DAY 3, WEEK 2

It's already Friday, and tomorrow Reverie won't be here to look after me, and the day after that too. Honestly, I don't know if I'm happy or sad for tomorrow.

But what I know is, I'm glad she'll be returning after the weekend.

"Anong oras ka aalis mamaya?" tanong ko sa kaniya habang binubuklat 'yong notebook na naglalaman ng notes. "5pm ako maga-out dito," sagot niya naman. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas tres pa lang ng hapon May dalawang oras pa ako para makasama siya.

Napatigil naman ako sa aking naisip.

No, hindi. Natatagalan lang ako sa oras at nagmamadaling pabilisin ito dahil hindi na 'ko makapaghintay na umalis siya.

Nagpatuloy na lang ako sa pagbuklad ng notes at nakita naman ang isinulat ni Eloise sa huli na nakapagpatibok sa aking puso. Hinaplos ko ang mga letrang nakasulat sa papel, at muling naramdaman ang pagbigat ng aking puso. Hindi ko alam kung kailan pa mawawala ang pangungulila ko sa kaniya, kung posible pa nga ba itong mawala, o madadala ko ito hanggang sa kunin na 'ko sa mundong ito.

"Ayan ka na naman, natutulala habang nakatingin sa notebook na 'yan," marahang sabi ni Reverie. Hindi na ako nagulat na napansin niya nang may importansya sa akin ang kwaderno na ito. "Of course, this is important," I said, pertaining to the notebook that's in my hands.

"Sino ba yung nagbigay niyan sa 'yo?" kuryoso niyang tanong sa akin. Napabuntong hininga naman ako, nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba sa kaniya kung sino 'yong nagbigay sa akin ng kwaderno, o hindi dahil ayokong magkwento ng kahit na ano sa kaniya tungkol sa buhay ko. "It's okay, you don't have to tell me if you don't want to," she assured me.

Tipid naman akong napangiti. I bit my lip, and decided to tell her the importance of this piece of notebook. "The one who gave me this... is someone who's special to me," mahina kong usal. Kita ko na parang nag-iba 'yong mukha niya ng ilang sandali bago bumalik sa dati niyang ekspresyon. "Was it your girlfriend?" Natawa naman ako sa tanong niya. "Hindi, she didn't become my girlfriend, nor I asked her to become one." Muli kong hinaplos ang kwaderno bago ito nilagay sa mesang nasa tabi ko.

"So that means, it was a very special friend?" Tumango ako, bilang pagsasang-ayon sa kaniyang tanong. "She was a very special friend of mine. She was my first friend, and the first girl that I ever... liked," mahina kong usal at saka napangiti.

"Does she... know?" she carefully asked.

"She sadly knows," saad ko naman at saka tiningnan siya. "She was the one who took care of me while I was here. And," tumingin ako sa kwadernong nakalapag sa mesa, at saka tiningnan siya ulit, "she was the one who gave me this." My memories with Eloise continued to flow back, and it made my heart hurt more than what I can imagine. "Palagi siya noon pumupunta rito, para alagaan ako, take me out on a walk sa hardin ng ospital na ito, at ibigay sa akin ang kwaderno na ito para hindi ako mahuhuli sa klase. Minsan, kung alam niya, siya yung nagtuturo sa akin."

"She's a very bubbly, and at the same time, friendly person. She was caring, and she would always look after me even before I arrived here. She was the one who always lit up my day," sabi ko at saka napabuntong hininga. "Then, did something happen? Nang ako na nagbabantay sa 'yo, wala nang bumibisita sa 'yo," tanong niya naman.

Bigla naman siyang napasinghap, tila ba'y may napagtanto siya. "I'm sorry for asking you too many questions, I'm just genuinely curious," saad niy at nahihiyang ngumiti.

Tipid naman akong ngumiti at saka umiling. "It's okay," I said, and saw her sigh in relief. "After I received the news that my cancer is already on stage 2, I felt sad, angry, and disappointed. I couldn't believe it, and said some things to her because of what I felt. And because of those feelings, I told her to never come back here again," malungkot kong sabi at napapikit.

Her face flashed in my mind. Her hazelnut eyes, and her smiling face whenever I ate the food she brought, and her laughter whenever she's happy.

"I bet... you miss her a lot," aniya at ramdam ko ang paglagay niya sa kaniyang kamay sa balikat ko. Iminulat ko naman ang mata ko at nakitang nakatingin siya sa akin habang nakangiti. "I do miss her a lot," sabi ko, may bahid na pangungulila sa boses ko.

"I know that she misses you too, and hopes for you to be cured," she assured me, which made my heart a little lighter. I smiled, and mouthed a thank you which she answered with a tap on my shoulder.

That's how my conversation with Reverie ended. And with that, she left.

The first day without Reverie was quite strange. I was used to her nagging and for always going against what I wanted. But, with the temporary nurse that's with me, I had no problem with doing what I wanted.

And apparently, the nurse that was temporarily assigned to me was the nurse that assisted me together with Eloise which, I don't know, made things awkward and kind of heavy.

"Can I ask something, sir?" tanong sa akin ng nurse habang tinutulak niya ang wheelchair papunta sa hardin ng ospital. "Ano 'yon?" tanong ko naman. "Hindi na po ba kayo pinupuntahan no'ng palaging nag-aalaga sa 'yo, sir?" There was a defeaning silence after she asked her question. Tumikhim siya, tila alam na niyang hindi ako kumportable sa tanong niya, kung kaya ay hindi na siya nagtanong pa tungkol doon.

Sa pangalawang araw na wala siya, doon ko napagtanto na parang bumalik ako ulit sa buhay ko na tahimik, na walang bumubukas ng kurtina kada umaga, na walang nang-iinis at tumututol sa akin, at sa buhay na si Eloise lang ang nilalaman ng isip ko.

That's when I also realized that Reverie was the one who kept me distracted with my thoughts. I realized, it was too late to distance myself from her, because I was already beginning to get attached without me knowing.

Naramdaman ko ang init na nagmula sa araw. Nang napagtanto ko na hindi ito gawa ng in-assign sa akin na temporary nurse, agad akong napamulat at biglang napabangon mula sa hinihigaan ko. Pagkatingin ko sa kaliwa ko ay nakita ko si Reverie na inaayos 'yong kurtina. Nang napansin niyang may nakatingin sa kaniya ay agad siyang napatingin sa direksyon ko.

Doon ko muling nakita ang mga mata niya, ang mga mata niyang hinangaan ko, at patuloy kong hinahangaan. I saw how her lips slowly curved into a smile, and how her eyes smiled as well.

"I'm back, Finn," sabi niya. And for the first time in a while, I smiled genuinely. "Welcome back, Reverie."

"Nagpakabait ka ba habang wala ako?" she curiously asked while peeling the banana. "Of course, it was peaceful while you were away," pabiro kong sabi na nakapagpairap naman sa kaniya. "Sus! Alam kong na-miss mo rin yung pang-iinis ko sa 'yo," sabi niya, at pagkatapos no'n ay ibinigay niya sa akin 'yong saging. Hindi ko maitanggi na parang na-miss ko nga 'yong pang-iinis niya, kaya napailing na lamang ako at kinuha 'yong saging mula sa kaniya.

Tatlong araw na ang lumipas, at parang bago ang lahat sa akin. Mula nang bumalik siya, hindi na kami nagtatalo at tila ba'y pinagbibigyan niya na ako sa lahat ng gusto ko. At sa hindi malamang dahilan, parang may nag-iba sa kaniya. Palagi naman siyang nakangiti, pero ang mga mata niya ay parang puno ng lungkot.

Nandito kami ngayon ni Reverie sa hardin. Katulad pa rin ito ng dati, maraming mga pasyente na nandito at ang ganda ng ihip ng hangin. Ang tanging nag-iba lamang ay si Reverie. Kita kong malalim ang iniisip niya at napansin kong ilang beses na rin siya bumuntong hininga.

May nangyari ba nang umalis siya noong weekend? O baka may problema siya bigla kaya parang nag-iba siya?

“Reverie,” tawag ko sa kaniya, pero tila’y hindi niya ako narinig at nagpatuloy pa rin siya sa pagtingin sa malayo. “Reverie,” ulit kong tawag sa kaniya, pero wala pa rin. Sa pangatlong pagkakataon, mas nilakasan ko ang boses ko sa pagtawag ko sa kaniya. “Reverie!” napatingin naman siya sa akin at kita kong tila ba’y napabalik na siya sa kaniyang ulirat. “O-oh, ano ‘yon, Finn?” gulat na gulat niyang sabi sabay tingin sa akin. “O-okay ka lang ba?” ng-aalala kong tanong. Tumango naman siya at tipid na ngumiti. “Oo naman, okay na okay,” sabi niya at nag-thumbs up pa sa akin. Wala naman akong magawa kung ‘di ay maniwala sa kaniya, kahit na alam kong ang totoo ay hindi siya ookay.

Pagkabalik namin sa silid ay siya ring pagpunta ni Doctor Miranda kasama ang isang nurse para tingnan ang kalagayan ko. “So far, wala ka namang ibang nararamdaman kundi ‘yong mga naramdaman mo noong nakaraan?” pagsisigurado ni doc Miranda. “Yes, doc. ‘Di ba?” sabi ko sabay tingin kay Reverie, sumang-ayon naman siya sa sinabi ko. “Aside from him feeling that his body has become weaker, there are no any signs thus far for any other symptoms from occurring,” marahang sabi ni Reverie. Napatango naman siang doktor sa narinig. “As always, immediately call for me if anything happens, okay?” Pareho kaming tumango ni Reverie sa sinabi ng doctor. Pagkatapos no’n ay umalis na sila ng kasama niyang nurse.

Kung iisipin, halos tatlong buwan na akong nandito sa ospital, at wala pa ring magandang progreso at tila’y mas lumalala lang ang aking sakit. Dahil do’n, parang mas lalo lang akong nanghina at nawawalan ng pag-asa. Dahil sa bigat ng nararamdaman, napahiga na lamang ako.  “Reverie, matutulog muna ako,” sabi ko at tuluyan nang pumikit.

May narinig akong humihikbi, kaya’y napamulat ako at nang tumingin ako sa aking kanan, nakita kong si Reverie ang humihikbi. Nanlaki naman ang mata ko, at kasabay no’n ay bumalik ang alaala ko sa panahon nakita kong umiyak si Eloise. Nanikip naman ang dibdib ko nang naalala iyon. “El—Reverie?” pagtawag ko. Muntik ko pang mabanggit ang pangalan ni Eloise, at buti na lang ay napagtanto kong ang nasa harap ko ay si Reverie at hindi siya.

Gulat namang napatingin si Reverie sa akin at saka pinunas ‘yong luhang lumalabas mula sa kaniyang mga mata. “O-oh, Finn. Gising ka na pala,” aniya at saka ngumiti na tila ba’y hindi siya galling sa pag-iyak. Napabangon naman ako at hinawakan ang kaniyang balikat, na ikinagulat niya. “May sinabi ba yung doktor tungkol sa kalagayan ko, kaya ka umiiyak? O umiiyak ka dahil sa ibang rason?” malumanay kong tanong, may bahid na takot mula sa puso ko dahil sa nangyari sa amin ni Eloise noon.

“A-ah, wala. Sa ibang rason ‘to,” mahina niyang sabi at saka iniwas ang kaniyang tingin.

Ito anng kauna-unahang beses na nakita kong umiyak si Reverie. Hindi ako masayang makita siyang ganito, dahil nasanay akong palagi siyang ngumingiti at nang-iinis sa akin, kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong nakita ko siyang umiyak.

“Would you like to tell me what happened? Or if you don’t, It’s okay. You can cry as much as you want. I won’t mind,” I said, assured her that it’s okay to tell me her problem and for her to cry in front of me. Unti unting namuo ulit ang luha mula sa kaniyang mga mata. She bit her lip to prevent herself from sobbing, but when I offered her my arms, she started to sob, and tears finally fell from her eyes.

“Here,” I urged her, as she still had doubts whether she could hug me or not. And without further delay, she hugged me. I hugged her as tight as I could, and I can feel my shoulder becoming wet because of her tears. I felt my heart was being crushed, it pains me to see her cry like this.

So as I hugged her, I gently caressed her back and whispered countless times that everything was going to be okay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top