened, why she disappeared for days, a week to be specific, but she didn't say anything about it.

Kapag io-open ko naman yung topic na ganoon ay agad niya namang iniiwas. Tila'y ayaw niya itong pag-usapan.
I would understand if she told me that she doesn't want to talk about it, but all she did was deliberately change the topic.
It's hard for me to forget all about it, because I've been worried for days. But for her, it seems as if nothing ever happened, na parang hindi siya nawala ng ilang araw.

"Ah, Finn! Anong gusto mong ulamin mamaya?" she asked and averted her gaze at me. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa halatang pag-iwas niya sa tanong ko tungkol sa pagkawala niya ng ilang araw.

I don't know, but I'm slowly doubting her. I know I shouldn't, but I feel uneasy with her gone for days and how desperate she's trying to hide the reason why she was gone for days, from me.

"Parang gusto ko ng adobo. Na-miss ko yung luto mo niyan eh," sabi ko sa kaniya at saka ngumiti.

Nahihiya naman siyang ngumiti at saka tumango.

"Sige, 'yan na lang lulutuin ko mamaya kasi sabi mo na-miss mo eh. Kaya dapat, marami ang kakainin mo!" she happily said and proceeded to continue wiping the floor.

Napailing na lang ako sa inakto niya at saka nagpatuloy sa paglilinis ng mga isdang nahuli ko kanina.
Pagkatapos kong linisin ang mga isdang nahuli ko ay inilagay ko ito aa tupperwear at saka nilagay sa freezer.
Dahil ilang buwan na rin akong nananatili rito, may mga nakakilala na sa 'kin na bumebenta ng isda, kaya minsan ay may nago-order na ng advance sa akin, o 'di kaya'y nagpapa-reserve kaya madali na rin sa akin makabenta nito.

"Hindi ba pupunta rito si Shasha mamaya?" tanong bigla ni Reverie sa akin.

"Pupunta siya dito mamaya. Na-miss ka kasi no'n. Naiyak pa nga kasi ilang araw ka na niyang hindi nakita. Akala niya umalis ka na," medyo natatawang sabi ko sa kaniya nang naalala ko ang ginawa ko kay Shasha para hindi na siya maging malungkot sa biglang pagkawala ni Reverie noon.

"Ah, sige. Na-miss ko rin kasi siya. Lulutuan ko rin siya ng homemade pizza mamaya," masayang sabi ni Reverie.

Tumango naman ako at magsasalita na sana ng biang tumunog yung phone ko.
Nang tiningnan ko kung sino yung tumawag ay halos nabitawan ko ang aking phone.
Si Doctor Miranda yung tumatawag.

"Reverie, sagutin ko muna 'tong tawag, ha?" pagpapaalam ko kay Reverie. Tumango naman siya bilang sagot at sinenyasan na akong umalis na para sagutin 'yong tawag.
Kaya, lumabas na ako dala yung phone. Nang nakalabas na ako ay tiningnan ko muna kung nasa loob pa rin si Reverie. Nang nakita na nasa loob pa rin siya ay sinagot ko na yung tawag.

"Hello, Doc Miranda," bati ko sa kaniya pagkatapos kong sagutin yung tawag.

"Good day, Mr. Gaizer. I'm sorry to bother you during this time," bati naman ni Doctor Miranda.

Umiling ako at saka sumagot, "No problem, Dok. Ano po sana?" tanong ko sa kaniya.

Sa loob ng ilang buwan ay hindi ako ni-contact ni Doctor Miranda, ngayon lang simula no'ng umalis ako sa hospital.

"I would like to remind you that anytime soon, kailangan mo nang bumalik dito sa hospital," mahinamg sabi ni Doctor Miranda sa akin.

Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya. Nakalimutan ko, panandalian lang pala itong ordinaryong buhay ko. May katapusan pala ang ilang buwan na hindi ko pagramdam ng sakit.

"As you may already know, anim na buwan lang ang epekto ng tinusok sa 'yo para mawala yung nararamdaman mong sakit at sintomas. After that, babalik ang mga sintomas na nararamdaman mo, and it may come as a shock sa katawan mo," pagpapatuloy no Doctor Miranda sa sinabi niya.

Napahinga naman ako ng malalim ng narinig ko ang sinabi niya.
"Then, Doc, does that mean..." hindi ko na itinuloy yung sasabihin ko dahil gusto kong manggaling iyon mismo kay Doctor Miranda, bilang kompirmasyon. 

"Yes, Mr. Gaizer. The moment na mawala na yung epekto ng gamot sa katawan mo, sabay-sabay na babalik yung sakit at sintomas na nawala ng ilang buwan, at maaaring hindi kayanin ng katawan mo. Kaya, I recommend that you go back here before that happens," sabi ni Doctor Miranda.

Ang bilis, hindi ko namalayan na malapit nang mag-anim na buwan simula nang napunta ako sa islang ito.
Naramdaman ko ang pagkirot ng aking puso nang naisip ko na anytime soon, iiwan ko na si Reverie sa islang ito para bumalik sa hospital.

"Okay, dok. Thank you for reminding me. I will contact you po kapag babalik na ako sa hospital," sabi ko sa kaniya.

"Yes, please do so, so that we can prepare your room here before you finally arrive."
Pagkatapos noon ay nagpaalam na kami sa isa't isa ni Doctor Miranda. Nang ibinaba ko na yung phone ay muli akong napabuntong hininga.

Dahil malapit na akong bumalik sa hospital, I should spend my remaining days here peacefully. I will spend more time with her.
Simula noon ay ilang araw kong inayang lumabas si Reverie. We went to a resort, and we even went to the city para mamasyal. I took her out on dates so that before I leave, may mga masasayang alaala kaming nabuo.

"Shasha! Sandali lang!" sabi ko kay Shasha namg bigla siyang tumakbo. "Habulin nyo ako!" masaya niyang sabi habang tumatakbo pa rin.

Nagkatinginan kami ni Reverie at parang pareho kami ng iniisip. Ngumiti kami sa isa't isa at sabay na tumakbo para habulin si Shasha.

"Kapag mahuli ka lang talaga namin Shasha, humanda ka!" sabi ko sa kaniya na may halong biro. Napatawa naman si Shasha at Reverie sa sinabi ko. Kaya mas binilisan ni Shasha ang pagtakbo.

Nang malapit na ako sa kinaroroonan ni Shasha, I extended my hand so I could reach her. Nang naabot ko na siya ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya, rason kung bakit siya napatigil sa pagtakbo.

"Huli ka!"
masaya kong sabi at saka kiniliti siya.

"Kuya Finn!" natatawang pagtawag ni Shasha sa akin habang kinikiliti ko siya sa kilikili niya.

"Ate Riri! Tulungan nyo po ako," sabi ni Shasha kah Reverie nang nakita niya itong nasa tabi ko. Natatawang hinawakan ni Reverie si Shasha, at imbes na tulungan niya itong makawala sa akin ay hinawakan niya ang dalawang kamay niya para hindi siya dali daling makawala sa kiliti ko.

"Ate Riri naman!" bulalas ni Shasha nang nakita niya ang ginawa ni Reverie.

Pareho kaming napatawa ni Reverie dahil sa biglang pagbulalas ni Shasha. Pagkatapos noon ay ipinagpatuloy ko ang pagkiliti sa kaniya. Natapos ang araw namin na parehong masaya, at si Shasha na halos hiningal na dahil sa paglaro namin at sa pagkiliti namin sa kaniya.

"Maraming salamat po,"
sabi ni Shasha sa amin.

Ngumiti naman ako sa kaniya at saka ginulo amg buhok niya.

"Dahil sa inyo, may kalaro na po ako. Sana, tumagal po kayo rito, kasi masaya po ako na nakakalaro ko po kayo," dugtong ni Shasha. Ramdam ko naman ang pagkirot ng puso ko dahil sa narinig. Napatingin naman ako kay Reverie at parang may kakaiba sa kaniyang mga ngiti. Parang may halong lungkot, o baka imahinasyon ko lamang iyon.

"Ingat ka pauwi, Shasha,"
sabi ni Reverie sa kaniya. Ngumiti naman at kumaway si Shasha sa amin at saka umalis na.

"Tara sa loob?"
aya ni Reverie sa akin.

"Tara," sagot ko naman sa kaniya at saka ngumiti. Pagkatapos noon ay pumasok na kami sa loob ng bahay.

Hindi pa rin matanggal sa isip ko yung kakaibang ngiti ni Reverie kanina. May kaugnayan ba iyon sa ilang araw niyang pagkawala dito? O 'di kaya ay, baka nasobrahan lang ito sa pag-iisip ko?

"Finn, are you a good drinker?" biglang tanong ni Reverie. Bigla naman akong napatingin sa kaniya dahil sa tanong niya.

"Yes, are you?" I asked in return.

"Do you want to know?" tanong ni Reverie sa akin at saka ngumiti. Bago pa man ako makasagot ay may inilabas na siya na dalawang bote ng beer mula sa refrigerator.

Nanlaki naman ang mata ko nang nakita iyon.
"Kailan pa tayo may alak sa ref?" naguguluhan kong tanong habang tinitingnan siya na buksan yung dalawang bote ng beer.

"Kanina ko lang 'to binili, noong nagtitinda ka sa labas ng mga nahuli mong isda," sagot naman ni Reverie sa akin sabay abot ng bote ng beer. Napailing naman ako at saka tinanggap yung inabot niyang beer at saka umupo sa upuan.

"Anong nangyari at biglang gusto mong uminom ng beer?" I asked, at saka tumungga na ng beer. Pagkatapos kong tumungga ng beer ay ibinaba ko na ang beer at saka tumingin sa kaniya.

Nakatingin siya sa bote ng beer at saka sumagot,
"Wala naman, gusto ko lang uminom ngayon," simple niyang sagot at saka tumungga na.

Gusto niya lang uminom? Hindi ako naniniwala na gusto niya lang biglang uminom. Pakiramdam ko, may mas malalim pang rason kung bakit gusto niyang uminom bigla.

Inilagay niya yung bote ng beer sa mesa at saka pinunasan yung bibig niya.
Kumuha pa siya ng ilang bote ng beer sa ref bago tuluyang umupo.

"The first one who gets drunk is a loser," Reverie said and smirked.

"Ah, talaga ha? Ako pa talaga hinamon mo," natatawa kong sabi sa kaniya.

Nanghahamon niya lang akong tiningnan.
"Oh, sige! Don't blame me if you get super drunk later," sabi ko sa kaniya, accepting her challenge.

Pagkatapos noon ay uminom lang kami ng uminom hanggang sa inabot na kami ng ilang bote bago kami tuluyang nalasing.

"Alam mo ba," Reverie said, she hiccuped and lazily looked at me. Halata sa boses niya na lasing na siya.

"I don't like my father," sabi niy at saka hilaw na napatawa. "I don't like my father. He's a cheater. Sinaktan niya si mama. Nagdala pa ng ibang tao sa bahay," dugtong niya at saka tumawa.

I realized then na parehas kaming hindi gusto yung papa namin, na parehas na nagloko yung papa namin.
"I hate him! I hate him to the core!" sigaw niya habang nakapikit ang mata niya.

"I hate my father too. I f*cking hate him!" sigaw ko rin, dala na ng alak at dala na rin sa mga sinabi niya. At that moment, pakiramdam ko ay pwede kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko, ang lahat ng masakit na pinagdaanan ko, my frustrations.

"I hate my life, I hate myself, I hate everything! Bakit sa dinamirami ng tao, ako pa talaga nabigyan ng ganitong sakit? Bakit? Gusto ko pang mabuhay."

Napatingin naman si Reverie sa akin ng narinig niya ang sinabi ko. Kita kong unti unting namuo ang luha mula sa mga mata niya.

"Why were we given this kind of life? Why are we the ones who suffer the most? Why? Ano ba ang ginwa natin? What sin did we commit para bigyan niya tayo ng ganitong kahirap na buhay? Bakit—" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng unti unting natulo ang mga luha mula sa kaniyang mga mata.

I can feel her frustration about her life, about the misfortunes that she received, and how sad she was that I have this disease that can't be cured.

Dahil doon ay naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko, at ang unti unting pagtulo ng mga luha mula sa mata ko.
Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. I then cupped her face. Kita ko ang pamumula ng kaniyang mata dahil sa pag-iyak.

I wiped her tears. And I don't know if this is because of the alcohol I drank, but I can feel that I have the courage to do what I always wanted to do.

Slowly, nilapit ko ang mukha ko sa kaniyang mukha. Parang naintindihan niya kung ano ang nais kong gawin, kaya pinikit niya ang kaniyang mga mata. That's when I knew she gave me her permission.

Finally, I felt my lips press on hers.
And before I realized what I was doing, I woke up the next day with her by my side, both naked.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top