DAY 2 , WEEK 5
REVERIE’S POV:
I can feel my body becoming weaker every second. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Kahit ang pagmulat sa mga mata ko ay hindi ko rin magawa.
Humihina na ako ng humihina.
Malapit na ba ako mawala sa mundong ito?
“Reverie.”
Nang narinig ko ang boses na yon ay parang gusto ko na lang magsaya.
Si Finn, si Finn yung tumawag sa akin.
Ramdam ko ang paghaplos niya sa mukha ko. Gusto ko man siyang makita ay hindi ko rin magawa dahil hindi ko mamulat ang mga mata ko.
I have the tiniest bit of strength left.
Finn, I’m sorry. I hope I can explain everything to you.
But I can no longer do so, with this weak body of mine.
Kaya habang dinadaramdam ko ang bawat paghaplos ni Finn sa mukha ko, muli kong inalala kung saan nagsimula ang lahat.
“Eloise, meet your half-sister, Reverie,” pagpapakilala ni papa sa akin sa babaeng nasa harap ko ngayon.
Eloise.
So that’s her name.
The name of my half-sister, the result of my father’s infidelity.
“H-hello,” I tried to greet her, although I cracked my voice because of all the negative emotions that feel right now. I fiddled my fingers and tried my best to look at her, although I feel a lot of discomfort right now.
“Hi,” she plainly greeted back and timidly smiled.
Sa totoo lang, gusto ko siyang kamuhian. Gusto ko siyang tratuhin ng masama at sabihin sa kaniya lahat ng masasamang salita na nasa isip ko ngayon.
Bakit ka pa nabuhay?
Bakit pinatulan pa ng nanay mo ang ama ko, gayong alam na niyang may pamilya na ito?
Bakit nandito ka ngayon? Anong karapatan mong tumapak sa pamamahay namin?
Bakit?
Sana hindi na lang kayo nagpakita.
Kahit may mga ganoong mga salitang nananatili sa isip ko, pinigilan ko ang sarili ko na sabihin ito dahil hindi ito tama, lalo na at nasa harap pa ang aking ama.
“Dalawang taon ang tanda sa ‘yo ni Reverie, kaya tawagin mo siyang ate bilang pagrespeto,” dugtong na sabi ni papa sa kaniya.
Siya? Tatawagin akong ate?
I bet she doesn’t even want to call me her sister.
Kasi kahit ako, sa kaloob-looban ko, ayoko rin.
Umalis na si papa at nanatili kaming dalawa na kumakain sa hapag-kainan. Walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa, kaya nabalot ng katahimikan ang buong hapag.
Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko dahil doon.
This… this is suffocating me.
I just want this to be over now.
Seconds after I said those in my mind, nakita kong nagligpit ng pinagkainan si Eloise at akmang aalis nan ang pinigilan ko siya.
“Sandali,” mahina kong usal.
Kita kong napatigil siya sa paglalakad, at pagkatapos noon ay tumingin siya sa akin.
Kahit nagdadalawang isip pa man, tinuloy ko pa rin ang nais kong itanong. “Does he… treat you well?”
Does he treat you better than me? Is what I wanted to ask, but I held myself back ang waited for her answer.
Pero halos tumaas ang kilay ko nang bigla siyang natawa pagkatapos niya marinig ang sinabi ko.
“What do you think?” she asked, with a hint of amusement and insult in her voice. Umiba ang ekspresyon sa mukha niya at tila’y tawang tawa siya sa tinanong ko.
What does that mean…?
Bago pa man ako makapagsalita ay muli na siyang tumalikod at umalis na ng tuluyan sa hapag-kainan.
And I just know, living with her won’t be easy.
I thought that was the only thing that will cause me a lot of negativity and discomfort, but then I was wrong.
When I visited the doctor after that meeting, I discovered something that I never thought I would have.
“I’m sorry. You have only a little time left,” saad ng doctor at saka yumuko.
I can’t believe it…
Akala ko ang mga simtomas na nararamdaman ko ay sanhi lang ng pagtatrabaho ko, pero hindi pala. May isa na pala akong malubhang sakit.
May taning na ang buhay ko.
Hindi ko alam kung matatawa baa ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, o magwawala dahil sa dinamirami ng tao sa buong mundo, ako pa talaga ang nagkaroon ng ganitong sakit?
At pagkatapos noon ay doon na tuluyan na nagbago ang buhay ko.
Kung noon ay dalawa lang kami palagi sa bahay ni mama dahil palaging nasa opisina si papa, ngayon ay tatlo na kami kasama ang anak sa labas, si Eloise.
Pero kung iisipin ay parang ganoon pa rin, katulad pa rin ng dati. Dahil sa totoo lang, hindi ko ganoon ka ramdam ang presensya ni Eloise dito.
Tila’y isa lang siyang multo na pagala-gala dito sa bahay.
Nang nalaman ko na may taning na ang buhay ko, napag-isipan kong mag-resign na lang at magpahinga. Pero, marami akong maiiwan doon.
Kasama na doon si Finn na naging malapit ko nang kaibigan.
“Eloise, papasok ka na sa school?” I carefully asked her nang nakita ko siyang lumabas sa kwarto niya na may dalang kulay itim na Secosana handbag. She’s wearing her white polo top uniform with a small red ribbon, the above the knee navy blue skirt, and her 2-inch black shoes paired with knee length white socks.
Napatingin siya sa akin at saka sumagot, “Yes.”
Sa ilang buwan na pananatili niya rito, kahit ilang beses kong sinubukan na maging malapit sa kaniya ay siya rin mismo ang hindi tumutulak sa akin palayo.
As if there’s a high wall between the two of us.
Is that how much she dislikes me? To the point that she would rather live like a ghost than force herself to be okay with me and my mom?
Or maybe… she sees me as her competitor?
I shook my head and dismissed all the thoughts that I have in my head.
“Ah, sige. Ingat ka,” sabi ko na lamang sa kaniya at saka tipid siyang nginitian.
After that, I didn’t put much effort into getting close to her.
What’s the point if it’s evident enough that she doesn’t like me? And treats me as her competitor?
And what’s the point… if I also don’t like her?
Siguro nga, mas mabuting parang sang multo na lang siya dito sa bahay.
Napatakbo ako sa lababo nang napalakas ang pag-ubo ko. I almost closed my eyes when I felt my throat hurting while coughing loudly. Dali-dali akong kumuha ng towel na nasa gilid ng lababo at saka ginamit itong pangtakip sa bibig ko para hindi na maging ganoon kalakas ang pag-ubo ko.
Mabuti na lamang at wala dito si mama. Hindi niya maririnig ito.
Nang hindi na ako naubo ay kinuha ko na ang towel na nakatakip sa bibig ko, at halos namutla ako nang nakita ko na may bahid itong dugo.
Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko, halos hindi na ako makatayo kaya napahawak na lamang ako sa lababo.
"No, I have to be strong," bulong ko sa aking sarili at hinigpitan ang pagkahawak ko sa bimpong nasa kamay ko.
I had no time to waste, kaya bago pa ako maabutan ng mama ko rito ay dali-dali kong pinunasan ang bibig ko at saka kinuskos ang towel para mawala ang dugo.
I can’t afford to let her see this.
I can’t let her know that I have an illness.
I can’t let her know that I have little time left.
Kaya pagkatapos noon ay pinilit ko maging maayos sa harap ni mama, kahit na sa totoo ay unti-unti nang nagpapakita ang simtomas ng sakit ko.
Dahil doon, napagdesisyonan kong mag-resign na bilang nurse.
“Thank you, Doc Miranda,” sabi ko kay Doctor Miranda at saka ngumiti.
Ito na ang huling araw ko bilang nurse, kaya nagpaalam na ako sa lahat ng mga kasama ko, except for one person.
“Thank you for everything, Nurse Reverie. I hope you rest well,” saad niya at saka ngumiti.
“Are you sure you won’t take the medicine though? Isa lang ‘yon, at kung ibibigay mo nga kay Finn ay wala na akong maibigay sa ‘yo kapag bibili ka,” mahabang lintaya niya at saka tumingin sa aking mga mata.
“Yes, doc. I’m sure. I will give it to him instead.”
The medicine allows the person to feel well for a couple of months, making the symptoms stop showing during that period of time.
That’s why if you take that medicine, you will be able to live like a normal person for a couple of months, and I want Finn to experience it again.
I want him to enjoy his life much more, even if it is only for a limited time.
Kaya ko ibinigay sa kaniya iyon, kahit na may sakit din ako.
Napatango na lamang si Doctor Miranda sa naging sagot ko at saka bumuntong hininga.
“Then before you go, you should say goodbye to him first.”
Ngumiti lamang ako sa kaniya nang narinig ko ang sinabi niyang iyon.
Pagkatapos ay nagpaalam na akong lalabas.
I’m sorry, pero hindi ko magagawa ang sinabi mo, doc.
I quietly entered Finn’s room and saw him peacefully sleeping.
Unti-unti ko naman siyang nilapitan. Napakaamo ng mukha niya, pero kapag naiinis siya nagmumukha siyang bata sa paningin ko.
Napatawa naman ako ng mahina nang naalala ko ang mukha niya kapag naiinis na siya sa akin.
Ang dali niya talaga mapikon, but him showing his annoyance with me just shows he is already comfortable around me, right?
I will surely miss him.
"Goodbye, Finn,” I whispered.
With that, I quietly left the room and disappeared from his life.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top